Kabanata 1744
Agad na pinaulanan ng pang-iinsulto si Jackson noong binunot niya ang Frost Sword na nahati sa dalawa ng Malevolent Sword.

Subalit, hindi niya pinansin ang mga ito.

Kahit na nahati ito sa dalawa, hindi pa rin naglaho ang orihinal na kapangyarihan ng Frost Sword.

Hinawakan niya ang baling espada at tumingin siya kay Linna, at sinabing, "Labanan mo ako."

“Hmph!”

Suminghal si Linna at sinabing, "Kung nagmamadali ka na talagang mamatay, sino ba naman ako para tanggihan ka?"

Kinumpas niya ang kanyang mga kamay, at pinaligiran ng apoy si Jackson.

Winasiwas ni Jackson ang baleng espada na hawak niya.

Noong sandaling winasiwas niya sa ere ang kanyang kamay, nagkaroon ng yelo sa talim ng espada at mabilis nitong hinawi ang apoy, at agad nitong napatay ang apoy.

“Anong—?”

Noong nakita nila ang nangyari, natulala ang mga psychic.

Maging si Linna ay napaatras sa nangyari.

Naglaho ang katawan ni Jackson at sumulpot siya sa harap ni Linna, sinaksak niya ang baling espada niya sa mga
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP