Bahagyang kumaway si James at nagsabing, "Ayos lang ako, kailangan ko lang magpahinga." Dahan-dahang nilapag ni Delainey si James. Kaagad siyang umupo nang naka-lotus position at huminga nang malalim. Sobrang lala ng mga sugat niya ngayon. Gayunpaman, isa itong importanteng hakbang para sanayin ang pisikal niyang katawan. Lalakas lang ang Novenary Golden Body Siddhi pagkatapos sumailalim sa matitinding paghihirap. Kung kaya't sinimulang gamitin ni James ang cultivation method ng Novenary Golden Body Siddhi at humigop ng Empyrean Spiritual Energy na umikot sa katawan niya at pinagaling ang mga sugat niya. Hindi nagtagal, wala na ang mga sugat niya at tumaas ang kakayahan ng katawan niya. Sa loob lang ng isang araw, tuluyan na siyang gumaling. Sa kasalukuyan, hindi muna ginulo ng mga disipulo ng Heaven and Earth Sect ang cultivation niya at sa halip ay pinanood siyang maigi. "Kagaya ng inaasahan kay James… Gumaling ang mga sugat niya sa loob lang ng isang araw." "Gayun na nga
Hindi na gustong makipaglaban ng Black Eagle King kay James. Nang unang lumitaw si James, madali niya siyang nasusugatan. Ngayon, kahit na gamitin niya ang buong lakas niya, mababaw na galos lang ang naibibigay niya sa katawan niya. "Hindi, hindi, gusto kong makipaglaban." Gustong-gusto ni James na magpatuloy na lumaban. Kakasimula pa lang niya. Kung magpapatuloy pa sila ng dalawang linggo, tiyak na makakarating sa Supernatural stage ang lakas ng katawan niya. Sa panahong iyon, kahit na matapat siya laban sa isang Supernatural, magagamit niya lang ang pisikal na kakayahan niya para magtagumpay. "Hindi na talaga ako lalaban." Mapait na ngumiti ang Black Eagle King at nagsabi, "Sige, aaminin kong takot ako sa'yo. Hindi ba gusto mo kong palayasin mula sa Mount Haven? Aalis na ko sa lugar na'to." "Kung ganun, may itatanong ako sa'yo. Sagutin mo ko nang tapat kung alam mo ang makabubuti sa'yo." "Magtanong ka lang." Basta't hindi sila gagamit ng dahas, handang gawin ng
Nahirapan si James na isipin ito. "Umalis ka na sa Mount Haven at wag ka nang babalik. Kapag nagpatuloy kang manakit ng iba, wag mo kong sisihin sa susunod na mangyayari…" Malamig na sabi ni James. "Pakiusap, wag!" Tumayo ang Black Eagle King at tumingin sa kanya, "James, hayaan mo kong manatili sa tabi mo." "Ano?" Napahinto si James. Binigay ng Black Eagle King ang mga pangako niya. "Nangangako akong susundin ko ang bawat isang utos mo." Nagpunta siya rito para maghanap ng bagong oportunidad, at sobra siyang mapapalakas ng cultivation method ni James. Ang ganitong misteryosong cultivation method ay mas maganda kaysa sa kahit na anong berry o elixir. "Para saan?" Malamig na tanong ni James. Tumingala ang Black Eagle King at nagsabing, "Hindi mo naiintindihan. Isa akong kilalang nilalang sa Mount Darkwind sa Overworld. Ang Demon Emperor ng Mount Darkwind naman ay isa rin sa mga pinakaprominenteng nilalang doon. Maski mga maimpluwensyang sect ay kailangang magbigay-
Maraming binunyag na impormasyon ang Black Eagle King. Una, may nalaman si James na ilang bagay tungkol sa Overworld. Malawak ang Overworld, na mas malawak ng isandaang beses kumpara sa kasalukuyang Earth. Maliban roon, maraming mundo na nasa Sealed Realms na kagaya ng Overworld. Pangalawa, nadiskubre niya na may mga napakalakas na martial artist sa Earth noong sinaunang panahon. Sa kanila, sampung malalakas ang nangibabaw. Ang sampung ito ay tinawag na Ten Emperors. Nabuhay ang Ten Emperors nang napakahabang panahon. Ayon sa kaalaman ni James sa kasaysayan ng Sol, ilang libong taon lang nito ang naitala sa mga sulat. Lumalabas na napakarami pa siyang sikretong hindi nalalaman sa kasaysayan. "Mr. James, anong susunod nating gagawin?" Umaasang tumingin ang Black Eagle King kay James. Nagpunta siya sa Earth mula Overworld para lumakas. Ngayong sinusundan na niya si James, gusto niyang malaman kung ano mismo ang susunod na gagawin ni James. Pinag-isipan ito ni James at
Sabi ni James, "Babalik ako sa Cansington para tignan ito." Nangako siya kay Thea na madalas siyang bibisita kay Winnie. Gayunpaman, higit anim na buwan na simula noong huli niya siyang nakita. Isang taong gulang na si Winnie. Kung walang hindi pangkaraniwan sa paglaki niya, siguro ay nakakalakad na siya ngayon. 'Alam kaya ni Winnie kung paano magsabi ng "papa"?'Isang masayang ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni James sa sandaling naisip niya si Winnie. Kasabay nito, namimiss na niya si Thea. Higit anim na buwan na ang lumipas at hindi niya alam kung kumusta na siya. "Sige. Bumalik ka muna pala sa Cansington. Babalik ako sa Southern Plains," tumatangong sabi ni Delainey. Kasunod nito, naghiwalay ng landas sina James at Delainey. Umalis siya papuntang Cansington habang sinama ni Delainey ang Black Eagle King sa Southern Plains. Pagkatapos ng kalahating araw, lumitaw si James sa villa ng mga Callahan sa Cansington. Sa higit anim na buwang nagdaan, palakas nang palakas an
Hindi masyadong nag-aalala si James tungkol sa kaligtasan ni Winnie. Ngayong alam na ng halos lahat ng martial artist sa buong mundo ang papalapit na kaguluhan, kasalukuyan sila ngayong nagsisikap sa pagsasanay ng martial arts para harapin ang paparating na delubyo. Inisip niya lang na isa siyang palpak na ama. Pagkatapos magpaalam sa Callahan family, hindi na siya nagtagal at mabilis na umalis ng Cansington papuntang Dragonville sa Southern Plains. Samantala, sa Tacriyrus… Ang Tacriyrus ay isang bansang itinayo ni Sky. Gusto ring magtatag ni Sky ng isang kapital pati na rin ang isang masaganang dinastiya na magtatagal ng ilang libong taon. Higit isang taon na siyang tinutulungan ni Maxine. Sa mga panahong iyon, mabilis na umunlad ang Tacriyrus. Sa tulong ni Maxine, nasakop nito ang maraming katabing bansa gamit ng mga taktika, tusong mga plano, o dahas. Sa ngayon, malaki na ang sakop ng Tacriyrus. Sa bakuran ng palasyo sa Tacriyrus, nakaupo si Maxine sa isang batong
"Narinig ko na sa mga panabong ito, minamanmanan mo si James. Anong binabalak mo?" Tinignan siya ni Maxine at nagsabing, "Hindi mo kailangang alalahanin yun." Tinignan siya ni Sky nang may malalim na pagmamahal. "Ano ba ang kulang sa'kin kumpara kay James?" "Sa bawat aspeto." Tinapos ni Maxine ang pangungusap niya, naglakad sa paligid ni Sky, pagkatapos ay umalis. Hindi nagtagal ay naglaho siya sa paningin ni Sky. Unti-unting naging seryoso ang mukha ni Sky. Sa puntong ito, nakabalik na si James sa Dragonville sa Southern Plains. Mabilis na umuunlad ang Dragonville. Nagdala si Quincy ng malaking halaga ng pera papunta sa Dragonville. Sa tulong niya, mabilis na lumalago ang Dragonville. Nang wala pang sampung taon, maitatago ang isang bansang tunay na para sa sangkatauhan. Para naman sa ibang bagay, hinahawakan ito ng iba pang tao. Naroon si Henry, ang Elite Eight sa upper management ng Dragon Palace, si Blake Davis, at ang iba pa. Hindi kailangang mag-alala ni James
Binanggit ni Maxine ang pangalan niya. Bilang guwardiya ng Callahan family, imposible para sa kanilang hindi malaman ang tungkol kay Maxine ng Floret Palace. Hindi lang siya ang Master ng Floret Palace, siya rin ang Chancellor ng Tacriyrus. Maituturing din siyang napakalakas. Maliban roon, alam ng lahat ng mga guwardiya ng Callahan family na si Maxine ay dating miyembro ng Caden family at malapit siya kay James. "Ang Master pala yan ng Floret Palace. Anong dahilan ng pagbisita nito sa villa ng mga Callahan?" Trinato nang may matinding paggalang ng mga guwardiya si Maxine sa sandaling nalaman nila kung sino siya. "Ganito yun. Nag-aalala si James sa pananatili ni Winnie sa villa ng mga Callahan kaya lumapit siya sa'kin mismo at pinakiusapan akong sunduin siya," mahinang sabi ni Maxine. Kalmadong-kalmado ang boses niya. "Ganun ba. Pumasok kayo." Hindi siya pinigilan ng guwardiya at sinenyasan siya na magpatuloy at hinayaan si Maxine na makapasok sa villa ng mga Callahan. Gab