May naiisip ng mga tao si James.Wala na siyang sinabi.Lumipad sa himpapawid ang eroplano at mabilis na dumaan sa kalangitan patungo sa destinasyon nila. Hindi nagtagal at nakarating sila sa Cansington.Matapos dumating sa Cansington, sinamahan ni James si Thea patungo sa tinutuluyan ng mga Callahan.“Thea, pupuntahan ko ang Blithe King. Tawagan mo ako kung may kailangan ka.”Umalis si James matapos sabihin kay Thea kung saan siya pupunta.Pumara siya ng taxi at tumungo sa military region para makipagkita sa Blithe King.Sa nakalipas na tatlong taon, payapa ang Sol. Kaya bilang army commander, walang masyado na ginagawa ang Blithe King. Noong dumating si James, ang Blithe King mismo ang sumalubong sa kanya.Masayang winelcome ng Blithe King si James sa opisina niya at ipinagbuhos siya ng tsaa at naghanda ng makakain.“James, anong dahilan at naparito ka ngayon?”“Naparito ako para kausapin ka sa mga mahahalagang mga bagay,” seryoso ang boses ni James.“Oh?”Naintriga ang Blithe King.
Ngunit, naintindihan niya na malalagay sa panganib ang Sol kung hindi ito maasikaso ng tama.“Maraming mga bagay ang kailangan ang awtoridad ng King. Kung bigla akong aaksyon ngayon, siguradong magiging traydor ako sa mata ng mga tao ng Sol, at kailangan ko pagbayaran ang resulta ng mga kilos ko… Pero sa loob ng sampung taon, maiintindihan ng mga Solean ang ginawa ko para sa kanila.”“Naniniwala ako sa mga sinasabi mo, pero…”Batid ang alinlangan sa mukha ng Blithe King.Hindi pinaghinalaan ng Blithe King si James dahil sa kawalan niya ng interes sa posisyon ng King.Kung gusto niya talaga sakupin ang lahat, apat na taon ng nakararaan na niya dapat ito ginawa at hindi na naghintay pa sa araw na ito.Tumayo si James at sinabi, “Bibigyan kita ng panahon para pag-isipan ito. Sa ngayon, kailangan ko pumunta ng Capital. Kung ano man ang susunod na mangyari, kakausapin ko muna ang dati at kasalukuyan na King.”Tumalikod si James at umalis.Matapos umalis, naging malagim ang itsura ng Blithe
Susuportahan ni Thea si James sa lahat ng mapagdedesisyunan niya.Noon, gusto lang niya mabuhay ng payapa kasama si James.Tinupad din ni James ang pangako niya na mabubuhay sila ng payapa kasama siya sa loob ng tatlong taon. Sapagkat natupad na ang simpleng buhay na gusto niya, hindi niya gusto maging hadlang kay James.Noong una, ang plano niya ay tumungo agad ng Capital.Pero, sapagkat manganganak na si Thea, hindi niya alam kung gaano katagal bago siya makabalik sa Capital. Kaya, napagdesisyunan niyang manatili sa Cansington kasama si Thea at nagsimula lamang gumawa ng mga plano matapos ipanganak ang anak nila.Kaya, hindi siya tumungo sa Capital at nanatili sa villa ng mga Callahan sa Cansington.Sasamahan niya si Thea na magshopping para sa maternity at baby supplies.Mahigit sa kalahating buwan ang lumipas ng kasing bilis ng kisap mata.Isang gabi, nakatanggap ng tawag si James habang naglalakad sa hardin.Kinuha niya ang phone niya at nakita na ang tumatawag ay si Thea.“Honey,
Tinignan ni Lex ang mga tao sa kuwarto at sinabi, “Sige, umalis na tayong lahat. Kailangan magpahinga ni Thea.”Isa-isang umalis ang mga Callahan.Hindi nagtagal, si James at Thea na lang ang naiwan sa ward.Kahit na martial artist si Thea, napagod pa din siya at agad na nakatulog sa kama.Hindi makatulog si James at naupo sa isang tabi habang pinapanood ang anak niya.Hindi nagtagal, nagsimulang umiyak ang baby.Nagpanic si James matapos marinig umiyak ang baby.“Thea, bilis. Umiiyak ang anak natin.” Ginising niya si Thea.Gumising si Thea at naupo. Kinuha niya ang baby mula sa crib at sinimulan na patahanin ito.Ngunit, hindi tumigil ang baby sa pag-iyak.Hindi alam ni Thea ang gagawin at nagpatawag ng nurse.Hindi nagtagal, pumasok ang isang nurse sa ward at sinabi sa kanila na gutom na ang baby.Pagkatapos, itinuro niya kay Thea kung paano magbreastfeed.Matapos ito, nabusog na ang baby at nakatulog muli.Sa puntong ito, hindi na inaantok si Thea.Sumandal siya sa kama at nagtanong
Hindi sigurado si James kung nagmutate ang baboy damo ng aksidente matapos kumain ng prutas na naglalaman ng Empyrean Spiritual Energy. Ang magagawa lang niya at maghintay ng statement mula sa awtoridad.Sinamahan ni James si Thea sa ospital.Matapos ang ilang araw, nadischarge na si Thea.Sa buong nakalipas na oras, nanatiling updated si James tungkol sa hayop sa Mount Jreljord na umatake sa mga villager.Nayanig ng insidenteng ito ang buong bansa.Nagpadala ng mga elite na sundalo sa Mount Jreljord.Gamit ang satellite mapping, nahanap nila ang baboy damo.Pero, sobrang tibay nito ay hindi mapatay gamit ang mga armas.Matinding pinsala ang tinamo ng mga ipinadala.Confidential na impormasyon ito na hindi malalaman ng pangkaraniwan na tao. Mabuti na lang at mataas ang estado ni James sa Sol, kaya madali para sa kanya ang makakuha ng mga detalye.Sapagkat hindi ito mapatay ng militar, humingi sila ng tulong sa mga ancient martial artist.May mga ancient martial artist na nagtatrabaho p
Pinuri siya ni James. Pagkatapos, naging seryoso bigla ang boses niya, “Alam mo ang balita tungkol sa baboy damo na umatake sa isang village, kasunod ang malaking ahas na umatake sa lungsod, tama?”Tumango si Henry, “Siyempre naman oo. Paanong natural na magkakaroon ng higanteng baboy damo at higanteng ahas? Kung ikukunsidera na may True Energy sila, sigurado ako na hindi sila pangkaraniwang hayop. Nakakatakot ito.”Nagsalita si James, “Actually, nagmutate ang mga hayop na ito.”“Nagmutate?” nabigla si Henry.Ipinaliwanag ni James ang tungkol sa Empyrean Spiritual Energy na tumatagas mula sa Sealed Realm.“Seryoso ka ba?”Malagim na sinabi ni Henry, “Kung totoo ito, magkakagulo na ba sa Earth?”Tumango si James at sinabi, “Oo. Totoo ito. Naparito ako para kausapin ka sa bagay na ito. Mayroon pang sampung taon bago bumukas ang seal. Nagsisimula na magmutate ang mga hayop sa nakakatakot na halimaw ngaoyn. Hindi ko lubos maisip ang mga halimaw na magpapakita sa loob ng sampung taon. Kaila
Ang orihinal na posisyon noon ni Josiah ay governor ng Capital.Sa eleksyon ilang taon na ang nakararaan, ang lahat ng mga kandidato na kabilang sa major forces ng capital ay natalo, kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na maging King.Base sa mga achievements niya sa nakalipas na mga taon, tama na naging King siya para sa bansa at mga tao nito. Kahit na King na siya ng Sol, nananatili nag galang niya para kay Zacarius at James.Alam niya na hindi makakarating ang Sol sa kinatatayuan nito ngayon kung wala sila.Nilapitan ni Josiah ang dalawa at naupo sa tabi nila. Tinignan niya si James at sinabi habang nakangiti, “Dragon King, bibihirang bisita. Matagal na ng huli ka na bumisita sa Peace Mansion. Anong dahilan at naparito ka? May problema ba?”“Gusto ko maging King.”“…”Natulala si Josiah.Naguguluhan niyang tinignan si Zacarius.Kumunot ang noo at sumingkit ang mga mata ni Zacarius.Hindi siya naniniwala kay James.Para sa kanya, minamata lang ni James ang posisyon bilang King.“James
Kontrolado niya ang Yada Sect, na ang mga miyembro ay mga ancient martial artist.Kaya, alam niya ang mga bagay na may kinalaman sa halimaw.Nakumbinsi siya ng kaunti sa paliwanag ni James tungkol sa mutation ng mga hayop.Pero, hindi pa din tama na magbitiw ang kasalukuyan na King.Nagpatuloy si Zacarius, “Mayroon pa tayong sampung taon, kung saan sapat na oras para maghanda. Magulo ang sitwasyon internationally ngayon. Maraming mga bansa ang nagsulputan at ang Kingdom ng Merania ay binabantayan ng mabuti ang Sol. Kung magbibitiw ang kasalukuyan na King, gagamitin ng Merania ang pagkakataon para gumawa ng gulo.”“Sana naiintindihan mo.”Matapos ito marinig, napaisip si James.Malaki ang lupain ng Dragonville, at ang karamihan dito ay mga gubat. Magiging madali na idevelop ang lupain dito para maging moat at fortress.“Focus ka muna sa conquest,” nagsalita muli si Zacarius.Tinignan niya si James at sinabi, “Sa ngayon, ang bawat bansa ay sinusubukan angkinin ang mga resources ng mga lu