Nakatingin ng maigi si James sa martial arts na nakasulat sa pader.Nahahati sa dalawang bahagi ang martial arts. Ang unang bahagi ay ang cultivation method at ang general outline nito.Ang pangalan ng martial art na ito ay Lunar and Terra Art.“Ang kakanyahan ng Lunar and Terra Art ay langit at lupa.”“Kaya naman, ang Lunar and Terra Art ay kilala rin bilang ang Heaven and Earth Art.”“Sa pagkucultivate ng Lunar and Terra Art, magagawang i-cultivate ng isang tao ang dalawang uri ng enerhiya, Lunar Energy at Terra Energy, na kilala din bilang ang dalawang enerhiya ng langit at lupa. Ang mga ito ay dalawang magkaugnay na daloy ng True Energy na maayos na nagtutulungan.”Tinuon ni James ang kanyang atensyon sa martial arts na nakasulat sa pader.Subalit, masyado itong malalim. Ang tanging naiintindihan lang niya ay ang maikling introduksyon nito sa umpisa, ngunit hindi na niya maunawaan ang mga kasunod nito.Hindi naman sa hindi niya ito kayang basahin. Sa halip, wala pa sa ganoo
Lumapit si Thomas at sinabing, "Bukas na ang araw na titipunin ni Sky ang mga martial artist mula sa iba't ibang lupalop ng mundo. Papunta ang lahat ng mga martial artist sa Mount Ludis ngayon. Kung tama ang hula ko, nais ni Sky na maging Great Grandmaster ng buong martial community. Napakalakas niya at naabot na niya ang peak ng Ninth Stair ng Skyward Stairway. Ikaw lang ang tanging makakapigil sa kanya ngayon."Tumingin si Thea kay Thomas ng may problemadong ekspresyon sa kanyang mukha. Ang sabi niya, "Pero hindi ko pa naabot ang Ninth Stair. Nasa Seventh Stair pa lang ako. Malaki pa ang pagitan ng lakas at kapangyarihan namin ni Sky.""Nasa Seventh Stair ka pa lang ng Skyward Stairway?" Kumunot ang mga kilay ni Thomas. Kasunod nito, bumuntong hininga siya at sinabing, "Wala na tayong oras. Kung may dalawang linggo ka pa sana, siguradong maaabot mo ang Ninth Stair ng Skyward Stairway sa tulong ng kapangyarihan mula sa dugo ng Four Holy Beasts. Subalit, wala na tayong oras. Kailan
”Sang-ayon ako.”“Ako din.”“Sky, Sky, Sky.”Pagkatapos ng unang tao na nagsalita, sinundan ito ng iba pa. Sinigaw nilang lahat na si Sky ang maging pinuno ng buong martial arts community.Tinaas ni Sky ang kanyang mga kamay, pagkatapos ay bahagya niya itong diniin pababa. Agad na nanahimik ang lahat.Noong tahimik na ang lahat, sinabi ni Sky na, “Kayong lahat, pakiusap pakinggan niyo ako. Hindi ako maaaring maging pinuno ng buong martial arts community. Maraming mga kilala at ginagalang na mga senior martial artist ang nandito ngayon. Nandito si Master Maha mula sa Sylvan Sect, Spirit Master mula sa Heaven and Earth Sect, maging ang Ancient Four, ang mga martial artist mula sa Five Swirling Blades Sect, at pati na rin ang mga martial artist mula sa ibang mga bansa. Kaya naman, hindi ako maaaring maging Great Grandmaster.”Tinanggihan ni Sky ang mga suhestyon nila.Subalit, lihim siyang natutuwa. Nagkukunwari lamang siya na tinatanggihan niya ito.Siya ang pinakamalakas na tao
"Patawarin niyo ako." Yumuko si Sky sa harap ng mga tao."Dahil sa kahinaan ko, hindi ko nagawang iligtas si James. Dahil dito, nawalan ang Sol ng isang malakas na martial artist at ng protektor."Bukal sa loob niya ang paghingi niya ng tawad. Walang mahanap na butas si Maxine sa paliwanag niya. "Ta-talaga bang patay na siya?" Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.“Oo. Kinalulungkot ko na iyon ang katotohanan.”Pagkatapos, tumalikod siya at tumingin siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nilakasan niya ang kanyang boses, at sinabing, “Mga kapwa ko martial artist, mayroong isang napakalakas na martial artist na nabuhay ng ilang libong taon sa islang iyon! Tunay ring may mga dragon na nabubuhay sa mundong ito! Magsama-sama tayo, upang talunin ang martial artist na iyon at sirain ang isla sa tulong ng makabagong teknolohiya upang ipaghiganti si James! Kukunin nating lahat ang dugo ng dragon at magiging imortal tayong lahat! Sama-sama tayong bubuo ng isang masaganang dinas
Si Linna ang deputy captain ng Meranian Psychics. Sa kabila ng bata niyang edad, napakalakas niya. Sa edad na 27, isa na siyang 9S Psychic. Sumulpot siya sa gitna ng Mount Lundis. Tumingin siya sa malungkot na mukha ni Sky ng naka ngisi at sinabing, "Kung sinuman ang pinakamalakas ang magiging Great Grandmaster, tama?" Gumaan ang ekspresyon ni Sky. Ngumiti siya at sumagot, "Oo. Iyon ang patakaran. Sino ka naman? Dapat ipakilala mo ang sarili mo."Sumagot si Linna, "Ako ang deputy captain ng Meranian Psychics, si Linna."Noong narinig niya na isang psychic ang kalaban niya, naging seryoso ang ekspresyon ni Sky. Ang Merania ang kasalukuyang pinakamalakas na bansa sa mundo, at mas malakas ang militar nito kaysa sa Sol. Sila ang pinakamalaking banta sa Sol. Karamihan sa mga nakaraang laban sa loob ng border ng Sol ay kagagawan ng bansang ito. Bilang dating kanang-kamay ng Hari, natural lang na alam niya ang tungkol sa mga psychic. Aktibo lamang ang Meranian Psychics sa
Biglang nagkaroon ng puting halo sa katawan ni Linna.Tinulak ng puting halo ang mga illusory palm attack. Rumble!Noong tumama ang palm attack sa puting halo, nagdulot ito ng malakas na dagundong. Habang napapaligiran siya ng puting halo, nagmukhang isang diyosa si Linna. Tinaas niya ang kanyang kamay, at isang tore ng apoy ang bumugso mula sa hangin, na sumugod kay Donovan ng may napakatinding init. Hindi agad naka iwas si Donovan, at agad siyang napaligiran ng apoy. Napaatras siya sa takot, mabilis niyang ginamit ang kanyang True Energy upang patayin ang apoy sa kanyang paligid. Subalit, hindi natural ang apoy at tila walang anumang epekto ang kanyang True Energy dito. Walang laban si Donovan sa apoy na ito."Anong…"Marami sa mga martial artist na nanonood sa laban ay nagulat sa nangyari. "Ito ba ang kapangyarihan ng isang psychic?" Pinapanood ng maigi ni Delainey ang laban mula sa malayo. Puno ng tensyon ang kanyang magandang mukha at sinabi niya na, "Dad,
Agad na pinaulanan ng pang-iinsulto si Jackson noong binunot niya ang Frost Sword na nahati sa dalawa ng Malevolent Sword. Subalit, hindi niya pinansin ang mga ito. Kahit na nahati ito sa dalawa, hindi pa rin naglaho ang orihinal na kapangyarihan ng Frost Sword. Hinawakan niya ang baling espada at tumingin siya kay Linna, at sinabing, "Labanan mo ako." “Hmph!”Suminghal si Linna at sinabing, "Kung nagmamadali ka na talagang mamatay, sino ba naman ako para tanggihan ka?" Kinumpas niya ang kanyang mga kamay, at pinaligiran ng apoy si Jackson.Winasiwas ni Jackson ang baleng espada na hawak niya.Noong sandaling winasiwas niya sa ere ang kanyang kamay, nagkaroon ng yelo sa talim ng espada at mabilis nitong hinawi ang apoy, at agad nitong napatay ang apoy.“Anong—?”Noong nakita nila ang nangyari, natulala ang mga psychic.Maging si Linna ay napaatras sa nangyari.Naglaho ang katawan ni Jackson at sumulpot siya sa harap ni Linna, sinaksak niya ang baling espada niya sa mga
Narinig ng malinaw ng lahat ang kanyang boses.Nagpalitan ng tingin ang lahat ng mga ancient martial artist ng Sol.Maging ang Spirit Master ay natalo sa isang atake lang.Mayroon bang tao sa Sol na kayang tumapat sa kalaban na ito?Pinanood lamang ni Thomas ang mga pangyayari at wala siyang balak na mangialam.Sa mga sandaling iyon, napako ang mga mata ng lahat kay Sky.“Sky, pakiusap labanan mo siya!”“Sky, ikaw ang nararapat sa posisyon bilang Great Grandmaster ng martial world. Nakikiusap kami sa’yo na lumaban ka at talunin mo ang Thunder King!”Maraming mga martial artist ang nakiusap kay Sky na lumaban.“Sige.”Humakbang paharap si Sky at sinabing, “Dahil walang tumatanggap sa hamon, ako ang tatalo sa psychic na ‘to mula sa Merania.”Umalingawngaw sa buong bundok ang kanyang deklarasyon.Pagkatapos, dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa 100 metro na lamang ang layo niya mula sa Thunder King. Isang tusong ngiti ang makikita sa mukha ng Thunder King. Alam niya kun