"Narinig ko na sa mga panabong ito, minamanmanan mo si James. Anong binabalak mo?" Tinignan siya ni Maxine at nagsabing, "Hindi mo kailangang alalahanin yun." Tinignan siya ni Sky nang may malalim na pagmamahal. "Ano ba ang kulang sa'kin kumpara kay James?" "Sa bawat aspeto." Tinapos ni Maxine ang pangungusap niya, naglakad sa paligid ni Sky, pagkatapos ay umalis. Hindi nagtagal ay naglaho siya sa paningin ni Sky. Unti-unting naging seryoso ang mukha ni Sky. Sa puntong ito, nakabalik na si James sa Dragonville sa Southern Plains. Mabilis na umuunlad ang Dragonville. Nagdala si Quincy ng malaking halaga ng pera papunta sa Dragonville. Sa tulong niya, mabilis na lumalago ang Dragonville. Nang wala pang sampung taon, maitatago ang isang bansang tunay na para sa sangkatauhan. Para naman sa ibang bagay, hinahawakan ito ng iba pang tao. Naroon si Henry, ang Elite Eight sa upper management ng Dragon Palace, si Blake Davis, at ang iba pa. Hindi kailangang mag-alala ni James
Binanggit ni Maxine ang pangalan niya. Bilang guwardiya ng Callahan family, imposible para sa kanilang hindi malaman ang tungkol kay Maxine ng Floret Palace. Hindi lang siya ang Master ng Floret Palace, siya rin ang Chancellor ng Tacriyrus. Maituturing din siyang napakalakas. Maliban roon, alam ng lahat ng mga guwardiya ng Callahan family na si Maxine ay dating miyembro ng Caden family at malapit siya kay James. "Ang Master pala yan ng Floret Palace. Anong dahilan ng pagbisita nito sa villa ng mga Callahan?" Trinato nang may matinding paggalang ng mga guwardiya si Maxine sa sandaling nalaman nila kung sino siya. "Ganito yun. Nag-aalala si James sa pananatili ni Winnie sa villa ng mga Callahan kaya lumapit siya sa'kin mismo at pinakiusapan akong sunduin siya," mahinang sabi ni Maxine. Kalmadong-kalmado ang boses niya. "Ganun ba. Pumasok kayo." Hindi siya pinigilan ng guwardiya at sinenyasan siya na magpatuloy at hinayaan si Maxine na makapasok sa villa ng mga Callahan. Gab
Dahan-dahan ding tumayo si Maxine. Tumingin siya kay Gladys, na kasalukuyang may hawak kay Winnie, at sinabi ng may malamig, at patay na ekspresyon sa kanyang mukha, “Ibigay mo sa’kin ang bata.”Umatras si Gladys.Sa isang iglap, sumulpot si Maxine sa harap ni Gladys. Bago pa man makakilos si Gladys, nakuha na ni Maxine ang sanggol na hawak niya.“Wahhh.” Agad na umiyak ang sanggol pagkatapos itong kunin ni Maxine. Agad na umalis si Maxine sa villa ng mga Callahan dala si Winnie.Sa kabilang banda, parang nakakita ng multo ang mga miyembro ng pamilya ng mga Callahan sa sobrang putla nila. "Anong gagawin natin?" "Ano ba talagang binabalak ni Maxine?" Nataranta ang lahat ng mga miyembro ng pamilya ng mga Callahan. Tanging si Lex lamang ang nagawang huminahon at agad niyang tinawagan si James."May masama akong balita, James. Kinuha ni Maxine si Winnie."Kasalukuyang nagmamadali si James papunta sa Dragonville sa Southern Plains. Noong narinig niya iyon, napuno ng galit ang
Nagmadaling nagtungo si James sa villa ng mga Callahan. Pagpasok niya sa villa, agad siyang nagtanong, "Si Winnie? Nasaan si Winnie?" Alam niya na may kumuha kay Winnie, ngunit ang isip niya ay napuno ng pag-aakaka para sa kanya. Nanatiling tahimik ang buong pamilya ng mga Callahan. Binagsak ni James ang kanyang sarili sa sofa. Muli niyang nilabas ang kanyang phone at tinawagan niya si Maxine. Samantala, sa Cansington, nakatayo si Maxine sa tuktok ng isang gusali. Mula dito, nakikita niya ang villa ng mga Callahan. Nakatayo sa likod niya ang ilang kalalakihan. "Chancellor, nakalabas na sila ng Cansington," ang sabi ng isang tao sa likod niya. "Sige." Tumango si Maxine at sinabing, "Sabihin niyo sa kanila na alagaang mabuti ang sanggol. Huwag niyong hayaan na masaktan ang sanggol.""Masusunod."Sa mga sandaling iyon, nagsimulang tumunog ang kanyang phone. Nanatili siyang mahinahon, at sinagot niya ang tawag. Maririnig sa phone ang malakas na sigaw ni James, "Maxine, an
Naghintay si James ng balita mula kay Henry. Subalit, kahit na ginamit ni Henry ang God-King system ng Sol, hindi niya mahanap ang lokasyon ni Winnie. Tila pinaghandaan ni Maxine ang lahat ng ito noong umpisa pa lang. Dinala si Winnie sa labas ng Cansington, at hindi na nila siya mahanap pagkatapos nun. Sa ngayon, walang magawa si James kundi maghintay. Kailangan niyang maghintay hanggang sa magkita sila ni Maxine. Pagsapit ng alas otso ng umaga, tumawag si Maxine. "Pumunta ka sa bahay ni Cynthia."Pagkatapos niyang sabihin iyon, pinutol niya ang tawag. Samantala, agad na umalis si James at nagmadali siyang pumunta sa bahay ni Cynthia sa Cansington. Nanatili si Cynthia sa Cansington sa nakalipas na ilang taon. Hindi rin siya palalabas. Ilang taon na ang nakakaraan, niregaluhan siya ni James ng dugo ng dragon. Ininom niya ang dugo ng dragon, at sa tulong ng kanyang Frost Physique, mabilis na tumaas ang kanyang cultivation. Naabot na din niya ang Eighth Stair ng Skyward Stai
"Dinukot mo ang anak ni James?" Nagulat silang dalawa. Paglipas ng ilang sandali, tumawa si Cynthia, "Maxine, nagbibiro ka lang, hindi ba? Bakit mo naman dudukutin ang anak ni James?" Tumingin si Maxine kay Cynthia. Paglingon niya kay Cynthia, nakaramdam ng pangingilabot si Cynthia, na para bang nasa gitna siya ng kawalan. Nakakatakot ang mga titig ni Maxine. Kailanman ay hindi pa nakita ni Cynthia na ganito si Maxine noon. Napaatras siya ng kaunti. Ang sabi ni Maxine, "Tama ka. Dinukot ko ang anak ni James. Marami akong ginawa para sa kanya. Nagtrabaho ako sa harap ng publiko at naging pinuno ng mga Caden. Tinulungan ko siya ng buong puso. Gayunpaman, pinili niyang mamuhay ng malayo sa kabihasnan kasama si Thea."Nagsalita siya ng mahinahon na para bang karaniwang bagay lang ang sinasabi niya, ngunit puno ng galit at sama ng loob ang kanyang mga salita. Noong narinig nila iyon nagulat silang dalawa. Sa loob ng ilang oras, walang sinuman sa kanila ang nagsalita. Kakaiba
Gaya ng inaasahan niya, pagkatapos niyang banggitin ang mga bagay na ito, lumambot ang ekspresyon ni Maxine.Sinimulan niyang utuin si Maxine para magsalita. Nagsimula siyang magtanong tungkol sa bata."Maxine, pinuntahan ka ba ni Thea? Inisip ba ni Thea na may namamagitan sa'ting dalawa kaya nag-away kayong dalawa, at 'yun ang dahilan kung bakit mo kinuha ang anak ko?" Ang tanong ni James."Hindi." Umiling si Maxine. "Kung ganun, bakit mo ginawa 'yun?" Nagtanong si James, at nagtaka. "Malapit tayo sa isa't isa. Magkasama nating hinarap ang mga pagsubok. Naging magkaibigan tayo sa mga pinagdaanan nating hirap. Bakit mo dinukot ang anak ko?" "Ano sa tingin mo?" Nakangiting tumingin si Maxine kay James.Sinusubukang alamin ni James kung ano ang iniisip ni Maxine. May hula na siya kung bakit iyon ginawa ni Maxine. Subalit, hindi niya ito pinaalam. "Maxine, hindi ko talaga alam. Tinuring kitang nakababata kong kapatid. Bakit mo ginagawa 'to?" "Kapatid?" Ngumisi si Maxine. "Hu
Hindi inasahan ni James na ganito kakaiba ang hihilingin ni Maxine. Huminto si Maxine sa tapat ng pinto at lumingon siya kay James na nanigas sa gulat at sinabi niya na, "Sa totoo lang, mas gusto ko na wala si Thea."Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod siya at naglakad palayo. Pag-alis niya, tumingin si Cynthia kay James at nagtanong, "James, anong balak gawin ni Maxine?”Naglabas si James ng sigarilyo at sinindihan niya ito.Hinithit niya ang sigarilyo at umiling siya, at sinabing, “Hindi ko alam kung anong nasa isip niya.”Hindi malaman ni James kung ano ang iniisip ni Maxine.Naiintindihan ni James na hilingin ni Maxine na pakasalan niya siya.Subalit, nakakapagtaka na sinusubukan din niyang hilahin sila Tiara at Cynthia sa gulong ito.Tumingin si Cynthia kay Tiara na nakaupo sa tabi nila at pinagalitan niya siya. “Ano bang iniisip mo, Tiara?! Bakit iniinis mo si Maxine? Kalokohan ang hilingin kay James na magpakasal sa tatlong babae.”“K-Kasi…”Agad na namula ang ma