“Ang ibig sabihin ba nito ang Grand Priestess ng Void Sect at si Conrad Titus ay parehong nasa Mount Bane?”“Mhm.” Tumango si James at sinabi, “Tama ka.”Nawala sa isip si Langston. Aakyat sana siya sa bundok ng walang alinlangan kung iisang kalaban lang ang nandoon. Wala nga naman siyang laban sa pinagtulong na lakas ng dalawang martial artist na nasa Supernatural rank.Sinuri niya ang paligid. Matapos makita na wala ang Omniscient Deity, hindi niya mapigilan na magtanong, “Nandito ba ang Omniscient Deity?”Sumagot si James, “Naghihintay ako dito simula pa ng tanghali kahapon. Pero, wala akong nakita kahit bakas niya.”“Maghihintay tayo kung ganoon.” Sagot ni Langston, “Sa Mount Bane matatagpuan ang seal, kaya marahil babantayan ng Omniscient Deity ang mangyayari doon. Siguradong pupunta siya.”Kumpiyansa si Langston na malapit na dumating ang Omniscient Deity.Parami ng parami ang mga tao na dumadating.“Hahaha! Hoy, James!”Dumagungdong ang malakas na tawa sa malayo. Pagkatapos, si
Walang naglakas loob na magsalita. Kaya makipaglaban ni Langston sa isang Supernatural mag-isa, pero kaya silang ubusin ng isa pang Supernatural ng ganoon kadali.Habang tahimik ang lahat, nagsalita si Tyrus. “Nakawala na ako sa ikatlong kadena.”Matapos nila ito marinig, nagtinginan sila sa kanya.Kalahating taon na ang nakararaan, dinala ni Langston pabalik ang Phoenix Essence at dugo ng phoenix matapos paslangin ang Phoenix. Kahit na naibigay kay James ang Phoenix Essence, sumailalim si Tyrus sa closed-door meditation habang hinihigop ang matinding lakas mula sa dugo ng Phoenix. Sa kasalukuyan, nakawala na siya mula sa ikatlong kadena at malapit na maabot ang pagiging Supernatural.Nagpatuloy si Tyrus,”Sa tulong ng lakas ko, ang lakas ng Grand Patriarch ng Blood Race, at ni James, kaya namin pigilan ang isang Supernatural kahit na hindi namin ito kayang talunin.”“Sumugod na tayo kung ganoon!” Nagsalita ang Grand Patriarch ng Blood Race na si Kaiden Walchelin. “Ang Earth ang nagmama
Nagkasalubong ang mga palad nila, at tumalsik palayo si Langston. Si Conrad naman ay napaatras lang ng kaunti. Agad nalaman ng lahat na mas mahina si Langston kaysa kay Conrad.Ngunit, hindi nagpaapekto si Conrad.Matapos tumalsik, inayos niya ang sarili niya at inilabas ang espada niya. Pagkatapos, sinugod niya muli si Conrad.Isang matinding laban ang naganap sa ere.Habang galit ang itsura, nagsalita si Tyrus, “Bilisan natin. Sa oras na matalo natin si Juniper, matutulungan natin ang ama ko.”Tumango si James.Swish!Pagkatapos, inilabas niya ang Primordial Dragon Blade.Si Tyrus, James at Kaiden ay sumugod kay Juniper.Matapso ito makita, nagdilim ang mukha ni Juniper at malamig na sinabi, “Gusto niyo ng mamatay!”Pagkasabi niya nito, inihanda niya ang espada niya.Swish!Isang alon ng Sword Energy ang rumagasa sa ere. Mabilis na umiwas ang tatlo at naghiwahiwalay.Habang hawak ang Primordial Dragon Blade sa kamay niya, nagpakawala si James ng nakakakilabong na sword technique. Sim
Sa paggamit ng True Lunar and Terra Energy pati ang kapangyarihan ng dugo at mga masel niya, tumaas ng husto ang aura ni James.Habang hawak ang espada niya, sumugod si Juniper sa kanya.Clang!Nagkatamaan ang espada nila.Nagpalit si James ng taktika at pinuntirya ang vital points ni Juniper.Kinilabutan si Juniper. Hindi niya inaasahan na ganito kakaiba ang sword technique ni James, kaya nagmadali siya para harangin ang espada niya.Matapos gamitin ang buong lakas niya, hindi lang naharangan ni James ang atake ni Juniper, pero nagawa din niya gamitin ang First Sword Art at ang First Lunar and Terra Sword Art laban sa kanya. Samantalang si Tyrus, ay nagkaroon ng panandaliang oras para magpahinga. Nagmadali siyang umatras at uminom ng isang oras ng elixir.Matapos makita ang laban ni James at Juniper, hindi niya mapigilan ang bumuntong hininga, “Napakalakas… Katumbas na ng True Energy niya ang True Energy ko kahit na sa ikalawang kadena pa lang siya nakakawala. Kung nakawala siya sa ik
Habang naguguluhan siya, sinugod siya ni Thea. Inayos niya nag sarili niya at umatake.Boom!Nagkasalubong ang dalawa. Matinding mga True Energy ang nagkatamaan at nabaluktot pati ang espasyo.Agad na tumalsik si Thea. Kahit si Juniper napaatras sa lakasm at napabulong, “Nakakatakot na lakas…”Pagkatapos, kumulo ang dugo ni Thea, at matinding enerhiya ang nagmula sa dugo niya. Kahit na nagawa niyang tumawid sa ninth rank kailan lang, nagawa niyang paatrasin si Juniper gamit lang ang buong lakas niya.“Mamatay ka!” tinitigan ng masama ni Thea si Juniper. Ginamit niya ang True Demonic Energy, isinalin sa Malevolent Sword, at ginamit ang True Demonic Art. Napalakas ng husto ang Demonic Sword Art niya dahil sa True Demonic Energy.Napakalakas ng mala demonyong Thea. Kahit si Juniper, na isang Supernatural, ay nabigla at nataranta.Sa malayo, nakaupo ng lotus position sa bato si James habang ginagamot ang mga pinsala niya at pinapanood ang laban. Natulala siya sa lakas na ipinamalas ni Thea
Tinakot ni Tyrus si Conrad gamit ang buhay ni Juniper.Hinawakan ng mahigpit ni Conrad ang espada niya at nagdilim ang mukha niya. Kalaban niya si Langston pero binabantayan niya ang laban ni Juniper. Sapagkat alam niya na natalo si Juniper ng babae, hindi niya mapigilan na sulyapan si Thea.Sa mga oras na ito, pabalik na siya sa pangkaraniwan niyang anyo, at kumalma na ang dugo niya. Unti-unting humina ang makapangyarihan niyang aura.“Beast Blood, huh?” bulong niya.Napagdesisyunan ni Conrad na itigil ang labanan. Sumobra sa inaasahan niya ang lakas ng mga taga lupa.Habang ipinapasok ni Conrad ang espad niya sa kaluban nito, nakahinga ng maluwag si Langston. Pagkatapos, bumaba si Langston at nagpakita sa harap ni Tyrus.Nakawala na si Thea mula sa mala demonyong anyo niya. Namumutla ang mukha niya at hindi niya magamit ang lakas niya. Mukhang naubos ang lakas niya matapos ang laban.Kinaladkad niya ang katawan niya papunta kay James.Tinignan siya ni James at nag-aalalang nagtanong,
“Napakabango ng amoy… magiging mahalaga ito sa oras na mahinog ang berry.”“Marahil mahiwaga ang prutas na ito!”Marami ang nag-usap.Tinitigan din ni James ang puno. Natulala siya sa halimuyak at sa dami ng Empyrean Spiritual Energy dito. Mapapabilis ang progreso ng kahit na sinong magcultivate dito.Naghintay ng matiyaga ang lahat.Sa kasalukuyan, patuloy na sinusulyapan ni Conrad si Thea. Habang napapaisip at nakakunot ang noo.Hindi kumportable dito si Thea. Habang nakaupo sa tabi ni James, bumulong siya, “Darling, iyong si Conrad tingin ng tingin sa akin.”Sumenyas si James at sinabi, “Huwag mo siyang bigyan ng pansin.”“Darling, ano ba talaga ang punong ito?”Umiling-iling is James at sumagot, “Anong malay ko?”Ngunit, kabilang si Thea sa mga naintriga.Lumapit si Langston kay Conrad. Sapagkat pinili nila ang kapayapaan kaysa digmaan, walang karapatan si Conrad na angkinin ang puno.Kaya, pinili ni Conrad sa sumagot ng totoo, “Pangkaraniwan na puno ito noon. Matapos ang isang gab
“Ang mga Ultranatural? Gaano kalakas sila para matawag na ganoon?”Nahirapan ang mga taga lupa na isipin ito. Ang alam lang nila ang ay ang malagim na kinabukasan na parating.Natahimik si Conrad.Samantala, si James, ay hindi na nagtanong pa. Naupo lang siya ng lotus position sa sahig at ginamot ang mga pinsala niya.Lahat sila sumunod habang tense ang paligid.Habang ginagamot nila ang mga pinsala nila, napunta ang mga tingin nila sa puno, habang hinihintay na mahinog ito.Mahiwaga ang berry, walang katumbas ang bilis nito sa pag-usbong. Matapos ang isang araw, ang bulaklak ay nalanta at isang maliit usbong ang matatagpuan sa puwesto nito.Natulala ang lahat. Sa pangkaraniwan na sitwasyon, magpapakita lamang ang usbong kapag isang buwan ng namulaklak ang puno. Ngayon, isang araw pa lang ang lumilipas. Hindi ito kapanipaniwala.Matiyaga silang naghintay ng isang linggo.Matapos ang isang linggo, nagsimula magpakita ang mga kulay lila na berry. Kasing laki sila ng kamao, at hindi naiib