Humiwa si James gamit ang espada niya at nagpalabas ng mga Sword Energy na sumugod.Maliksi ang Spirit Master. Sa isang iglap, nagpakita siya sa ere sa itaas ng dalawampung metro ang layo.Boom!Isang malaking butas ang makikita sa lupa. Pero, patuloy ang Sword Energy at gumawa ng butas na isang daang metro ang lalim. Sa pinsala pa lang, makikita na kung gaano kalakas si James.Sa puntong ito, nakaramdam ng nakakagimbal na aura si James mula sa itaas. Tumingala siya.Sumugod ang Spirit Master mula sa itaas habang hawak ang espada niya. Bago pa siya nakarating, nakakatakot na Sword Energy ang naunang sumugod at tumama kay James.Nasira ang mga bagay sa paligid ni James. Pero, hindi siya natakot. Sumugod siya pataas at sinalubong ang atake ng Spirit Master.Nagkasalubong ang dalawang espada.Sapagkat mas malakas si James, tumalsik ang Spirit Master. Sa puntong ito, ang labing tatlong Sword Energy ay sumugod sa kanya. Bago pa naayos ng Spirit Master ang sarili niya, malapit na sa kanya an
Walang nakakita sa kung anong nangyari.Kahit sina Thomas at Sky hindi naintindihan kung anong nangyari. Ang nakita lang nila ay humiwa si James gamit ang espada niya. Pagkatapos, lumiwanag ang espada niya bago nito nahati sa dalawa ang espada ng Spirit Master at tumalsik palayo.Tahimik ang arena.Lahat sila tumigil sa paghinga habang tinitignan si James na nakatayo sa harap kung saan bumagsak ang Spirit Master. Sa puntong ito, ibinalik ni James ang espada niya sa kaluban nito.Sa malayo, nagtanong si Jackson, “Delainey, nakita mo ba ang sword technique ni James?”Umiling-iling si Delainey at sinabi, “Wala akong nakita.”Habang tulala, nagsalita si Jackson, “Hindi ko inaasahan na ganito na siyang kalakas. Kilalang tao ang Spirit Master dalawang siglo na ang nakararaan. Noong mga panahon na iyon, walang may laban sa kanya. Hindi ko inaasahan na matatalo siya.”Sa labanan…Gumapang ang Spirit Master.Sa puntong ito, magulo ang buhok niya, at may mga bakas ng dugo sa labi niya. Kalunos-l
Sa puntong ito, maririnig ang mga yabag.Isang nakatatandang lalake na itim na robe ang suot ang lumapit sa arena. Sa bawat yabag niya, nayayanig ang lupa. Napaupo ang mga mahihinang martial artist sa mga yabag na yumanig sa lupa.Sapagkat mahina si Delainey, napaupo rin sana siya sa sahig kung hindi lang siya hinawakan ni Jackson.“Sino iyon?”“Ang lakas ng aura…”“Makapangyarihan siguro siya.”Lahat sila natulala matapos makita ang lalake.Ito si Sergio, ang isa sa pinakamakapangyarihan na indibidwal sa Blood Race.Kahit na tila mabagal ang kilos niya para sa pangkaraniwang mata, pero ang totoo, kakaiba ang bilis niya. Sa isang kisap mata, nagpakita siya sa harap ni James at inalis ang sombrero niya.Habang nakatingin kay James, tinawag niya ito, “Talunin mo ako at ikaw na ang pinakamalakas na tao sa buong mundo. Talunin mo ako at makukuha mo ang dugo ng dragon at impormasyon sa kinaroroonan ng dragon.”Sa isang kisap mata, nagpakita si James sa arena. Mabilis na sumunod si Sergio.T
Ang Blith Fist of Abomination ay walang katapat sa mundo. Sa loob lamang ng isang taon, nagawang macultivate ni James ng ganoon kadali ang Tenth Fist.“Ang Tenth Fist, Annihilation…”Bigla nagpakita si James sa ere ng tatlumpung metro ang taas at kumikinang ng ginintuan. Ito ang paglabas ng True Energy mula sa katawan niya.Isang illusory na kamay ang lumitaw at unti-unting lumaki. Hindi nagtagal, kasing laki na ng isang bundok ang palad at bumagsak mula sa ere.Matapos maramdaman ang panganib, mabilis na umiwas si Sergio. Pero, masyadong mabilis ang atake.Bukod pa dito, matapos gamitin ni James ang Tenth Fist ng Blithe Fist of Abomination, tila tumigil ang oras. Bumagal ng husto ang bilis ni Sergio na tila pasan niya ay may bigat na milyong tonelada. Kahit ang isang hakbang ay nangangailangan ng matinding lakas.“Infinite Samsara!” itinaas ni Sergio ang mga kamay niya sa itaas ng ulo niya, at isang aperture ang lumitaw mula sa palad niya. Dahan-dahang lumabas ang aperture at hinarang
Ito ang dahilan kung bakit walang naniniwala na totoo talaga ang Blood Devourer Blade.Sa labanan…Habang hawak ang Blood Devourer Blade, tinignan ng malagim ni Sergio si James at sinabi, “Sasabihin ko ito sa iyo ngayon pa lang, James. May kakaibang abilidad ang espada na ito. Mauubos agad ang dugo mo sa oras na lumapit ito sa iyo. Hindi ito labanan hanggang kamatayan, hindi kita gusto na masaktan. Sumuko ka na.”Dumagungdong ang boses ni Sergio.“Sumuko?”Ngumiti ng kaunti si James.Hinding hindi siya susuko. Kailangan niya makuha ang dugo ng dragon at impormasyon ng kinaroroonan ng dragon. Kailangan niya mapatay ang dragon para magamit ang dugo nito at mailigtas si Thea.Kumaway si James, at lumipad ang Primordial Dragon Blade sa kanya. Habang hawak ang Primordial Dragon Blade, naramdaman niya ang lakas nito. Sa puntong itong, nakaramdam siya ng kumpiyansa.“Sumugod ka.” Inihadna niya ang espada.“Sapagkat gusto mo mamatay, tutuparin ko ito,” sigaw ni Sergio.Pagkatapos, habang hawak
Walang tigil ang pagtulo ng dugo ni James matapos magtamo ng pinsala mulasa Blood Devourer Blade. Sa pangkaraniwan na sitwasyon, magagamit dapat niya ang True Energy para makontrol ang pagdugo. Ngayon, tila hinihigop ito at hindi niya ito mapigilan kahit anong gawin niya.“T*ng ina! Anong nangyayari?”Nagpanic si James. Umatras siya ng ilang libong metro.Hindi siya hinabol ni Sergio. Habang nakatayo sa malayo, tinignan niya si James at isinigaw, “James, sinabi ko na sa iyo na mauubos ang dugo mo sa oras na dumikit sa iyo ang Blood Devourer Blade.”Kahit na malayo sila sa isa’t isa, naririnig siya ng malinaw ni James.Mabilis na ginamit ni James ang True Energy niya para pigilan ang pagdugo. Pero, patuloy pa din ang pagdaloy nito.Sa oras na ito, inilabas niya ang Crucifier at nagpasok ng mga karayon sa sugat niya. Agad na tumigil ang pagdurugo.Dito lang siya nakahinga ng maluwag.Matapos ito makita ni Sergio, natulala siya. “Ano?”Ang akala na patay na sa kanya si James. Hindi niya i
Namumutla ang mukha niya at may dugo na tumutulo sa mga labi niya.“Anong…”Kahat sila nakatitig sa labanan. Nakaktakot ng husto ang atake ni James at ang akala nila mamamatay na si Sergio. Pero, hindi nila inaasahan na may magpapakita bigla at haharangin ang atake ng Fourteen Heavenly Swords ni James para mailigtas si Sergio.Sa oras na ito, kahit ang First Blood Emperor ay naguluhan.“Sino siya? Nagtatagong martial artist mula sa clan natin? Gaano siya kalakas para tapatan ang atake na iyon?”Kahit ang First Blood Emperor ay naguguluhan, walang nakakaalam sa pagkakakilanlan ng taong ito.“S-Salamat, Ama.” Nagsalita si Sergio.Sa puntong ito, naintindihan na ng lahat. Ito si Harland Walchelin, ang ama ni Sergio Walchelin at anak ng Dragon Slayer na si Kaiden Walchelin. Isa siyang ninth-rank martial artist. Pero, naging pabaya siya at hindi niya inaasahan na makapangyarihan ang atake ni James.Sa oras na ito, nagtamo siya ng mga matitinding pinsala. Kumulo ang Blood Energy niya at tumu
Nakahinga ng maluwag si James matapos marinig ang mga sinambit ni Harland. Wala na siyang lakas para ipagpatuloy ang laban. Kung hindi tutupad sa usapan ang Blood Race, wala siyang magagawa.Ngumiti siya at ipinasok sa kaluban ang Primordial Dragon Blade.Samantalang si Sky, ay nakahinga ng maluwag. Hindi niya gusto na makipaglaban sa miyembro ng Blood Race na kinaya saluhin ang atake ni James gamit ang Primordial Dragon Blade sapagkat nakasisiguro siya sa taglay nito na lakas. Sapagkat willing ang Blood Race na tumupad sa usapan, kuntento na si Sky.Sa malayo, marami ang natuwa.Lumapit si Bennett kay James at sinabi habang nakangiti, “Hindi na masama, James. Nagawa mo mamaster ang Fourteen Heavenly Swords. Hindi ko inaasahan na ganito nakakatakot ang lakas nito. Kung hindi ako nagkakamali, ang kumalaban sa iyo ay nasa Ninth Stair at ang humarang sa atake mo ay isang ninth-rank martial artist.”“Ninth-rank?”Tinignan ni James si Harland. Itong lalake na ito ay kayang saluhin ang Fourt