Agad na pinaulanan ng pang-iinsulto si Jackson noong binunot niya ang Frost Sword na nahati sa dalawa ng Malevolent Sword. Subalit, hindi niya pinansin ang mga ito. Kahit na nahati ito sa dalawa, hindi pa rin naglaho ang orihinal na kapangyarihan ng Frost Sword. Hinawakan niya ang baling espada at tumingin siya kay Linna, at sinabing, "Labanan mo ako." “Hmph!”Suminghal si Linna at sinabing, "Kung nagmamadali ka na talagang mamatay, sino ba naman ako para tanggihan ka?" Kinumpas niya ang kanyang mga kamay, at pinaligiran ng apoy si Jackson.Winasiwas ni Jackson ang baleng espada na hawak niya.Noong sandaling winasiwas niya sa ere ang kanyang kamay, nagkaroon ng yelo sa talim ng espada at mabilis nitong hinawi ang apoy, at agad nitong napatay ang apoy.“Anong—?”Noong nakita nila ang nangyari, natulala ang mga psychic.Maging si Linna ay napaatras sa nangyari.Naglaho ang katawan ni Jackson at sumulpot siya sa harap ni Linna, sinaksak niya ang baling espada niya sa mga
Narinig ng malinaw ng lahat ang kanyang boses.Nagpalitan ng tingin ang lahat ng mga ancient martial artist ng Sol.Maging ang Spirit Master ay natalo sa isang atake lang.Mayroon bang tao sa Sol na kayang tumapat sa kalaban na ito?Pinanood lamang ni Thomas ang mga pangyayari at wala siyang balak na mangialam.Sa mga sandaling iyon, napako ang mga mata ng lahat kay Sky.“Sky, pakiusap labanan mo siya!”“Sky, ikaw ang nararapat sa posisyon bilang Great Grandmaster ng martial world. Nakikiusap kami sa’yo na lumaban ka at talunin mo ang Thunder King!”Maraming mga martial artist ang nakiusap kay Sky na lumaban.“Sige.”Humakbang paharap si Sky at sinabing, “Dahil walang tumatanggap sa hamon, ako ang tatalo sa psychic na ‘to mula sa Merania.”Umalingawngaw sa buong bundok ang kanyang deklarasyon.Pagkatapos, dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa 100 metro na lamang ang layo niya mula sa Thunder King. Isang tusong ngiti ang makikita sa mukha ng Thunder King. Alam niya kun
Dumating si Thea sa kritikal na sandali.Nasa kanyang nga kamay ang Malevolent Sword Ang kanyang pagdating ay gumawa ng ingay.Hindi isang lihim na nawala ang mga alaala at lakas ni Thea pagkatapos niyang i-convert ang kanyang cultivation base. Para mahanap siya, ibibigay ni James ang Novenary Golden Pills sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan nito. Makalipas ang isang taon, bigla na lang siyang lumitaw muli sa Cansington.Subalit, wala na ang kanyang mga alaala at cultivation base.Pagkatapos na lang lumitaw bigla, bumaba siya mula sa kalangitan.Ang enerhiya na nagmumula sa kanya ay gumulantang sa lahat ng mga nandoon.Ang mga tao ay namangha rin sa kanyang kagandahan. Sumimangot si Sky nang makita niya na nagpakita si Thea at naisip sa kanyang sarili, ‘Bakit siya pumunta dito para mangialam?’Tiningnan ni Sky si Thea. Ang mga mata ni Thea ay nakatuon din sa kanya. Hindi pinansin ni Thea ang Thunder King at pinanlisikan si Sky. Swoosh!Tinutok
Hindi na kaya ng Mount Ludis ang pwersang namumula sa enerhiya ni Thea at gumuho hanggang sa naging mga malaking tipak na lang ng bato. Boom!Ang buong bundok ay nagsimulang gumuho sa lupa. Napuno ng alikabok ang hangin at kalangitan. Mabuti na lang, ang mga martial artists na nandoon ay nakatakas na mula sa Mount Ludis, kung hindi, baka nasugatan na sila dahil malakas na enerhiya ni Thea. “Anong meron sa kanyang enerhiya?”Nanlamig ang dugo ni Sky matapos niyang maramdaman ang enerhiya ni Thea, at mabilis siyang umatras. Nakakatakot ang kanyang enerhiya. Katulad ito sa enerhiya ni James nung nasa pinakamalakas niya itong kondisyon, o kaya ay mas malakas pa nga. Ang Thunder King ay may seryosong ekspresyon. Narinig na niya ang tungkol kay Thea noon at bahagyang inalam ang tungkol dito. Kaya naman, alam niya na si Thea ay isang martial artist na nawalan ng lakas sa hindi malaman na kadahilanan. Hindi niya inaasahan na ganito ito kalakas. Umatras sa malayo si Sky at
Nang winasiwas niya ang kanyang espada, isa pang Sword Light ang lumitaw. Bago pa man tumama ang Sword Light sa kanyang kalaban, ang lakas ng paglikha nito ang naging dahilan para lalo pang gumuho at kumalat ang mga labi ng bundok. Lumutang ang Thunder King sa ere. Alam niya na pagkakataon na niya para ipakita ang kanyang lakas. Ang mga psychics ay nanatiling nakatago sa ibang bansa ng maraming taon na rin. Ang mundo ay pinamunuan ng mga martial artists sa buong panahon na ito. Kahit na alam ng mga tao ang tungkol sa mga psychics, wala naman silang malakas na presensya. Magagawa niyang kontrolin ang mga martial artists sa buong mundo kapag nagawa niyang salagin ang mga atake ni Thea at talunin ito. Habang nasa harapan ng Sword Light, hindi nagpakita ng takot ang Thunder King. Ang kuryente na nakapaligid sa kanya ay mabilis na nagsama-sama at naging kidlat na kasing laki ng isang malaki at matabang tao. Ang kidlat ay bumulusok at bumangga sa itim na Sword Light. Nagba
Ang braso ni Thea ay tinamaan ng kidlat at nagka-luray-luray.Nabitawan niya ang Malevolent Sword. Sa may malayo, nanonood si Thomas ng medyo magkasalubong ang kanyang mga kilay.Ayaw niyang mangialam.Kahit na mangialam siya sa laban, hindi siya sigurado kung kaya niyang talunin ang Thunder King dahil mas mahina siya kaysa kay Sky. Paano niya magagawang talunin ang Thunder King kahit na si Sky ay maingat sa kanilang laban?Higit pa doon, mas malakas sa kanya si Thea. Subalit, nung nakita niya si Thea na malapit nang matalo sa laban, napasimangot siya at nilingon ang mga lalaking nakamaskara na nasa likuran niya. Ang mga taong ito ay ang huli niyang mga alas.Palihim niyang nirecruit ang mga ito, at ang kanilang mga lakas ay higit pa kaysa sa inaasahan.Sa sandaling iyon, binalak niya na utusan ang mga ito para iligtas si Thea. Ang lahat ay mga kasangkapan na pwedeng niyang itapon para sa kanyang malaking plano, pwera lang kay Thea. At nang sumagi ito sa kanyang isipan,
Tinawag ni Thomas si Thea, na nagbalik sa katinuan nito sa tamang oras. Hindi siya gumawa ng isang pamatay na atake. Sa halip, pinatalsik lang niya ang Thunder King sa malayo. May makasariling dahilan si Thomas kaya niya ito pinigilan. Alam niya na napakalakas ng dragon at hindi ito madaling magagapi. Lalo lang sila mahihirapan na paslangin ang dragon kapag nawalan pa sila ng isang malakas na asset. Ang Thunder King ay may taglay na pambihirang lakas at hindi kasing hina ng isang martial artist na nakarating na sa Ninth Stair ng Skyward Stairway. Ang ganitong lakas ay makakatulong sa laban nila sa pagpatay sa dragon. Sakto ang dating Thomas at nilapitan si Thea. Tiningnan ni Thea si Thomas at maingat na tinanong, “Sir Caden, bakit niyo siya gustong iligtas? Hindi man matagal na naging martial artist ako, pero alam ko na ang mga Meranian Psychics ay ilang taon na din tayong pinagbabantaan.” Sinabi ni Thomas, “Thea, ang pagpaslang sa dragon ang mas mahalaga. Ang dragon a
Nagtanong si Thomas, “Ibig sabihin ba nito kinikilala ninyo na si Thea bilang Great Grandmaster?”Tumango ang Thunder King, “Oo.”Nagsalita si Thomas, “Kung ganoon, base sa napagkasunduan natin, simula ngayon, lahat ay dapat sumunod sa utos ng Great Grandmaster.”Tumango ang Thunder King at sumagot, “Kinikilala ko siya at susundin ko ang utos niya, pero dito lang sa expedisyon na pagpatay sa dragon. Hanggang doon lang ang pagsunod ko sa utos niya.”“Sige.” Tumango si Thomas.Sapat na iyon.Sa tulong ng mga psychics, dumoble ang porsyento ng tagumpay nila.Tinignan ni Thomas si Thea at sinabi, “Thea, utusan mo na sila ngayon.”“Ako?” napasimangot si Thea.“Anong sasabihin ko sa kanila?”Sumagot si Thomas, “Susundin namin ang utos mo kung paano papaslangin ang dragon. Ikaw ang mamumuno sa mga susunod na mangyayari.”Hindi alam ni Thea kung anong gagawin niya.Wala siyang alam tungkol sa mga dragon.Matapos ang panandaliang pag-iisip, sumagot siya, “Paano kaya kung magtipon tayo sa Cansin