Sa paggamit ng True Lunar and Terra Energy pati ang kapangyarihan ng dugo at mga masel niya, tumaas ng husto ang aura ni James.Habang hawak ang espada niya, sumugod si Juniper sa kanya.Clang!Nagkatamaan ang espada nila.Nagpalit si James ng taktika at pinuntirya ang vital points ni Juniper.Kinilabutan si Juniper. Hindi niya inaasahan na ganito kakaiba ang sword technique ni James, kaya nagmadali siya para harangin ang espada niya.Matapos gamitin ang buong lakas niya, hindi lang naharangan ni James ang atake ni Juniper, pero nagawa din niya gamitin ang First Sword Art at ang First Lunar and Terra Sword Art laban sa kanya. Samantalang si Tyrus, ay nagkaroon ng panandaliang oras para magpahinga. Nagmadali siyang umatras at uminom ng isang oras ng elixir.Matapos makita ang laban ni James at Juniper, hindi niya mapigilan ang bumuntong hininga, “Napakalakas… Katumbas na ng True Energy niya ang True Energy ko kahit na sa ikalawang kadena pa lang siya nakakawala. Kung nakawala siya sa ik
Habang naguguluhan siya, sinugod siya ni Thea. Inayos niya nag sarili niya at umatake.Boom!Nagkasalubong ang dalawa. Matinding mga True Energy ang nagkatamaan at nabaluktot pati ang espasyo.Agad na tumalsik si Thea. Kahit si Juniper napaatras sa lakasm at napabulong, “Nakakatakot na lakas…”Pagkatapos, kumulo ang dugo ni Thea, at matinding enerhiya ang nagmula sa dugo niya. Kahit na nagawa niyang tumawid sa ninth rank kailan lang, nagawa niyang paatrasin si Juniper gamit lang ang buong lakas niya.“Mamatay ka!” tinitigan ng masama ni Thea si Juniper. Ginamit niya ang True Demonic Energy, isinalin sa Malevolent Sword, at ginamit ang True Demonic Art. Napalakas ng husto ang Demonic Sword Art niya dahil sa True Demonic Energy.Napakalakas ng mala demonyong Thea. Kahit si Juniper, na isang Supernatural, ay nabigla at nataranta.Sa malayo, nakaupo ng lotus position sa bato si James habang ginagamot ang mga pinsala niya at pinapanood ang laban. Natulala siya sa lakas na ipinamalas ni Thea
Tinakot ni Tyrus si Conrad gamit ang buhay ni Juniper.Hinawakan ng mahigpit ni Conrad ang espada niya at nagdilim ang mukha niya. Kalaban niya si Langston pero binabantayan niya ang laban ni Juniper. Sapagkat alam niya na natalo si Juniper ng babae, hindi niya mapigilan na sulyapan si Thea.Sa mga oras na ito, pabalik na siya sa pangkaraniwan niyang anyo, at kumalma na ang dugo niya. Unti-unting humina ang makapangyarihan niyang aura.“Beast Blood, huh?” bulong niya.Napagdesisyunan ni Conrad na itigil ang labanan. Sumobra sa inaasahan niya ang lakas ng mga taga lupa.Habang ipinapasok ni Conrad ang espad niya sa kaluban nito, nakahinga ng maluwag si Langston. Pagkatapos, bumaba si Langston at nagpakita sa harap ni Tyrus.Nakawala na si Thea mula sa mala demonyong anyo niya. Namumutla ang mukha niya at hindi niya magamit ang lakas niya. Mukhang naubos ang lakas niya matapos ang laban.Kinaladkad niya ang katawan niya papunta kay James.Tinignan siya ni James at nag-aalalang nagtanong,
“Napakabango ng amoy… magiging mahalaga ito sa oras na mahinog ang berry.”“Marahil mahiwaga ang prutas na ito!”Marami ang nag-usap.Tinitigan din ni James ang puno. Natulala siya sa halimuyak at sa dami ng Empyrean Spiritual Energy dito. Mapapabilis ang progreso ng kahit na sinong magcultivate dito.Naghintay ng matiyaga ang lahat.Sa kasalukuyan, patuloy na sinusulyapan ni Conrad si Thea. Habang napapaisip at nakakunot ang noo.Hindi kumportable dito si Thea. Habang nakaupo sa tabi ni James, bumulong siya, “Darling, iyong si Conrad tingin ng tingin sa akin.”Sumenyas si James at sinabi, “Huwag mo siyang bigyan ng pansin.”“Darling, ano ba talaga ang punong ito?”Umiling-iling is James at sumagot, “Anong malay ko?”Ngunit, kabilang si Thea sa mga naintriga.Lumapit si Langston kay Conrad. Sapagkat pinili nila ang kapayapaan kaysa digmaan, walang karapatan si Conrad na angkinin ang puno.Kaya, pinili ni Conrad sa sumagot ng totoo, “Pangkaraniwan na puno ito noon. Matapos ang isang gab
“Ang mga Ultranatural? Gaano kalakas sila para matawag na ganoon?”Nahirapan ang mga taga lupa na isipin ito. Ang alam lang nila ang ay ang malagim na kinabukasan na parating.Natahimik si Conrad.Samantala, si James, ay hindi na nagtanong pa. Naupo lang siya ng lotus position sa sahig at ginamot ang mga pinsala niya.Lahat sila sumunod habang tense ang paligid.Habang ginagamot nila ang mga pinsala nila, napunta ang mga tingin nila sa puno, habang hinihintay na mahinog ito.Mahiwaga ang berry, walang katumbas ang bilis nito sa pag-usbong. Matapos ang isang araw, ang bulaklak ay nalanta at isang maliit usbong ang matatagpuan sa puwesto nito.Natulala ang lahat. Sa pangkaraniwan na sitwasyon, magpapakita lamang ang usbong kapag isang buwan ng namulaklak ang puno. Ngayon, isang araw pa lang ang lumilipas. Hindi ito kapanipaniwala.Matiyaga silang naghintay ng isang linggo.Matapos ang isang linggo, nagsimula magpakita ang mga kulay lila na berry. Kasing laki sila ng kamao, at hindi naiib
Binilang niya ng tahimik ang mga berry. Tatlumpu ang total na dami nito. Kung kukunin ni Conrad ang dalawampu at anim naman kay Juniper, apat na lang ang matitira sa mga taga lupa. Paano ito magiging sapat?Inisip ito ni James at sinabi, “Maglaban tayo kung ganoon.”Matapos ito marinig, tinignan siya ng lahat.Nagpatuloy si James, “Magkaroon tayo ng martial arts tournament. Kung makukuha ninyo ang respeto ng lahat at walang may gusto na kumalaban sa inyo, makakatanggap kayo ng isang beery. Ang bawat kalahok ay maaari lamang tumanggap ng iisang berry. Okay ba ito sa inyo?”Alam ni James na mas mahina ang ilan sa mga tauhan ni Conrad. Kung sasangayon sila dito, iilang mga berry lang ang matatanggap nila. Samantala, si Juniper at Kay lang sa Void Sect ang makakatanggap ng berry.“Sangayon ako,” sagot ni Thomas.“Ako din.”“Walang problema.”Sumangayon ang mga taga lupa.“Ako hindi!” sigaw ni Conrad, “Bakit kailangan ko lumahok sa martial arts tournament? Bilang isa sa malakas, ako dapat a
Ang Juniper ay nakolekta lamang ng dalawang berry. Pagkatapos ng lahat, ang tingin ng lahat ay nakatuon sa kanya. Hawak ang dalawang berry sa kanyang kamay, tumalikod siya para umalis. Ngayon, 21 berry na lang ang natitira."Sampu lang ang kailangan ko," Tumingin si Langston sa karamihan at sinabi. "Ito ay hindi tama, kinalulungkot ako." Lumapit si Sky at sinabing. Nanatili siyang tahimik kanina dahil naniniwala siyang hindi tama magsalita sa harap ni Conrad. Ngayon, nilayon ni Langston na magkaroon ng sampung berry para sa kanyang sarili. Isinasaalang-alang na ang mga miyembro ng Blood Race, James, Thomas, at ilang iba pa ay hindi pa nakakakuha ng isa, hindi siya makakakuha ng kahit isang berry kung patuloy siyang tahimik. Sumabat si Thomas, "Sa katunayan, ito ay hindi tama. Bawat ika-siyam na ranggo dito ay dapat makakuha ng hindi bababa sa isang berry." Tumayo si Thomas para sa sarili. Kung pinayagan niya si Langston na mamitas ng sampung berry, maaaring wala nang mati
Matapos mag-isip ng ilang sandali, tinanggap ng mga Grand Patriarch ang mga tuntunin. Pagkatapos ng lahat, ang dalawang berry ay mas ayos kaysa sa wala.Kasunod nito, naging maayos ang proseso ng pamamahagi. Ang tatlong Grand Patriarch ng Polaris Sect ay nakatanggap ng dalawang berry, samantalang sina Thomas, Tobias, Lucjan, at Sky ay nakakuha ng isa. Sa lalong madaling panahon, walang mga berry na naiwan. Ang mga hindi pa tumawid sa ika-siyam na ranggo ay walang natanggap. Bagama't sila ay dismayado, hindi sila nagreklamo. Kung mayroon man, kasalanan nila ang pagiging masyadong mahina at walang kapangyarihan na gumawa ng anuman. Hinawakan ni James ang berry sa kanyang kamay habang pinakiramdaman niya ang init nito. Ang berry ay kasing laki ng kamao at kumislap ng isang lilang liwanag. Maaliwalas at malinaw, malabo rin niyang nakikita ang lilang liwanag na lumilipad sa loob ng berry. Ito ay simpleng misteryoso at mahiwagang. “Napakabango nito…” Inamoy ni James ang be