Napatingin si James kay Thea.Puno ng inosente ang itsura ni Thea ngayon.Nginuso niya ang labi niya na lalong nagpacute sa kanya."Ayokong makilala ka." Ngumisi si Thea.Tumingin siya kay James at nagtanong, "Kilala mo ba talaga ako?"“Yeah.”"Kung gayon, sabihin mo sa akin, anong uri ng relasyon mayroon tayo?"Nalilito at na-curious si Thea kung bakit wala siyang alaala sa nakalipas na 11 taon.Gusto niyang malaman kung ano ang nangyayari, ngunit walang nagpaliwanag sa kanya.“Asawa kita,” seryosong sabi ni James.“Mas mabuting huwag mo nang isipin na samantalahin ang sitwasyon ko. Paano kaya napangasawa ko ang isang tulad mo? Mas gugustuhin kong magpakasal sa iba maliban sa iyo."Hindi makapaniwalang tumingin si Thea kay James.Hindi niya nakilala ang taong nasa harapan niya, ni hindi niya alam ang pagkakakilanlan nito. Gayunpaman, natitiyak niyang hindi siya magpapakasal sa isang taong palpak gaya ni James.Naiinis sa kanya ang mahabang buhok nito.Ang tipo niya ay ma
Bumalik si James sa Common Clinic.Pagpasok niya sa clinic, may narinig siyang may kausap sa phone."Mahal kita! Mwah! Sige. Kailangan ko ng umalis. Narinig kong may bumabalik, siguradong si James yun. I'm hang up now. Bye!”Ibinaba ni Henry ang telepono nang pumasok si James sa clinic.Agad siyang tumayo at nagtanong, “Kamusta, James? Nakita mo ba si Thea?""Oo, pero pinalayas ako."Napaupo si James nang malungkot."Huwag kang mag-alala, pasensya ka na. Kung ayaw mong sabihin ko, James. Sa palagay ko ang iyong kasalukuyang hitsura ay hindi nakakatulong sa iyo na mabawi siya.""Ganoon ba?"Sabi ni Henry, “Oo naman. Isipin mo, walang alaala si Thea nitong mga nakaraang taon at tanging naaalala lang niya ang mga pangyayari noong siya ay labing-walo. Ibig sabihin, ang kanyang kasalukuyang kaisipan ay labing walong taong gulang. Ano sa palagay mo ang gusto ng mga batang babae sa edad na iyon? Gustung-gusto nila ang malinis at kaakit-akit na mga lalaki. Tignan mo ang iyong sarili.
“Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?! Dragon King at Emperor?" Kumunot ang noo ni Thea sa kakaiba at hindi pamilyar na termino.Naaalala lang niya ang mga araw ng kanyang pag-aaral. Kaya, wala siyang ideya kung ano ang Dragon King, Black Dragon, o Emperor.Gayunpaman, alam niya ang tungkol sa Hari.Tumingin siya kay James at humagalpak ng tawa, “Haha. Ang hari? Itong lalaking nandito?"Hindi naman sa ayaw niyang maniwala, pero parang imposible.Anong uri ng kahalagahan mayroon ang Hari?Ang Hari ay ang pinaka-maimpluwensyang tao at pinakamataas na opisyal ng Sol.Paano naging Hari ang taong nasa harapan niya?Hindi siya maniniwala, kahit na may nagbanta sa kanya."Gutom na ako. Gusto kong kumain ng KFC. Magpapalit na ako at lalabas."Umalis na si Thea at umakyat sa taas.Awkward na nakaupo ang mag-asawang Callahan sa sala.Napatingin si Lex kay James. Natatakot siyang madamay si James, kaya maingat siyang nagsalita, “Wag magalala, James. Ang pagkawala ng memorya ni Thea ay
Itinago ni James ang sulat sa kanya.Inilabas niya iyon at ibinigay kay Thea.Tiningnang mabuti ni Thea ang sulat.Mukhang nakasulat iyon gamit ang kanyang sulat-kamay.Gayunpaman, ang kuwento ni James ay masyadong kakaiba, at nahirapan siyang paniwalaan.Para sa kanya, ito ay simpleng nakakaantig at magandang kuwento, wala nang iba pa."Tama na yan. Uuwi na ako."Pagkatapos niyang magsalita, tumayo siya at umalis.Mukhang walang magawa si James.Sa kabila ng maraming sinabi, hindi kumbinsido si Thea. Tila tuluyan na niyang nakalimutan ang tungkol sa kanya.Pinagmasdan niya ang silhouette ni Thea habang paalis ito.Alam ni James na hindi siya maaaring kumilos nang walang ingat. Kailangan niyang alamin kung ano ang nangyari kay Thea noong nakaraang taon at kung ano ang naging dahilan ng pagkawala ng mga alaala nito.Kailangan niyang hanapin ang Omniscient Deity para malaman kung ano ang nangyari.Hindi na nagtagal si James at lumabas na ng shop. Kinuha niya ang phone niya a
Nag-isip sandali ang Omniscient Deity bago siya sumagot, “Wala akong sagot sa tanong mo. Si Master Delphinia ang nagconvert ng enerhiya niya. Nasa Mount Wunderton siya ngaoyn. Masasamahan kita doon para ikaw mismo ang magtanong.”Tumalikod ang Omniscient Deity at umalis.Sinamahan niya si James patungo sa isang bundok sa isang manor.Sa loob ng manor, nakita nila ang isang madre, si Master Delphinia.Nagsalikop ang mga kamay ni Master Delphinia at bumati, “Lord Omniscient.”Humarap siya kay James at nagtanong, “At ikaw si James, hindi ba?”“Oo.”Dumiretso sa punto si James, “Ikaw ba ang nagconvert ng cultivation ni Thea at nagdulot ng kawalan niya ng memorya?”Sumagot si Master Delphinia, “Desisyon na iyon.”Nagtanong si James, “May paraan ba para bumalik ang alaala niya?”Matapos mag-isip, sumagot si Master Delphinia, “May paraan, pero…”“Sabihin mo sa akin agad kung may paraan.”Sumagot si Master Delphinia, “Nawala ang alaala niya sapagkat nawala ang cultivation inya. Ang mga tagalab
Hindi natuwa ang Omniscient Deity dahil inuutos-utusan siya ni James.Nasa intel business siya at hindi tagasunod ng kung sino sino.“Hindi mo ako utusan, James. Sino ka para utusan ako?”Tinignan niya si James at kumunot ang noo niya.Sinulyapan siya ni James at sinabi, “Maliit na bagay lang ito para sa iyo, hindi ba?”“Oo, maliit na bagay lang ito. Sige, tutulungan kita ngayon lang.”Itinuro ng Omniscient Deity ang isang hardin at nagpatulyo sa pagsasalita, “Maaari ka manatili doon ng pansamantala.”“Sige.” Tumango si James.Pagkatapos, tumalikod siya at umalis.Matapos umalis si James, ngumisi at bumulong ang Omniscient Deity, “Ang arogante ng batang ito.”Lumapit si James sa hardin na itinuro ng Omniscient Deity at pumasok sa bahay doon.Simple lang ang bahay na may kama at upuan.Naupo ng lotus position si James sa kama at naglabas ng Novenary Golden Pill. Nakatanggap siya ng pito mula sa King Quavon’s Mausoleum noong isang taon.Kumain siya ng isa at ibinigay ang isa pa kay Sky.
Matapos niya lunukin ang pill, ang enerhiya mula sa Novenary Golden Pill ay pumasok sa buong katawan niya. Mabilis na ginamit ni James ang True Energy niya para maabsorb at marefine ang enerhiya.Dahan-dahan na lumakas ang True Energy niya.Unti-unti rin na lumakas ang enerhiyang nakapalibot sa kanya.Habang inaabsorb ang enerhiya mula sa Novenary Golden Pill, iniisip din ni James kung paano siya makakapasok sa ninth rank.Hindi pa nasusulat sa kasaysayan ang ninth rank.Sa buong panahon na lumipas, walang nakakaalam kung paano tumungtong sa ninth rank. Kaya, matagal itong iisipin ng kahit na sino at susubukan ito na intindihin.Makapangyarihan na si James. Inabot lamang ng tatlong araw bago niya naabsorb ang enerhiya ng Novenary Golden Pill, at lumakas muli ang True Energy niya.Pero, hindi pa din ito sapat.Kahit na gawin niya ang lahat ng makakaya niya, hindi pa rin siya nakatawid sa harang sa likod ng Ninth Stair.Nabigo si James na umabot sa ninth rank.“Hindi pa rin ba sapat ang
Mahigit sa isang libong taon na ang Jade Sect at nanatili ito na walang kinikilingan na puwersa.Ang Sect Leader ng bawat henerasyon ay tinatawag na Omniscient Deity.Para sa mga tagalabas, ito ang tradition ng Jade Sect. Pero ang totoo, ang Omniscient deity ay iisang tao mula sa simula hanggang sa ngayon.Ang mga ninth-ranked grandmasters ay nabubuhay ng matagal at wala silang kapantay. Hindi kapani-paniwala na mabuhay ng ganito katagal ang isang indibidwal, kaya inanunsiyo ng Jade Sect sa publiko na ang bawat henerasyon an Sect Leader ay kukunin ang titulo na Omniscient Deity.Mahigit sa isang libong taon na lumipas, wala pang nakakaengkuwentro ang Omniscient Deity na isa pang ninth-rank grandmaster, o kaya kahit na sino na malapit na ito na maabot.Si James ang unang tao sa nakalipas na isang libong taon na malapit na marating ang ninth rank.Kaya, nasasabik siya na umabot si James dito.Samantala, si James ay nahihirapan na tumungtong sa ninth rank kahit na ginamit na niya ang lah