Pagkatapos niyang makipag-usap kay Simon, bumalik si James sa kwarto ni Simon. Nang marinig niya na wala nang ingay sa loob, kumatok siya sa pinto. Hindi nagtagal, isang magandang babae na may blonde na buhok na nakasuot ng pajama ang sumagot sa pinto.Kinawayan siya ni James, at sinabing, “Makakaalis aka na.”Pagkasabi niya noon, naglakad siya papasok sa kwarto.Si Sky, na walang suot na damit pang taas, ay nakaupo sa kama. Habang nakatingin siya kay James, nagtanong siya, “Anong problema? May nangyari ba?”Lumapit si James sa kanya at umupo siya sa sofa.Nagbihis si Sky at naglakad siya papunta kay James, inabutan niya siya ng sigarilyo at umupo siya sa tabi niya.Kinuha ito ni James at sinabing, “Marami kang koneksyon. Nandito ako para tanungin ka tungkol sa bilang ng mga martial artist na dumating.”Ang nakangiting sinabi ni Sky, “Huwag kang mag-alala… Sinong makakatalo sa’tin kapag nagtulungan tayo? Wala silang laban sa’tin.”Ang malamig na sinabi ni James, “Hindi natin
Tahimik na pinakinggan ni Thea ang mga sinasabi ni Tiara habang gumagawa siya ng kwento tungkol sa relasyon nila ni James. “Sa akin si James, pero bigla kang dumating at kinuha mo siya sa’kin. Pakiusap iwan mo na si James, nakikiusap ako sa’yo. Nawala na ang mga alaala mo. Tutal hindi mo na siya natatandaan, bakit hindi mo na lang siya ibalik sa’kin?”Nagsalubong ang mga kilay ni Thea.Kailanman ay hindi niya ito narinig mula kay James.Kinamot niya ang kanyang ilong at nagtanong siya, “Totoo ba ang sinasabi mo?”“Oo, nagsasabi ako ng totoo.”Nang marinig niya ito, natahimik si Thea.Paglipas ng ilang oras, kinuha niya ang kanyang handbag at tumayo, at sinabing, “Nagkakamali ka. Wala akong anumang relasyon kay James.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya at umalis.Pagtalikod niya, makikita ang pagkalito sa kanyang mukha.‘Totoo ba ang sinasabi niya? Talaga bang inagaw ko ang kasintahan ng ibang tao? Anong klaseng tao ba ako dati?’Napaisip si Thea.Naguluhan siy
Nag-aalangan si Thea. Sa bandang huli, dahil sa takot siyang mamatay, nagdesisyon siyang huwag inumin ang dugo. Kaya naman, maingat nita itong itinabi sa ibang lugar. Sa isang kisapmata, ilang araw na ang nakalipas. Ngayong araw ay ang ang araw ng torneyo. Merong isang arena sa loob ng kastilyo sa gitna ng Nashaxi Desert. Sa mga sandaling iyon, ang lugar ay napuno ng maraming tao. Ang First Blood Emperor ay lumitaw sa loob ng arena at tiningnan ang mga tao, saka sinabi, “Kayong lahat, ang Blood Race ay tutuparin ang aming pangako. Kung sino man ang manalo ay gaagantimpalaan ng dragon blood na iniwan ng aming mga ninuno isang milenyo na ang nakakaraan.” “Hindi lang iyon, sasabihin din namin ang kinaroroonan ng dragon.” “Ang dragon blood ay kayang gawing imortal ang sinumang iinom nito. Ito ay isang katotohanan at hindi isang kasinungalingan. Ang Blood Race ay pinapahalagahan ang dragon blood ng isang libong taon na. Ngayong araw na ito, ibibigay namin ito sa pinakamalakas
Dahil ang dragon blood lang ang tanging makakapagligtas sa buhay ni Thea, wala nang iba pang magagawa si James. Ayaw niyang mawala si Thea sa kanya. Para kay Thea, gagawin niya ang lahat.“At ang iyong lakas?”Sinabi ni Thomas, “Nag-aalala lang ako na baka malagay ka sa panganib habang pinupuksa natin ang dragon.” Ngumiti si James at sinabi, “Huwag kang mag-alala, ang lakas ko ay hindi malayo sayo.” “Totoo, lalo na, nakuha mo ang Novenary Golden Pill. Nainom mo na siguro ang pill ngayon dahil isang taon na ang nakalipas. Kung ganun, nakarating ka na ba sa ninth rank?” Mapait na ngumiti si James at sinabi, “Paano naman mangyayari yun? Ang kasaysayan ay puno na sana ng ninth-ranked grandmasters kung ganun lang ito kadali.” “Tama ka naman.” Nag-usap ng pabulong ang dalawa. Sampung minuto na ang lumipas. Ngunit wala pa ring lumapit. Nagsalubong ang mga kilay ni James. Hindi ito pwedeng magpatuloy. Nagpaalam na siya kay Thomas at nilapitan si Sky, saka tinanong ito, “
Ang Hellfire Sword ay isang tanyag na espada na pagmamay-ari ng nagtatag ng Polaris Sect. Ayon sa alamat ay ang espada ay pinanday gamit ng quartz steel na mula sa malalim na bahagi ng isang bulkan. Ang quartz steel ay nabuo lamang sa kalagitnaan ng pagputol ng isang bulkan matagal na panahon na ang nakalipas. Matapos ang matinding paghihirap ng maraming panday, ang Hellfire Sword ay nabuo.Ang espada ay nagbabaga, kagaya ng isang nagbabagang bakal. Sa sandaling inilabas niya ito, ang temperature nito ay mabilis na tumaas. Ang Hellfire Sword ay isang kilalang divine sword sa kasaysayan na may rangong ikaapat sa hanay ng lahat ng mga divine swords. Si Zekiel ang naging bagong may-ari ng Hellfire Sword matapos niyang mahanap ang Hellfire Sword sa loob ng isang sagradong lugar ng Polaris Sdect. Kahit na hindi siya kamangha-mangha, ang espadang ito ang nagbigay daan para magkaroon siya ng kapangyarihan na higit pa sa kanyang lakas. Hhabang hawal ang Hellfire Sword, tiningnan niya si
Sa sandaling iyon, ang Hellfire Sword ay naglabas ng isang nakakasilaw na sword light, at isang mapaminsalang kapangyarihan ang bumulusok. Bahagyang ngumiti si James nang rinaas ni James ang Primordial Dragon Blade para kontrahin ang Sword Energy. Sa sandaling napatalsik niya ang Sword Energy, gumalaw naman si Zekiel ng sobrang bilis at lumitaw sa likuran ni James. Pagkatapos, ang Hellfire Sword ay bumaon sa katawan ni James. "Ano?" Nabigla ang lahat. "Talo na ba si James?" At nung akala ng lahat na talo na si James, ang katawan niya na natusok ng espada ay nagsimulang maglaho. "I-Isa lang itong guni-guni!""Sa so rang bilis niya ay tanging guni-guni na lang niya anv naiiwan!"Nagulantang si Zekiel. At nung gilantang siya, isang espada ang nakadiin sa kanyang likuran. Naninigas siyang lumingon. Tinutok ni James ang Primordial Dragon Blade sa kanya. Pagkatapos na panandalian na manigas ng ilang segundo, pinakalma niya ang kanyang sarili at nakangiting sinabi,
Narinig na ni James mula kay Sky ang tungkol sa lalaking ito. Ang Spirit Master ay isang lalaking nabuhay sa mundong ito nang dalawandaang taon. Sa lahat ng nagdaang taon, nabubuhay siya nang mag-isa at umiiwas na makihalubilo sa panlabas na mundo, kahit nang nangyari ang labanan laban sa Spirit Turtle sa Mount Thunder Sect. Ngayon, pinakita na niya ang sarili niya. Sinabi sa kanya ni Sky na nasa Fifth Stair pataas ang Spirit Master. Hindi lang iyon, napakabihasa niya sa martial arts. Lalo na't ang taong nagbuhos ng dalawang siglo para mag-aral ng isang martial ay magiging isang nakakatakot na nilalang. Maliban na lang syempre kung isa lang siyang hindi pambihirang lalaki. Gayunpaman kung hindi siya isang pambihirang lalaki, hindi siya makakakuha nang ganitong lakas. Tinitigan ni James ang Spirit Master. Sa sobrang ordinaryo niyang tignan ay kaya niyang humalik sa madla sa kahit na anong kondisyon. Naglakad ang Spirit Master papunta kay James nang may espada sa likuran niya.
Humiwa si James gamit ang espada niya at nagpalabas ng mga Sword Energy na sumugod.Maliksi ang Spirit Master. Sa isang iglap, nagpakita siya sa ere sa itaas ng dalawampung metro ang layo.Boom!Isang malaking butas ang makikita sa lupa. Pero, patuloy ang Sword Energy at gumawa ng butas na isang daang metro ang lalim. Sa pinsala pa lang, makikita na kung gaano kalakas si James.Sa puntong ito, nakaramdam ng nakakagimbal na aura si James mula sa itaas. Tumingala siya.Sumugod ang Spirit Master mula sa itaas habang hawak ang espada niya. Bago pa siya nakarating, nakakatakot na Sword Energy ang naunang sumugod at tumama kay James.Nasira ang mga bagay sa paligid ni James. Pero, hindi siya natakot. Sumugod siya pataas at sinalubong ang atake ng Spirit Master.Nagkasalubong ang dalawang espada.Sapagkat mas malakas si James, tumalsik ang Spirit Master. Sa puntong ito, ang labing tatlong Sword Energy ay sumugod sa kanya. Bago pa naayos ng Spirit Master ang sarili niya, malapit na sa kanya an