Kabanata 1907
Tinakot ni Tyrus si Conrad gamit ang buhay ni Juniper.

Hinawakan ng mahigpit ni Conrad ang espada niya at nagdilim ang mukha niya. Kalaban niya si Langston pero binabantayan niya ang laban ni Juniper. Sapagkat alam niya na natalo si Juniper ng babae, hindi niya mapigilan na sulyapan si Thea.

Sa mga oras na ito, pabalik na siya sa pangkaraniwan niyang anyo, at kumalma na ang dugo niya. Unti-unting humina ang makapangyarihan niyang aura.

“Beast Blood, huh?” bulong niya.

Napagdesisyunan ni Conrad na itigil ang labanan. Sumobra sa inaasahan niya ang lakas ng mga taga lupa.

Habang ipinapasok ni Conrad ang espad niya sa kaluban nito, nakahinga ng maluwag si Langston. Pagkatapos, bumaba si Langston at nagpakita sa harap ni Tyrus.

Nakawala na si Thea mula sa mala demonyong anyo niya. Namumutla ang mukha niya at hindi niya magamit ang lakas niya. Mukhang naubos ang lakas niya matapos ang laban.

Kinaladkad niya ang katawan niya papunta kay James.

Tinignan siya ni James at nag-aalalang nagtanong,
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP