"Thea, umuwi ka na kaagad?" Pumasok si James sa villa ng mga Callahan at binati si Thea nang may ngiti nang nakita niya siya. "Nandito ka pala, James." "James, maupo ka.""Dali, gumawa kayo ng tsaa para kay James." Nataranta ang mga Callahan para pagsilbihan si James sa sandaling dumating siya. Gayunpaman, hindi sila pinansin ni James at nakatitig lang siya kay Thea. Nang nakita niyang nakasimangot si Thea, hinawakan niya ang baba niya. Napaisip siya, 'Ano namang problema niya ngayon? Wala naman akong ginawa para magalit siya, tama?' “Thea.”“James.”Sabay nilang tinawag ang isa't-isa. "Ikaw muna." Sabay na naman silang nagsalita. Namula si Thea at nanatiling tahimik, hinihintay niyang magsalita si James. Ngumiti si James at nagsabing, "Mauuna na pala ako. Balak kong manatili sa villa ng mga Callahan mula ngayon." "Sige," mahinang sagot ni Thea. Kumilos siya na para bang wala siyang pakialam sa pagtira niya sa bahay nila. "Gusto kong itanong sa'yo kung
Naglakad si James papunta sa pinto ng kwarto at narinig niya si Thea na pinapagalitan siya. Hinawakan niya ang ilong niya at bumulong, "Ganun pala. Galit si Thea na hindi ko siya binisita sa nagdaang buwan." Kumatok siya sa pinto. "Sino yan?" Narinig ang boses ni Thea mula sa loob ng kwarto. Tumayo si James sa tapat ng pinto at nagsabing, "Ako to, si James." Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Binuksan ni Thea ang pinto ngunit nag-iwan lang siya ng maliit na siwang. Tinignan niya si James at nagtanong, "Anong problema? May kailangan ka ba?" Sabi ni James, "Oo, may gusto akong sabihin sa'yo." "Sige lang. Nakikinig ako." Hindi nagpakita ng intensyon si Thea na hayaang makapasok si James sa kwarto. Sabi ni James, "Ang totoo, baka kailangan kong umalis nang ilang araw." Nang marinig ito, biglang nabuhayan si Thea at nagtanong, "Aalis ka? Saan ka pupunta?" Sumagot si James, "Pupunta ako sa ibang bansa." "Kailan ka babalik?" Umiling si James at nagsabing, "Hindi
"Maliligo ako, magpapalit ng damit, at lalabas para kumain. May problema ka ba dun? Dalian mo at lumabas ka na…" Tumayo si Thea at tinulak si James palabas ng kwarto. Bang!Sumara ulit ang pinto. Nabigla si James. Maligo, magpalit, at kumain? Ibig sabihin ba nun…" May saya sa mukha niya. Tinitigan siya ng lahat ng mga Callahan nang bumaba siya. "Kumusta, James?" "Pinapasok ka ba ni Thea sa kwarto niya?" "Mhm. Pumasok ako sa kwarto niya. Sabi ni Thea gusto niyang maligo, magpalit, at lumabas para kumain. Sa tingin ko gusto niyang kumain kasama ko." Ngumiti si James. "Maganda yan." "Sabi na. Mahal na mahal ka ni Thea. Kahit pagkatapos niyang mawalan ng alaala, hindi ka niya magawang tratuhin nang masama." Nakahinga nang maluwag ang mga Callahan. Naghintay si James sa sala nang mga tatlompung minuto hanggang sa wakas ay bumaba na si Thea. Nakasuot siya ng puting dress na bumagay sa hubog ng katawan niya. Napansin ni James na ang dress na iyon ay isa sa mga
Nang marinig ang kahulugan sa labas, tumayo si James at nagsabing, "Lalabas ako at titignan ko kung anong nangyayari." "Sasama ako sa'yo." Tumayo rin si Thea. Magkasamang lumabas ng private room ang dalawa. Ilang lalaking nakasuot ng magarang damit ang nakaupo sa mesa sa gitna ng main hall ng restaurant. Umasta ang mga server na para bang nakakita sila ng demonyo at hindi nila nilapitan ang mga lalaking iyon. Sa sandaling iyon, lumabas ng kusina si Zion nang natataranta. Sa sandaling lumabas siya, napansin niyang lumabas din si James ng private room at kaagad na nagmamakaawang tumingin sa kanya. Sumenyas si James gamit ng mga mata niya at kaagad itong naintindihan ni Zion. Lumapit si Zion, yumuko, at marespetong nagsabi, "Mr. Edgar, hindi masyadong kumikita ang restaurant ko kamakailan. Pwede mo ba akong bigyan palugit na ilan pang araw? Mag-iipon ako ng sapat na pera at magbabayad din ako." Sobrang mapagpakumbaba ng pag-uugali ni Zion. Bang!Isang matabang lalaking
Isang bakal na pamalo ang dumulas mula sa maluwang niyang manggas at inihampas niya ito sa ulo ni Edgar. Dumugo kaagad ang ulo ni Edgar pagkatapos niyang mahampas. Nahilo si Edgar at hindi siya nakakibo nang ilang sandali. Hinigpitan ng tauhan ang hawak niya sa panalo at nagpatuloy na paghahampasin siya. Bumagsak sa lapag si Edgar at umangil sa sakit. "H-H*yop ka! Brodie Wachob, ang kapal ng mukha mo…"Nagmura si Edgar mula sa lapag. Isa pang sipa ang sumunod pagkatapos niyang magmura. Pagkatapos bugbugin ni Brodie si Edgar, nilapitan niya sina James at Thea. Bahagya siyang yumuko at humingi ng tawad, "Ms. Thea, Dragon King, pasensya na sa t*ngang yun, isang tanga si Edgar na hindi kayo nakilala. Tinuruan ko na siya ng leksyon." Habang nagsasalita, lumuhod siya sa lapag at nagsimulang magmakaawa. "Kunin niyo ako, Dragon King." Tinignan ni James si Brodie. Sa kasalukuyan niyang katayuan at lakas, masyado siyang tamad para tapusin ang mga gangster na ito. Pagtatawa
Nagsasabi ng totoo si James. Kahit na naglaho siya nang isang taon, siya pa rin ang Dragon King. Asawa niya si Thea. Kahit na sumailalim na sila sa proseso ng divorce, alam ng marami na magkasama pa rin sila. Siguro ay hindi makikilala ng ibang tao si Thea, pero kilala siya ng karamihan sa Cansington, lalo na ng mga prominenteng tao. Kahit saan pa siya pumunta, tatratuhin siya nang may pagrespeto. Hinawakan ni Thea ang ilong niya. Pakiramdam niya nga ay totoo ito. Sa mga panahong ito, tinrato siya ng mga tao nang may matinding pagrespeto kahit saan siya magpunta. Ito ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit gusto niyang makilala si James. Gusto niyang malaman ang nangyari sa nagdaang labing-isang taon na nawala sa kanya. Nag-usap ang dalawa habang kumakain. Naubos ang pagkain nang wala sa oras. Samantala, dumaan din sandali ang Blithe King kasama ng mga tauhan niya para arestuhin si Edgar. Sinimulan din ni Brodie ang gawain niya. Tinawag niya ang lahat ng kai
Tinalon ni James ang ilang metrong distansya nang ganun kadali. Tinignan ni Thea si James sa pagkabigla. Nakangiting nagsabi si James, "Sinabi ko na sa'yo na isa akong martial artist, at ikaw rin. Dati ay napakalakas mo at itinuturing na isa sa pinakamalakas na tao sa mundo." Sa kanila ng pagbanggit ni James ng mga bagay na ito noon, wala siyang kaalam-alam sa sinasabi niya. Tinignan ni Thea si James at nagtanong sa pagtataka, "Isa rin ba talaga akong martial artist?" "Syempre." Hindi napigilan ni James na hawakan ang kamay niya. Kaagad na inatras ni Thea ang kamay niya. Nakangiting nagsabi si James, "Nakahanap na ako ng paraan para bumalik ang mga alaala mo." "Oh, talaga?" Nagdududang tumingin si Thea sa kanya. Tumango si James at nagsabing, "Oo. Basta't maibalik mo ang lakas mo, babalik ang alaala mo. Nasa dugo mo ang cultivation base mo. Kapag pinakawalan mo ito mula sa dugo mo, pwedeng mong maibalik ang mga alaala mo. Pero mas maganda kung wag mo tong gagawin dahi
Gusto ring personal na makita ni Callan ang Blood Race.Agad siyang tinanggihan ni James. “Malamang may balak si Sky na gumawa ng gulo para sa Blood Race sa pagkakataong ito. May isang bagay siyang gustong makuha sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang dugo ng dragon. Malamang siya ang nagpakalat ng balita.“Sinadya niya na ipaalam sa iba ang tungkol dito upang puntiryahin ng mga martial artist mula sa iba’t ibang lupalop ng mundo ang Blood Race. Siguradong pupunta sa Blood Race ang ilan sa kanila para tingnan ang sitwasyon, at sasamantalahin niya ang pagkakataong ito upang nakawin ang dugo ng dragon.”Binahagi ni James ang kanyang mga ispekulasyon.Yung totoo, hindi siya sigurado kung pupunta ba si Sky sa Blood Race para sa dugo ng dragon. Hindi rin niya alam kung may natitira pa bang dugo ng dragon sa Blood Race dahol ilang libong taon na ang lumipas. Subalit, maliban sa dugo ng dragon, wala na siyang ibang maisip na dahilan para pumunta si Sky sa Blood Race.Magiging m