”Lolo, ano bang binabalak mong gawin?”Hindi ito maintindihan ni James.Hindi niya mahulaan kung ano bang gustong mangyari ni Thomas.Noon pa man ay malihim na si Thomas.Maraming bagay siyang hindi pinaalam kay James.Nasaan ba talaga ang kanyang pamilya?Bakit hindi sila nagpakita sa paglipas ng mahabang panahon?“Mag-usap tayo habang nakaupo.”Kinumpas ni Thomas ang kanyang kamay, at agad na nahawi ang alikabok na bumabalot sa isang malaking bato sa lupa.Umupo siya, naglabas ng isang sigarilyo, at sinindihan niya ito. Pagkatapos, hinagis niya ito papunta kay James.Sinalo ito ni James at umupo siya sa harap ni Thomas.Nagsindi ng isa pang sigarilyo si Thomas at sinabing, “Ginagawa ko ang lahat ng ito upang maging masagana ang pamilya natin habambuhay.”Tumingin si James kay Thomas habang naghihintay siya ng paliwanag.Nagpatuloy si Thomas. “Apo, narinig mo na ba ang tungkol sa mga dragon?”Bahagyang tumango si James at sinabing, “Oo. Hindi ba ang dragon ang tagapagban
Umalis si Thomas.Nakatulala si James sa direksyon kung saan umalis si Thomas.Lalong nagging mahirap para sa kanya na alamin ang intensyon ng kanyang lolo.Kakaiba ang mga kinikilos niya nitong mga nakaraan.“Haah.”Paglipas ng ilang oras, bumuntong-hininga si James.Wala siyang lakas upang asikasuhin ang mga bagay na may kinalaman kay Thomas.Marami pa siyang bagay na kailangang tapusin sa kanyang listahan.Ang una niyang kailangang gawin ay ang hanapin si Thea sa lalong madaling panahon.Dinukot siya ni Thomas at nag-iwan si Thomas ng kasuklam-suklam na eksena upang pilitin si Thea na pakawalan ang kapangyarihan ng dugo ng Spirit Turtle sa kanyang katawan.Alam niya na sa oras na nakita ni Thea ang nangyari, siguradong magagalit si Thea at magwawala.Kalahating buwan na ang lumipas, kaya hindi siya sigurado kung ano ang nangyari kay Thea.Kailangan niya siyang mahanap agad.“Gaano kalakas na ba ako?”Hindi pa umalis si James.Sa nakalipas na kalahating buwan, patuloy
Narating ni James ang unang baitang ng Skyward Stairway ng walang kahirap-hirap.Subalit, nagsimula siyang mahirapan nung nakarating siya sa ikaapat na baitang.Pakiramdam niya ay isang bundok ang nakatali sa kanyang mga binti.“Kilos!!!” Sigaw ni James bilang pagsalungat.Bigla niyang tinaas ang kanyang binti at nipagpasan ang ikaapat na baitang.Matapos makarating sa Fourth Stair, pinagpapawisan na siya ng husto.Basang basa ng pawis ag buong katawan niya pati ang suot niyang damit. Matapos makarating sa ikaapat na baitang, nag-ingat na siya. Inayos niya ang kanyang sarili at hinayaan ang kanyang True Energy na dumaloy sa buong katawan niya para labanan ng pwersa na dala ng ikaapat na baitang. Habang inaakyat ni James ang Skyward Stairway, ang sinumang mapadaan sa kanya ay iipin lang na nakaupo lang siya ng pa-lotus posisyon sa lapag na parang isang estatwa. Ang Skyward Stairway ay isang imahinasyon at hindi talaga totoo. Ang pag-akyat sa Skyward Stairway ay nangyayar
Makalipas ang isang araw…Isang lalaki ang dahan-dahan na naglakad palabas ng Capital Airport. Nakasuot siya ng ordinaryo at simpleng damit, at mukha lang siyang isang tipikal na magsasaka. Ang itsura ng lalaki ay talagang iba mula sa mga tao sa kanyang paligid. Ng lalaking ito ay si James. Kaagad nagtungo si James sa Capital matapos ma-master ang True Nine Ordeals Energy.Kalahating buwan na ang nakalipas simula nung laban sa Malgudi.Kahit na nagkita sila ng kanyang lolo, si Thomas ay hindi nabanggit ang kahit na ano tungkol sa kinalabasan sa Malgudi. Matapos niyang mawalan ng malay, wala siyang alam kung ano ang nangyari sa lugar na iyon habang wala siya. Wala siyang alam tungkol sa kasalukuyang sitwasyon sa Capital. Dahil sa aligaaga siya, nagmadali siyang bumalik nbg Capital ng hindi nag-aksaya ng oras matapos maibalik ang kanyang lakas. Nagtawag siya ng taksi sa labas ng paliparan.“Sa may Sun Dragon District.”Tiningnan ng driver si James ng isang beses at nap
“Sinayang mo ang oras ko, p*ta ka. Hindi kita hahayaan na makaalis ng hindi muna ako binabayaran ng three hundred dollars.”Naiinip na ang driver.Sa puntong ito, napagod na siya makipagtalo kay James at natukso na pakawalan na hayaan na lang siya.Pero, ang maisip na nasayang ang oras niya dahil kay James at wala siyang mapapala ang gumalit sa kanya.Kaya, napagdesisyunan niya na turuan ng leksyon si James.Inilabas niya ang phone niya at may tinawagan.Matapos ang ilang minuto, dose-dosenang mga taxi ang dumating at pinalibutan ang sasakyan. Dose-dosenang mga tao ang lumabas sa mga sasakyan nila.“Hoy, pare. Bibigyan kita ng huling pagkakataon. Ibigay mo na ang p*tang inang pera ko, kung hindi…”Hindi sineryoso ni James ang pananakot ng driver.Tinignan niya ang orasan. Parating na si Henry.At tulad ng inaasahan niya, sa puntong ito, palapit na sa kanila ang mga sasakyan ng militar sa hindi kalayuan.Dumating sila sa entrance. Isang lalake na nakasuot ng Red Flame robe na may tatlon
Dumating si James sa gate ng mansion ng mga Caden.Nakita ng mga guwardiya ang palapit na mga sasakyan ng militar at agad na lumapit sa kanila.Habang naglalakad sila palapit, nakababa na si James.“J-James…”Kinakabahan siyang kinausap ng guwardiya.Nawala ang pagiging kalmado ng mga guwardiya sa harap ni James.Nagtanong si James, “Nandito ba si Maxine?”“O-Oo, nandito siya…”Bago pa matapos magsalita ang mga guwardiya, pumasok na agad si James sa mansion ng mga Caden.Sa oras na ito, kausap ni Maxine si Zaiden, pinuno ng mga Sullivan, sa living room.“Mr. Sullivan, naipaliwanag ko na ito. Pag-isipan mo ng mabuti.”Pagkasabi ni Maxine dito, pumasok si James sa living room.Nagulat si Maxine at agad na napatayo ng makita niya bigla si James, “J-James.”Sinulyapan ni James si Zaiden, na nakaupo sa sofa at malamig na sinabi. “Wala itong kinalaman sa iyo. Maaari ka ng umalis sa ngayon.”Tahimik na tinignan ni Zaiden si James. Pagkatapos, tumayo at umalis na siya.“J-James. Nakabalik ka n
Naghinala siya na baka si Thea o si Thomas pala talaga ito.Ngunit, wala siyang ebidensiya.Hindi sumagi sa isip niya na ang pinuno ng Celestial Sect ay asawa niya, si Thea, ang babae na maraming tiniis na paghihirap noon.“Oo nga pala, sinabi mo na nagpadala ng sulat ng paghamon si Thea kay Tobias?”“Oo.”“Kumalat na ang balita tungkol dito sa ancient martial world. Anong nangyayari? Hindi mo ba siya kasama?” sagot ni Maxine.“May mga hindi inaasahan na nangyari.”Ipinaliwanag ni James ang mga nangyari habang nagpapagaling siya.“Pakiramdam ni lolo malakas talaga ang dugo ng Spirit Turtle sa katawan ni Thea. Gusto niyang pilitin na maranasan ni Thea ang Energy Deviation para magamit niya ng husto ang dugo ng Spirit Turtle. May mga nangyari ba na matindi sa ancient martial world simula noon? Alam mo ba kung may alitan na nangyayari sa loob ng Celestial Sect?”Bago pa makapagpaliwanag si Maxine, sumingit si Bennett sa pag-uusap nila at sinabi, “Wala naman nangyari. Payapa ang ancient ma
Sa nakalipas na kalahating buwan, patuloy ang paglakas ng True Energy ni Thea sa mga lumilipas na araw.Nakarating na siya sa ika-apat na baitang ng Skyward Stairway.Natutunan na niyang gamitin ng buo halos ang kapangyarihan ng dugo ng Spirit Turtle.Ngunit, hindi pa niya naaabot ang rurok ng lakas niya.May natitira pa na energhiya mula sa dugo ng Spirit Turtle.Nasa closed-door meditation si Thea.Sa oras na ito, isang balita ang kumalat sa ancient martial world.“Ang balita na kumalat ay ang pinuno ng Celestial Sect ay si Thea.”“Ano?! Si Thea?”“Sino si Thea?”“Siya ang asawa ni James. Kilala siya noon bilang pinakapangit na babae sa Cansington. Ang babae na nagligtas kay James mula sa apoy na umubos sa pamilya niya.”“Hindi ako makapaniwala. Paanong ito rin ang Thea na sinasabi mo? Anong klaseng biro ito?”Walang nakakaalam kung sino ang nagpakalat ng balita.Ngunit, alam na ngayon ng lahat ng mga martial artist sa Sol na si Thea ang Sect Leader ng Celestial Sect.Samantala, naka