Kabanata 2088
"Kaya pala naglaho yung Celestial Abode sa Mount Bane. Na'kay James na pala!"

Tumingin si Delainey kay James ng may paghanga at nakangiting sinabi na, "Sa ngayon, hinuhulaan ng mga Outsider kung sino ang nakakuha sa Celestial Abode. Walang nakakaalam na ikaw ang nakakuha dito!"

Ang sabi ni James, "Sunud-sunod ang pagdating ng isang daang libong sundalo, at aabutin ng ilang oras bago sila makarating sa Mt. Thunder Pass. Tara, ililibot ko muna kayo sa loob ng Celestial Abode."

Kinumpas niya ang kanyang kamay, at sumulpot ang lagusan papasok sa Celestial Abode. Humakbang paharap si James at pumasok siya sa Celestial Abode.

Sumunod sa likod niya ang tatlo.

Pagkatapos nilang pumasok sa kagusan, sumulpot sila sa tuktok ng isang bundok.

Napakalaki ng bundok at puno ito ng mga Empyrean fruit, na puro mga mabisang tonic. Pagkatapos nilang sumulpot sa tuktok ng bundok, naaamoy nila ang mabangong amoy ng mga Empyrean fruit. Higit pa dito, ilang beses na mas malakas ang Empyrean Spirit
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP