Sinabi ni Langston kay James ang tungkol aa Supreme Spiritual Root.. Ang sinuman na may taglay na Supreme Spiritual Root ay magiging matalino, at kilalang mga indibidwal na pinanganak upang harapin ang kalamidad. Subalit, ano ang kalamidad? Base sa mga sinabi ni Langston, ang kalamidad ay darating sa oras na mabuksan ang seal. Ito ang pinakamalaking delubyo na haharapin ng sangkatauhan. Gayunpaman, upang malampasan ang sakunang ito, nakaisip ng pangontra ang mga ninuno ng sangkatauhan. Hahayaan nila ang sangkatauhan na makuha ang dugo ng Four Holy Beasts upang humaba ang kanilang mga buhay, na magbibigay daan upang mabilis silang lumakas at magawa nilang malampasan ang nagbabadyang panganib. Subalit, noong matunugan ng mga kalaban ang mga plano ng mga ninuno ng sangkatauhan, pinakialaman nila ang Four Holy Beasts. "Ito ang hypothesis ko base sa mensaheng iniwan ni King Quavon sa kanyang mosoleo. Tanging panahon lang ang makakapagsabi kung totoo ito." Hindi sigurado si Langsto
Nagtanong si James. Sinabi sa kanya ni Langston na ang mga taong may taglay na Supreme Spiritual Root ay mas madaling nararamdaman ang Empyrean Spiritual Energy sa paligid kaysa sa mga ordinaryong tao.“Huh? Hindi.”Ang sabi ni Delainey.Nagulat siya na tinanong ni James ang katanungan na ito sa kanya.“Hindi mo kaya?”Nanigas si James.Imposible ‘yun.Si Delainey ay isang matalino at mahusay na tao na may malaking potensyal sa martial arts. Wala ba siyang taglay na Supreme Spiritual Root?“Ginamit mo ba ang Dragon Essence?” Ang tanong ni James.Umiling si Delainey, “Napakakaunti lang ng Dragon Essence. Imposibleng makuha ko iyon. Yung dugo lang ng dragon ang ininom ko.”“May naramdaman ka bang kakaiba pagkatapos mong inumin ang dugo ng dragon?”Nang marinig niya ito, naging malagim ang ekspresyon ni Delainey habang tumatango siya at sinabi niya na, “Oo, may naramdaman akong kakaiba. Minsan, nagiging bayolente ako. Minsan naman, nakakaramdam ako ng pagkagahaman at ng matin
Mabilis matuto si Delainey. Sa loob lang ng maikling panahon, nagawa niyang maunawaan ang Lunar ang Terra Art at nagawa niyang humigop ng Empyrean Spiritual Energy. Kaya naman, hinayaan siya ni James sa ginagawa niya at pumasok siya sa isang closed-door meditation. Ngayon, maayos na ang lahat sa Dragonville, at walang kakaibang nangyayari sa Mount Bane. Bago siya pumasok sa isang closed-door meditation, tinawagan niya si Thea, na kasalukuyang nasa Cansington. "Thea, binigyan ako ni Lolo ng Phoenix Essence. Kaya, binabalak kong pumasok sa isang closed-door meditation. Kung may emergency, pumunta ka agad sa Mount Thunder Pass ng Southern Plains." Sinabi sa kanya ni James ang lokasyon niya. Nagmula sa phone ang boses ni Thea, "Huwag kang mag-alala. Ayos lang ang lahat dito. Aalagaan kong mabuti ang anak natin." "Sige, ibababa ko na ang phone." Binaba ni James ang kanyang phone. Pagkatapos, nilabas niya ang Phoenix Essence. Mayroong dalawang paraan upang linangin
Ang mga kadenang ito ay gaya ng mga DNA strand na pumipigil sa mga cell ng kanyang dugo. Isa itong hindi maipaliwanag na pakiramdam na hindi mailalarawan ng anumang lenggwahe. "Oo nga pala, kamusta ang cultivation mo?" Ang tanong ni James. Ang sabi ni Delainey, "Mukhang ayos lang naman. Pagkatapos kong higupin ang Empyrean Spiritual Energy, nagsimulang magkaroon ng mga pagbabago sa katawan ko. Subalit, walang nagbago sa aking True Energy. Sa tingin ko kailangan ko ng oras bago ko maabot ang ninth rank."Ang sabi ni James, "Kalat na sa kahit saan ang Spiritual Energy. Maaari kang makakita ng mga mutated na berry habang naglalakad sa mga gubat. Kabilang sa mga lugar na ito ang Mount Thunder Pass. Maglakad-lakad ka sa malapit, at posibleng makakita ka ng ganun klaseng mga berry kung suswertehin ka. Di-magtatagal, magagawa mo ring abutin ang ninth rank." "Pero, isang buwan na akong nandito. Gusto kong bumalik sa military region upang tingnan ang sitwasyon doon." Tumango si James
Ang Mount Stratmark ay isang kilalang kabundukan na matatagpuan sa north pole, kung saan binabalot ng niyebe ang tuktok nito buong taon. Noong mga sandaling iyon, isang grupo ng mga lalaking nakaitim na balabal ang nakaluhod sa lupa na para bang hinihintay nila ang pagdating ng isang napakahalagang tao. Fwoosh! Noong mga sandaling iyon, nasira ang paligid. Isang bitak ang lumitaw sa langit, at isang lalaki ang lumabas mula sa bitak at lumutang sa ere. Isa siyang gwapong lalaki na nakasuot ng puting damit, at sa sobrang lakas ng aura na nagmumula sa kanya ay gumuho ang mga bundok na binabalot ng niyebe. Kasabay nito, natunaw ang niyebe at naging isa itong talon. "Greetings, Your Holiness!” Sabay-sabay na bumati ang mga lalaki.Bumaba ang lalaki mula sa langit at lumapag siya sa lupa.Mahinahon ang ekspresyon ng kanyang mukha, tumingin siya sa grupo ng mga kalalakihan at nagtanong siya, “Kamusta ang sitwasyon sa Earth?” “Your Holiness, nananatiling maayos ang sitwasyon s
Kahit ang pinakamalakas sa kanilang lahat ay nasa Supernatural stage…Napakahina! “Ano na ang gagawin natin ngayon, O Kabanalan?” Tanong ng isang lalaki. Nag-isip sandali ang Grand Priest bago nito sinabi, “Dinala ko ang Five-Colored Holy Stones para palakasin ang seal. Ito ang pipigil sa mga taga-kabilang mundo na gustong makarating dito gamit ng seal. Una, buburahin ang Void Sect na nasa Mount Bane at kakamkamin ang bundok. Pagkatapos, palalakasin natin ang seal habang hinahanap ang apat na susi kasabay nito. Kapag dumating ang tamang pagkakataon, gagamitin natin ang seal. Pansamantala, sasakupin ko ang Earth para ihanda ang aking sekta para sa hinaharap.” “Masusunod.” “Sige ngayon, tumayo ka at magsalita.” At doon lang tumayo ang mga lalaki at nagsalita. Samantala, ang Grand Priest ay umalis ng Mount Stratmark at nagtungo ng Sol kasama ng kanyang mga kasamahan. Sa mga sandaling iyon, umalis si Thea ng Cansington at naglakbay patungong Dragonville sa may Southern
Hindi inaasahan ni James na pupunta si Thea sa Mount Thunder Pass. ‘Nasaan si Winnie? Sino ang nag-aalaga sa kanya ngayon?” Paliwanag ni Thea, “Iniwan ko siya sa aking ina. Nag-aalala ako sayo at ayoko na harapin mo ito ng mag-isa. Naparito ako para tulungan ka.” Nang marinig niya ito, pinigilan ni James ang kanyang sarili na umiyak. Naisip niya na siya na ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo noong pinakasalan niya si Thea. “Siya nga pala, kamusta naman ang iyong cultivation?” tanong ni Thea. “Naging maayos naman, sa tingin ko.” Tumango si James ng bahagya at sinabi, “Nakawala na ako sa unang kadena at ngayon ako ay malapit nang makawala sa pangalawa. Base sa kasalukuyan kong bilis, kakailanganin ko pa ng tatlong buwan para magawa iyon.”“Mabuti naman.” Sa sumunod na ilang mga araw, sinimulan nilang mag-cultivate sa Mount Thunder Pass. Makalipas ang limang araw, dumating di Delainey. Nang makita niya si thea, natigilan siya sandali bago niya sila nilapitan
Sa kabilang banda naman, matagal nang nakarating si Thea sa ninth rank matapos higupin ang kapangyarihan ng Phoenix Essence. Bukod dito, malapit na niyang maramdaman ang presensya ng unang kadena sa loob ng kanyang katawan. Si James ay nakaupo ng pa-lotus position sa may tuktok ng Mount Thunder Pass, haabang naglalabas ng malakas na aura. Sa sandaling iyon, tumigil siya sa pagku-cultivate. Sumunod din si Thea at tiningnan si James, saka tinanong ito, “Anong problema?” Sinabi ni James, “Nararamdaman ko na ang pangalawang kadena.” “Binabati kita.” Labis na natuwa si Thea. Napabuntong hininga si James. “Masyadong malakas ang Phoenix Essence. Kung nag-cultivate ako ng painot-inot, hindi ko magagawang maramdaman ang pangalawang kadena makalipas ang sampung taon.” Pinalakas ni Thea ang kanyang loob. “Kaya mo yan!” Sa mga sandaling iyon, nilapitan sila ni Delainey. Kahit na naglagalag ito sa loob ng kagubatan sa loob ng kabundukan tatlong buwan na ang nakakaraan, wala p