Matapos ang maiksing pag-uusap, inimbitahan si James na manatili sa hardin.Pagkatapos, matiyagang naghintay si James.Hindi nagtagal, lumipas ang limang araw, at nagawa na ang damit ni James.Isa itong jacket na gawa sa quartz steel.Habang nakatingin sa jacket, napangiti si James habang isinusuot ang damit.“Maraming salamat, Waylon.”Hindi siya nanatili ng matagal. Matapos isuot ang damit, nagpaalam siya kay Waylon at mabilis na umalis.Matapos niya umalis, nakahinga ng maluwag si Waylon.Pagkatapos, tumungo siya sa underground cavern sa bundok sa likod ng Divine Sword Villa.May espada doon. Kahit na kamukha ng espadang ito ang Primordial Dragon Blade, nagtataglay ito ng maitim na aura.. Ang espadang ito ay nilikha gamit ang buto ng dragon at iba pa na kakaibang mga materyal.Ang tawag dito ay Doomsday. Sapagkat masama ang espadang ito, walang may kakayahan na gamitin ito.Habang nakatingin sa Doomsday, bumulong siya, “Kung alam ko lang na masamang espada ito, hindi ko na ito sana
Sapagkat gawa ang Doomsday gamit ang buto ng dragon, halos hindi ito masisira. Ang espadang ito ay Demonic Sword din. Kahit si Waylon hindi ito magamit ng tama. Sa tuwing hinahawakan niya ang Doomsday, nakakaramdam siya ng kagustuhan na pumatay.Ngayon, nasa mga kamay na ni Maxine ang espada.“Kamatayan!”Sumigaw siya habang baluktot ang mukha niya. Isa lang ang nasa isip ni Maxine—ang pumatay. Sapagkat hindi niya kayang mapasakanya ang gusto niya, wawasakin na lang niya ang lahat.“Maxine, masama ang espadang ito. Bitiwan mo ito ngayon din!” sigaw ni Waylon.Ngunit, hindi siya binigyan pansin ni Maxine. Habang hawak ang Doomsday, naglaho siya ng parang bula.Samantala, sumakay si James sa eroplano patungo ng Dragonville. Nagrequest siya sa Divine Sword Villa na lumikha ng damit na may bigat na 300 kilograms para sanayin ang pisikal na abilidad niya.Ang Novenary Golden Body Siddhi ay cultivation method para sa pisikal na katawan. Para magkaroon ng katawan na hindi nasisira, kailangan
“Naabsorb ko na ng husto ang Phoenix Essence. Ngayon, ang misteryosong lila na berry na lang ang natitira. Magagawa kong abutin ang Supernatula level kapag inabsorb ko ito. Ngunit, hindi pa tugma ang pisikal na lakas ko dito,” bulong ni James.Ang pisikal na kakayahan niya ay malayo pa sa realm niya.Tumayo siya at sinuntok ang hangin gamit ang kamao niya. Walang True Energy ang suntok na ito at purong lakas lang ng mga muscle niya, pero matinding lakas ang dumaan sa ere at yumanig sa bundok sa malayo.“Ang pisikal na lakas ko ay marahil nasa lebel ng lakas kung saan nakawala ako sa unang kadena. Ito ay noong ginamit ko ito kasabay ng lakas ng mga muscle ko.”Sinukat ni James ang lakas niya.“Ang Novenary Golden Body Siddhi ay hinahayaan ang isang tao na mabuhay matapos dumaan sa matinding mga pagsubok. Sa tuwing nanganganib ang buhay ko, ito ang perpektong oras para icultivate ito. Kailangan ko makipaglaban.”Nakawala na si James sa ikatlong kadena, pero naniniwala pa din siya na mahi
Ang Martial Arts Forum ay ginawa para maayos ang palitan ng mga martial artist. Basta ba may verificaiton ang pagkakakilanlan ng martial artist, maaari sila pumasok sa forum, makipagusap sa iba at magpost ng mga message.Matapos magpost ni Delainey ng message sa forum, nagkaroon ng komosyon.Tinitingala si James sa Sol, at kinikilala na pinakamalakas. Hindi siya nagpakita sa loob ng anim na buwan, marami ang humula na nasa closed-door meditation siya.“Napapaisip ako kung gaano na kalakas si James.”“Sumailalim siya sa closed-door meditaion ng anim na buwan. Noon, nagpakita lang siya sa Mount Bane, pero nagawa niyang makipagsabayan kay Juniper Waseem ng Void Sect. Marahil nalampasan na ng lakas niya ang lakas ni Juniper.”“Hindi tayo sigurado doon. Kahit na nagcultivate ng maigi si James, hindi lang mauupo si Juniper at walang gagawin. Huwag mong kalimutan na dalawang berry ang nakuha niya sa Mount Bane.”Nag-usap sila sa forum.Walang alam si James dito.Matapos bumalik sa Dragonville
Ilang babaeng disipulo ang napipilitang minamasahe ang likod niya. Ang ilan ay nakaluhod sa lapag sa harapan niya. Base sa magulo nilang buhok at sa mukha nilang puno ng pasa, pinahirapan siguro sila nang matindi. Nang naglakad siya papasok sa hall, nasaksihan ni James ang buong eksena. Kumumpas ang agilang mukhang tao nang naramdaman niya ang presensya niya, na nagpatalsik sa mga babaeng disipulo na nagmamasahe sa kanya. Bumagsak sila nang malakas sa lapag at napasigaw sa sakit. Tumayo ang halimaw. Habang nakatingin kay James, dumilim ang ekspresyon niya habang malamig siyang nagsabi, "Gusto mo bang mamatay?" Habang hawak ang Primordial Dragon Blade, tumingin si James sa mga babaeng disipulong nakahiga sa lapag at nagsabing, "Umalis na kayo." Bakas ang pagtanto sa mukha nila habang nagmadali silang tumayo at umalis. Hindi sila pinansin ng halimaw at sa halip ay tumitig kay James. Nararamdaman niya ang malakas na aurang nagmumula sa kanya. Hindi ito magiging madaling lab
Masyadong malakas ang Black Eagle King at nagtamo ng sugat si James sa umpisa pa lang. Gayunpaman, hindi natakot si James. Sa halip, palihim siyang natuwa. Tumulo ang dugo mula sa sugat niya at sumakit ang buo niyang katawan, ngunit nagngitngit lang siya ng ngipin at ngumiti. "Hah?" Medyo nabahala ang Black Eagle King sa ngiti niya. Bakit siya nakangiti ngayong sugatan siya. Sa pagtataka, maingat na pinag-isipan ng Black Eagle King ang susunod niyang gagawin. Ngumiti si James. "Ang galing mong lumaban. Halika, maglaban pa tayo." Initsa niya sa tabi ang Primordial Dragon Blade at lumaban sa kalaban niya gamit ng mga kamao niya. Sa sandaling iyon, hindi alam ng Black Eagle King na siya na ngayon ang training partner niya. Naglaho si James at lumitaw sa harapan ng Black Eagle King sabay malakas na umatake. Gayunpaman, hindi umilag ang Black Eagle King sa atake. Nang dumampi ang kamao ni James sa kanya, napaatras lang siya ng ilang hakbang. "Yan lang ba ang kaya mo?" Namum
Bahagyang kumaway si James at nagsabing, "Ayos lang ako, kailangan ko lang magpahinga." Dahan-dahang nilapag ni Delainey si James. Kaagad siyang umupo nang naka-lotus position at huminga nang malalim. Sobrang lala ng mga sugat niya ngayon. Gayunpaman, isa itong importanteng hakbang para sanayin ang pisikal niyang katawan. Lalakas lang ang Novenary Golden Body Siddhi pagkatapos sumailalim sa matitinding paghihirap. Kung kaya't sinimulang gamitin ni James ang cultivation method ng Novenary Golden Body Siddhi at humigop ng Empyrean Spiritual Energy na umikot sa katawan niya at pinagaling ang mga sugat niya. Hindi nagtagal, wala na ang mga sugat niya at tumaas ang kakayahan ng katawan niya. Sa loob lang ng isang araw, tuluyan na siyang gumaling. Sa kasalukuyan, hindi muna ginulo ng mga disipulo ng Heaven and Earth Sect ang cultivation niya at sa halip ay pinanood siyang maigi. "Kagaya ng inaasahan kay James… Gumaling ang mga sugat niya sa loob lang ng isang araw." "Gayun na nga
Hindi na gustong makipaglaban ng Black Eagle King kay James. Nang unang lumitaw si James, madali niya siyang nasusugatan. Ngayon, kahit na gamitin niya ang buong lakas niya, mababaw na galos lang ang naibibigay niya sa katawan niya. "Hindi, hindi, gusto kong makipaglaban." Gustong-gusto ni James na magpatuloy na lumaban. Kakasimula pa lang niya. Kung magpapatuloy pa sila ng dalawang linggo, tiyak na makakarating sa Supernatural stage ang lakas ng katawan niya. Sa panahong iyon, kahit na matapat siya laban sa isang Supernatural, magagamit niya lang ang pisikal na kakayahan niya para magtagumpay. "Hindi na talaga ako lalaban." Mapait na ngumiti ang Black Eagle King at nagsabi, "Sige, aaminin kong takot ako sa'yo. Hindi ba gusto mo kong palayasin mula sa Mount Haven? Aalis na ko sa lugar na'to." "Kung ganun, may itatanong ako sa'yo. Sagutin mo ko nang tapat kung alam mo ang makabubuti sa'yo." "Magtanong ka lang." Basta't hindi sila gagamit ng dahas, handang gawin ng