Kahit na umaasa dito si Tyrus, si James naman ay hindi. Kung maaari lamang, gusto niya na hindi na dumating pa ang araw na ito.Sa malayo, patuloy ang labanan na nagaganap.Maabilidad ang mga miyembro ng Void Sect.Kahit ang pinakamahina ay nasa Ninth Stair ng Skyward Stairway.Pero, mas malakas ang Blood Race.Marami silang mga ninth-ranked grandmasters. Bukod pa dito, si Kaiden ay nakawala na mula sa dalawang kadena. Unti-unti ng natatalo ang Void Sect. Noong matatalo na ang Void Sect, isang matandang lalake ang nagpakita.May kinain siyang misteryosong pill.Ang pill ay nirefine mula sa Empyrean herbs at nagtataglay ng malakas na enerhiya. Nagawa nito na magbreakthrough sa ikatlong kadena ang matanda na si Wilbert Waalfort. Isang hakbang na lang at magiging Supernatural na siya.Pinanood ni James ang labanan sa paanan ng bundok.Ipinamalas ni Wilbert ng Void Sect ang lakas niya at agad na pinabagsak sa ibaba ng bundok ang mga powerhouse ng Blood Race.Hindi siya nagdulot ng matindin
Naglakad si James pero napaatras siya ng ilang hakbang matapos may makasalubong.Naguluhan siya.Nakatingin siya sa harap niya pero masyadong madilim, at wala naman kahit anong bagay dito. Pero, halos nakikita niya ang daanan sa harap niya. May mga lumang ugat ng puno at itim na mist na nagmumula sa mga butas sa sahig.Payapa ang paligid pero kakaiba at nakakatakot ang pakiramdam dito.Nakatayo si James ng ilang segundo.Pagkatapos, humakbang siya muli.At muli siyang may nabangga.Iniabot niya ang kamay niya sa harapan niya.Tila may hindi nakikitang pader na humaharan sa kanya.Sinubukan niyang magpatuloy sa paglalakad sa ibang anggulo, pero pareho lang ang resulta. Hindi pa rin siya makapagpatuloy.“Kakaiba ito.”Naguluhan si James.Ah-woo!Sa malayo, may hindi kilalang halimaw na nagtatago sa dilim ang umalulong muli.Kahit na ninth-ranked grandmaster si James, namanhid ang tenga niya sa lakas ng mga alulong.Sa dilim, tila may kumikislap na liwanag.Mabilis siyang sinugod ng bagay
Naintriga si James ng banggitin ang tungkol sa spiritual fruits.Nakatungtong siya sa ninth rank sa tulong ng spiritual fruits na naglalaman ng Empyrean Spiritual Energy.Nagsimula maghanap si James sa paligid.Ngunit, matapos maghanap ng matagal, wala siyang nakita na prutas o halaman na may Empyrean Spiritual Energy.Nabigo siya.Matapos ang isang round ng paghahanap, bumalik na siya.Marami pa din na tao sa paanan ng Mount Bane.Lahat sila pinaguusapan ang mga hindi kilalang mga bundok.“Anong nangyari? Bakit lumaki ang Mount Bane? Mas malaki na ang paligid nito. Noong huling pumunta ako dito, wala pa ang mga bundok na iyon. Paanong posible na bigla na lang sila sumulpot?”“Oo. Kakaiba ito.”Lahat sila naguluhan at hindi maintindihan ang nangyayari.Ngunit, ang espekulasyon nila ay may kinalaman ito sa makulay na liwanag sa tuktok ng bundok.Si Simon at Jackson mula sa Mount Thunder Sect ay dumating din. Noon, nagkaroon sila ng kaalaman ng bumisita si James, pero nanatili silang tah
Ang misteryosong bagay na pinagmumulan ng liwanag ay isang hamak na esatatwa.Ang estatwa ay limampung metro ang taas at ang itsura nito ay lalake na naka robe. Ang ekspresyon ng estatwa ay tila nakatingin sa malayo. Mayroon itong natatagaong karisma, na tila galit ito sa mundo.Kahit na estatwa lamang ito, malakas ang enerhiya na nagmumula dito.May kapangyarihan na mararamdaman mula dito na tila isa itong tunay na martial artist.Na-overwhelm si James sa enerhiya nito at pakiramdam niya gusto niya itong sambahin.“Huh?” natanga si James.Sino ang gumawa ng estatwang ito? Paano naging posible na may taglay itong ganito na enerhiya?Nabigla rin si Tyrus dito.“Sinong nandiyan?”Isang malakas na boses ang dumagungdong.“Tara na.”Mabilis na kumilos si Tyrus at hinimok si James na umalis.Hindi na nanatili pa si James at agad na umalis.Sa oras na ito, isang pigura ang bigla nagpakita. Agad na sumugod si Tyrus gamit ang palad niya at sinabayan ang atake ng isa pang tao.Boom!Nagkasalubo
Nang narinig ito, nagsimulang mag-usap-usap ang lahat. Pinag-usapan ng lahat kung anong klase ng istatwa ito. Napansin ni James na dumating ang halos lahat ng martial artists sa iba't-ibang parte ng mundo. Tumingin siya kay Tyrus na nakaupo nang naka-lotus position at pinapagaling ang mga sugat niya. Lumapit siya at nagtanong, "Tito, sa tingin mo ba dapat nating sabihin sa kanila ang tungkol sa seal?" Nag-isip sandali si Tyrus at nagsabing, "Pwede mong sabihin sa kanila ang tungkol sa paghina ng seal at ang sari-saring pagbabagong mangyayari. Mas magandang ipaalam ito sa kanila ngayon para maging handa sila." "Sige." Pagkatapos makakuha ng permiso, naglakad si James papunta sa madla. Sa sandaling iyon, nagtipon-tipon ang mga martial artist para pag-usapan ang istatwa. Nang lumapit si James, tumayo ang lahat. Tumingin si James sa dose-dosenang tao sa harapan niya. Ang mga martial artist na ito ay kasalukuyang ang pinakamalakas na martial artists sa mundo. Sila ang magi
Hindi pa sapat ang Dragonville. Umaasa si James na magkakaroon pa ng ibang bansa para suportahan ang kaligtasan ng sangkatauhan. Kung mayroong mas maraming bansa, magkakaroon pa rin ang sangkatauhan ng ligtas na lugar para mabuhay kapag dumating na ang hindi maiiwasang kaguluhan. Dahil tinanggihan siya ulit si James, hindi na nagtangka si Thomas na pilitin pa siya. Kasunod nito, nagtipon-tipon ang lahat at nagsimulang pag-usapan ang Mount Bane. Ngayong alam na nila ang katotohanan, alam ng lahat na ang Mount Bane ay isang mahikal na lugar, at kailangan nila itong sakupin. Hindi niya hahayaang makuha ito ng Void Sect mula sa Sealed Realm. Sa buong gabi, sama-samang pinag-usapan ng lahat ang bagay na ito. Pagkatapos ng isang gabi ng pag-uusap, naisipan nilang atakihin ang Mount Bane bukas nang umaga. Tahimik na lumipas ang gabi. Sa sumunod na umaga, sumikat ang araw mula sa malayo. Dose-dosenang martial artists ang nagtipon sa paanan ng Mount Bane. Humakbang pahara
Bumugso ang malakas na enerhiya mula sa katawan niya. Sa sandaling iyon, kumilos siya. "Halika, aking espada." Kinaway ni Wilbert ang kamay niya. Isang maliwanag at mahabang espada ang sumugod sa kanya mula sa malayo. Nasalo niya ang long sword at sumugod pababa ng bundok. Humiwa siya gamit ng long sword at isang malakas na Sword Energy ang sumabog at sinalag ang daan-daang Sword Energy. Sa sandaling iyon, umatake ang pinakamalalakas sa Blood Race, si Tyrus, ang tatlong Grand Patriarchs mula Polaris Sect, si Sky, si Thomas, at ang Thunder King. Umatake silang lahat mula sa iba't-ibang direksyon at sinugod si Wilbert. Isang matinding laban ang kaagad na sumiklab. Umalon ang True Energy at kumislap ang mga Sword Energy sa langit. Malakas si Wilbert, ngunit mga ninth-ranked grandmaster ang umaatake sa kanya. Higit pa roon, sina Tyrus at ang Grand Patriarch ng Blood Race ay nakalaya na sa dalawang shackles. Sa sandaling iyon, mahirap para sa kanya na salagin ang atake ng
Kahit na isang ninth-ranked grandmaster si James, hindi magiging madali para sa kanya na talunin ang tatlong Half-Saints nang ganun kabilis. Alam niyang ang pinakamalakas na tao sa Void Sect sa ngayon ay si Wilbert. Kapag natalo nila si Wilbert, mas magiging madaling labanan ang mga disipulo ng Void Sect. Tinulak ni James paatras ang tatlo at sumali sa labanan laban kay Wilbert. Umatras ang medyo nanghinang si Thomas, ang Thunder King, at ang iba pang martial artists mula sa laban at umalis para labanan ang tatlong Half-Saints. Ngayon, maraming tao ang nakapalibot kay Wilbert—lima mula sa Blood Race, ang tatlong Grand Patriarch ng Polaris Sect, si Tyrus, si Sky, at si James. Labing-isang tao sila sa kabuuan. Sa kanila, kahit ang pinakamahina ay mga ninth-ranked grandmasters Sina Tyrus at ang Grandmaster ng Blood Race na si Kaiden ang pangunahing umaatake. Ang iba ay tumutulong mula sa tabi para guluhin si Wilbert. Kumislap sa langit ang mga Sword Light at mga anino. U