Hindi na kaya ng Mount Ludis ang pwersang namumula sa enerhiya ni Thea at gumuho hanggang sa naging mga malaking tipak na lang ng bato. Boom!Ang buong bundok ay nagsimulang gumuho sa lupa. Napuno ng alikabok ang hangin at kalangitan. Mabuti na lang, ang mga martial artists na nandoon ay nakatakas na mula sa Mount Ludis, kung hindi, baka nasugatan na sila dahil malakas na enerhiya ni Thea. “Anong meron sa kanyang enerhiya?”Nanlamig ang dugo ni Sky matapos niyang maramdaman ang enerhiya ni Thea, at mabilis siyang umatras. Nakakatakot ang kanyang enerhiya. Katulad ito sa enerhiya ni James nung nasa pinakamalakas niya itong kondisyon, o kaya ay mas malakas pa nga. Ang Thunder King ay may seryosong ekspresyon. Narinig na niya ang tungkol kay Thea noon at bahagyang inalam ang tungkol dito. Kaya naman, alam niya na si Thea ay isang martial artist na nawalan ng lakas sa hindi malaman na kadahilanan. Hindi niya inaasahan na ganito ito kalakas. Umatras sa malayo si Sky at
Nang winasiwas niya ang kanyang espada, isa pang Sword Light ang lumitaw. Bago pa man tumama ang Sword Light sa kanyang kalaban, ang lakas ng paglikha nito ang naging dahilan para lalo pang gumuho at kumalat ang mga labi ng bundok. Lumutang ang Thunder King sa ere. Alam niya na pagkakataon na niya para ipakita ang kanyang lakas. Ang mga psychics ay nanatiling nakatago sa ibang bansa ng maraming taon na rin. Ang mundo ay pinamunuan ng mga martial artists sa buong panahon na ito. Kahit na alam ng mga tao ang tungkol sa mga psychics, wala naman silang malakas na presensya. Magagawa niyang kontrolin ang mga martial artists sa buong mundo kapag nagawa niyang salagin ang mga atake ni Thea at talunin ito. Habang nasa harapan ng Sword Light, hindi nagpakita ng takot ang Thunder King. Ang kuryente na nakapaligid sa kanya ay mabilis na nagsama-sama at naging kidlat na kasing laki ng isang malaki at matabang tao. Ang kidlat ay bumulusok at bumangga sa itim na Sword Light. Nagba
Ang braso ni Thea ay tinamaan ng kidlat at nagka-luray-luray.Nabitawan niya ang Malevolent Sword. Sa may malayo, nanonood si Thomas ng medyo magkasalubong ang kanyang mga kilay.Ayaw niyang mangialam.Kahit na mangialam siya sa laban, hindi siya sigurado kung kaya niyang talunin ang Thunder King dahil mas mahina siya kaysa kay Sky. Paano niya magagawang talunin ang Thunder King kahit na si Sky ay maingat sa kanilang laban?Higit pa doon, mas malakas sa kanya si Thea. Subalit, nung nakita niya si Thea na malapit nang matalo sa laban, napasimangot siya at nilingon ang mga lalaking nakamaskara na nasa likuran niya. Ang mga taong ito ay ang huli niyang mga alas.Palihim niyang nirecruit ang mga ito, at ang kanilang mga lakas ay higit pa kaysa sa inaasahan.Sa sandaling iyon, binalak niya na utusan ang mga ito para iligtas si Thea. Ang lahat ay mga kasangkapan na pwedeng niyang itapon para sa kanyang malaking plano, pwera lang kay Thea. At nang sumagi ito sa kanyang isipan,
Tinawag ni Thomas si Thea, na nagbalik sa katinuan nito sa tamang oras. Hindi siya gumawa ng isang pamatay na atake. Sa halip, pinatalsik lang niya ang Thunder King sa malayo. May makasariling dahilan si Thomas kaya niya ito pinigilan. Alam niya na napakalakas ng dragon at hindi ito madaling magagapi. Lalo lang sila mahihirapan na paslangin ang dragon kapag nawalan pa sila ng isang malakas na asset. Ang Thunder King ay may taglay na pambihirang lakas at hindi kasing hina ng isang martial artist na nakarating na sa Ninth Stair ng Skyward Stairway. Ang ganitong lakas ay makakatulong sa laban nila sa pagpatay sa dragon. Sakto ang dating Thomas at nilapitan si Thea. Tiningnan ni Thea si Thomas at maingat na tinanong, “Sir Caden, bakit niyo siya gustong iligtas? Hindi man matagal na naging martial artist ako, pero alam ko na ang mga Meranian Psychics ay ilang taon na din tayong pinagbabantaan.” Sinabi ni Thomas, “Thea, ang pagpaslang sa dragon ang mas mahalaga. Ang dragon a
Nagtanong si Thomas, “Ibig sabihin ba nito kinikilala ninyo na si Thea bilang Great Grandmaster?”Tumango ang Thunder King, “Oo.”Nagsalita si Thomas, “Kung ganoon, base sa napagkasunduan natin, simula ngayon, lahat ay dapat sumunod sa utos ng Great Grandmaster.”Tumango ang Thunder King at sumagot, “Kinikilala ko siya at susundin ko ang utos niya, pero dito lang sa expedisyon na pagpatay sa dragon. Hanggang doon lang ang pagsunod ko sa utos niya.”“Sige.” Tumango si Thomas.Sapat na iyon.Sa tulong ng mga psychics, dumoble ang porsyento ng tagumpay nila.Tinignan ni Thomas si Thea at sinabi, “Thea, utusan mo na sila ngayon.”“Ako?” napasimangot si Thea.“Anong sasabihin ko sa kanila?”Sumagot si Thomas, “Susundin namin ang utos mo kung paano papaslangin ang dragon. Ikaw ang mamumuno sa mga susunod na mangyayari.”Hindi alam ni Thea kung anong gagawin niya.Wala siyang alam tungkol sa mga dragon.Matapos ang panandaliang pag-iisip, sumagot siya, “Paano kaya kung magtipon tayo sa Cansin
Naging matagumpay ang katapusan ng martial community conference sa Mount Ludis.Noong una, gusto kunin ni Sky ang pagkakataon para maging Great Grandmaster ng martial community. Pero, nagpakita ang mga psychic ng Meriana ng hindi inaasahan, at pinili niyang hindi umakto para hindi masiwalat ang lakas niya.Sa huli, si Thea ang naging Great Grandmaster.Hindi natutuwa si Sky sa naging resulta.Matapos umalis ang lahat, naupo si Sky sa mga ruins at nanigarilyo habang bigo ang pakiramdam.Bigla, may lalake na nakasuot ng pulang maskara ang lumapit.Nakaramdam si Sky ng tao na palapit kaya tumayo siya agad.“Teacher.” Magalang siya na tinignan ni Sky.Hindi malinaw ang tungkol sa pagkakakilanlan ng guro niya.Hindi pa nakikita ni Sky ang itsura ng guro niya at ang alam lang niya ay makapangyarihan ito at tinuruan siya ng mga unique na martial art techniques. Kahit ang heaven-defying Great Law of Absorption ay itinuro sa kanya ng guro niya.Ang nakamaskarang Omniscient Deity ay tinignan si
Kung maaayon ang lahat sa plano, si Sky ang mamumuno sa vanguard patungo sa isla para paslangin ang dragon.Sa loob ng mga nakaraang araw, nakikipag-usap si James kay Wilbur at nalaman na mayroon nga talagang dragon sa isla.Naputol ang buntot ng dragon ng mahigit sa 1300 taon na ang nakararaan, pero buhay pa din ito at nagtatago sa Dragon’s Abyss. Sa nakalipas na mga taon, ilang beses na nakita ni Wilbur ang dragon.Nagpapakita lamang ito ng hating gabi.Sa tuwing nagpapakita ito, nagkakaroon ng tsunami.Matagal na inisip at inaral ni James ang Lunar and Terra Art, pati na rin ang ibang mga makapangyarihan na martial art techniques na nakarecord sa pader na bato, na kailangan niyang sirain.Ang mga nakadetalyeng paraan sa pader ay nagtataglay ng hindi masukat na lakas.Kung ang makakatanggap sa impormasyon na ito ay may masamang hangarin tulad ni Sky at nagtagumpay sa pagcultivate, magiging panganib siya para sa lahat ng pangkaraniwang mga tao.Isinulat ni James sa sahig ang nararamda
Kasing bilis ng kidlat ang Omniscient Deity. Walang pagkakataon si James para magreact ng magpakita sa harap niya ang Omniscient Deity.Napaatras siya sa gulat. Tinitigan ni Wilbur ng masama ang hindi inaasahan na bisita.Ibinuka niya ang bibig niya at nagsalita.“Old Ignobarian?”Matapos ito marinig ng Omniscient Deity, nagulat siya.Agad na naintindihan ng Omniscient Deity ang pinagmulan ni Wilbur—isang Ignobar martial artist noong sinaunang panahon.Bilang tao na dalawang libong taon ng nabubuhay, ang Omniscient Deity ay bihasa sa iba’t ibang mga lenguwahe sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang ang mga sinaunang mga wika.Pero, wala siyang sinabi kay Wilbur.Nakatitig ang mga mata ng Omniscient Deity kay James.May kumakalat na tsismis na patay na siya pero heto at buhay na buhay siya sa isla.Tinitigan ni James ang Omniscient Deity na nakasuot ng pulang maskara, at nagtanong, “Sino ka? Bakit ka nandito?”“Ha!”Tumawa ang Omniscient Deity at sinabi, “Hindi mo na kailangan malaman k