Mabilis niyang napagdesisyunan na sumuko sa laban at tumakas.Swoosh!Pinapanood ni Thea ang laban sa malayo.Matapos makita na sinusubukan ni Tobias na tumakas, mabilis siyang kumilos at nagpakita sa harap niya para harangan ang daan.“Sa tingin mo makakaalis ka?”Tinignan siya ni Thea at nagsalita siya ng malamig, “Hindi ka makakaalis ngayon at nandito ka na. Ang Mount Thunder Pass ang magiging huling hantungan mo.”Matapos niya ito sabihin, itinaas niya ang Malevolent Sword at humiwa paharap.Isang daang metro na habang ng Sword Light ang nagpakita.Mabilis na umiwas si Tobias sa atake.Boom!Tumama sa sahig ang daang metro na haba ng Sword Light.Agad na nayanig ang kabundukan.Nagsimulang gumuho ang kabuuan ng Mt. Thunder Pass.Sa puntong ito, sumali si James. Ginamit niya ang Blithe Fist of Abomination. Naglaho ang katawan niya sa ere at hindi mabilang na dami ng illusion palms ang nakita.Sa maikling sandali, tinamaan ng maraming beses si Tobias.Nagulpi ng husto si Tobias at wa
Sinugatan ng nakamaskarang lalake si Maxine bago siya inihagis sa isang tabi. Pagkatapos, kinaladkad niya si Tobias, na maraming tama ng karayom sa katawan.Hinabol sila ni Thea.Alam niya na mamamatay si Tobias matapos tamaan ng Exalter.Ang tao na nagligtas kay Tobias marahil ay kakampi niya.Kaya, kailangan din niya mamatay.Samantala, si James ay mabilis na pumunta sa tabi ni Maxine.Bumagsak na sa sahig si Maxine at puro dugo sa paligid ng makarating si James.Patuloy na umaagos ang dugo sa bibig niya.Sinubukan ni James na tulungan siya pero napansin na duguan din ang likod niya. Pinunit niya ang damit ni Maxine at nakita ang madugong likod.Matapos ito makita, nagpanic ng kaunti si James.Agad niyang kinuha ang braso niya para tignan ang pulso ni Maxine.Naging malungkot ang mukha ni James.“Anong problema?”Nagpakita bigla si Thomas at sinabi, “Anong problema? Hayaan mo na tignan ko.”Wala kay James ang Crucifier niya. Kung wala ito, nabawasan ng husto ang medical skills niya.
Sa kasamaang palad, may problema sa kanyang katawan.Nabago na ng husto ang dugo niya at naging dugo na din ng Spirit Turtle. Noong una, hindi naapektuhan ang katawan niya, at compatible naman ang dugo ng Spirit Turtle sa mga organs niya.Pero ngayon, hindi na ito compatible.Nawala na ang abilidad ng dugo na mag-regenerate, at kung mawawalan siya ng dugo, hindi na ito maibabalik ng katawan niya.Tumigil na ang katawan niya sa pagsupply ng dugo sa ibang mga organs niya.Kaya, kailangan niyang sapilitan na magpaikot ng dugo sa mga organs niya.Base sa estimasyon, ilang taon na lang ang mayroon siya para mabuhay.Sa oras na maubusan ng dugo ang katawan niya para i-supply sa mga organs niya, mamamatay siya.Posible para sa kanya ang mamatay dahil sa kawalan ng maraming dugo.“O-Okay lang ako.”Umiling-iling si Thea.Hindi niya sinabi kay James ang kundisyon niya, natatakot siya na mag-aalala si James.Ang hiling lang niya ay magretiro na si James sa lalong madaling panahon. Gusto niyang g
Natibag na ang Mount Thunder Pass.Gumuho ang bangin at nabunot ang mga puno.Matapos ang kalahting oras…Tapos na si Thomas sa paggamot kay Maxine.Dahan-dahan niyang ibinaba sa sahig si Maxine, para makahiga siya sa isang tabi.“Kumusta siya?”“Okay lang ba siya, Lolo?” mabilis na tanong ni James.Sumagot si Thomas, “Okay na ang mga pinsala sa kanya. Hindi na manganganib ang buhay niya sa ngayon. Pero, matindi ang pinsala na tinamo niya mula sa palm attack, at kailangan ng matagal na panahon bago siya gumaling. Kailangan niya ng patuloy na True Energy para mapanatili ang katawan niya. Kung hindi, maaari siyang mamatay ano man oras.”Humarap siya kay James at nagpatuloy, “Ang makapagliligtas lang sa kanya ay ang Crucifier.”“Sige.”Tumango si James at sinabi, “Hahanapin ko ang Crucifier sa lalong madaling panahon para gamutin siya.”Na-hostage si Maxine dahil sa kanya at kay Thea.Na-guilty si James.“Sige, lahat kayo, alis na.”Inusig ni Thomas ang mga martial artist na umalis na.Si
Nag-isip ang Omniscient Deity bago sumagot, “Gusto ko ng kaunting dugo mo.”“…”Natulala si James.“Gusto mo ng dugo ko?”“Tama.”“Bakit mo kailangan ang dugo ko?”“Hindi mo kailangan malaman. Hindi naman marami ang kailangan ko. Kaunti lang sapat na.”Habang nagsasalita, naglabas siya ng syringe at iniabot ito kay James habang sinasabi, “Punuin mo ang syringe na ito. Kung sasangayon ka sa kundisyon ko, ipapadala ko sa iyo ang impormasyon kung nasaan si Xavion sa loob ng tatlong araw.”Hindi nag-alinlangan si James. Kinuha niya ang syringe, itinusok sa braso niya, at kumuha ng dugo. Pagkatapos, iniabot niya ito sa Omniscient Deity.“Maghihintay ako ng mabuting balita.”“Paalam.”Hindi na nanatili pa ng matagal ang Omniscient Deity. Tumalikod na siya at umalis matapos makuha ang dugo ni James.Matapos niya umalis, napaisip si James sandali.Matapos mag-isip ng ilang sandali, tinanong niya si Delainey, “Delainey, kilala mo ba ng husto ang Omniscient Deity?”Tumango si Delainey, “Oo.”Nag
Si Tobias ay isang piyesang mahirap mahanap. Hindi pa siya gustong sukuan ni Sky. Gayunpaman, wala siyang paraan para iligtas si Tobias. Kung kaya't hindi niya gustong sayangin ang True Energy ni Tobias. Sa sandaling iyon, naramdaman ni Tobias na mabilis na hinihigop ang True Energy niya. Nataranta siya at sinubukan niyang manlaban. Gayunpaman, malubha siyang nasugatan at malapit na siyang mamatay. Mahirap na nga para sa kanya ang magsalita, kaya mas imposible pa para sa kanya na manlaban. Wala siyang nagawa kundi panooring mahigop ang True Energy niya. Napakalakas ng True Energy ni Tobias at inabot si Sky ng isang oras para mahigop ito nang tuluyan. Pakiramdam ni sky ay lumobo siya sa paghigop ng True Energy ni Tobias. Kailangan niyang maghanap ng lugar para gamitin ang True Energy niya. Kung hindi, sasabog ang katawan niya. Simpleng initsa ni Sky si Tobias sa lapag at iniwan siya para mamatay. Pagkatapos mabilis siyang umalis sa lugar. Naiwang tahimik si Tobias
Ang pinakaprayoridad ni Tobias ay ang mabuhay. "Ipapasa ko sa'yo ngayon ang Nine Scriptures of Ordeal ngayon din." "Ano?" Mukhang nagtataka si Tobias. Nagpaliwanag si Thomas, "Ito ang signature martial art technique na ginamit ni James. Ito ang dahilan kung paanong nagawa ni James na maibalik ang lakas niya at maging isang top expert." "Sige, dali…" Hindi na makapaghintay si Tobias. Nagsimulang ituro ni Thomas ang Nine Scriptures of Ordeals sa kanya. Kasabay nito, ginamit niya ang True Energy niya para panatilihing buhay si Tobias. Samantala, pabalik na si James sa Southern Plains City. Hindi niya alam na umalis si Thomas para hanapin si Tobias at ihanda ang plano niya para patayin ang dragon. Nagmaneho si James pabalik sa Southern Plains City. Nakaupo si Thea sa passenger seat at nakatulala sa bintana. Nakaupo si Delainey sa likuran nang hindi nagsasalita. Tahimik ang biyahe at medyo kakaiba ang pakiramdam sa ere. "Siya nga pala…" Biglang lumingon si Jame
Wala nang iba pang hiling si Thea. Gusto niya lang gamitin ang limitado niyang oras para magkaroon ng anak kay James bilang patunay ng pagmamahalan nila. Sapat na iyon para sa kanya. Tumingin si James sa kanya at nangako. "Papagalingin kita. Nawala man sa'kin ang Crucifier, hahanapin ko to at tutulungan kitang pahabain ang buhay mo sa pamamagitan ng pagpapabalik ng dugo mo sa normal." Nanahimik si Thea. Alam na alam niya ang kondisyon ng katawan niya. Humalo na ang dugo niya sa dugo ng Spirit Turtle. Nabalot na ng dugo ng Spirit Turtle ang dugo niya at naging iisa na lang ang dalawang klase ng dugo. Pagkatapos niyang higupin ang kapangyarihan sa loob ng dugo ng Spirit Turtle, nag-mutate ang dugo niya at hindi na pwedeng manumbalik. Ang masasandalan na lang niya ay ang natitirang dugo sa katawan niya, na hindi na rin magtatagal. Kahit mahimala pa ang Crucifier, hindi nito magagawang tumulong na panumbalikin ang dugo niya. Wala nang iba pang dugo na kagaya ng kanya sa m