Sa kasamaang palad, may problema sa kanyang katawan.Nabago na ng husto ang dugo niya at naging dugo na din ng Spirit Turtle. Noong una, hindi naapektuhan ang katawan niya, at compatible naman ang dugo ng Spirit Turtle sa mga organs niya.Pero ngayon, hindi na ito compatible.Nawala na ang abilidad ng dugo na mag-regenerate, at kung mawawalan siya ng dugo, hindi na ito maibabalik ng katawan niya.Tumigil na ang katawan niya sa pagsupply ng dugo sa ibang mga organs niya.Kaya, kailangan niyang sapilitan na magpaikot ng dugo sa mga organs niya.Base sa estimasyon, ilang taon na lang ang mayroon siya para mabuhay.Sa oras na maubusan ng dugo ang katawan niya para i-supply sa mga organs niya, mamamatay siya.Posible para sa kanya ang mamatay dahil sa kawalan ng maraming dugo.“O-Okay lang ako.”Umiling-iling si Thea.Hindi niya sinabi kay James ang kundisyon niya, natatakot siya na mag-aalala si James.Ang hiling lang niya ay magretiro na si James sa lalong madaling panahon. Gusto niyang g
Natibag na ang Mount Thunder Pass.Gumuho ang bangin at nabunot ang mga puno.Matapos ang kalahting oras…Tapos na si Thomas sa paggamot kay Maxine.Dahan-dahan niyang ibinaba sa sahig si Maxine, para makahiga siya sa isang tabi.“Kumusta siya?”“Okay lang ba siya, Lolo?” mabilis na tanong ni James.Sumagot si Thomas, “Okay na ang mga pinsala sa kanya. Hindi na manganganib ang buhay niya sa ngayon. Pero, matindi ang pinsala na tinamo niya mula sa palm attack, at kailangan ng matagal na panahon bago siya gumaling. Kailangan niya ng patuloy na True Energy para mapanatili ang katawan niya. Kung hindi, maaari siyang mamatay ano man oras.”Humarap siya kay James at nagpatuloy, “Ang makapagliligtas lang sa kanya ay ang Crucifier.”“Sige.”Tumango si James at sinabi, “Hahanapin ko ang Crucifier sa lalong madaling panahon para gamutin siya.”Na-hostage si Maxine dahil sa kanya at kay Thea.Na-guilty si James.“Sige, lahat kayo, alis na.”Inusig ni Thomas ang mga martial artist na umalis na.Si
Nag-isip ang Omniscient Deity bago sumagot, “Gusto ko ng kaunting dugo mo.”“…”Natulala si James.“Gusto mo ng dugo ko?”“Tama.”“Bakit mo kailangan ang dugo ko?”“Hindi mo kailangan malaman. Hindi naman marami ang kailangan ko. Kaunti lang sapat na.”Habang nagsasalita, naglabas siya ng syringe at iniabot ito kay James habang sinasabi, “Punuin mo ang syringe na ito. Kung sasangayon ka sa kundisyon ko, ipapadala ko sa iyo ang impormasyon kung nasaan si Xavion sa loob ng tatlong araw.”Hindi nag-alinlangan si James. Kinuha niya ang syringe, itinusok sa braso niya, at kumuha ng dugo. Pagkatapos, iniabot niya ito sa Omniscient Deity.“Maghihintay ako ng mabuting balita.”“Paalam.”Hindi na nanatili pa ng matagal ang Omniscient Deity. Tumalikod na siya at umalis matapos makuha ang dugo ni James.Matapos niya umalis, napaisip si James sandali.Matapos mag-isip ng ilang sandali, tinanong niya si Delainey, “Delainey, kilala mo ba ng husto ang Omniscient Deity?”Tumango si Delainey, “Oo.”Nag
Si Tobias ay isang piyesang mahirap mahanap. Hindi pa siya gustong sukuan ni Sky. Gayunpaman, wala siyang paraan para iligtas si Tobias. Kung kaya't hindi niya gustong sayangin ang True Energy ni Tobias. Sa sandaling iyon, naramdaman ni Tobias na mabilis na hinihigop ang True Energy niya. Nataranta siya at sinubukan niyang manlaban. Gayunpaman, malubha siyang nasugatan at malapit na siyang mamatay. Mahirap na nga para sa kanya ang magsalita, kaya mas imposible pa para sa kanya na manlaban. Wala siyang nagawa kundi panooring mahigop ang True Energy niya. Napakalakas ng True Energy ni Tobias at inabot si Sky ng isang oras para mahigop ito nang tuluyan. Pakiramdam ni sky ay lumobo siya sa paghigop ng True Energy ni Tobias. Kailangan niyang maghanap ng lugar para gamitin ang True Energy niya. Kung hindi, sasabog ang katawan niya. Simpleng initsa ni Sky si Tobias sa lapag at iniwan siya para mamatay. Pagkatapos mabilis siyang umalis sa lugar. Naiwang tahimik si Tobias
Ang pinakaprayoridad ni Tobias ay ang mabuhay. "Ipapasa ko sa'yo ngayon ang Nine Scriptures of Ordeal ngayon din." "Ano?" Mukhang nagtataka si Tobias. Nagpaliwanag si Thomas, "Ito ang signature martial art technique na ginamit ni James. Ito ang dahilan kung paanong nagawa ni James na maibalik ang lakas niya at maging isang top expert." "Sige, dali…" Hindi na makapaghintay si Tobias. Nagsimulang ituro ni Thomas ang Nine Scriptures of Ordeals sa kanya. Kasabay nito, ginamit niya ang True Energy niya para panatilihing buhay si Tobias. Samantala, pabalik na si James sa Southern Plains City. Hindi niya alam na umalis si Thomas para hanapin si Tobias at ihanda ang plano niya para patayin ang dragon. Nagmaneho si James pabalik sa Southern Plains City. Nakaupo si Thea sa passenger seat at nakatulala sa bintana. Nakaupo si Delainey sa likuran nang hindi nagsasalita. Tahimik ang biyahe at medyo kakaiba ang pakiramdam sa ere. "Siya nga pala…" Biglang lumingon si Jame
Wala nang iba pang hiling si Thea. Gusto niya lang gamitin ang limitado niyang oras para magkaroon ng anak kay James bilang patunay ng pagmamahalan nila. Sapat na iyon para sa kanya. Tumingin si James sa kanya at nangako. "Papagalingin kita. Nawala man sa'kin ang Crucifier, hahanapin ko to at tutulungan kitang pahabain ang buhay mo sa pamamagitan ng pagpapabalik ng dugo mo sa normal." Nanahimik si Thea. Alam na alam niya ang kondisyon ng katawan niya. Humalo na ang dugo niya sa dugo ng Spirit Turtle. Nabalot na ng dugo ng Spirit Turtle ang dugo niya at naging iisa na lang ang dalawang klase ng dugo. Pagkatapos niyang higupin ang kapangyarihan sa loob ng dugo ng Spirit Turtle, nag-mutate ang dugo niya at hindi na pwedeng manumbalik. Ang masasandalan na lang niya ay ang natitirang dugo sa katawan niya, na hindi na rin magtatagal. Kahit mahimala pa ang Crucifier, hindi nito magagawang tumulong na panumbalikin ang dugo niya. Wala nang iba pang dugo na kagaya ng kanya sa m
Umiling si James at nagsabing, "Narinig ko na ang ancient tomb ng Prince of Orchid Mountain ay nasa Southern Plains, pero hindi ko pa to napupuntahan. Hindi ko rin alam kung nasaan ito. Bakit mo natanong?" Hindi sinagot ng Omniscient Deity ang tanong ni James at nagpatuloy na nagtanong, "Kung ganun, nakita mo na ba ang descendant ng Prince of Orchid Mountain?" Napaisip nang malalim si James nang narinig niya ang tanong. Isang tao ang biglang lumitaw sa isipan niya. Nang dumating siya sa Mt. Thunder Pass, nakasalubong niya ang isang lalaking nagngangalang Tyrus. Nilabanan niya ang lalaking ito. Malakas si Tyrus at ang True Energy niya ay kapantay nang kay James. Gayunpaman, mukhang malalim ang kaalaman niya sa martial arts. Hindi siya matatapatan ni James kung hindi dahil sa Invincible Body Siddhi. Hindi siya sigurado kung isa talagang descendant ng Prince of Orchid Mountain si Tyrus. Pagkatapos mag-isip sandali, nagsabi siya, "Hindi. Pero may nakilala akong lalaking n
Pinigilan ni James na umalis ang Omniscient Deity. Gayunpaman, hindi huminto ang Omniscient Deity. Tumalikod siya at umalis ng Black Dragon Palace. Hinawakan ni James ang baba niya at bumulong, "Anong klaseng espada yun?" Narinig na niya ang Divine Sword Villa. Ilang panahon ang nakalipas, ibinalik ni Callan ang Excalibur at nagpunta sa Divine Sword Villa. Pinakiusapan niya silang tumulong na ayusin ang espada. Gayunpaman, tumanggi ang Divine Sword Villa. Kung kaya't nilabanan ni Callan ang may-ari ng Divine Sword Villa. Pagkatapos siyang talunin, sa wakas ay pumayag ang Divine Sword Villa na ayusin ang Excalibur. Isa pang maalamat na sandata ang magmumula sa Divine Sword Villa. Higit pa roon, isa itong espadang binuo nang higit isang libong taon. Anong klaseng maalamat na sandata ang binubuo nang higit sa isang libong taon? Nagkainteres si James sa espada. Higit pa roon, papunta na si Lucjan sa Divine Sword Villa. Kung kaya't kailangan niya rin silang bisitahi