Malaki ang tiwala ng elder mula sa Void Sect sa kanyang disipulo.Sa mga mata niya, mas mahina pa rin si James kaysa kay Kaj sa kabila ng pagiging isang ninth-ranked grandmaster.Higit sa dalawampung taon nang nasa ninth rank si Kaj.Higit pa dito, naabot niya ang rank na ito sa Sealed Realm, na mayroong sapat na Spiritual Energy. Kaya naman, hindi maikukumpara si James kay Kaj.Sa kalangitan, hawak ng dalawa ang kanilang mga espada.Sa mga sandaling iyon, ginamit nilang dalawa ang kanilang Empyrean Spiritual Energy.Bumuo ng napakalakas na pwersa ang dalawa gamit ng Empyrean Spiritual Energy na naipon sa kanilang mga espada.Nakaramdam ng isang nakakatakot na pwersa na papunta sa kanila ang mga nanonood sa malayo.“G-Ganito ba talaga kalakas ang isang tunay na ninth-ranked grandmaster?”Nanlaki ang mga mata ni Sky.Kahit na isa rin siyang ninth-ranked grandmaster, umasa rin siya sa Dragon Essence upang maabot ang rank na ito.Kaya naman, hindi niya maramdaman ang Empyrean S
Nagsalita ang mga manonood.Pinigil nila ang kanilang hininga at pinanood nilang maigi ang laban.Tumingin si Kaj sa napakalaking True Energy at naramdaman niya ang taglay nitong lakas. Noong mga sandaling iyon, nakaramdam siya ng takot.“Sugod!”Winasiwas ni James ang Primordial Dragon Blade sa kanyang kamay.Ang espada na may haba na 100 metro na gawa sa True Energy ay wumasiwas ng buong lakas at humampas ito kay Kaj.Mayabang na suminghal si Kaj.Winasiwas niya ang kanyang kamay, at sunud-sunod na bumugso ang mga Sword Light mula sa kanyang espada. Agad na sumulpot ang daan-daang mga Sword Light, at sabay-sabay itong sumugod sa Fourteen Heavenly Swords.Boom!Isang pagsabog ang naganap sa kalangitan.Bumugso ang Sword Light at nagmukha itong mga paputok para sa mga taong nanonood mula sa malayo, dahil hindi nila makita ng malinaw ang laban.Sinalag ni Kaj ang Fourteen Heavenly Swords.Subalit, muling umatake si James.Gumamit ng isang kakaibang sword technique si James—
Pagkatapos talunin ni James si Kaj, inatake ng pinakamalakas na elder ng Void Sect si James. Sugatan na si James ngunit nagtamo pa siya ng isa pang atake mula sa pinakamalakas ng Void Sect. Sa sandaling iyon, ang mga meridians ng buo niyang katawan ay nasira, at nagtamo siya ng matinding sugat sa loob ng kanyang katawan. Nahilo siya at bumigat ang kanyang mga mata. “Hindi, hindi ako pwedeng makatulog.”May malay pa si James, ngunit unti-unti na siyang nawawalan ng malay. Habang nag-aagaw-buhay, naisip niya na nakita niya si Thea na palapit sa kanya. “Thea.”Gusto sanang tumayo ni James, ngunit sobrang sakit ng buo niyang katawan, at wala na siyang lakas. Ginamit niya ang healing method na nakatala sa medical book at ginamit ang kanyang Terra at Lunar Energies para pabilisin ang pagpapagaling sa kanyang mga sugat. Sumugod si Thea mula sa malayo. Nang makita niya na inatake si James, nagwala siya dahil sa dugo ng Four Holy Beasts sa kanyang katawan. Isang nakakatakot
Isang lalaki ang bumaba mula sa langit. Nakasuot siya ng puting damit at mukhang bata, na para bang nasa edad 30 pa lamang. Subalit, ang kanyang buhok ay puti na. “Ama.” magalang itong binati ni Tyrus. Mabilis na bumaba si Langston mula sa langit, at lumitaw sa harapan ng pinakamalakas ng Void Sect. “Ito.”Ang elder ng Void Sect ay nagulantang sa bilis ni Langston at napahakbang paatras. “Isang Supernatural?”Ang pinakamalakas ng Void Sect ay hindi makapaniwala at nakatitig na lang kay Langston. Tinitigan siya ni Langston at sinabi, “Ano ang sinasabi mo kanina lang? Sa tingin mo ba ay pwede mo na kaming tapak-tapakan dahil wala gaanong malakas na mga martial artists sa Sol?”“N-Naabot mo na ba ang Supernatural rank?”Nang maramdaman niya ang enerhiya ni Langston, naging aligaga ang lalaki at gumapang ang takot sa mukha nito. Hindi siya sinagot ni Langston. Sa halip, dahan-dahan niya itong nilapitan ng paisa-isa ang hakbang. “Nagkakamali ka kung iniisip mo na walang ma
Sa tulong ni Thea, nilisan ni James ang Mount Bane. Sinamahan din sila ni Tyrus. Pagkatapos umalis ng Mount Bane, sinadya ni James na bagalan ang kanyang paglalakad, hinihintay ang iba pang mga martial artists na maunang makaalis. Nang makaalis na ang lahat, huminto siya sa paglalakad at nilingon si Tyrus, saka tinanong, “Ano ang binigay mo sa akin kanina?”Alam na ni James na isa itong spiritual fruit na nabuo noong nagsimula ang pagkasira ng seal. Ang Empyrean Spiritual Energy mula sa Sealed Land ay tumagas, at ilan sa mga halaman sa mundo ay nag-mutate bilang resulta. Subalit, nagpanggap siya na wala siyang kahit na anong alam dahil hindi siya sigurado kung alam ni Tyrus ang tungkol sa seal. Sinabi ni Tyrus ng nakangiti, “Marami ka pang dapat malaman, James. Subalit, hindi pa ito ang tamang oras para malaman ito. Huwag ka munang bumalik sa Cansington. Samahan mo ako sa Southern Plains. May gusto akong ipakilala sa iyo.” Maingat na nagtanong si James, “Hmm? May gusto kan
Ang kwarto ay mag bakal na pinto at silyado. “Xandra Lafleur?”Nung narinig n James ang pangalan na iyon, nagsimulang mamugto ang mga mata ni James. Tatlong taon na ang nakakaraan, nagkita sila ng kanyang ama, na si Nicholas, at nalaman niya ang ilang bagay tungkol sa kanyang ina. Ang kanyang ama ay binanggit ang pangalan ng kanyang ina ay Xandra Lafleur. Sa mga sandaling iyon, bumilis ang tibok ng kanyang puso. Tiningnan ni Tyrus si Xandra na nasa loob ng kwarto. Napabuntong hininga siya ng mahina at sinabi, “Siya ang nakababata kong kapatid na babae at dati ay isang napakatalentadong babae. Ang kanyang talento para sa martial arts ay nakakatakot. Hindi mahalaga kung anong klaseng martial technique pa ito, kaya niyang matutunan ang lahat ng walang kahirap-hirap. Noong labing walong taong gulang pa lang siya, na-master na niya ang lahat ng mga martial art techniques sa mundo at nakarating sa eighth rank sa murang edad.” Malumanay na nagsalita si Tyrus habang nagkukwento tu
”S-Sino ka” Gulat na nakatingin si Xandra sa kanya. Tinulungan ni Tyrus si James na tumayo at sinabi, “Wala rin itong magagawa. Wala siyang maalala na kahit na ano. Mukha man siyang mahinahon sa ngayon, ngunit magiging delikado kapag nawala nanaman siya sa kanyang sarili. Lumabas muna tayo.” Tinulungan niya si James na lumabas ng selda. Pagkatapos pumunta sa isang kwarto sa underground palace, nagsalubong ang mga kilay ni James. Tiningnan niya ang pulso ni Xandra, at malubha ang sitwasyon nito. Ang dinanas nito ay may nagdulot ng malaking trauma sa utak nito at sa mga ugat sa loob. Magiging mahirap itong gamutin. Nanatiling tahimik si Thea sa buong reunion na ito, tahimik na nasa tabi ni James. Pagkatapos matagal na pag-iisip, nilingon ni James si Tyrus, na nakatayo sa kanyang tabi. Hindi niya inaasahan na tiyuhin niya pala si Tyrus. “Ikaw ang aking tiyuhin?”Ngumiti si Tyrus at sinabi, “Ayoko pa sanang sabihin sa iyo ang lahat ng ito ng maaga, ngunit dahil nakarating k
Samantala, si Thea, ay natulala sa natuklasan niya. Hindi niya inaasahan na may malaking sikreto sa mundong tinitirhan nila.“James, hindi itinaguyod ng lolo mo ang Lothian para sa sarili niya. Naintindihan niya ang epekto ng pagbabago sa Earth sa oras na mabuksan ang seal. Magbabago ang lahat ng mga halaman at hayop bilang resulta.”“Bukod pa doon, ang sealed realm ay hindi lang isang lugar. Marami sila.”“Maraming mga mababangis na hayop sa Sealed Realm.”“Sa oras na mabuksan ang seal, magsasanib ang Sealed Realm at Earth. Magiging panganib ito para sa mga tao sa mundo. Tayo, na mga tao, ay dapat magtulungan para harapin ang sakuna.”“James, gusto ng lolo mo na gumawaw ng bansa na payapa at ligtas sa oras na maganap ang sakuna.”“Ito ang dahilan kung bakit tumulong siya sa pagpatay sa dragon tatlong taon na ang nakararaan at hindi niya kinuha ang Dragon Essence para sa sarili niya. Gusto niya lumakas ang kabuuan ng mga martial artist sa Sol.”“Totoo na gusto niya maging hari.”“Pero,