Sumimangot si James pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Kaj. Akala niya ay isa lamang itong ordinaryong dwelo kung saan pagdedesisyunan nila kung sino ang panalo. Hindi niya inasahan na isa itong laban hanggang kamatayan.Lumutang sa ere si Kaj, at sumayaw sa hangin ang mahaba at kulay pilak niyang buhok. Isa siyang gwapong lalaki na may napakagandang mukha. Mayroong nang-iinis na ngisi sa kanyang mukha. Natalo ni James si Damian, at nagdulot ito ng kahihiyan sa Void Sect. Nagmula ang Void Sect sa Sealed Realm. Maging sa loob ng Sealed Realm, tinuturing silang isang makapangyarihang sect at taglay nila ang lakas na maikukumpara sa isang divine site. Para sa kanila, ang Earth ay isa lamang tuyong lugar na walang Spiritual Energy. Ang katotohanan na natalo ang isang disipulo ng Void Sect sa isang martial artist na mula sa Earth ay magiging dahilan upang pagtawanan sila ng iba pang mga divine site sa Sealed Realm. Ito ang dahilan kung bakit determinado si Kaj na t
Napakabilis ng atake ni James. Hindi kalabisan na sabihin na kasing bilis ito ng kidlat. Bago bumagsak ang espada, umikot ang alikabok sa paanan ni Kaj. Agad na nawasak ng enerhiya niya ang mga bato na tinatapakan niya. Mahinahon pa rin si Kaj. Noong tatarak na ang espada sa kanyang ulo, sumipa siya pataas, na sinundan ng isang gintong liwanag. Noong sandaling sumipa siya, isang napakalakas na enerhiya ang nabuo. Sumalpok ang kanyang True Energy sa espada ni James. Boom!Isang pagsabog ang naganap sa lugar. Kumalat ang enerhiya gaya ng mga alon sa tubig at winasak nito ang lahat ng madaanan nito. Nadurog ang mga bato, at sumabog ang mga puno pagkatapos itong tamaan ng malakas na pwersa ng pagsabog. Nakakagulat ang pagkawasak na dinulot nito. Nagulat si James. Naramdaman niya ang nakakatakot na pwersa na papunta sa direksyon niya at namanhid ang mga braso niya sa lakas nito, at halos mabitawan niya ang kanyang espada. Pagkatapos nilang magpalitan ng atake, nauna
Hinawakan ng mahigpit ni James ang Primordial Dragon Blade, ginamit niya ang kanyang True Energy, at agad niyang pinahilom ang kanyang mga sugat. Desperado ang kanyang ekspresyon na bihirang makita sa kanyang mukha. Naisip niya na kahit na hindi niya kayang tapatan ang lakas ni Kaj, ay magagawa niyang salagin ang mga atake ni Kaj pagkatapos niyang maabot ang ninth rank.Subalit, hindi niya inasahan na ganito kalakas si Kaj.Pinakita ni Kaj ang pambihira niyang lakas sa simula pa lang ng laban.Pagdating sa True Energy, higit na mas mahina sa kanya si James.Nagkaroon ng malagim na ekspresyon sa mukha ni Kaj habang nakatingin siya kay James na nakatayo ilang daang metro mula sa kanya. Kahit na sugatan si James, puno pa rin ng lakas ang kanyang enerhiya.“Kahanga-hanga. Masyado kitang minaliit.” Ang sabi ni Kaj.Higit pa sa inaasahan niya ang lakas ni James.Nagsimulang manginig ang Primordial Dragon Blade sa mga kamay ni James.Inangat ni James ang kanyang espada at tinutok niya ito kay
Malaki ang tiwala ng elder mula sa Void Sect sa kanyang disipulo.Sa mga mata niya, mas mahina pa rin si James kaysa kay Kaj sa kabila ng pagiging isang ninth-ranked grandmaster.Higit sa dalawampung taon nang nasa ninth rank si Kaj.Higit pa dito, naabot niya ang rank na ito sa Sealed Realm, na mayroong sapat na Spiritual Energy. Kaya naman, hindi maikukumpara si James kay Kaj.Sa kalangitan, hawak ng dalawa ang kanilang mga espada.Sa mga sandaling iyon, ginamit nilang dalawa ang kanilang Empyrean Spiritual Energy.Bumuo ng napakalakas na pwersa ang dalawa gamit ng Empyrean Spiritual Energy na naipon sa kanilang mga espada.Nakaramdam ng isang nakakatakot na pwersa na papunta sa kanila ang mga nanonood sa malayo.“G-Ganito ba talaga kalakas ang isang tunay na ninth-ranked grandmaster?”Nanlaki ang mga mata ni Sky.Kahit na isa rin siyang ninth-ranked grandmaster, umasa rin siya sa Dragon Essence upang maabot ang rank na ito.Kaya naman, hindi niya maramdaman ang Empyrean S
Nagsalita ang mga manonood.Pinigil nila ang kanilang hininga at pinanood nilang maigi ang laban.Tumingin si Kaj sa napakalaking True Energy at naramdaman niya ang taglay nitong lakas. Noong mga sandaling iyon, nakaramdam siya ng takot.“Sugod!”Winasiwas ni James ang Primordial Dragon Blade sa kanyang kamay.Ang espada na may haba na 100 metro na gawa sa True Energy ay wumasiwas ng buong lakas at humampas ito kay Kaj.Mayabang na suminghal si Kaj.Winasiwas niya ang kanyang kamay, at sunud-sunod na bumugso ang mga Sword Light mula sa kanyang espada. Agad na sumulpot ang daan-daang mga Sword Light, at sabay-sabay itong sumugod sa Fourteen Heavenly Swords.Boom!Isang pagsabog ang naganap sa kalangitan.Bumugso ang Sword Light at nagmukha itong mga paputok para sa mga taong nanonood mula sa malayo, dahil hindi nila makita ng malinaw ang laban.Sinalag ni Kaj ang Fourteen Heavenly Swords.Subalit, muling umatake si James.Gumamit ng isang kakaibang sword technique si James—
Pagkatapos talunin ni James si Kaj, inatake ng pinakamalakas na elder ng Void Sect si James. Sugatan na si James ngunit nagtamo pa siya ng isa pang atake mula sa pinakamalakas ng Void Sect. Sa sandaling iyon, ang mga meridians ng buo niyang katawan ay nasira, at nagtamo siya ng matinding sugat sa loob ng kanyang katawan. Nahilo siya at bumigat ang kanyang mga mata. “Hindi, hindi ako pwedeng makatulog.”May malay pa si James, ngunit unti-unti na siyang nawawalan ng malay. Habang nag-aagaw-buhay, naisip niya na nakita niya si Thea na palapit sa kanya. “Thea.”Gusto sanang tumayo ni James, ngunit sobrang sakit ng buo niyang katawan, at wala na siyang lakas. Ginamit niya ang healing method na nakatala sa medical book at ginamit ang kanyang Terra at Lunar Energies para pabilisin ang pagpapagaling sa kanyang mga sugat. Sumugod si Thea mula sa malayo. Nang makita niya na inatake si James, nagwala siya dahil sa dugo ng Four Holy Beasts sa kanyang katawan. Isang nakakatakot
Isang lalaki ang bumaba mula sa langit. Nakasuot siya ng puting damit at mukhang bata, na para bang nasa edad 30 pa lamang. Subalit, ang kanyang buhok ay puti na. “Ama.” magalang itong binati ni Tyrus. Mabilis na bumaba si Langston mula sa langit, at lumitaw sa harapan ng pinakamalakas ng Void Sect. “Ito.”Ang elder ng Void Sect ay nagulantang sa bilis ni Langston at napahakbang paatras. “Isang Supernatural?”Ang pinakamalakas ng Void Sect ay hindi makapaniwala at nakatitig na lang kay Langston. Tinitigan siya ni Langston at sinabi, “Ano ang sinasabi mo kanina lang? Sa tingin mo ba ay pwede mo na kaming tapak-tapakan dahil wala gaanong malakas na mga martial artists sa Sol?”“N-Naabot mo na ba ang Supernatural rank?”Nang maramdaman niya ang enerhiya ni Langston, naging aligaga ang lalaki at gumapang ang takot sa mukha nito. Hindi siya sinagot ni Langston. Sa halip, dahan-dahan niya itong nilapitan ng paisa-isa ang hakbang. “Nagkakamali ka kung iniisip mo na walang ma
Sa tulong ni Thea, nilisan ni James ang Mount Bane. Sinamahan din sila ni Tyrus. Pagkatapos umalis ng Mount Bane, sinadya ni James na bagalan ang kanyang paglalakad, hinihintay ang iba pang mga martial artists na maunang makaalis. Nang makaalis na ang lahat, huminto siya sa paglalakad at nilingon si Tyrus, saka tinanong, “Ano ang binigay mo sa akin kanina?”Alam na ni James na isa itong spiritual fruit na nabuo noong nagsimula ang pagkasira ng seal. Ang Empyrean Spiritual Energy mula sa Sealed Land ay tumagas, at ilan sa mga halaman sa mundo ay nag-mutate bilang resulta. Subalit, nagpanggap siya na wala siyang kahit na anong alam dahil hindi siya sigurado kung alam ni Tyrus ang tungkol sa seal. Sinabi ni Tyrus ng nakangiti, “Marami ka pang dapat malaman, James. Subalit, hindi pa ito ang tamang oras para malaman ito. Huwag ka munang bumalik sa Cansington. Samahan mo ako sa Southern Plains. May gusto akong ipakilala sa iyo.” Maingat na nagtanong si James, “Hmm? May gusto kan