Mabilis na sumugod si James at sinalo ang martial artist na tumilapon. Dinala siya ni James sa isang ligtas na lugar, nilapag siya, at nagtanong, "Senior Cabral, ayos ka lang ba?" Magulo ang buhok ni Simon, at may madugong sugat sa braso niya kung saan tumutulo ang dugo. Maputla ang mukha niya nang sumagot siya. "Bw*sit, ang hirap patayin ng h*yop na yun." Pagkatapos niyang sabihin iyon, naghanda siyang sumali ulit sa laban hawak ang espada niya. Mabilis siyang hinila ni James at nagsabing, "Gamutin mo muna ang mga sugat mo." "Tama ka." Napagtanto ni Simon na mamamatay na ang dragon. Kailangan niyang pagalingin kaagad ang mga sugat niya, panumbalikin ang enerhiya niya, at maghanda na agawin ang mga mahahalagang kayamanan mula sa bangkay nito. Bzzt!Patuloy na dumaan sa langit ang mga kidlat. Tumayo sa malayo ang Thunder King at patuloy na gumawa ng kidlat para atakihin ang katawan ng cyan dragon kung saan nalaglag ang mga kaliskis nito. Nasunog ang laman ng dragon n
Dominante si Thomas. Kaagad niyang inutos na kunin niya ang Dragon Essence. "Sino ka ba sa tingin mo, Thomas?" Ang Thunder King ang naunang tumayo laban sa kanya. Tinaas niya ang kamay niya at kumislap ang kidlat mula sa palad niya. Tinitigan niya nang masama si Thomas at nagbanta, "Sino ka ba para kunin ang Dragon Essence? Sa akin yan." Nang nagsalita siya, ilang psychics ang lumapit at tumayo sa likuran ng Thunder King. Nag-iingat nilang tinignan sina Thomas at ang tatlong nakamaskarang lalaki. Sa sandaling magbigay ng utos ang Thunder King, kikilos sila. "Haha," tumawa si Thomas. Hindi niya man lang sineryoso ang Thunder King. Kung hindi lang niya kailangan ang lakas ng mga psychic para patayin ang dragon, matagal na niyang binura ang Thunder King at ang iba pang psychics. "Anong problema? Tumututol ba kayo?" Tinignan ni Thomas ang Thunder King nang nakangiti. "Mamatay ka na!" Hindi na nagsayang ng mga salita ang Thunder King. Tinaas niya ang kamay niya at kumi
Kung kaya't hindi mamumuo ang dugo pagkatapos nitong maisara. Pagkatapos makuha ang dugo ng dragon, nilipat ni James ang atensyon niya sa kaliskis ng dragon. May malakas na depensa ang kaliskis ng dragon. Magagamit niya ito para gumawa ng damit at masalag ang mga atake mula sa malalakas na martial artists. Nagsimula ring mangolekta ng mga materyal ang iba pang martial artists. Karne ng dragon, buto ng dragon… Hindi nagtagal, tuluyang naibahagi ang katawan ng dragon sa mga martial artist. Nakahinga nang maluwag si Thea ngayong hindi nasabak sa matinding laban ang mga martial artist pagkatapos patayin ang dragon. Tumingin si James kay Wilbur sa nasirang isla at nagsulat sa lapag—Gusto mo bang bumalik sa Sol kasama ko?Pagkatapos makita ang sinulat ni James, bahagyang umiling si Wilbur at nagsulat sa lapag—Kalimutan mo na yan. Ayaw kong umalis. Sanay akong mabuhay nang mag-isa. Ayaw ko sa maraming tao ay gusto ko ang katahimikan dito.Nagsulat ulit si James—Pagktapos namin
Pansamantalang walang paggagamitan ang Dragon Essence para sa kanya dahil hindi niya alam kung kailan siya makakapasok sa ninth rank. Pwede itong umabot ng sampung taon, baka dekada, o baka hindi man lang siya makapasok sa rank kahit pagkatapos ng isandaang taon. Samantala, tuwang-tuwa si Maxine. Hindi niya inasahang makakakuha siya ng isang piraso ng Dragon Essence. Sa lakas niya, hindi niya kayang lumaban para sa Dragon Essence. Gayunpaman, hinayaan siyang mabahaginan ng mga ginawa ni Langston. Kahit na mas maliit ang pirasong nakuha niya kumpara sa hawak nina James at Thea, kuntento pa rin siya. Mapapalakas nang malaki ng Dragon Essence ang cultivation niya. Kahit papaano, makakapasok siya sa eighth rank. "Honey, anong susunod pagkatapos nating bumalik sa Cansington?" Sumandal si Thea kay James, hinawakan ang kamay niya, at kumapit sa mga braso niya. Hindi niya nakalimutan tumingin kay Maxine nang may pagyayabang. Ang ekspresyon niya ay para bang pinagyayabang niya
Pinaalam ni Thea nang maaga sa mga Callahan ang pag-uwi nila. Kung kaya't sa sandaling dunaong ang cruise ship, lilitaw si David sakay ng pickup truck. Kaagad na nilagay ni James sa trak ang mga bagay na inuwi nila mula sa isla. Pagkatapos, nilapitan ni James si Thomas sa daungan. "Lolo, kailan mo ko isasama para makita ang Papa ko at ang buong pamilya natin? At saka matagal ko nang iniisip kung sino ba talaga ang nanay ko." Hindi pa nakikita ni James ang nanay niya noon. Sa pagkakaalala niya, walang kwinento ang pamilya niya tungkol sa nanay niya. Ikinasal din ulit ang ama niya at mayroon siyang stepmother—si Rowena. Gayunpaman, nagdala ng trahedya ang desisyon niya sa pamilya niya. Ngumiti si Thomas at nagsabing, "Manatili ka sa Cansington nang ilang araw. Isasama ko ang ama mo para makita ka."Pagkatapos magsalita ni Thomas, umalis siya. Para naman sa nanay ni James, wala siyang binanggit tungkol dito. Umaasa si James sa pagdating ng sandaling iyon. Hindi magtatag
Kinain ng lahat ng mga Callahan ang masarap na karne ng dragon. Pagkatapos itong kainin, pakiramdam nila ay may apoy na nagliliyab sa loob ng katawan nila. Gayunpaman, hindi sila napaso ng apoy. Pakiramdam lang nila ay mayroong mainit na alon na bumubugso sa katawan nila. Napakakomportable nito. Pakiramdam nila ay para ba silang umaakyat sa langit. Hindi nagtagal, tapos na ang hapunan. Bumalik sina James at Thea sa kwarto nila sa third floor. Naligo si Thea at lumabas ng banyo nang nakatapis ng manipis na tuwalya. Nababalot ng sugat ang katawan niya mula sa kuko ng dragon. Mabuti na lang at nagsara na ang mga sugat niya. Pinunasan niya ang buhok niya gamit ng isa pang towel habang lumapit siya. Nang nakita niyang nakaupo si James sa kama nang nakatulala, hindi niya napigilang magtanong, "Anong problema, Honey? Anong iniisip mo?" Nahimasmasan si James. "Wala lang. Iniisip ko lang kung bakit ka binigyan ng Prince of Orchid Mountain at ng Omniscient Deity ng dugo ng qili
Napakasariwa at napakadalisay ng hangin sa umaga. "Huminga at lumawig." Nagsimulang isipin ni James ang Heaven and Earth Art. Paulit-ulit niyang binanggit sa isipan niya ang cultivation method. Pagkatapos masaksihan ang pagpapalit ng gabi at umaga ngayon lang, marami siyang napagtanto. Sa biglaang pagtanto niya, naunawaan na niyang maigi ang Heaven and Earth Art. "Ganun pala. Ganito pala yun." Sumigla ang mukha ni James. Ang Heaven and Earth Art ay hindi isang pangkaraniwang cultivation method. Lagpas ito sa dati niyang pag-unawa sa martial arts. Ang tinatawag na Heaven and Earth Art ay isang breathing method. Importante para sa isang tao na huminga sa sariwang hangin ng umaga. Masasabing ang hangin ay isang Spiritual Energy. Ito ang Spiritual Energy ng langit at lupa. Pinakamarami ang sariwang hangin sa umaga. Nagsimulang huminga si James ayon sa breathing method ng Heaven and Earth Art. Swoosh.Sa pagpasok ng sariwang hangin sa katawan niya, sumuot din
"Sige." Tumango ang Omniscient Deity at marahang nagsabi, "Tumayo ka." Tumayo si Sky. Kinakabahan siyang tumayo sa tabi. Naalala niyang nagsimula siya ng laban kay James sa Jade Sect, at pinagpawisan siya ng malamig. Hindi siya magtatangkang kumilos nang ganun ka-arogante sa Mount Jade kung alam niya lang na ang Omniscient Deity ang guro niya. Nanatiling tahimik ang Omniscient Deity. Nataranta si Sky. "Sir, hayaan mo kong magpaliwanag. Sa isla, lumitaw ang Prince of Orchid Mountain, tapos ako… ako…"Kumaway ang Omniscient Deity at nagsabing, "Alam ko." "Kung ganun, bakit mo ko pinuntahan?" Tumingin si Sky sa Omniscient Deity. Akala niya ay nagpunta dito ang guro niya para pagalitan siya, ngunit mukhang hindi ganun ang sitwasyon. Hindi niya mabasa ang intensyon ng Omniscient Deity. "Nakarating ka na sa Ninth Stair ng Skyward Stairway at isang hakbang na lang sila mula sa pagiging isang ninth-ranked grandmaster. Nagpunta ako para bigyan ka ng payo at gabay para mak