Kahit na isang ninth-ranked grandmaster si James, hindi magiging madali para sa kanya na talunin ang tatlong Half-Saints nang ganun kabilis. Alam niyang ang pinakamalakas na tao sa Void Sect sa ngayon ay si Wilbert. Kapag natalo nila si Wilbert, mas magiging madaling labanan ang mga disipulo ng Void Sect. Tinulak ni James paatras ang tatlo at sumali sa labanan laban kay Wilbert. Umatras ang medyo nanghinang si Thomas, ang Thunder King, at ang iba pang martial artists mula sa laban at umalis para labanan ang tatlong Half-Saints. Ngayon, maraming tao ang nakapalibot kay Wilbert—lima mula sa Blood Race, ang tatlong Grand Patriarch ng Polaris Sect, si Tyrus, si Sky, at si James. Labing-isang tao sila sa kabuuan. Sa kanila, kahit ang pinakamahina ay mga ninth-ranked grandmasters Sina Tyrus at ang Grandmaster ng Blood Race na si Kaiden ang pangunahing umaatake. Ang iba ay tumutulong mula sa tabi para guluhin si Wilbert. Kumislap sa langit ang mga Sword Light at mga anino. U
“Hmph.”Suminghal si Wilbert at tumangging magsalita pa. "Magsasalita ka ba o hindi?" Lumapit si Sky at idiniin ang espada niya sa leeg ni Wilbert. Nagbanta siya, "Kung ayaw mong magsalita, kaya kitang patayin kaagad." Hindi natatakot si Wilbert. Hindi nagbago ang ekspresyon niya kahit na may espadang nakalapat sa leeg niya. Namumuhi rin ang ekspresyon ng mga disipulo ng Void Sect. "Iniisip niyo talaga malakas kayo, ano?"Paano niyo naisip na napakagaling niyo pagkatapos niyo kaming matalo?" "Babaha sa Earth ang mga Ultranatural kapag bumukas ang seal. Ang kahit na sino sa kanila ay kaya kayong burahin lahat." Kampante ang mga disipulo ng Void Sect. Kahit na natalo sila sa laban, nanatili silang arogante. Natulala si James. Tumingin siya kay Tyrus at nagtanong, "Tito, anong dapat nating gawin ngayon?" Napaisip si Tyrus. Pagkatapos ng isang sandali, sabi niya, "Ikulong mo muna sila. Wag tayong magpadalos-dalos at hintayin natin ang ama ko." Hindi siya makapag
Malubhang nasugatan si Wilbert at nababalot siya ng mga sugat. Nagdudugo ang ulo niya na tumulo sa mukha niya. Magulo rin maski ang buhok niya. Gayunpaman, hindi siya nagpakita ng takot. Bilang isang tao ng Void Sect mula sa Sealed Realm, hindi siya natatakot sa mga tao ng daigdig. Hindi siya natatakot sa kamatayan. Kahit ang mga pinakamalalakas ay hindi makakatakas sa kamatayan sa buong buhay nila. Ang pagiging imortal? Sino ba talaga ang kayang mabuhay habangbuhay? Wala naman talagang may kayang mabuhay habangbuhay. "Nasa bingit ka na ng kamatayan, pero nagmamatigas ka pa rin. Gusto kong makita kung hindi ka pa rin magsasalita. Pagkatapos, isinaksak niya ang long sword niya. Tumusok ang long sword niya sa isa sa mga disipulo ng Void Sect na nakaupo sa tabi. Binunot niya ang espada niya at tumalsik ang dugo. "Haha. Mamatay na kayong lahat…" Sumigaw ang disipulong nasaksak. Pagkatapos saksakin ni Sky ang disipulo, intake niya siya sa noo gamit ng palad niya.
Nang marinig ito, maraming tao ang tumingin kay James. Kumibit-balikat si James, pinapahayag niyang wala rin siyang alam. Humakbang paharap si Tyrus at nagsabing, "Base sa pagkakaunawa ko, nasa Mount Bane ang Sealed Realm, at dumating sa Earth ang Void Sect mula sa sealed gateway. Dapat nating hanapin at bantayan ang seal na sinara sa Sealed Realm. Kapag dumaan ang mga dayo sa sealed gateway papunta sa Earth, walang awa natin silang papatayin." Tumayo si James at nag-utos, "Mhm. Kayong lahat, halughugin niyo ang lugar at hanapin niyo ang lokasyon ng seal."Nagwatak-watak ang lahat at nagsimulang hanapin ang Mount Bane. Kahit na malawak ang Mount Bane, sinara ang mga hindi kilalang bundok na lumitaw. May ilang mga bundok na pwede nilang halughugin. Kung kaya't magiging madali para sa kanila na hanapin ang seal. Hindi nagtagal, natuloy na nila ang lokasyon ng seal. Naroon ito sa isang bakanteng lugar sa tuktok ng Mount Bane. Sa gitna ng lugar ay isang altar. Ang alta
Sa kasamaang palad, hindi sigurado si Tyrus sa kung ano ang tinatawag na Four Calamities. Ito ang impormasyong iniwan ni King Quavon sa mosoleyo niya. Ang alam lang ni Tyrus ay iniwan ng mga ninuno sa Earth ang Four Holy Beasts, na para bang konektado sa away at hindi pagkakasundo. Gayunpaman, pinakialaman ito ng mga Outsider. Pinaliwanag ni Tyrus ang mga bagay na alam niya. Hindi pa narinig ni James ang mga bagay na ito noon at nabigla siya. Tama ang Omniscient Deity. Sa katotohanan, ang Earth na alam nila ay bahagi lang ng isang buong mundo. Pagkatapos mag-usap sandali ng dalawa, nagpatuloy silang pag-aralan ang altar at ang four-sided diagram sa Mount Bane. Kakaiba ang diagram. Mula sa malayo, mukha itong nasa hugis ng Four Holy Beasts, ngunit nawawala ang isang bahagi nito. Bzzt!Nang sinusuri ng lahat ang altar, isang kumukulong tunog ang nagmula rito. Hindi nagtagal, isang maliwanag na ilaw ang lumabas mula sa altar. Nabigla ang lahat at mabilis silang umatr
Napakaganda niya habang umalon ang bistida niya pati ang mahabang buhok niya. "Pinatay mo ang mga disipulo ng sect namin?" Tumingin si Juniper sa madla. Simple siyang nagsalita ngunit naglalabas siya ng dominanteng aura. "Oo, ano naman ngayon?" Habang hawak ang long sword niya, dumilim ang mukha ni Sky nang sumagot siya, "Nasa Earth ka ngayon, hindi sa Sealed Realm. Dapat malakas ka kung magtatangka kang gumawa ng gulo sa Earth." Pagkatapos magsalita, naglaho ang katawan ni Sky at mabilis siyang sumugod kay Juniper. Nanatiling kalmado si Juniper. Bago makalapag ang atake ni Sky, dahan-dahang itinaas ni Juniper ang kamay niya at hinawi ang manggas niya. Isang malakas na pwersa ang bumugso at pinatalsik si Sky. Boom!Nalaglag sa malayo ang katawan niya at bumagsak sa lapag na nagpalipad ng alikabok sa ere. "Ano?" Nagulat ang martial artists ng Earth. Kahit si James ay may seryosong ekspresyon. Alam niyang isang ninth-ranked grandmaster si Sky. Kahit na hindi tu
Isa-isang nagsalita ang mga disipulo ng Void Sect. Inusig nila ang Grand Priestess na patayin sina James at ang iba pang martial artists. Wala sa mga martial artist ng Earth ang nagtangkang magsalita lalo na't maski si Tyrus ay natalo sa isang atake. Ang kung sino mang hahakbang ngayon ay aatakihin. Hinawakan ni Juniper ang long sword niya at tinignan ang martial artists sa harapan niya. "Dahil pinatay mo ang mga disipulo ng Void Sect, kikitilin ko ang mga buhay niyo." Dahan-dahang nagsalita si Juniper. Kalmado ang tono niya ngunit may dala itong hindi mababaling intensyon. Kailangan niyang patayin ang mga taong ito para ipaghiganti ang mga disipulo ng sect niya. Swoosh!Sa sandaling iyon, isang anino ang lumitaw. Isang tao ang lumitaw sa tuktok ng Mount Bane. Mukhang bata pa ang taong iyon, para bang nasa dalawampu o tatlumpung taong gulang. Nakasuot siya ng puting balabal at may itim at puting buhok. “Lord Omniscient.”"Ang Omniscient Deity." Nang nakita nila
"Marami silang pinatay sa mga disipulo natin. Paano namin ito palalampasin?" Nilabas ng mga disipulo ng Void Sect ang kanilang mga saloobin. Tiningnan sila ng masama ni Juniper. Agad na tinikom ng mga disipulo ang kanilang mga bibig at tumigil sila sa pagsasalita. Lumingon ang Omniscient Deity at tumingin siya sa mga martial artist ng Earth. Pagkatapos, sinabi niya na, "Sige na. Bumaba na tayo sa bundok. Simula sa araw na ito, huwag na kayong babalik sa Mount Bane."Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod siya at umalis. Sumunod sa kanya ang lahat. Inalalayan ni James si Tyrus at umalis. Tinulungan din ng isa pang tao ang sugatang si Sky. Pagkatapos umalis ni James at ng iba pa, nagtanong si Kaj, "Kamahalan, bakit hindi mo sila pinatay at hindi mo dinispatya ang isang balakid sa'tin?" Ang seryosong sinabi ni Juniper, "Isa siyang malakas na kalaban. Kapag naglaban kami, posibleng matalo niya ako. Kahit na mapatay ko siya gamit ng aking Supernatural Power, magtatamo ako