Tinalon ni James ang ilang metrong distansya nang ganun kadali. Tinignan ni Thea si James sa pagkabigla. Nakangiting nagsabi si James, "Sinabi ko na sa'yo na isa akong martial artist, at ikaw rin. Dati ay napakalakas mo at itinuturing na isa sa pinakamalakas na tao sa mundo." Sa kanila ng pagbanggit ni James ng mga bagay na ito noon, wala siyang kaalam-alam sa sinasabi niya. Tinignan ni Thea si James at nagtanong sa pagtataka, "Isa rin ba talaga akong martial artist?" "Syempre." Hindi napigilan ni James na hawakan ang kamay niya. Kaagad na inatras ni Thea ang kamay niya. Nakangiting nagsabi si James, "Nakahanap na ako ng paraan para bumalik ang mga alaala mo." "Oh, talaga?" Nagdududang tumingin si Thea sa kanya. Tumango si James at nagsabing, "Oo. Basta't maibalik mo ang lakas mo, babalik ang alaala mo. Nasa dugo mo ang cultivation base mo. Kapag pinakawalan mo ito mula sa dugo mo, pwedeng mong maibalik ang mga alaala mo. Pero mas maganda kung wag mo tong gagawin dahi
Gusto ring personal na makita ni Callan ang Blood Race.Agad siyang tinanggihan ni James. “Malamang may balak si Sky na gumawa ng gulo para sa Blood Race sa pagkakataong ito. May isang bagay siyang gustong makuha sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang dugo ng dragon. Malamang siya ang nagpakalat ng balita.“Sinadya niya na ipaalam sa iba ang tungkol dito upang puntiryahin ng mga martial artist mula sa iba’t ibang lupalop ng mundo ang Blood Race. Siguradong pupunta sa Blood Race ang ilan sa kanila para tingnan ang sitwasyon, at sasamantalahin niya ang pagkakataong ito upang nakawin ang dugo ng dragon.”Binahagi ni James ang kanyang mga ispekulasyon.Yung totoo, hindi siya sigurado kung pupunta ba si Sky sa Blood Race para sa dugo ng dragon. Hindi rin niya alam kung may natitira pa bang dugo ng dragon sa Blood Race dahol ilang libong taon na ang lumipas. Subalit, maliban sa dugo ng dragon, wala na siyang ibang maisip na dahilan para pumunta si Sky sa Blood Race.Magiging m
Sa Mount Jade, nakaupo ang Omniscient Deity sa isang bato sa likod ng bundok.May hawak siyang isang plauta.Parang umaagos na tubig ang tunog mula sa plauta, na umaalingawngaw sa buong kabundukan.Bigla siyang tumigil.Tumingin siya sa kalangitan at sinabing, “Tutal nandito ka na, dapat magpakita ka.”Swoosh!Pagkasabi niya noon, isang tao ang sumugod papunta sa kanya mula sa malayo at huminto sa harap niya.Mukhang nasa kwarenta na ang lalaki. Nakasuot siya ng puting balabal at may maikling, kulay itim na buhok. Mukhang masigla siya at nagmumula sa kanya ang napakalakas na enerhiya.Ito ay si Thomas.Tumingin ang Omniscient Deity kay Thomas at nagtanong, “Ikaw pala, Thomas. Anong dahilan para puntahan mo ako ng ganitong oras?”Lumapit si Thomas at umupo siya sa isang bato sa harap ng Omniscient Deity. Tumingin siya sa kanya at nagtanong, “Anong binabalak mo, Lord Omniscient? Paano mo nalaman ang tungkol sa Blood Race, at bakit mo pinakalat ang impormasyon?”“Kung ganun nan
Nagsalita ng mag-isa ang Omniscient Deity. Pagkatapos ay umalis siya sa Mount Jade. Samantala, nakaupo si Sky ng naka lotus position sa isang bahay na gawa sa kahoy sa isang malaking bundok sa Sol. Nagmumula sa kanya ang isang napakalakas na enerhiya. Nagkucultivate siya upang subukang makapasok sa ninth rank gamit ang buong lakas niya. Sa hindi inaasahan, bigla siyang bumagsak sa lupa, at sumuka siya ng maraming dugo. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa lupa, pinunasan niya ang dugo sa kanyang mga labi, at dismayado siyang bumulong, "Nabigo nanaman ako. Bakit ganito ang nangyayari? Naabot ko na ang hangganan ng cultivation base ko at hindi na ako makausad, kaya bakit hindi ko pa rin maabot ang ninth rank?" Hindi alam ni Sky kung ano ang nangyayari. Thud, thud, thud.Mayroong mga yabag sa labas ng kanyang pinto. Tumayo si Sky at naglakad siya palabas ng bahay. Isang tao ang naghihintay sa labas ng pinto. Nakasuot siya ng isang pulang maskara na natatakpan ang malak
Tumayo si Tapio, tumalikod, at umalis.Pag-alis niya, dumilim ang ekspresyon ni Tyrus. Tumayo siya at nagtungo siya sa kailaliman ng palasyo upang muling makipagkita sa kanyang ama.Agad niyang pinaliwanag ang pinakabagong balita sa kanyang ama.“Ama, sa tingin mo ba nagsisimula nang kumilos ang Omniscient Deity?”“Ha.” Bahagyang ngumisi ang lalaki na nakaupo sa isang sapin na mistulang isang binata na tindig ng isang matanda.“Ang Omniscient Deity ay isang napakalakas na martial artist. Namatay na sana ako sa mga kamay niya kung hindi ko pineke ang sarili kong kamatayan. Matagal na panahon na akong nagtatago dito at kailanman ay hindi ibinunyag ang aking sarili. Hindi niya alam na buhay pa ako, at lihim kong binabantayan ang bawat kilos niya.”“Anong susunod nating gagawin, Ama?”“Matagal na panahon nang nabubuhay ang Omniscient Deity at nababagot na siya. Gusto niyang tulungan ang ilang mga martial artist na maging mas malakas upang masamahan nila siya. Kung ganun, kakailang
Eyrothia, Nashaxi.Isa itong maliit na bansa sa Eyrothia, na hindi gaanong kilala sa mundo. Isa itong maliit na bansa na may maliit na populasyon.Sa katunayan, mayroon lamang ilang daang libong tao dito.Matatagpuan ang headquarters ng Blood Race sa bansang ito.Sa loob ng isang magarbong kastilyo sa Nashaxi, nakaluhod sa sahig ang First Blood Emperor.Sa head seat ng main hall, isang matandang lalaki na may maputlang balat at mahabang buhok ang nakaupo. Mukhang higit pa sa isang daang taon ang kanyang edad.Mukhang napakatanda na ng lalaki.Wala nang buhay ang maputla niyang balat, dahilan upang magmukha siyang nakakatakot.“Grand Patriarch.”Lumuhod ang First Blood Emperor sa sahig at magalang na nagsalita, “Nagkakalat ng mga kwento tungkol sa pamilya natin ang mga tao sa labas. Ang mga balita ay tungkol sa kung paano nagsimula ang pamilya natin ilang libong taon na ang nakalipas, ang dugo ng dragon sa ating pamilya, at kung paano magkakaroon ng walang hanggang buhay ang is
Nagsalita ang matandang lalaki. Mataas ang taglay niyang awtoridad sa Blood Race at nasa kanya ang huling salita sa mga aktibidad ng kanilang angkan sa labas. Maging ang First Blood Emperor ay sumusunod sa utos niya.Siya si Sergio Walchelin, apo ni Kaiden Walchelin. Dahil limang daang taon na siyang nabubuhay, naabot na niya ang peak ng Ninth Stair.Nag-isip sandali si Kaiden bago niya sinabing, “Ganito na lang kaya? Ibibigay natin ang dugo ng dragon na nasa atin at ipapakalat natin ang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng dragon. Habang abala sila, sasamantalahin natin ang pagkakataon upang pahinain ang mga Solean martial artist.”Ang sabi ni Sergio, “Ibigay mo na ang utos, Lolo.”Ang sabi ni Kaiden, “Hahayaan natin ang mga Solean na maglaban-laban. Ang sinumang magwawagi ang makakatanggap ng dugo ng dragon at ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng dragon.”“Napakahusay!”“Mukhang maganda ang planong ‘yan.”“Kapag pinadala ng Sol ang mga ninth-rank grandmaster nila, pag
Tumingin si Sky kay James ng may ngiti sa kanyang mukha. Subalit, sa loob-loob niya, nanggigigil siya sa inis. Malaking banta sa kanya si James. Kailangan niyang makahanap ng pagkakataon upang idispatya siya. Subalit, hindi pa ito ang tamang oras. Balak niyang tapusin si James ng palihim sa oras na matapos ang laban sa Nashaxi Desert. Kahit na nasa parehong realm sila ni James, mas malakas ng kaunti ang True Energy ni James kaysa sa kanya. Wala siyang laban kay James kapag nilabanan niya siya ng harapan. Subalit, kung magagawa niya siyang dalhin sa isang patibong, magagawa niyang sugatan ng malubha si James kahit na gaano pa siya kalakas. Kapag nangyari iyon, ibang-iba ang kalalabasan nito.Samantala, nakatingin si James kay Sky ng may ngiti sa kanyang mukha. Wala rin siyang tiwala kay Sky. Mula noong ginawan siya ng hindi maganda ni Tapio Cabral sa Mausoleum ni King Quavon isang taon na ang nakakaraan, lagi na siyang alerto. Mula noong umpisa pa lang, pinaghihinalaan na niya si Sky