Ang kwarto ay mag bakal na pinto at silyado. “Xandra Lafleur?”Nung narinig n James ang pangalan na iyon, nagsimulang mamugto ang mga mata ni James. Tatlong taon na ang nakakaraan, nagkita sila ng kanyang ama, na si Nicholas, at nalaman niya ang ilang bagay tungkol sa kanyang ina. Ang kanyang ama ay binanggit ang pangalan ng kanyang ina ay Xandra Lafleur. Sa mga sandaling iyon, bumilis ang tibok ng kanyang puso. Tiningnan ni Tyrus si Xandra na nasa loob ng kwarto. Napabuntong hininga siya ng mahina at sinabi, “Siya ang nakababata kong kapatid na babae at dati ay isang napakatalentadong babae. Ang kanyang talento para sa martial arts ay nakakatakot. Hindi mahalaga kung anong klaseng martial technique pa ito, kaya niyang matutunan ang lahat ng walang kahirap-hirap. Noong labing walong taong gulang pa lang siya, na-master na niya ang lahat ng mga martial art techniques sa mundo at nakarating sa eighth rank sa murang edad.” Malumanay na nagsalita si Tyrus habang nagkukwento tu
”S-Sino ka” Gulat na nakatingin si Xandra sa kanya. Tinulungan ni Tyrus si James na tumayo at sinabi, “Wala rin itong magagawa. Wala siyang maalala na kahit na ano. Mukha man siyang mahinahon sa ngayon, ngunit magiging delikado kapag nawala nanaman siya sa kanyang sarili. Lumabas muna tayo.” Tinulungan niya si James na lumabas ng selda. Pagkatapos pumunta sa isang kwarto sa underground palace, nagsalubong ang mga kilay ni James. Tiningnan niya ang pulso ni Xandra, at malubha ang sitwasyon nito. Ang dinanas nito ay may nagdulot ng malaking trauma sa utak nito at sa mga ugat sa loob. Magiging mahirap itong gamutin. Nanatiling tahimik si Thea sa buong reunion na ito, tahimik na nasa tabi ni James. Pagkatapos matagal na pag-iisip, nilingon ni James si Tyrus, na nakatayo sa kanyang tabi. Hindi niya inaasahan na tiyuhin niya pala si Tyrus. “Ikaw ang aking tiyuhin?”Ngumiti si Tyrus at sinabi, “Ayoko pa sanang sabihin sa iyo ang lahat ng ito ng maaga, ngunit dahil nakarating k
Samantala, si Thea, ay natulala sa natuklasan niya. Hindi niya inaasahan na may malaking sikreto sa mundong tinitirhan nila.“James, hindi itinaguyod ng lolo mo ang Lothian para sa sarili niya. Naintindihan niya ang epekto ng pagbabago sa Earth sa oras na mabuksan ang seal. Magbabago ang lahat ng mga halaman at hayop bilang resulta.”“Bukod pa doon, ang sealed realm ay hindi lang isang lugar. Marami sila.”“Maraming mga mababangis na hayop sa Sealed Realm.”“Sa oras na mabuksan ang seal, magsasanib ang Sealed Realm at Earth. Magiging panganib ito para sa mga tao sa mundo. Tayo, na mga tao, ay dapat magtulungan para harapin ang sakuna.”“James, gusto ng lolo mo na gumawaw ng bansa na payapa at ligtas sa oras na maganap ang sakuna.”“Ito ang dahilan kung bakit tumulong siya sa pagpatay sa dragon tatlong taon na ang nakararaan at hindi niya kinuha ang Dragon Essence para sa sarili niya. Gusto niya lumakas ang kabuuan ng mga martial artist sa Sol.”“Totoo na gusto niya maging hari.”“Pero,
May naiisip ng mga tao si James.Wala na siyang sinabi.Lumipad sa himpapawid ang eroplano at mabilis na dumaan sa kalangitan patungo sa destinasyon nila. Hindi nagtagal at nakarating sila sa Cansington.Matapos dumating sa Cansington, sinamahan ni James si Thea patungo sa tinutuluyan ng mga Callahan.“Thea, pupuntahan ko ang Blithe King. Tawagan mo ako kung may kailangan ka.”Umalis si James matapos sabihin kay Thea kung saan siya pupunta.Pumara siya ng taxi at tumungo sa military region para makipagkita sa Blithe King.Sa nakalipas na tatlong taon, payapa ang Sol. Kaya bilang army commander, walang masyado na ginagawa ang Blithe King. Noong dumating si James, ang Blithe King mismo ang sumalubong sa kanya.Masayang winelcome ng Blithe King si James sa opisina niya at ipinagbuhos siya ng tsaa at naghanda ng makakain.“James, anong dahilan at naparito ka ngayon?”“Naparito ako para kausapin ka sa mga mahahalagang mga bagay,” seryoso ang boses ni James.“Oh?”Naintriga ang Blithe King.
Ngunit, naintindihan niya na malalagay sa panganib ang Sol kung hindi ito maasikaso ng tama.“Maraming mga bagay ang kailangan ang awtoridad ng King. Kung bigla akong aaksyon ngayon, siguradong magiging traydor ako sa mata ng mga tao ng Sol, at kailangan ko pagbayaran ang resulta ng mga kilos ko… Pero sa loob ng sampung taon, maiintindihan ng mga Solean ang ginawa ko para sa kanila.”“Naniniwala ako sa mga sinasabi mo, pero…”Batid ang alinlangan sa mukha ng Blithe King.Hindi pinaghinalaan ng Blithe King si James dahil sa kawalan niya ng interes sa posisyon ng King.Kung gusto niya talaga sakupin ang lahat, apat na taon ng nakararaan na niya dapat ito ginawa at hindi na naghintay pa sa araw na ito.Tumayo si James at sinabi, “Bibigyan kita ng panahon para pag-isipan ito. Sa ngayon, kailangan ko pumunta ng Capital. Kung ano man ang susunod na mangyari, kakausapin ko muna ang dati at kasalukuyan na King.”Tumalikod si James at umalis.Matapos umalis, naging malagim ang itsura ng Blithe
Susuportahan ni Thea si James sa lahat ng mapagdedesisyunan niya.Noon, gusto lang niya mabuhay ng payapa kasama si James.Tinupad din ni James ang pangako niya na mabubuhay sila ng payapa kasama siya sa loob ng tatlong taon. Sapagkat natupad na ang simpleng buhay na gusto niya, hindi niya gusto maging hadlang kay James.Noong una, ang plano niya ay tumungo agad ng Capital.Pero, sapagkat manganganak na si Thea, hindi niya alam kung gaano katagal bago siya makabalik sa Capital. Kaya, napagdesisyunan niyang manatili sa Cansington kasama si Thea at nagsimula lamang gumawa ng mga plano matapos ipanganak ang anak nila.Kaya, hindi siya tumungo sa Capital at nanatili sa villa ng mga Callahan sa Cansington.Sasamahan niya si Thea na magshopping para sa maternity at baby supplies.Mahigit sa kalahating buwan ang lumipas ng kasing bilis ng kisap mata.Isang gabi, nakatanggap ng tawag si James habang naglalakad sa hardin.Kinuha niya ang phone niya at nakita na ang tumatawag ay si Thea.“Honey,
Tinignan ni Lex ang mga tao sa kuwarto at sinabi, “Sige, umalis na tayong lahat. Kailangan magpahinga ni Thea.”Isa-isang umalis ang mga Callahan.Hindi nagtagal, si James at Thea na lang ang naiwan sa ward.Kahit na martial artist si Thea, napagod pa din siya at agad na nakatulog sa kama.Hindi makatulog si James at naupo sa isang tabi habang pinapanood ang anak niya.Hindi nagtagal, nagsimulang umiyak ang baby.Nagpanic si James matapos marinig umiyak ang baby.“Thea, bilis. Umiiyak ang anak natin.” Ginising niya si Thea.Gumising si Thea at naupo. Kinuha niya ang baby mula sa crib at sinimulan na patahanin ito.Ngunit, hindi tumigil ang baby sa pag-iyak.Hindi alam ni Thea ang gagawin at nagpatawag ng nurse.Hindi nagtagal, pumasok ang isang nurse sa ward at sinabi sa kanila na gutom na ang baby.Pagkatapos, itinuro niya kay Thea kung paano magbreastfeed.Matapos ito, nabusog na ang baby at nakatulog muli.Sa puntong ito, hindi na inaantok si Thea.Sumandal siya sa kama at nagtanong
Hindi sigurado si James kung nagmutate ang baboy damo ng aksidente matapos kumain ng prutas na naglalaman ng Empyrean Spiritual Energy. Ang magagawa lang niya at maghintay ng statement mula sa awtoridad.Sinamahan ni James si Thea sa ospital.Matapos ang ilang araw, nadischarge na si Thea.Sa buong nakalipas na oras, nanatiling updated si James tungkol sa hayop sa Mount Jreljord na umatake sa mga villager.Nayanig ng insidenteng ito ang buong bansa.Nagpadala ng mga elite na sundalo sa Mount Jreljord.Gamit ang satellite mapping, nahanap nila ang baboy damo.Pero, sobrang tibay nito ay hindi mapatay gamit ang mga armas.Matinding pinsala ang tinamo ng mga ipinadala.Confidential na impormasyon ito na hindi malalaman ng pangkaraniwan na tao. Mabuti na lang at mataas ang estado ni James sa Sol, kaya madali para sa kanya ang makakuha ng mga detalye.Sapagkat hindi ito mapatay ng militar, humingi sila ng tulong sa mga ancient martial artist.May mga ancient martial artist na nagtatrabaho p