Kabanata 1855
Tinignan ni Lex ang mga tao sa kuwarto at sinabi, “Sige, umalis na tayong lahat. Kailangan magpahinga ni Thea.”

Isa-isang umalis ang mga Callahan.

Hindi nagtagal, si James at Thea na lang ang naiwan sa ward.

Kahit na martial artist si Thea, napagod pa din siya at agad na nakatulog sa kama.

Hindi makatulog si James at naupo sa isang tabi habang pinapanood ang anak niya.

Hindi nagtagal, nagsimulang umiyak ang baby.

Nagpanic si James matapos marinig umiyak ang baby.

“Thea, bilis. Umiiyak ang anak natin.” Ginising niya si Thea.

Gumising si Thea at naupo. Kinuha niya ang baby mula sa crib at sinimulan na patahanin ito.

Ngunit, hindi tumigil ang baby sa pag-iyak.

Hindi alam ni Thea ang gagawin at nagpatawag ng nurse.

Hindi nagtagal, pumasok ang isang nurse sa ward at sinabi sa kanila na gutom na ang baby.

Pagkatapos, itinuro niya kay Thea kung paano magbreastfeed.

Matapos ito, nabusog na ang baby at nakatulog muli.

Sa puntong ito, hindi na inaantok si Thea.

Sumandal siya sa kama at nagtanong
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP