Nagbalik na si Langston. Sa tulong ng mga impormasyon na iniwan ni King Quavon, umalis siya ng bansa, pinatay ang phoenix, at kinuha niya ang dugo at essence nito. Nasabik si James pagkatapos niyang marinig ang balita. Ang dugo ng phoenix ay may kakayahang gawing imortal ang isang tao. Parehong nabuhay ng ilang libong taon sila Langston at Tyrus sa pamamagitan ng pag-inom ng dugo ng phoenix na iniwan ni King Quavon sa kanyang mosoleo. Sinundan ni James si Tyrus papunta sa Mt. Thunder Pass, sa Southern Plains. Ang Mt. Thunder Pass ay isang malawak na kagubatan. Balak din kunin ni James ang Mt. Thunder Pass. Balak niyang magtatag ng isang sect doon pagkatapos ng konstruksyon ng Dragonville. Nais niyang kumuha ng mga disipulo mula sa mga tao sa Earth upang maghanda para sa pagharap sa nalalapit na katapusan. Sinundan ni James si Tyrus papasok sa palasyo sa ilalim ng Mt. Thunder Pass. "Medyo matino ang pag-iisip ng kapatid ko nitong mga nakaraan at mukhang bumalik na ang
Tumingin si James kay Xandra at sinabing, "Mom, pupuntahan ko muna si Lolo.""Sige lang."Pagkatapos nito, umalis si James kasama si Tyrus upang makipagkita kay Langston. Sa mesa sa kwarto ni Langston, mayroong tumpok ng karne na kasing laki ng isang basketball na umiilaw ng kulay pula. Kakaiba ang itsura nito ngunit nagmumula dito ang napakalakas na enerhiya. Tinitigan ni Langston ang karne. Ito ang Phoenix Essence. Habang tinititigan niya ito, lalo lamang niyang nararamdaman na may kakaiba dito. Tila mayroong isang napakasamang pwersa sa loob ng Phoenix Essence. Noong mga sandaling iyon, bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Pumasok sila James at Tyrus. "Ama.""Lolo."Sabay siyang binati ng dalawa. Natauhan si Langston, tinuro niya ang mga upuan sa tabi niya, at sinabing, "Umupo kayo. Huwag kayong mahiya."Dinampot ni Langston ang kanyang tsaa sa mesa, uminom siya, at sinabing, "Narinig ko na ang tungkol sa nangyari sa Mount Bane. Kahit na nagkaroon ng isang kasun
Sinabi ni Langston kay James ang tungkol aa Supreme Spiritual Root.. Ang sinuman na may taglay na Supreme Spiritual Root ay magiging matalino, at kilalang mga indibidwal na pinanganak upang harapin ang kalamidad. Subalit, ano ang kalamidad? Base sa mga sinabi ni Langston, ang kalamidad ay darating sa oras na mabuksan ang seal. Ito ang pinakamalaking delubyo na haharapin ng sangkatauhan. Gayunpaman, upang malampasan ang sakunang ito, nakaisip ng pangontra ang mga ninuno ng sangkatauhan. Hahayaan nila ang sangkatauhan na makuha ang dugo ng Four Holy Beasts upang humaba ang kanilang mga buhay, na magbibigay daan upang mabilis silang lumakas at magawa nilang malampasan ang nagbabadyang panganib. Subalit, noong matunugan ng mga kalaban ang mga plano ng mga ninuno ng sangkatauhan, pinakialaman nila ang Four Holy Beasts. "Ito ang hypothesis ko base sa mensaheng iniwan ni King Quavon sa kanyang mosoleo. Tanging panahon lang ang makakapagsabi kung totoo ito." Hindi sigurado si Langsto
Nagtanong si James. Sinabi sa kanya ni Langston na ang mga taong may taglay na Supreme Spiritual Root ay mas madaling nararamdaman ang Empyrean Spiritual Energy sa paligid kaysa sa mga ordinaryong tao.“Huh? Hindi.”Ang sabi ni Delainey.Nagulat siya na tinanong ni James ang katanungan na ito sa kanya.“Hindi mo kaya?”Nanigas si James.Imposible ‘yun.Si Delainey ay isang matalino at mahusay na tao na may malaking potensyal sa martial arts. Wala ba siyang taglay na Supreme Spiritual Root?“Ginamit mo ba ang Dragon Essence?” Ang tanong ni James.Umiling si Delainey, “Napakakaunti lang ng Dragon Essence. Imposibleng makuha ko iyon. Yung dugo lang ng dragon ang ininom ko.”“May naramdaman ka bang kakaiba pagkatapos mong inumin ang dugo ng dragon?”Nang marinig niya ito, naging malagim ang ekspresyon ni Delainey habang tumatango siya at sinabi niya na, “Oo, may naramdaman akong kakaiba. Minsan, nagiging bayolente ako. Minsan naman, nakakaramdam ako ng pagkagahaman at ng matin
Mabilis matuto si Delainey. Sa loob lang ng maikling panahon, nagawa niyang maunawaan ang Lunar ang Terra Art at nagawa niyang humigop ng Empyrean Spiritual Energy. Kaya naman, hinayaan siya ni James sa ginagawa niya at pumasok siya sa isang closed-door meditation. Ngayon, maayos na ang lahat sa Dragonville, at walang kakaibang nangyayari sa Mount Bane. Bago siya pumasok sa isang closed-door meditation, tinawagan niya si Thea, na kasalukuyang nasa Cansington. "Thea, binigyan ako ni Lolo ng Phoenix Essence. Kaya, binabalak kong pumasok sa isang closed-door meditation. Kung may emergency, pumunta ka agad sa Mount Thunder Pass ng Southern Plains." Sinabi sa kanya ni James ang lokasyon niya. Nagmula sa phone ang boses ni Thea, "Huwag kang mag-alala. Ayos lang ang lahat dito. Aalagaan kong mabuti ang anak natin." "Sige, ibababa ko na ang phone." Binaba ni James ang kanyang phone. Pagkatapos, nilabas niya ang Phoenix Essence. Mayroong dalawang paraan upang linangin
Ang mga kadenang ito ay gaya ng mga DNA strand na pumipigil sa mga cell ng kanyang dugo. Isa itong hindi maipaliwanag na pakiramdam na hindi mailalarawan ng anumang lenggwahe. "Oo nga pala, kamusta ang cultivation mo?" Ang tanong ni James. Ang sabi ni Delainey, "Mukhang ayos lang naman. Pagkatapos kong higupin ang Empyrean Spiritual Energy, nagsimulang magkaroon ng mga pagbabago sa katawan ko. Subalit, walang nagbago sa aking True Energy. Sa tingin ko kailangan ko ng oras bago ko maabot ang ninth rank."Ang sabi ni James, "Kalat na sa kahit saan ang Spiritual Energy. Maaari kang makakita ng mga mutated na berry habang naglalakad sa mga gubat. Kabilang sa mga lugar na ito ang Mount Thunder Pass. Maglakad-lakad ka sa malapit, at posibleng makakita ka ng ganun klaseng mga berry kung suswertehin ka. Di-magtatagal, magagawa mo ring abutin ang ninth rank." "Pero, isang buwan na akong nandito. Gusto kong bumalik sa military region upang tingnan ang sitwasyon doon." Tumango si James
Ang Mount Stratmark ay isang kilalang kabundukan na matatagpuan sa north pole, kung saan binabalot ng niyebe ang tuktok nito buong taon. Noong mga sandaling iyon, isang grupo ng mga lalaking nakaitim na balabal ang nakaluhod sa lupa na para bang hinihintay nila ang pagdating ng isang napakahalagang tao. Fwoosh! Noong mga sandaling iyon, nasira ang paligid. Isang bitak ang lumitaw sa langit, at isang lalaki ang lumabas mula sa bitak at lumutang sa ere. Isa siyang gwapong lalaki na nakasuot ng puting damit, at sa sobrang lakas ng aura na nagmumula sa kanya ay gumuho ang mga bundok na binabalot ng niyebe. Kasabay nito, natunaw ang niyebe at naging isa itong talon. "Greetings, Your Holiness!” Sabay-sabay na bumati ang mga lalaki.Bumaba ang lalaki mula sa langit at lumapag siya sa lupa.Mahinahon ang ekspresyon ng kanyang mukha, tumingin siya sa grupo ng mga kalalakihan at nagtanong siya, “Kamusta ang sitwasyon sa Earth?” “Your Holiness, nananatiling maayos ang sitwasyon s
Kahit ang pinakamalakas sa kanilang lahat ay nasa Supernatural stage…Napakahina! “Ano na ang gagawin natin ngayon, O Kabanalan?” Tanong ng isang lalaki. Nag-isip sandali ang Grand Priest bago nito sinabi, “Dinala ko ang Five-Colored Holy Stones para palakasin ang seal. Ito ang pipigil sa mga taga-kabilang mundo na gustong makarating dito gamit ng seal. Una, buburahin ang Void Sect na nasa Mount Bane at kakamkamin ang bundok. Pagkatapos, palalakasin natin ang seal habang hinahanap ang apat na susi kasabay nito. Kapag dumating ang tamang pagkakataon, gagamitin natin ang seal. Pansamantala, sasakupin ko ang Earth para ihanda ang aking sekta para sa hinaharap.” “Masusunod.” “Sige ngayon, tumayo ka at magsalita.” At doon lang tumayo ang mga lalaki at nagsalita. Samantala, ang Grand Priest ay umalis ng Mount Stratmark at nagtungo ng Sol kasama ng kanyang mga kasamahan. Sa mga sandaling iyon, umalis si Thea ng Cansington at naglakbay patungong Dragonville sa may Southern