Ang misteryosong bagay na pinagmumulan ng liwanag ay isang hamak na esatatwa.Ang estatwa ay limampung metro ang taas at ang itsura nito ay lalake na naka robe. Ang ekspresyon ng estatwa ay tila nakatingin sa malayo. Mayroon itong natatagaong karisma, na tila galit ito sa mundo.Kahit na estatwa lamang ito, malakas ang enerhiya na nagmumula dito.May kapangyarihan na mararamdaman mula dito na tila isa itong tunay na martial artist.Na-overwhelm si James sa enerhiya nito at pakiramdam niya gusto niya itong sambahin.“Huh?” natanga si James.Sino ang gumawa ng estatwang ito? Paano naging posible na may taglay itong ganito na enerhiya?Nabigla rin si Tyrus dito.“Sinong nandiyan?”Isang malakas na boses ang dumagungdong.“Tara na.”Mabilis na kumilos si Tyrus at hinimok si James na umalis.Hindi na nanatili pa si James at agad na umalis.Sa oras na ito, isang pigura ang bigla nagpakita. Agad na sumugod si Tyrus gamit ang palad niya at sinabayan ang atake ng isa pang tao.Boom!Nagkasalubo
Nang narinig ito, nagsimulang mag-usap-usap ang lahat. Pinag-usapan ng lahat kung anong klase ng istatwa ito. Napansin ni James na dumating ang halos lahat ng martial artists sa iba't-ibang parte ng mundo. Tumingin siya kay Tyrus na nakaupo nang naka-lotus position at pinapagaling ang mga sugat niya. Lumapit siya at nagtanong, "Tito, sa tingin mo ba dapat nating sabihin sa kanila ang tungkol sa seal?" Nag-isip sandali si Tyrus at nagsabing, "Pwede mong sabihin sa kanila ang tungkol sa paghina ng seal at ang sari-saring pagbabagong mangyayari. Mas magandang ipaalam ito sa kanila ngayon para maging handa sila." "Sige." Pagkatapos makakuha ng permiso, naglakad si James papunta sa madla. Sa sandaling iyon, nagtipon-tipon ang mga martial artist para pag-usapan ang istatwa. Nang lumapit si James, tumayo ang lahat. Tumingin si James sa dose-dosenang tao sa harapan niya. Ang mga martial artist na ito ay kasalukuyang ang pinakamalakas na martial artists sa mundo. Sila ang magi
Hindi pa sapat ang Dragonville. Umaasa si James na magkakaroon pa ng ibang bansa para suportahan ang kaligtasan ng sangkatauhan. Kung mayroong mas maraming bansa, magkakaroon pa rin ang sangkatauhan ng ligtas na lugar para mabuhay kapag dumating na ang hindi maiiwasang kaguluhan. Dahil tinanggihan siya ulit si James, hindi na nagtangka si Thomas na pilitin pa siya. Kasunod nito, nagtipon-tipon ang lahat at nagsimulang pag-usapan ang Mount Bane. Ngayong alam na nila ang katotohanan, alam ng lahat na ang Mount Bane ay isang mahikal na lugar, at kailangan nila itong sakupin. Hindi niya hahayaang makuha ito ng Void Sect mula sa Sealed Realm. Sa buong gabi, sama-samang pinag-usapan ng lahat ang bagay na ito. Pagkatapos ng isang gabi ng pag-uusap, naisipan nilang atakihin ang Mount Bane bukas nang umaga. Tahimik na lumipas ang gabi. Sa sumunod na umaga, sumikat ang araw mula sa malayo. Dose-dosenang martial artists ang nagtipon sa paanan ng Mount Bane. Humakbang pahara
Bumugso ang malakas na enerhiya mula sa katawan niya. Sa sandaling iyon, kumilos siya. "Halika, aking espada." Kinaway ni Wilbert ang kamay niya. Isang maliwanag at mahabang espada ang sumugod sa kanya mula sa malayo. Nasalo niya ang long sword at sumugod pababa ng bundok. Humiwa siya gamit ng long sword at isang malakas na Sword Energy ang sumabog at sinalag ang daan-daang Sword Energy. Sa sandaling iyon, umatake ang pinakamalalakas sa Blood Race, si Tyrus, ang tatlong Grand Patriarchs mula Polaris Sect, si Sky, si Thomas, at ang Thunder King. Umatake silang lahat mula sa iba't-ibang direksyon at sinugod si Wilbert. Isang matinding laban ang kaagad na sumiklab. Umalon ang True Energy at kumislap ang mga Sword Energy sa langit. Malakas si Wilbert, ngunit mga ninth-ranked grandmaster ang umaatake sa kanya. Higit pa roon, sina Tyrus at ang Grand Patriarch ng Blood Race ay nakalaya na sa dalawang shackles. Sa sandaling iyon, mahirap para sa kanya na salagin ang atake ng
Kahit na isang ninth-ranked grandmaster si James, hindi magiging madali para sa kanya na talunin ang tatlong Half-Saints nang ganun kabilis. Alam niyang ang pinakamalakas na tao sa Void Sect sa ngayon ay si Wilbert. Kapag natalo nila si Wilbert, mas magiging madaling labanan ang mga disipulo ng Void Sect. Tinulak ni James paatras ang tatlo at sumali sa labanan laban kay Wilbert. Umatras ang medyo nanghinang si Thomas, ang Thunder King, at ang iba pang martial artists mula sa laban at umalis para labanan ang tatlong Half-Saints. Ngayon, maraming tao ang nakapalibot kay Wilbert—lima mula sa Blood Race, ang tatlong Grand Patriarch ng Polaris Sect, si Tyrus, si Sky, at si James. Labing-isang tao sila sa kabuuan. Sa kanila, kahit ang pinakamahina ay mga ninth-ranked grandmasters Sina Tyrus at ang Grandmaster ng Blood Race na si Kaiden ang pangunahing umaatake. Ang iba ay tumutulong mula sa tabi para guluhin si Wilbert. Kumislap sa langit ang mga Sword Light at mga anino. U
“Hmph.”Suminghal si Wilbert at tumangging magsalita pa. "Magsasalita ka ba o hindi?" Lumapit si Sky at idiniin ang espada niya sa leeg ni Wilbert. Nagbanta siya, "Kung ayaw mong magsalita, kaya kitang patayin kaagad." Hindi natatakot si Wilbert. Hindi nagbago ang ekspresyon niya kahit na may espadang nakalapat sa leeg niya. Namumuhi rin ang ekspresyon ng mga disipulo ng Void Sect. "Iniisip niyo talaga malakas kayo, ano?"Paano niyo naisip na napakagaling niyo pagkatapos niyo kaming matalo?" "Babaha sa Earth ang mga Ultranatural kapag bumukas ang seal. Ang kahit na sino sa kanila ay kaya kayong burahin lahat." Kampante ang mga disipulo ng Void Sect. Kahit na natalo sila sa laban, nanatili silang arogante. Natulala si James. Tumingin siya kay Tyrus at nagtanong, "Tito, anong dapat nating gawin ngayon?" Napaisip si Tyrus. Pagkatapos ng isang sandali, sabi niya, "Ikulong mo muna sila. Wag tayong magpadalos-dalos at hintayin natin ang ama ko." Hindi siya makapag
Malubhang nasugatan si Wilbert at nababalot siya ng mga sugat. Nagdudugo ang ulo niya na tumulo sa mukha niya. Magulo rin maski ang buhok niya. Gayunpaman, hindi siya nagpakita ng takot. Bilang isang tao ng Void Sect mula sa Sealed Realm, hindi siya natatakot sa mga tao ng daigdig. Hindi siya natatakot sa kamatayan. Kahit ang mga pinakamalalakas ay hindi makakatakas sa kamatayan sa buong buhay nila. Ang pagiging imortal? Sino ba talaga ang kayang mabuhay habangbuhay? Wala naman talagang may kayang mabuhay habangbuhay. "Nasa bingit ka na ng kamatayan, pero nagmamatigas ka pa rin. Gusto kong makita kung hindi ka pa rin magsasalita. Pagkatapos, isinaksak niya ang long sword niya. Tumusok ang long sword niya sa isa sa mga disipulo ng Void Sect na nakaupo sa tabi. Binunot niya ang espada niya at tumalsik ang dugo. "Haha. Mamatay na kayong lahat…" Sumigaw ang disipulong nasaksak. Pagkatapos saksakin ni Sky ang disipulo, intake niya siya sa noo gamit ng palad niya.
Nang marinig ito, maraming tao ang tumingin kay James. Kumibit-balikat si James, pinapahayag niyang wala rin siyang alam. Humakbang paharap si Tyrus at nagsabing, "Base sa pagkakaunawa ko, nasa Mount Bane ang Sealed Realm, at dumating sa Earth ang Void Sect mula sa sealed gateway. Dapat nating hanapin at bantayan ang seal na sinara sa Sealed Realm. Kapag dumaan ang mga dayo sa sealed gateway papunta sa Earth, walang awa natin silang papatayin." Tumayo si James at nag-utos, "Mhm. Kayong lahat, halughugin niyo ang lugar at hanapin niyo ang lokasyon ng seal."Nagwatak-watak ang lahat at nagsimulang hanapin ang Mount Bane. Kahit na malawak ang Mount Bane, sinara ang mga hindi kilalang bundok na lumitaw. May ilang mga bundok na pwede nilang halughugin. Kung kaya't magiging madali para sa kanila na hanapin ang seal. Hindi nagtagal, natuloy na nila ang lokasyon ng seal. Naroon ito sa isang bakanteng lugar sa tuktok ng Mount Bane. Sa gitna ng lugar ay isang altar. Ang alta