Eyrothia, Nashaxi.Isa itong maliit na bansa sa Eyrothia, na hindi gaanong kilala sa mundo. Isa itong maliit na bansa na may maliit na populasyon.Sa katunayan, mayroon lamang ilang daang libong tao dito.Matatagpuan ang headquarters ng Blood Race sa bansang ito.Sa loob ng isang magarbong kastilyo sa Nashaxi, nakaluhod sa sahig ang First Blood Emperor.Sa head seat ng main hall, isang matandang lalaki na may maputlang balat at mahabang buhok ang nakaupo. Mukhang higit pa sa isang daang taon ang kanyang edad.Mukhang napakatanda na ng lalaki.Wala nang buhay ang maputla niyang balat, dahilan upang magmukha siyang nakakatakot.“Grand Patriarch.”Lumuhod ang First Blood Emperor sa sahig at magalang na nagsalita, “Nagkakalat ng mga kwento tungkol sa pamilya natin ang mga tao sa labas. Ang mga balita ay tungkol sa kung paano nagsimula ang pamilya natin ilang libong taon na ang nakalipas, ang dugo ng dragon sa ating pamilya, at kung paano magkakaroon ng walang hanggang buhay ang is
Nagsalita ang matandang lalaki. Mataas ang taglay niyang awtoridad sa Blood Race at nasa kanya ang huling salita sa mga aktibidad ng kanilang angkan sa labas. Maging ang First Blood Emperor ay sumusunod sa utos niya.Siya si Sergio Walchelin, apo ni Kaiden Walchelin. Dahil limang daang taon na siyang nabubuhay, naabot na niya ang peak ng Ninth Stair.Nag-isip sandali si Kaiden bago niya sinabing, “Ganito na lang kaya? Ibibigay natin ang dugo ng dragon na nasa atin at ipapakalat natin ang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng dragon. Habang abala sila, sasamantalahin natin ang pagkakataon upang pahinain ang mga Solean martial artist.”Ang sabi ni Sergio, “Ibigay mo na ang utos, Lolo.”Ang sabi ni Kaiden, “Hahayaan natin ang mga Solean na maglaban-laban. Ang sinumang magwawagi ang makakatanggap ng dugo ng dragon at ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng dragon.”“Napakahusay!”“Mukhang maganda ang planong ‘yan.”“Kapag pinadala ng Sol ang mga ninth-rank grandmaster nila, pag
Tumingin si Sky kay James ng may ngiti sa kanyang mukha. Subalit, sa loob-loob niya, nanggigigil siya sa inis. Malaking banta sa kanya si James. Kailangan niyang makahanap ng pagkakataon upang idispatya siya. Subalit, hindi pa ito ang tamang oras. Balak niyang tapusin si James ng palihim sa oras na matapos ang laban sa Nashaxi Desert. Kahit na nasa parehong realm sila ni James, mas malakas ng kaunti ang True Energy ni James kaysa sa kanya. Wala siyang laban kay James kapag nilabanan niya siya ng harapan. Subalit, kung magagawa niya siyang dalhin sa isang patibong, magagawa niyang sugatan ng malubha si James kahit na gaano pa siya kalakas. Kapag nangyari iyon, ibang-iba ang kalalabasan nito.Samantala, nakatingin si James kay Sky ng may ngiti sa kanyang mukha. Wala rin siyang tiwala kay Sky. Mula noong ginawan siya ng hindi maganda ni Tapio Cabral sa Mausoleum ni King Quavon isang taon na ang nakakaraan, lagi na siyang alerto. Mula noong umpisa pa lang, pinaghihinalaan na niya si Sky
Tiningnan sila ni James mula ulo hanggang paa. Magaganda silang lahat at maganda rin ang hubog ng kanilang katawan. Noong sandaling iyon, may naisip siyang hindi maganda habang pinagsisilbihan siya ng mga babae sa kanyang imahinasyon. Subalit, agad niyang pinigilan ang kanyang pagnanasa. Habang nakatingin siya sa First Blood Emperor, nakangiti niyang sinabi na, “Hindi ko sila kailangan.”Inisip niya na hindi interesado si James sa mga babaeng iyon, kaya agad na sinabi ng First Blood Emperor na, “Anong klaseng babae ba ang gusto mo, James? O marahil ay may isang bagay kang kinahihiligan? Paano kung magpadala ako ng ilang mga prinsesa dito?”Bahagyang kinumpas ni James ang kanyang kamay, “Mukhang maganda ‘yan, kaso may asawa na ako.”“Naiintindihan ko.” Ang nakangiting sinabi ng First Blood Emperor, “Kakaunti lang ang mga disenteng lalaki na gaya mo. Kung ganun, aalis na ako.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis siya kasama ang mga babae.Habang si James naman ay napakamot na l
Pagkatapos niyang makipag-usap kay Simon, bumalik si James sa kwarto ni Simon. Nang marinig niya na wala nang ingay sa loob, kumatok siya sa pinto. Hindi nagtagal, isang magandang babae na may blonde na buhok na nakasuot ng pajama ang sumagot sa pinto.Kinawayan siya ni James, at sinabing, “Makakaalis aka na.”Pagkasabi niya noon, naglakad siya papasok sa kwarto.Si Sky, na walang suot na damit pang taas, ay nakaupo sa kama. Habang nakatingin siya kay James, nagtanong siya, “Anong problema? May nangyari ba?”Lumapit si James sa kanya at umupo siya sa sofa.Nagbihis si Sky at naglakad siya papunta kay James, inabutan niya siya ng sigarilyo at umupo siya sa tabi niya.Kinuha ito ni James at sinabing, “Marami kang koneksyon. Nandito ako para tanungin ka tungkol sa bilang ng mga martial artist na dumating.”Ang nakangiting sinabi ni Sky, “Huwag kang mag-alala… Sinong makakatalo sa’tin kapag nagtulungan tayo? Wala silang laban sa’tin.”Ang malamig na sinabi ni James, “Hindi natin
Tahimik na pinakinggan ni Thea ang mga sinasabi ni Tiara habang gumagawa siya ng kwento tungkol sa relasyon nila ni James. “Sa akin si James, pero bigla kang dumating at kinuha mo siya sa’kin. Pakiusap iwan mo na si James, nakikiusap ako sa’yo. Nawala na ang mga alaala mo. Tutal hindi mo na siya natatandaan, bakit hindi mo na lang siya ibalik sa’kin?”Nagsalubong ang mga kilay ni Thea.Kailanman ay hindi niya ito narinig mula kay James.Kinamot niya ang kanyang ilong at nagtanong siya, “Totoo ba ang sinasabi mo?”“Oo, nagsasabi ako ng totoo.”Nang marinig niya ito, natahimik si Thea.Paglipas ng ilang oras, kinuha niya ang kanyang handbag at tumayo, at sinabing, “Nagkakamali ka. Wala akong anumang relasyon kay James.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya at umalis.Pagtalikod niya, makikita ang pagkalito sa kanyang mukha.‘Totoo ba ang sinasabi niya? Talaga bang inagaw ko ang kasintahan ng ibang tao? Anong klaseng tao ba ako dati?’Napaisip si Thea.Naguluhan siy
Nag-aalangan si Thea. Sa bandang huli, dahil sa takot siyang mamatay, nagdesisyon siyang huwag inumin ang dugo. Kaya naman, maingat nita itong itinabi sa ibang lugar. Sa isang kisapmata, ilang araw na ang nakalipas. Ngayong araw ay ang ang araw ng torneyo. Merong isang arena sa loob ng kastilyo sa gitna ng Nashaxi Desert. Sa mga sandaling iyon, ang lugar ay napuno ng maraming tao. Ang First Blood Emperor ay lumitaw sa loob ng arena at tiningnan ang mga tao, saka sinabi, “Kayong lahat, ang Blood Race ay tutuparin ang aming pangako. Kung sino man ang manalo ay gaagantimpalaan ng dragon blood na iniwan ng aming mga ninuno isang milenyo na ang nakakaraan.” “Hindi lang iyon, sasabihin din namin ang kinaroroonan ng dragon.” “Ang dragon blood ay kayang gawing imortal ang sinumang iinom nito. Ito ay isang katotohanan at hindi isang kasinungalingan. Ang Blood Race ay pinapahalagahan ang dragon blood ng isang libong taon na. Ngayong araw na ito, ibibigay namin ito sa pinakamalakas
Dahil ang dragon blood lang ang tanging makakapagligtas sa buhay ni Thea, wala nang iba pang magagawa si James. Ayaw niyang mawala si Thea sa kanya. Para kay Thea, gagawin niya ang lahat.“At ang iyong lakas?”Sinabi ni Thomas, “Nag-aalala lang ako na baka malagay ka sa panganib habang pinupuksa natin ang dragon.” Ngumiti si James at sinabi, “Huwag kang mag-alala, ang lakas ko ay hindi malayo sayo.” “Totoo, lalo na, nakuha mo ang Novenary Golden Pill. Nainom mo na siguro ang pill ngayon dahil isang taon na ang nakalipas. Kung ganun, nakarating ka na ba sa ninth rank?” Mapait na ngumiti si James at sinabi, “Paano naman mangyayari yun? Ang kasaysayan ay puno na sana ng ninth-ranked grandmasters kung ganun lang ito kadali.” “Tama ka naman.” Nag-usap ng pabulong ang dalawa. Sampung minuto na ang lumipas. Ngunit wala pa ring lumapit. Nagsalubong ang mga kilay ni James. Hindi ito pwedeng magpatuloy. Nagpaalam na siya kay Thomas at nilapitan si Sky, saka tinanong ito, “