Matapos niya lunukin ang pill, ang enerhiya mula sa Novenary Golden Pill ay pumasok sa buong katawan niya. Mabilis na ginamit ni James ang True Energy niya para maabsorb at marefine ang enerhiya.Dahan-dahan na lumakas ang True Energy niya.Unti-unti rin na lumakas ang enerhiyang nakapalibot sa kanya.Habang inaabsorb ang enerhiya mula sa Novenary Golden Pill, iniisip din ni James kung paano siya makakapasok sa ninth rank.Hindi pa nasusulat sa kasaysayan ang ninth rank.Sa buong panahon na lumipas, walang nakakaalam kung paano tumungtong sa ninth rank. Kaya, matagal itong iisipin ng kahit na sino at susubukan ito na intindihin.Makapangyarihan na si James. Inabot lamang ng tatlong araw bago niya naabsorb ang enerhiya ng Novenary Golden Pill, at lumakas muli ang True Energy niya.Pero, hindi pa din ito sapat.Kahit na gawin niya ang lahat ng makakaya niya, hindi pa rin siya nakatawid sa harang sa likod ng Ninth Stair.Nabigo si James na umabot sa ninth rank.“Hindi pa rin ba sapat ang
Mahigit sa isang libong taon na ang Jade Sect at nanatili ito na walang kinikilingan na puwersa.Ang Sect Leader ng bawat henerasyon ay tinatawag na Omniscient Deity.Para sa mga tagalabas, ito ang tradition ng Jade Sect. Pero ang totoo, ang Omniscient deity ay iisang tao mula sa simula hanggang sa ngayon.Ang mga ninth-ranked grandmasters ay nabubuhay ng matagal at wala silang kapantay. Hindi kapani-paniwala na mabuhay ng ganito katagal ang isang indibidwal, kaya inanunsiyo ng Jade Sect sa publiko na ang bawat henerasyon an Sect Leader ay kukunin ang titulo na Omniscient Deity.Mahigit sa isang libong taon na lumipas, wala pang nakakaengkuwentro ang Omniscient Deity na isa pang ninth-rank grandmaster, o kaya kahit na sino na malapit na ito na maabot.Si James ang unang tao sa nakalipas na isang libong taon na malapit na marating ang ninth rank.Kaya, nasasabik siya na umabot si James dito.Samantala, si James ay nahihirapan na tumungtong sa ninth rank kahit na ginamit na niya ang lah
Pinanood ng Omniscient Deity si James na umalis,Sa lakas ni James, sigurado ang Omniscient Deity na kaunting panahon na lang at makakatungtong na siya sa ninth rank.Imposible man ito ngayon, pero siguradong makakatungtong si James sa ninth rank sa loob ng ilang dekada o kaya loob ng isang daang taon.“Nagiging interesante na ang mundong ito.”Napangiti ang Omniscient Deity.Habang paalis si James ng Mount Jade, si Tapio ay nakaluhod sa sahig sa palasyo ng underground cavern malapit sa Mt. Thunder Pass ng Southern Plains.Habang nakaupo sa platform, nagtanong si Tyrus, “Anong balita?”Sumagot si Tapio, “Master si James ay nasa closed-door meditation sa Mount Jade sa nakalipas na isang buwan. Base sa enerhiyang nagmumula sa kanya, marahil naabot na niya ang rurok ng Skyward Stairway Ninth Stair. Para naman sa kung nakatungtong na siya sa ninth rank, hindi ako sigurado.”Tumango si Tyrus at sinabi, “Sige. Siya ang pinakamagaling na martial artist na nagkaroon tayo sa loob ng isang libon
Nagmeditate si James sa Mount Jade nang isang buwan. Inisip niya sa umpisa na makakapasok siya sa ninth rank sa sandaling marating niya ang limitasyon ng cultivation base niya. Gayunpaman, ang pagpasok sa ninth rank ay mas kumplikado pala kumpara sa iniisip niya. Kahit na narating na niya ang limitasyon ng lakas niya, hindi pa rin siya makapasok sa ninth rank. Wala siyang magawa kundi sumuko muna pansamantala. Umalis si James sa Mount Jade. Sa sandaling nakalabas siya sa palibot ng Mount Jade, hinarang siya ng isang lalaki. Mukhang nasa tatlompung taong gulang ang lalaki. Mahaba ang buhok niya at nakasuot siya ng cyan na damit. Kaagad siyang nakilala ni James. Siya si Sky. Nagsalubong ang kilay ni James. Nakikita niyang ginamit na ni Sky ang Novenary Golden Pill pagkatapos itong matanggap. Nakarating na sa sukdulan ang cultivation base niya. Kung kaya't naayos na rin ang epekto ng paghigop ng enerhiya mula sa iba. Tinignan ni James si Sky nang nakakunot ang noo at n
Napuno na sana ng ninth-ranked grandmasters ang mundo sa nagdaang libo-libong taon kung ganun ito kadali. Nang marinig ito, nakahinga nang maluwag si Sky. Nakaakyat na siya sa Ninth Stair ng Skyward Stairway at naisip niyang makakaapak na siya sa ninth rank kung makakakuha siya ng isang Novenary Golden Pill. Gayunpaman, minaliit niya ang sitwasyon. Pagkatapos gamitin ang Novenary Golden Pill, nakarating lang siya sa peak ng Ninth Stair. Hindi pa rin siya makaapak sa ninth rank. Kahit na ito na ang huling hakbang, hindi niya ito magawa kahit ano pang gawin niya. Kahit na nakahinga siya nang maluwag, nagdududa pa rin siyang nagtanong, "Nasa iisang rank lang tayo. Bakit pakiramdam ko ay mas malakas ka kaysa sa'kin?" Nakangiting nagsabi si James, "Dahil sarili kong True Energy ang cinultivate ko. Ikaw naman sa kabilang banda, hinigop mo mula sa iba ang karamihan sa True Energy mo kaya naging hindi puro ang True Energy mo. Dahil dito, mas mahina ang True Energy mo kumpara sa'kin
Nadismaya si Thea. Paano nawala ang alaala niya? Anong nangyari sa nakaraan? Wala ring kaalam-alam si Quincy sa kung anong nangyari kay Thea at kung paano siya nawalan ng alaala. "Hindi mo muna to dapat problemahin sa ngayon. Maglakad-lakad na lang tayo sa labas," sabi ni Quincy. "Mhm, pwede rin yun." Dahil palaging nasa loob lang ng bahay si Thea, medyo nayayamot siya. "Hintayin mo ko sandali. Kailangan kong magpalit." Tumayo si Thea at pumasok sa villa. Pagkatapos magpalit ng damit, naghanda si Thea para umalis, ngunit dumating si James bago pa niya marating ang gate ng villa. May hawak na bouquet ng bulaklak si James. Iniabot niya ito kay Thea nang may malaking ngiti. "Thea, para sa'yo to." Sumimangot si Thea at nagsabing, "Ayaw ko niyan." Kahit na gusto niya itong tanggapin, hindi niya ito kinuha dahil naiinis siya na hindi siya binisita ni James sa nagdaang buwan. "Tara na, Quincy." Hinila ni Thea si Quincy at umalis. Nahihiyang tumingin si James kay
"Thea, umuwi ka na kaagad?" Pumasok si James sa villa ng mga Callahan at binati si Thea nang may ngiti nang nakita niya siya. "Nandito ka pala, James." "James, maupo ka.""Dali, gumawa kayo ng tsaa para kay James." Nataranta ang mga Callahan para pagsilbihan si James sa sandaling dumating siya. Gayunpaman, hindi sila pinansin ni James at nakatitig lang siya kay Thea. Nang nakita niyang nakasimangot si Thea, hinawakan niya ang baba niya. Napaisip siya, 'Ano namang problema niya ngayon? Wala naman akong ginawa para magalit siya, tama?' “Thea.”“James.”Sabay nilang tinawag ang isa't-isa. "Ikaw muna." Sabay na naman silang nagsalita. Namula si Thea at nanatiling tahimik, hinihintay niyang magsalita si James. Ngumiti si James at nagsabing, "Mauuna na pala ako. Balak kong manatili sa villa ng mga Callahan mula ngayon." "Sige," mahinang sagot ni Thea. Kumilos siya na para bang wala siyang pakialam sa pagtira niya sa bahay nila. "Gusto kong itanong sa'yo kung
Naglakad si James papunta sa pinto ng kwarto at narinig niya si Thea na pinapagalitan siya. Hinawakan niya ang ilong niya at bumulong, "Ganun pala. Galit si Thea na hindi ko siya binisita sa nagdaang buwan." Kumatok siya sa pinto. "Sino yan?" Narinig ang boses ni Thea mula sa loob ng kwarto. Tumayo si James sa tapat ng pinto at nagsabing, "Ako to, si James." Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Binuksan ni Thea ang pinto ngunit nag-iwan lang siya ng maliit na siwang. Tinignan niya si James at nagtanong, "Anong problema? May kailangan ka ba?" Sabi ni James, "Oo, may gusto akong sabihin sa'yo." "Sige lang. Nakikinig ako." Hindi nagpakita ng intensyon si Thea na hayaang makapasok si James sa kwarto. Sabi ni James, "Ang totoo, baka kailangan kong umalis nang ilang araw." Nang marinig ito, biglang nabuhayan si Thea at nagtanong, "Aalis ka? Saan ka pupunta?" Sumagot si James, "Pupunta ako sa ibang bansa." "Kailan ka babalik?" Umiling si James at nagsabing, "Hindi