Tulala na umiling si James at sinabing, "Hindi."“Napakatanga mo. Medyo babagal na ako sa pagkakataong ito, kaya mas mabuting bigyan mo ng pansin."Binunot ni Sophie ang kanyang mahabang espada at muling ipinakita ang pamamaraan.This time, kitang-kita na ni James ang mga galaw niya.Habang itinaas ni Sophie ang kanyang mahabang espada, nasulyapan ni James ang lahat ng mga diskarte sa espada na pinagkadalubhasaan niya. Nakikita niya ang kaunting Thirteen Heavenly Swords, Polaris Sword Art, at ang First Sword Art.Sa konklusyon, ang lahat ng mga diskarte sa espada na pinagkadalubhasaan niya sa nakaraan ay pinagsama sa bagong pamamaraan ng espada na ito.Sa isang kisap-mata, muling idiniin ang espada sa kanyang dibdib."Nahuli mo na ba sa oras na ito?"Umalingawngaw na naman ang boses ni Sophie.Natarantang tumango si James at sinabing, “M-Medyo. Nakikita ko ang maraming pagkakatulad sa mga pamamaraan ng espada na pamilyar sa akin.""Mhm, hindi na masama."Bahagyang tumango si
Dinala ni Sophie si James sa napakalaking lungsod. Bagama't si James ang may-ari ng Celestial Abode, maraming lugar ang hindi niya makapasok dahil sa sobrang hina niya. Kailangan niyang pagbutihin ang kanyang ranggo upang magkaroon ng kumpletong kontrol sa Celestial Abode.Ang Time Chamber ay isa sa mga lugar na hindi niya ma-access.Sa paggabay ni Sophie sa daan, madali siyang nakapasok sa mga lugar na ito.May isang nakabukod na bakuran sa lungsod, na napapaligiran ng mga pader na may taas na sampung metro. Ang mga mahiwagang sinaunang kasulatan ay nakaukit sa mga dingding at kumikinang sa isang ethereal na aura. Ang mga katulad na sinaunang kasulatan ay umaaligid din at umiikot sa itaas ng bakuran.Dinala ni Sophie si James sa bakuran at itinuro ang loob, sinabing, “That’s the Time Chamber. Hindi mo mabubuksan ang pinto sa Time Chamber nang mag-isa gamit ang iyong kasalukuyang lakas."Pagkatapos magsalita, kaswal niyang ikinaway ang kanyang kamay.Isang mahiwagang simbolo ang
Makalipas ang isang araw, biglang nagmulat ng mata si Thea. Isang puting liwanag ang sumilay sa kanyang madilim na mga mata. Dahan-dahan siyang bumangon sa lupa at nag-inat ng katawan. Natuwa siya matapos maramdaman ang malakas na enerhiya na nagmumula sa kanyang katawan.“Congratulations, Thea.”Naglakad ang custodian papunta kay Thea.“Pagkatapos ng maraming taong pagsisikap, sa wakas ay nalinis mo na ang lahat ng Demonic Energy sa iyong katawan. Ikaw ay ganap na nalinis dito. Ngayon ang iyong katawan ay naglalaman lamang ng purong dugo ng Four Holy Beasts. Nangangahulugan ito na magagamit mo ang kanilang mga kapangyarihan sa hinaharap."Tuwang-tuwa rin ang tagapag-alaga.Ang isang tao na nagtataglay ng Supreme Spiritual Root ay napakalakas. Ito ay isang himala para sa isa na ipanganak bawat ilang millennia. Ngunit, marami ang ipinanganak sa henerasyong ito.Ang mga panahong desperado ay laging nagbubunga ng mga bayani.Itinadhana si Thea na maging bayani sa panahong ito.Tum
Mabilis na lumipas ang pitong araw.Ang balita tungkol sa laban ni James at ng Son of Heaven at mabilis na kumalat.Nagalit ang mga martial artist sa Earth dahil sa kilos na ginawa ni James.Sinisisi nila si James sapagkat isinugal niya ang buhay ng ibang tao sa pagiging pabaya niya.Lumipas ang pitong araw at dumating na para sa itinakdang araw ng laban ni James at ng Son of Heaven.Hindi mabilang na dami ng mga martial artist ang nagtipon sa tuktok ng Mount Bane. Ilang libong metro ang taas ng bundok at napalilibutan ng mga nagtataasan na bundok. Ang mga manonood ay mga martial artist ng Earth at mga Outisder, na humigit kumulang 200,000 tao.Isang lalake na nasa dalawampu ang edad ang nagpakita sa tuktok ng bundok.Nakasuot siya ng puti na robe at gintong belt habang may espada sa likod niya. Hindi pang mundo ang karisma na taglay niya.Siya ay walang iba kundi ang Son of Heaven.Sa oras na nagpakita ang Son of Heaven, nagsigawan ang mga Outsider sa mga manonood.“Song of Heaven! An
“Marahil takot si James magpakita. Ibig sabihin ang isa sa mga lungsod sa Earth at mabubura.”“Tsk, tsk! Isang lungsod ang mabubura, tama? Aling lungsod kaya ito. Ang suhestiyon ko ay ang capital ng Sol. Maraming magagandang babae doon.”Maraming mga Outsider ang nagtipon at nag-usap.Nakatayo sa tuktok ng bundok ang Son of Heaven.Sumayaw sa ere ang buhok niya sa malakas na hangin. Naghintay siya ng tahimik habang nasa likod niya ang espada.Napagtanto din niya na natakot si James magpakita.Kahit walang lakas ng loob si James magpakita, kumpiyansa siya na kaya niyang patayin si James. Okay lang siya basta maiwasan niya ang matinding atake ni James. Ang akala niya isa lang ang nakamamatay na atake ni James, ang martial skill na Cosmic Desturction.Kung wala ang Cosmic Destruction, isang mahinang nilalang lang si James.Nagtipon ang mga martial artist sa Earth sa isang malawak na lugar sa paanan ng bundok.Ang mga malalakas na tao sa Earth, tulad ng Omniscient Deity, Prince of Orchid M
Hindi mahalaga kay Tristen kung manalo o matalo ang Son of Heaven.Kung mananalo ang Son of Heaven at mabubura niya ang isa sa mga lungsod ng Earth, siguradong kakalabanin sila ng mga martial artist ng Earth. Perpektong oportunidad ito para ubusin ang mga martial artist ng Earth.Kung matatalo ang Son of Heaven, balak ni Tristen na kumilos mismo at patayin si James para ipaghiganti ang Son of Heaven. Magagalit din ang mga tagalupa kung ganito ang gagawin niya.Nakatayo si James sa isang malaking bato sa tuktok ng bundok. Nakasuot siya ng puti na robe at may dalang espada sa likod niya. Humaba ang buhok niya sapagkat wala siyang oras para gupitin ito.Ang itsura niya ngayon ay mukhang kabalyero na malakas ang paniniwala sa hustisya.Tinignan niya ang Son of Heaven at walang pakielam na sinabi, “Kumilos ka na, Son of Heaven.”“Tutuparin ko ang kagustuhan mo mamatay.”Malamig siyang tinignan ng Son of Heaven.Sa oras na ito, ginamit ng Son of Heaven ang True Energy niya, na dumaloy sa buo
Lalong lumakas ang kagustuhan ng Son of Heaven na patayin si James. Kahit gaano pa kalakas o katibay si James, isa lang ang ang katapusan ng laban na ito—ang kamatayan niya!Maraming mga Outsider at martial artist ng Earth ang nagtipon sa paligid ng bundok.Matapos magpalitan ng atake ng Son of Heaven at ni James, nagkagulo sila.“B-Bakit ang lakas ni James?”“Ang akala ko mapapatay siya ng Son of Heaven ng isang atake lang. Hindi ko inaasahan na mahaharangan niya ito at hindi magtatamo ng pinsala. Bukod pa doon, napaatras lang siya ng kaunti matapos magkasagupa ang mga espada nila.”“Iyan ang Son of Heaven na pinag-uusapan natin! Isa siyang Herculean Second Layer!”Maraming mga Outsider ang nagulat matapos makita ang palitan ng atake.Samantala, ang Omniscient Deity ay nakahinga ng maluwag matapos niya magawang harangan ang atake ng Son of Heaven. Habang nakangiti ng kaunti, nagsalita siya, “Ang bilis lumakas ng batang ito. Ilang taon pa lang ang lumipas, pero kaya na niyang makipagsa
Bumagsak si James sa gumuhong bundok at natabunan ng mga bato.“Patay na ba siya?”“Iyon ang signature skill ng pinakamalakas na taga Overworld, ang Four Seasons Sword Art. Unang atake sa buong technique pa lang ang ginamit ng Son of Heaven. Makapangyarihan ito. Siguradong patay na si James.”Nakumbinsi ang mga Overworld Outsider na patay na si James dahil kilalang sword technique sa Overworld ang Four Season Sword Art.Lumutang sa ere ang Son of Heaven. Sumayaw ang buhok niya at mukha siyang malakas.Tinignan niya ang gumuhong bundok sa ibaba niya.Kalmado ang mukha niya at kumpiyansa siya. Ang sword technique niya at signature martial art ng teacher niya. Mayroon itong apat na atake, ang bawat isa ay nagtataglay ng matinding lakas. Kahit ang kalaban niya na nasa mas mataas na rank ay maaaring hindi kayanin ang atake.Tinamaan si James ng atake na ito at siguradong namatay na.Kahit na malakas ang pisikal na katawan ni James, siguradong hindi siya makakaligtas ng buhay.“Patay na si J