Nang marinig ito, maraming tao ang tumingin kay James. Kumibit-balikat si James, pinapahayag niyang wala rin siyang alam. Humakbang paharap si Tyrus at nagsabing, "Base sa pagkakaunawa ko, nasa Mount Bane ang Sealed Realm, at dumating sa Earth ang Void Sect mula sa sealed gateway. Dapat nating hanapin at bantayan ang seal na sinara sa Sealed Realm. Kapag dumaan ang mga dayo sa sealed gateway papunta sa Earth, walang awa natin silang papatayin." Tumayo si James at nag-utos, "Mhm. Kayong lahat, halughugin niyo ang lugar at hanapin niyo ang lokasyon ng seal."Nagwatak-watak ang lahat at nagsimulang hanapin ang Mount Bane. Kahit na malawak ang Mount Bane, sinara ang mga hindi kilalang bundok na lumitaw. May ilang mga bundok na pwede nilang halughugin. Kung kaya't magiging madali para sa kanila na hanapin ang seal. Hindi nagtagal, natuloy na nila ang lokasyon ng seal. Naroon ito sa isang bakanteng lugar sa tuktok ng Mount Bane. Sa gitna ng lugar ay isang altar. Ang alta
Sa kasamaang palad, hindi sigurado si Tyrus sa kung ano ang tinatawag na Four Calamities. Ito ang impormasyong iniwan ni King Quavon sa mosoleyo niya. Ang alam lang ni Tyrus ay iniwan ng mga ninuno sa Earth ang Four Holy Beasts, na para bang konektado sa away at hindi pagkakasundo. Gayunpaman, pinakialaman ito ng mga Outsider. Pinaliwanag ni Tyrus ang mga bagay na alam niya. Hindi pa narinig ni James ang mga bagay na ito noon at nabigla siya. Tama ang Omniscient Deity. Sa katotohanan, ang Earth na alam nila ay bahagi lang ng isang buong mundo. Pagkatapos mag-usap sandali ng dalawa, nagpatuloy silang pag-aralan ang altar at ang four-sided diagram sa Mount Bane. Kakaiba ang diagram. Mula sa malayo, mukha itong nasa hugis ng Four Holy Beasts, ngunit nawawala ang isang bahagi nito. Bzzt!Nang sinusuri ng lahat ang altar, isang kumukulong tunog ang nagmula rito. Hindi nagtagal, isang maliwanag na ilaw ang lumabas mula sa altar. Nabigla ang lahat at mabilis silang umatr
Napakaganda niya habang umalon ang bistida niya pati ang mahabang buhok niya. "Pinatay mo ang mga disipulo ng sect namin?" Tumingin si Juniper sa madla. Simple siyang nagsalita ngunit naglalabas siya ng dominanteng aura. "Oo, ano naman ngayon?" Habang hawak ang long sword niya, dumilim ang mukha ni Sky nang sumagot siya, "Nasa Earth ka ngayon, hindi sa Sealed Realm. Dapat malakas ka kung magtatangka kang gumawa ng gulo sa Earth." Pagkatapos magsalita, naglaho ang katawan ni Sky at mabilis siyang sumugod kay Juniper. Nanatiling kalmado si Juniper. Bago makalapag ang atake ni Sky, dahan-dahang itinaas ni Juniper ang kamay niya at hinawi ang manggas niya. Isang malakas na pwersa ang bumugso at pinatalsik si Sky. Boom!Nalaglag sa malayo ang katawan niya at bumagsak sa lapag na nagpalipad ng alikabok sa ere. "Ano?" Nagulat ang martial artists ng Earth. Kahit si James ay may seryosong ekspresyon. Alam niyang isang ninth-ranked grandmaster si Sky. Kahit na hindi tu
Isa-isang nagsalita ang mga disipulo ng Void Sect. Inusig nila ang Grand Priestess na patayin sina James at ang iba pang martial artists. Wala sa mga martial artist ng Earth ang nagtangkang magsalita lalo na't maski si Tyrus ay natalo sa isang atake. Ang kung sino mang hahakbang ngayon ay aatakihin. Hinawakan ni Juniper ang long sword niya at tinignan ang martial artists sa harapan niya. "Dahil pinatay mo ang mga disipulo ng Void Sect, kikitilin ko ang mga buhay niyo." Dahan-dahang nagsalita si Juniper. Kalmado ang tono niya ngunit may dala itong hindi mababaling intensyon. Kailangan niyang patayin ang mga taong ito para ipaghiganti ang mga disipulo ng sect niya. Swoosh!Sa sandaling iyon, isang anino ang lumitaw. Isang tao ang lumitaw sa tuktok ng Mount Bane. Mukhang bata pa ang taong iyon, para bang nasa dalawampu o tatlumpung taong gulang. Nakasuot siya ng puting balabal at may itim at puting buhok. “Lord Omniscient.”"Ang Omniscient Deity." Nang nakita nila
"Marami silang pinatay sa mga disipulo natin. Paano namin ito palalampasin?" Nilabas ng mga disipulo ng Void Sect ang kanilang mga saloobin. Tiningnan sila ng masama ni Juniper. Agad na tinikom ng mga disipulo ang kanilang mga bibig at tumigil sila sa pagsasalita. Lumingon ang Omniscient Deity at tumingin siya sa mga martial artist ng Earth. Pagkatapos, sinabi niya na, "Sige na. Bumaba na tayo sa bundok. Simula sa araw na ito, huwag na kayong babalik sa Mount Bane."Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod siya at umalis. Sumunod sa kanya ang lahat. Inalalayan ni James si Tyrus at umalis. Tinulungan din ng isa pang tao ang sugatang si Sky. Pagkatapos umalis ni James at ng iba pa, nagtanong si Kaj, "Kamahalan, bakit hindi mo sila pinatay at hindi mo dinispatya ang isang balakid sa'tin?" Ang seryosong sinabi ni Juniper, "Isa siyang malakas na kalaban. Kapag naglaban kami, posibleng matalo niya ako. Kahit na mapatay ko siya gamit ng aking Supernatural Power, magtatamo ako
Gaano ba kahirap maging isang Supernatural martial artist? Ilang libong taon nang nabubuhay si Tyrus ngunit dalawa pa lamang sa mga kadena ng katawan ang kanyang nalampasan, kaya masasabi na hindi madali ang maging isang Supernatural. Sinabi ni Tyrus kay James na mahirap ang pagkucultivate noon. Subalit, sinabi niya na malapit na nilang maranasan ang pinakamagandang panahon upang magcultivate. Kapag nabuksan na ang seal, manunumbalik ang Empyrean Spiritual Energy ng mundo, at magiging isa itong magandang panahon ng cultivation. Ang mga maswerte ay maaaring makakuha ng matataas na kalidad ng mga spiritual elixir o spiritual fruits, dahilan upang madagdagan ng husto ang kanilang lakas. Ang mahirap noong nakaraang ilang libong taon ay magiging posible sa tulong kaunting swerte. Sa eroplano, nakipag-usap si James kay Tyrus sa loob ng mahabang oras.Habang nag-uusap sila, di-kalaunan ay lumapag ang kanilang eroplano sa Military Region ng Southern Plains. Umalis si Tyrus. Nagt
Gayunpaman, hindi niya alam ang mga detalye. Nagdulot ng kaguluhan sa Sol ang pangyayari sa Mount Bane. Sa tulong ng makabagong teknolohiya, madaling nalaman ng lahat ang tungkol sa liwanag na nagmula sa Mount Bane. Nagpadala ang bansa ng mga sundalo upang magbantay sa labas ng bundok. Dahil hindi pinahihintulutang pumasok ang mga tagalabas, walang sinuman ang nakakaalam kung ano talaga ang nangyari. Tanging iilang malalakas na mga martial artist lamang ang nakakaalam ng totoo. Sa harap ng tanong ni Delainey, hindi tinago ni James ang katotohanan at sinabi niya sa kanya ang tungkol sa naganap na insidente sa Mount Bane. Seryosong nagtanong si Delainey, "Talaga bang malakas ang Void Sect? Pati si Tyrus natalo sa isang atake lang?" Tumango si James at sinabing, "Kahit na hindi ko alam kung gaano kalakas ang Grand Priestess ng Void Sect, alam ko kung gaano kalakas ang tiyuhin ko. Nagawa na niyang makawala sa dalawang kadena at isa siyang malakas na martial artist. Base sa la
Nagbalik na si Langston. Sa tulong ng mga impormasyon na iniwan ni King Quavon, umalis siya ng bansa, pinatay ang phoenix, at kinuha niya ang dugo at essence nito. Nasabik si James pagkatapos niyang marinig ang balita. Ang dugo ng phoenix ay may kakayahang gawing imortal ang isang tao. Parehong nabuhay ng ilang libong taon sila Langston at Tyrus sa pamamagitan ng pag-inom ng dugo ng phoenix na iniwan ni King Quavon sa kanyang mosoleo. Sinundan ni James si Tyrus papunta sa Mt. Thunder Pass, sa Southern Plains. Ang Mt. Thunder Pass ay isang malawak na kagubatan. Balak din kunin ni James ang Mt. Thunder Pass. Balak niyang magtatag ng isang sect doon pagkatapos ng konstruksyon ng Dragonville. Nais niyang kumuha ng mga disipulo mula sa mga tao sa Earth upang maghanda para sa pagharap sa nalalapit na katapusan. Sinundan ni James si Tyrus papasok sa palasyo sa ilalim ng Mt. Thunder Pass. "Medyo matino ang pag-iisip ng kapatid ko nitong mga nakaraan at mukhang bumalik na ang