Kahit ang pinakamalakas sa kanilang lahat ay nasa Supernatural stage…Napakahina! “Ano na ang gagawin natin ngayon, O Kabanalan?” Tanong ng isang lalaki. Nag-isip sandali ang Grand Priest bago nito sinabi, “Dinala ko ang Five-Colored Holy Stones para palakasin ang seal. Ito ang pipigil sa mga taga-kabilang mundo na gustong makarating dito gamit ng seal. Una, buburahin ang Void Sect na nasa Mount Bane at kakamkamin ang bundok. Pagkatapos, palalakasin natin ang seal habang hinahanap ang apat na susi kasabay nito. Kapag dumating ang tamang pagkakataon, gagamitin natin ang seal. Pansamantala, sasakupin ko ang Earth para ihanda ang aking sekta para sa hinaharap.” “Masusunod.” “Sige ngayon, tumayo ka at magsalita.” At doon lang tumayo ang mga lalaki at nagsalita. Samantala, ang Grand Priest ay umalis ng Mount Stratmark at nagtungo ng Sol kasama ng kanyang mga kasamahan. Sa mga sandaling iyon, umalis si Thea ng Cansington at naglakbay patungong Dragonville sa may Southern
Hindi inaasahan ni James na pupunta si Thea sa Mount Thunder Pass. ‘Nasaan si Winnie? Sino ang nag-aalaga sa kanya ngayon?” Paliwanag ni Thea, “Iniwan ko siya sa aking ina. Nag-aalala ako sayo at ayoko na harapin mo ito ng mag-isa. Naparito ako para tulungan ka.” Nang marinig niya ito, pinigilan ni James ang kanyang sarili na umiyak. Naisip niya na siya na ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo noong pinakasalan niya si Thea. “Siya nga pala, kamusta naman ang iyong cultivation?” tanong ni Thea. “Naging maayos naman, sa tingin ko.” Tumango si James ng bahagya at sinabi, “Nakawala na ako sa unang kadena at ngayon ako ay malapit nang makawala sa pangalawa. Base sa kasalukuyan kong bilis, kakailanganin ko pa ng tatlong buwan para magawa iyon.”“Mabuti naman.” Sa sumunod na ilang mga araw, sinimulan nilang mag-cultivate sa Mount Thunder Pass. Makalipas ang limang araw, dumating di Delainey. Nang makita niya si thea, natigilan siya sandali bago niya sila nilapitan
Sa kabilang banda naman, matagal nang nakarating si Thea sa ninth rank matapos higupin ang kapangyarihan ng Phoenix Essence. Bukod dito, malapit na niyang maramdaman ang presensya ng unang kadena sa loob ng kanyang katawan. Si James ay nakaupo ng pa-lotus position sa may tuktok ng Mount Thunder Pass, haabang naglalabas ng malakas na aura. Sa sandaling iyon, tumigil siya sa pagku-cultivate. Sumunod din si Thea at tiningnan si James, saka tinanong ito, “Anong problema?” Sinabi ni James, “Nararamdaman ko na ang pangalawang kadena.” “Binabati kita.” Labis na natuwa si Thea. Napabuntong hininga si James. “Masyadong malakas ang Phoenix Essence. Kung nag-cultivate ako ng painot-inot, hindi ko magagawang maramdaman ang pangalawang kadena makalipas ang sampung taon.” Pinalakas ni Thea ang kanyang loob. “Kaya mo yan!” Sa mga sandaling iyon, nilapitan sila ni Delainey. Kahit na naglagalag ito sa loob ng kagubatan sa loob ng kabundukan tatlong buwan na ang nakakaraan, wala p
Walang balak si Thea na higupin ang natitirang Phoenix Essence. Ito ay dahil sa gusto niya na malayo ang marating ni James. Si Delainey, na nakahigop ng konti ng Phoenix Essence, ay nadagdagan din ang taglay na True Energy. Ngayon, naniniwala siya na nakalikom na siya ng sapat na lakas para makatawid sa ninth rank. “Ganun din ang nararamdaman ko, James.”“Mhm.” Tumango si James. Kinakailangan ng malaking enerhiya para sa mga malayong stage ng cultivation. Kaya naman, ang natitirang Phoenix Essencer ay sapat lang kay James para makawala mula sa ikatlong kadena. Nagpatuloy si James sa pagku-cultivate. Samantala, dahil ang mga babae ay wala naman nang ibang ginagawa, pinili na lang nila na umalis at pumunta ng Dragonville. Hindi nagtagal, dalawang buwan na ang lumipas. Halos anim na buwan na nung nagsimula si James sa kanyang closed-door meditation sa Mount Thunder Pass ngayon. Ang kanyang lakas ay dagdagan ng husto. Isang gabi sa Mount Bane… Boom! May tumama na k
Kahit na wala siyang laban sa mga ito, kailangan pa rin niyang pumunta. Marahil ay baka may mapala siya mula dito. “Umalis na tayo.” Makalipas ang maikling pag-iisip, tumayo siya at sinabi ng may determinasyon sa kanyang mga mata, “Kahit na anong mangyari, kailangan kong pumunta.” “Mhm.” Tumango si Thea. Hindi nagtagal, kaagad na umalis ang dalawa. Nang makarating sila ng Dragonville, tinago ni James ang natitirang Phoenix Essence at sumakay sa isang pribadong eroplano na papunta ng Mount Bane kasama si Thea.Ang papunta sa Mount Bane ay inabot lang ng tatlong oras. Nung nakarating sila sa paanan ng bundok, alas onse palang ng umaga. Sa kasalukuyan, isang manipis na hamog ang nakabalot sa mga kabundukan. Kasabay nito, ang hamog ay naglalabas ng kumikislap na liwanag. Alam ni James na ang ilaw na ito ay mula sa mukhang mahiwaga na estatwa. Samantala, isang kulay lila na liwanag ang makikita sa hindi ganun kalayo na lugar. Kahit na medyo malayo pa sila sa Mount Bane, narar
Dahil sa kakaibang pangyayari sa Mount Bane, si Juniper Waseem, ang Grand Priestess ng Void Sect, ay nalaman na may ipinanganak na bagay.Kahit na alam niyang wala siyang laban kay Conrad, nagpunta pa din siya. Napagtanto niya na hindi siya maglalakas loob na gamitin ang buong lakas niya. Kahit na mamatay siya sa laban, maiiwanan niya ng matinding pinsala si Conrad. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga taga lupa na lumaban.Kaya, hindi takot si Juniper na harapin si Conrad.Naglabas siya ng malakas ka aura habang kalmadong nakatingin kay kamatayan. Hawak ang espada niya, itinutok niya ito kay Conrad at sinabi ng malamig, “Sumugod ka, Conrad. Hindi tayo nakapaglaban ng husto noong huli. Titignan ko kung gaano ka kalakas talaga!”Nagdilim ang mukha ni Conrad habang nakatingin sa kanya. Hindi niya inaasahan na babalik siya sa Mount Bane. Alam niya kung gaano kalakas si Juniper base sa huli nilang laban. Sapagkat mas mahina siya, siguradong magtatamo pa din siya ng pinsala kapag naglaban sila
“Ang ibig sabihin ba nito ang Grand Priestess ng Void Sect at si Conrad Titus ay parehong nasa Mount Bane?”“Mhm.” Tumango si James at sinabi, “Tama ka.”Nawala sa isip si Langston. Aakyat sana siya sa bundok ng walang alinlangan kung iisang kalaban lang ang nandoon. Wala nga naman siyang laban sa pinagtulong na lakas ng dalawang martial artist na nasa Supernatural rank.Sinuri niya ang paligid. Matapos makita na wala ang Omniscient Deity, hindi niya mapigilan na magtanong, “Nandito ba ang Omniscient Deity?”Sumagot si James, “Naghihintay ako dito simula pa ng tanghali kahapon. Pero, wala akong nakita kahit bakas niya.”“Maghihintay tayo kung ganoon.” Sagot ni Langston, “Sa Mount Bane matatagpuan ang seal, kaya marahil babantayan ng Omniscient Deity ang mangyayari doon. Siguradong pupunta siya.”Kumpiyansa si Langston na malapit na dumating ang Omniscient Deity.Parami ng parami ang mga tao na dumadating.“Hahaha! Hoy, James!”Dumagungdong ang malakas na tawa sa malayo. Pagkatapos, si
Walang naglakas loob na magsalita. Kaya makipaglaban ni Langston sa isang Supernatural mag-isa, pero kaya silang ubusin ng isa pang Supernatural ng ganoon kadali.Habang tahimik ang lahat, nagsalita si Tyrus. “Nakawala na ako sa ikatlong kadena.”Matapos nila ito marinig, nagtinginan sila sa kanya.Kalahating taon na ang nakararaan, dinala ni Langston pabalik ang Phoenix Essence at dugo ng phoenix matapos paslangin ang Phoenix. Kahit na naibigay kay James ang Phoenix Essence, sumailalim si Tyrus sa closed-door meditation habang hinihigop ang matinding lakas mula sa dugo ng Phoenix. Sa kasalukuyan, nakawala na siya mula sa ikatlong kadena at malapit na maabot ang pagiging Supernatural.Nagpatuloy si Tyrus,”Sa tulong ng lakas ko, ang lakas ng Grand Patriarch ng Blood Race, at ni James, kaya namin pigilan ang isang Supernatural kahit na hindi namin ito kayang talunin.”“Sumugod na tayo kung ganoon!” Nagsalita ang Grand Patriarch ng Blood Race na si Kaiden Walchelin. “Ang Earth ang nagmama