Wala nang iba pang hiling si Thea. Gusto niya lang gamitin ang limitado niyang oras para magkaroon ng anak kay James bilang patunay ng pagmamahalan nila. Sapat na iyon para sa kanya. Tumingin si James sa kanya at nangako. "Papagalingin kita. Nawala man sa'kin ang Crucifier, hahanapin ko to at tutulungan kitang pahabain ang buhay mo sa pamamagitan ng pagpapabalik ng dugo mo sa normal." Nanahimik si Thea. Alam na alam niya ang kondisyon ng katawan niya. Humalo na ang dugo niya sa dugo ng Spirit Turtle. Nabalot na ng dugo ng Spirit Turtle ang dugo niya at naging iisa na lang ang dalawang klase ng dugo. Pagkatapos niyang higupin ang kapangyarihan sa loob ng dugo ng Spirit Turtle, nag-mutate ang dugo niya at hindi na pwedeng manumbalik. Ang masasandalan na lang niya ay ang natitirang dugo sa katawan niya, na hindi na rin magtatagal. Kahit mahimala pa ang Crucifier, hindi nito magagawang tumulong na panumbalikin ang dugo niya. Wala nang iba pang dugo na kagaya ng kanya sa m
Umiling si James at nagsabing, "Narinig ko na ang ancient tomb ng Prince of Orchid Mountain ay nasa Southern Plains, pero hindi ko pa to napupuntahan. Hindi ko rin alam kung nasaan ito. Bakit mo natanong?" Hindi sinagot ng Omniscient Deity ang tanong ni James at nagpatuloy na nagtanong, "Kung ganun, nakita mo na ba ang descendant ng Prince of Orchid Mountain?" Napaisip nang malalim si James nang narinig niya ang tanong. Isang tao ang biglang lumitaw sa isipan niya. Nang dumating siya sa Mt. Thunder Pass, nakasalubong niya ang isang lalaking nagngangalang Tyrus. Nilabanan niya ang lalaking ito. Malakas si Tyrus at ang True Energy niya ay kapantay nang kay James. Gayunpaman, mukhang malalim ang kaalaman niya sa martial arts. Hindi siya matatapatan ni James kung hindi dahil sa Invincible Body Siddhi. Hindi siya sigurado kung isa talagang descendant ng Prince of Orchid Mountain si Tyrus. Pagkatapos mag-isip sandali, nagsabi siya, "Hindi. Pero may nakilala akong lalaking n
Pinigilan ni James na umalis ang Omniscient Deity. Gayunpaman, hindi huminto ang Omniscient Deity. Tumalikod siya at umalis ng Black Dragon Palace. Hinawakan ni James ang baba niya at bumulong, "Anong klaseng espada yun?" Narinig na niya ang Divine Sword Villa. Ilang panahon ang nakalipas, ibinalik ni Callan ang Excalibur at nagpunta sa Divine Sword Villa. Pinakiusapan niya silang tumulong na ayusin ang espada. Gayunpaman, tumanggi ang Divine Sword Villa. Kung kaya't nilabanan ni Callan ang may-ari ng Divine Sword Villa. Pagkatapos siyang talunin, sa wakas ay pumayag ang Divine Sword Villa na ayusin ang Excalibur. Isa pang maalamat na sandata ang magmumula sa Divine Sword Villa. Higit pa roon, isa itong espadang binuo nang higit isang libong taon. Anong klaseng maalamat na sandata ang binubuo nang higit sa isang libong taon? Nagkainteres si James sa espada. Higit pa roon, papunta na si Lucjan sa Divine Sword Villa. Kung kaya't kailangan niya rin silang bisitahi
Napasigaw si Henry. "Ang leader ng Celestial Sect. Isa yan sa pinakamalalakas na taong nabubuhay sa ancient martial world. Hindi ko inasahang si Thea, na dati ay kailangan pang protektahan, ay magiging sobrang lakas sa loob lang ng kalahating taon. Nahihiya ako na ngayon lang ako nagcultivate ng True Energy ko. Isa lang akong first-ranked grandmaster. Kaya akong patayin kaagad ni Thea sa isang kilos lang." Nahiya si Henry. Walang-wala siyang laban sa kanya. “Huff.”Bumuntong-hininga si James. "Anong problema, James?" "Wala lang." Pinikit ni James ang mga mata niya at isinantabi ang lahat papunta sa likuran ng isipan niya. Sa backyard ng mansyon ng mga Caden. Nakahiga si Maxine sa kama sa loob ng isang kwarto. Sa loob ng kwarto, kumuha si Bennett ng isang jug ng wine at nagsalin sa baso para kay James. Nagtanong si James, "Kumusta si Maxine?" Bumuntong-hininga si Bennett. "Hindi mukhang maganda ang kondisyon niya. Araw-araw, kailangan kong gamitin ang True Ener
Inimbitahan ni Callan sina James at Thea papasok sa kwarto para umupo. "James, Thea, anong gusto niyong inumin?" tanong ni Quincy. "Kahit ano ayos lang," mahinang sagot ni Thea. Nagtanong ulit si Quincy, "Ikaw naman, James?""Kahit ano na lang rin." Hindi nandito si James para bumisita, kundi para tanungin si Callan tungkol sa ilang bagay. Umupo si Callan at dumiretso sa usapan. "James, alam kong hindi ka lang basta bumibisita. May nangyari kaya nandito ka para makita ako. Pwede ka nang dumiretso sa usapan." Tumango si James at nagsabing, "Mhm. May kailangan ako sa'yo. Gusto kong magtanong tungkol sa Divine Sword Villa." “Oh?”Nagkainteres si Callan. Tinignan niya si James nang may pagtataka at nagtanong, "Bakit ka biglang nagtatanong tungkol sa Divine Sword Villa?" Walang tinagong kahit na ano si James at sinabi sa kanya ang tungkol sa impormasyong nakuha niya mula sa Omniscient Deity. "Ganun ba?" Pagkatapos itong marinig, napaisip si Callan. "Isang maalamat na
Pagkatapos mag-isip ng mga ilang sandali, seryoso niyang sinabi, “Komplikado ang sitwasyon. May problema siya sa dugo. Hindi lang niya nahigop ang dugo ng Spirit turtle, ngunit nagbago na rin pati ang kanyang dugo. Mahirap na itong gamutin kahit na hindi nagbago ang kanyang dugo. Ikinalulungkot ko ngunit kahit makabagong medisina ay hindi ito kayang gamutin.”Tanong ni James, “WAla na bang ibang paraan?”“Ang tanging magagawa na lang natin para pagalingin siya ay sa pamamagitan ng exchange transfusion.”Nag-isip si Callan ng mga ilang sandali at saka sinabi, “Kailangan palitan ang kasalukuyan niyang dugo ng bagong dugo. Ang kanyang mga lamang-loob ay nasanay na sa dugo ng Spirit Turtle, at nakadepende na sila dito. Hindi na magiging sapat sa kanya ang ordinaryong dugo.“Tanging dugo na mas malakas sa dugo ng Spirit Turtle ang gagana. Gayunpaman, walang kasiguraduhan kung magtatagumpay ito. Pagkatapos niyang dumaan sa exchange transfusion, baka magkaroon siya ng mga komplikasyon kat
Sa totoo lang, hindi malakas ang loob ni James sa kanyang kakayahan na pagalingin si Thea. Walang nakatala sa medical book tungkol sa kondisyon na kapareho ni Thea. Ang tanging pag-asa na lang niya ang gumawa ng himala ang Crucifier.Ang dalawa ay bumalik sa bahay ng magkasama.Sa bahay, sinamahan ni James si Thea ng buong araw na iyon. Ang balak niya talaga at umalis papuntang Divine Sword Villa sa sumunod na umaga. Naalala niya ang impormasyon na nalaman niya mula sa Omniscient Deity. Kailangan niyang makita ang Hari kung gusto niyang malaman ang tungkol sa kinaroroonan ni Xavion. Nag-isip si James ng mga ilang sandali at nagdesisyon na dapat niya munang ayusin ang bagay na ito bago pumunta ng Divine Sword Villa. Kinaumagahan, nagpaalam siya kay Thea at umalis ng bahay. Pumunta siya ng Peace Mansion at nakipagkita sa Hari. Ang Hari ay inalisan na ng kapangyarihan. Bukod sa kanyang titulo, wala na siyang ganap na awtoridad, o kaya naman ay kailangan sa anumang pagpupul
Sinabi ng Hari, “Wala na tayong oras.”“Lulutasin ko ang lahat sa lalong madaling panahon. Susubukan ko itong tapusin sa loob ng isang buwan bago ang halalan.” “Pwes, may natitira ka pang isa’t kalahating buwan.”“Mhm. Kailangan kong umalis ng Capital pansamantala. Kapag nakabalik ako, isuko mo si Xavion sa akin. Ako na ang bahala sa lahat.” Nagkibit-balikat ang Hari at sinabi, “Kung malakas ang loob mo na kaya mong ayusin ang lahat, pwes hindi na kita pipigilan. Lalo na, malapit na akong magretiro. Gugugulin ko ang natitirang sandali ng aking buhay ng masaya nang walang iniisip na anumang suliranin.”Walang pinakitang emosyon ang Hari. May ilang bagay pa ako na aasikasuhin, kaya mauuna na ako.”Wala nang ibang sinabi si James at tumayo na para umalis.Pagkatapos umalis ni James, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon ng Hari. Si Gloom, na nakatayo sa tabi, at nagtanong, “May tiwala ka ba talaga kay James? Sa tingin mo ba ay kayang manalo ni James laban sa Orient Commerce