Nagmeditate si James sa Mount Jade nang isang buwan. Inisip niya sa umpisa na makakapasok siya sa ninth rank sa sandaling marating niya ang limitasyon ng cultivation base niya. Gayunpaman, ang pagpasok sa ninth rank ay mas kumplikado pala kumpara sa iniisip niya. Kahit na narating na niya ang limitasyon ng lakas niya, hindi pa rin siya makapasok sa ninth rank. Wala siyang magawa kundi sumuko muna pansamantala. Umalis si James sa Mount Jade. Sa sandaling nakalabas siya sa palibot ng Mount Jade, hinarang siya ng isang lalaki. Mukhang nasa tatlompung taong gulang ang lalaki. Mahaba ang buhok niya at nakasuot siya ng cyan na damit. Kaagad siyang nakilala ni James. Siya si Sky. Nagsalubong ang kilay ni James. Nakikita niyang ginamit na ni Sky ang Novenary Golden Pill pagkatapos itong matanggap. Nakarating na sa sukdulan ang cultivation base niya. Kung kaya't naayos na rin ang epekto ng paghigop ng enerhiya mula sa iba. Tinignan ni James si Sky nang nakakunot ang noo at n
Napuno na sana ng ninth-ranked grandmasters ang mundo sa nagdaang libo-libong taon kung ganun ito kadali. Nang marinig ito, nakahinga nang maluwag si Sky. Nakaakyat na siya sa Ninth Stair ng Skyward Stairway at naisip niyang makakaapak na siya sa ninth rank kung makakakuha siya ng isang Novenary Golden Pill. Gayunpaman, minaliit niya ang sitwasyon. Pagkatapos gamitin ang Novenary Golden Pill, nakarating lang siya sa peak ng Ninth Stair. Hindi pa rin siya makaapak sa ninth rank. Kahit na ito na ang huling hakbang, hindi niya ito magawa kahit ano pang gawin niya. Kahit na nakahinga siya nang maluwag, nagdududa pa rin siyang nagtanong, "Nasa iisang rank lang tayo. Bakit pakiramdam ko ay mas malakas ka kaysa sa'kin?" Nakangiting nagsabi si James, "Dahil sarili kong True Energy ang cinultivate ko. Ikaw naman sa kabilang banda, hinigop mo mula sa iba ang karamihan sa True Energy mo kaya naging hindi puro ang True Energy mo. Dahil dito, mas mahina ang True Energy mo kumpara sa'kin
Nadismaya si Thea. Paano nawala ang alaala niya? Anong nangyari sa nakaraan? Wala ring kaalam-alam si Quincy sa kung anong nangyari kay Thea at kung paano siya nawalan ng alaala. "Hindi mo muna to dapat problemahin sa ngayon. Maglakad-lakad na lang tayo sa labas," sabi ni Quincy. "Mhm, pwede rin yun." Dahil palaging nasa loob lang ng bahay si Thea, medyo nayayamot siya. "Hintayin mo ko sandali. Kailangan kong magpalit." Tumayo si Thea at pumasok sa villa. Pagkatapos magpalit ng damit, naghanda si Thea para umalis, ngunit dumating si James bago pa niya marating ang gate ng villa. May hawak na bouquet ng bulaklak si James. Iniabot niya ito kay Thea nang may malaking ngiti. "Thea, para sa'yo to." Sumimangot si Thea at nagsabing, "Ayaw ko niyan." Kahit na gusto niya itong tanggapin, hindi niya ito kinuha dahil naiinis siya na hindi siya binisita ni James sa nagdaang buwan. "Tara na, Quincy." Hinila ni Thea si Quincy at umalis. Nahihiyang tumingin si James kay
"Thea, umuwi ka na kaagad?" Pumasok si James sa villa ng mga Callahan at binati si Thea nang may ngiti nang nakita niya siya. "Nandito ka pala, James." "James, maupo ka.""Dali, gumawa kayo ng tsaa para kay James." Nataranta ang mga Callahan para pagsilbihan si James sa sandaling dumating siya. Gayunpaman, hindi sila pinansin ni James at nakatitig lang siya kay Thea. Nang nakita niyang nakasimangot si Thea, hinawakan niya ang baba niya. Napaisip siya, 'Ano namang problema niya ngayon? Wala naman akong ginawa para magalit siya, tama?' “Thea.”“James.”Sabay nilang tinawag ang isa't-isa. "Ikaw muna." Sabay na naman silang nagsalita. Namula si Thea at nanatiling tahimik, hinihintay niyang magsalita si James. Ngumiti si James at nagsabing, "Mauuna na pala ako. Balak kong manatili sa villa ng mga Callahan mula ngayon." "Sige," mahinang sagot ni Thea. Kumilos siya na para bang wala siyang pakialam sa pagtira niya sa bahay nila. "Gusto kong itanong sa'yo kung
Naglakad si James papunta sa pinto ng kwarto at narinig niya si Thea na pinapagalitan siya. Hinawakan niya ang ilong niya at bumulong, "Ganun pala. Galit si Thea na hindi ko siya binisita sa nagdaang buwan." Kumatok siya sa pinto. "Sino yan?" Narinig ang boses ni Thea mula sa loob ng kwarto. Tumayo si James sa tapat ng pinto at nagsabing, "Ako to, si James." Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Binuksan ni Thea ang pinto ngunit nag-iwan lang siya ng maliit na siwang. Tinignan niya si James at nagtanong, "Anong problema? May kailangan ka ba?" Sabi ni James, "Oo, may gusto akong sabihin sa'yo." "Sige lang. Nakikinig ako." Hindi nagpakita ng intensyon si Thea na hayaang makapasok si James sa kwarto. Sabi ni James, "Ang totoo, baka kailangan kong umalis nang ilang araw." Nang marinig ito, biglang nabuhayan si Thea at nagtanong, "Aalis ka? Saan ka pupunta?" Sumagot si James, "Pupunta ako sa ibang bansa." "Kailan ka babalik?" Umiling si James at nagsabing, "Hindi
"Maliligo ako, magpapalit ng damit, at lalabas para kumain. May problema ka ba dun? Dalian mo at lumabas ka na…" Tumayo si Thea at tinulak si James palabas ng kwarto. Bang!Sumara ulit ang pinto. Nabigla si James. Maligo, magpalit, at kumain? Ibig sabihin ba nun…" May saya sa mukha niya. Tinitigan siya ng lahat ng mga Callahan nang bumaba siya. "Kumusta, James?" "Pinapasok ka ba ni Thea sa kwarto niya?" "Mhm. Pumasok ako sa kwarto niya. Sabi ni Thea gusto niyang maligo, magpalit, at lumabas para kumain. Sa tingin ko gusto niyang kumain kasama ko." Ngumiti si James. "Maganda yan." "Sabi na. Mahal na mahal ka ni Thea. Kahit pagkatapos niyang mawalan ng alaala, hindi ka niya magawang tratuhin nang masama." Nakahinga nang maluwag ang mga Callahan. Naghintay si James sa sala nang mga tatlompung minuto hanggang sa wakas ay bumaba na si Thea. Nakasuot siya ng puting dress na bumagay sa hubog ng katawan niya. Napansin ni James na ang dress na iyon ay isa sa mga
Nang marinig ang kahulugan sa labas, tumayo si James at nagsabing, "Lalabas ako at titignan ko kung anong nangyayari." "Sasama ako sa'yo." Tumayo rin si Thea. Magkasamang lumabas ng private room ang dalawa. Ilang lalaking nakasuot ng magarang damit ang nakaupo sa mesa sa gitna ng main hall ng restaurant. Umasta ang mga server na para bang nakakita sila ng demonyo at hindi nila nilapitan ang mga lalaking iyon. Sa sandaling iyon, lumabas ng kusina si Zion nang natataranta. Sa sandaling lumabas siya, napansin niyang lumabas din si James ng private room at kaagad na nagmamakaawang tumingin sa kanya. Sumenyas si James gamit ng mga mata niya at kaagad itong naintindihan ni Zion. Lumapit si Zion, yumuko, at marespetong nagsabi, "Mr. Edgar, hindi masyadong kumikita ang restaurant ko kamakailan. Pwede mo ba akong bigyan palugit na ilan pang araw? Mag-iipon ako ng sapat na pera at magbabayad din ako." Sobrang mapagpakumbaba ng pag-uugali ni Zion. Bang!Isang matabang lalaking
Isang bakal na pamalo ang dumulas mula sa maluwang niyang manggas at inihampas niya ito sa ulo ni Edgar. Dumugo kaagad ang ulo ni Edgar pagkatapos niyang mahampas. Nahilo si Edgar at hindi siya nakakibo nang ilang sandali. Hinigpitan ng tauhan ang hawak niya sa panalo at nagpatuloy na paghahampasin siya. Bumagsak sa lapag si Edgar at umangil sa sakit. "H-H*yop ka! Brodie Wachob, ang kapal ng mukha mo…"Nagmura si Edgar mula sa lapag. Isa pang sipa ang sumunod pagkatapos niyang magmura. Pagkatapos bugbugin ni Brodie si Edgar, nilapitan niya sina James at Thea. Bahagya siyang yumuko at humingi ng tawad, "Ms. Thea, Dragon King, pasensya na sa t*ngang yun, isang tanga si Edgar na hindi kayo nakilala. Tinuruan ko na siya ng leksyon." Habang nagsasalita, lumuhod siya sa lapag at nagsimulang magmakaawa. "Kunin niyo ako, Dragon King." Tinignan ni James si Brodie. Sa kasalukuyan niyang katayuan at lakas, masyado siyang tamad para tapusin ang mga gangster na ito. Pagtatawa