Mabilis na umatras si Wilbur at tumulo ang dugo mula sa gilid ng labi niya.“Arghh!!!” sigaw niya.Habang sumisigaw siya, ang mahabang itim na buhok niya ay lumutang sa ere at naging mapula ang mga mata niya.“Isang Energy Deviation?!”Sa malayo, napahinga ng malalim si James sa eksenang nakita niya.Alam niya kung gaano nakakatakot si Wilbur noong nagka Energy Deviation siya noong huli.Sa ilalim ng Energy Deviation, gugulpihin siya ni Wilbur hanggang sa puntong hindi na siya makalaban.Tinignan siya ng Omniscient Deity at napangiti siya ng kaunti sa ilalim ng maskara. “Mukhang hindi pa niya naalis ang masamang epekto ng dugo ng dragon. Kahit na imortal siya, hindi niya maaaring hayaan ang sarili niya para madala ng emosyon. Kung hindi, mawawala siya sa sarili niya at mababliw na ng tuluyan.”Alam ng Omniscient Deity na lalakas ng husto ang puwersa ni Wilbur sa ganitong estado niya.Ito mismo ang gusto niya. Masasayang lamang ang pagpunta niya dito kung ang hangganan lang ng lakas ni
Namangha si James.Kahit na ganoon, pinanood niya ng mabuti ang labanan. Top martial artist ang dalawang ito, kaya magiging malaking benepisyo para sa kanya ang may mapulot na aral dito.Sa puntong ito, sumugod si Wilbur sa kalaban niya ng sobrang bilis at nagpakita bigla sa itaas ng Omniscient Deity. Pagkatapos, habang pabagsak ang sugod niya, nakatutok ang espada sa ulo ng Omniscient Deity.Inabangan ng Omniscient Deity ang atake, itinaas ang kamay niya at sasaluhin niya dapat ang espada gamit ang kamay niya.Hindi niya inaasahan na biglang babaguhin ni Wilbur and direksyon.“Ano…?!”May nakita si James na hindi direktang hint dito.“Ito ang Heaven and Earth Sword Art.”Ito ang isa sa martial art technique na nakasulat sa pader na bato.Ang Heaven and Earth Sword Art ay isa sa pinakamalakas na sword technique.Hindi inaasahan ng Omniscient Deity ang biglaang pag-iba ng direksyon ng espada ni Wilbur at hindi siya agad nakakilos laban dito.Bago pa siya magreact, natusok na siya ng esp
Pinanood ni James ang labanan sa malayo.Inabot ng higit sa tatlong oras ang labanan.Sa nakalipas na tatlong oras, parehong nagpamalas ng iba’t ibang unique na sword technique sina Omniscient Deity at Wilbur na hindi pa kailanman nakita ni James.Nainspire ng husto si James.Kahit na nakita na niya ang First Sword Art sa King Quavon’s Mausoleum, napakatindi ng mga requirements nito para aralin. Halos hindi niya maabot ang mga kailangan dito.Matapos panoorin ang labanan ng dalawa, may bago siyang naabot sa pagkakaintindi sa First Sword Art.Makalipas ang tatlong oras…Bzzt!!Isang Sword Light ang humiwa sa kalangitan.Sumugod ang Omniscient Deity gamit ang Primordial Dragon Blade at itinutok ito sa leeg ni Wilbur.Ngunit, hindi itinuloy ng Omniscient Deity matapos umabot sa puntong ito.Umatras siya at inihagis ang Primordial Dragon Blade kay James.Mabilis itong nasalo ni James.Tumayo ang Omniscient Deity sa tubig habang nasa likod ang kamay niya. Tinignan niya si Wilbur na nasa est
Sa Cansington, sa villa ng mga Callahan, isang araw na ang lumipas ng dumating si Thea.Nilabanan niya ang Thunder King sa Mount Ludis, at nagkaroon ng pinsala ang braso niya.Matapos bumalik sa Cansington, ginamot ni Thomas ang sugat niya. Binalot niya ito ng gauze. Sapagkat malakas ang True Energy niya, at matibay din ang pag galing ng katawan niya, halos magaling na ang pinsala niya.Nanatili si Thomas sa villa ng mga Callahan.Alam ng mga Callahan na si Thomas ang lolo ni James. Kaya, iginalang nila ito ng husto.Sa puntong ito, si Thea at Thomas ay nasa living room ng villa habang ang iba naman ay umalis ng bahay.Tinignan in Thomas si Thea at nagtanong, “Thea, may mga plano ka ba kung paano papaslangin ang dragon?”Matapos ito marinig, napasimangot si Thea.Ang plano niya ay hanapin si James at alamin kung buhay pa ba siya o patay na.Ngunit, si Thomas ang lolo ni James, kaya ibig sabihin biyenan niya ito. Ibig sabihin, hindi niya puwedeng isantabi ang kagustuhan niya. Matapos ma
Si Xavi mula sa pamilya ng mga Lee ay sumunod din. “Sigurado akong sasama ako. Gusto ko makita kung anong itsura ng dragon at kung tunay ba ang sinasabi ng mga alamat nito.”Si Tanner, na dating parte ng tatlong major na pamilya ng Gu Sect, ay tumayo at sumagot, “Sasama ako.”Sumagot si Callan habang nakangiti, “Kailangan ko sumama. Naniniwala akong buhay pa si James. Kailangan ko siya makita.”Si Master Maha ng Sylvan Sect, Spirit Master ng Heaven and Earth Sect at iba pa ay nagsimulang sabihin ang kanilang mga nasa isip.Lahat sila gusto nilang sumama sa paglalayag.Tinignan ni Thea si Donovan ng mga Blithe at lumapit sa kanya.Agad na tumayo si Donovan.Hindi siya maaaring maging arogante sa harap ni Thea.Hindi lang siya pinuno ng Celestial Sect, pero siya na ngayon ang Great Grandmaster ng buong martial community. Siya ang pinaka prestihiyosong tao.“Ms. Thea, bakit ninyo ako tinitignan ng ganyan? Huwag ninyo akong tignan ng ganyan. Nababalisa po ako,” sagot ni Donovan pagtayo niy
Naalala ni Thea noong una silang nagkita ni James.Isinama siya ni James sa House of Royals at ginamot ang mga sugat niya. Naalala niya kung gaano siyang kametikulosang inalagaan ni James.“Wedding? Darating ba ang araw na iyon?”Nalungkot si Thea.Ang sabi ni Sky ay patay na si James.Alam niyang patay na si James pero patuloy niyang niloloko ang sarili niya,Pinakalma siya ni Henry, “Thea, siguradong darating ang araw na iyon. Naniniwala ako na hindi pa patay si James. Siguradong buhay pa siya.”Pinunasan ni Thea ang mga luha niya at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili niya. Pagkatapos, sumagot siya, “Tulungan mo ako ayusin ang tungkol sa mga high-tech na armas sa lalong madaling panahon. Sa Lunes na ako aalis.”“Mhm. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.”Matapos humiling kay Henry, umalis si Thea.Samantala, mabilis na nilisan ni Henry ang Cansington at tumungo sa Capital.Matapos ang isang araw…Nakipagkita si Tyrus sa Princeo of Orchid Mountain sa underground na palasyon
Isang cruise ship ang nakadaong na sa port ng Cansington bago sumikat ang araw noong Lunes.Isang grupo ng mga tao ang lumapit galing sa malayo.Ang nangunguna ay isang babaeng nakasuot ng itim na may mahabang itim na buhok. Siya ay nagkaroon ng isang magandang pigura at napakarilag hitsura. Sa kanyang kamay ay isang mahabang itim na espada.Naglabas siya ng pambihirang aura.Ito ang Great Grandmaster ng buong martial community, si Thea.Kasunod niya si Thomas.Sumunod din sa likod ni Thomas ang ilan pang lalaking nakamaskara na may mahabang espada.Nasa likuran nila ang Meranian Psychics.Sumunod ay ang Arsobispo ng Sekta ni Polaris, ang First Blood Emperor ng Blood Race, at ang Werewolf King.Huli sa pila ang ilang makapangyarihang martial artist—kabilang sina Sky, Callan, Simon, Bennet, Tanner Davis, Xavi Lee, Donovan, Spirit Master, at Master Maha.Halos lahat ng mga kilalang makapangyarihang martial artist mula sa Sol ay naroroon.Maging ang mga grandmaster sa ikawalong
Matagal na naghintay si James sa isla, ngunit hindi nagpakita si Sky sa kahit na sinong martial artists.Ngayon, medyo nataranta siya.Na-miss niya si Thea, na nasa malayong lugar sa Cansington.Umupo siya sa isang bato sa tabi ng upuan at tumingin sa humahampas na alon na may bahagyang malungkot na ekspresyon. Maya-maya, bumuntong hininga siya at tumayo.“Talagang darating si Sky. Kahit na hindi, darating si Thomas. Dapat kong gamitin ang oras na ito para tingnan ang dragon."Bumalik si James sa Dragon Abyss.Si Wilbur ay nasa loob pa rin ng Dragon Abyss.Pumasok si James sa loob at nakita niya ang isang tumpok ng mga damo sa loob ng kweba.Si Wilbur ay nakaupo sa isang lotus na posisyon sa gitna ng mga damo, at isang nakakasilaw na liwanag ang pumapaligid sa kanyang katawan.Nang makita niyang papalapit si James ay napatigil siya sa pagcultivate at tumayo.Iniunat ni James ang kanyang kamay, at isang malakas na puwersa ang nagmula sa kanyang mga daliri, na nagsusulat ng isa