Sa nakalipas na kalahating buwan, patuloy ang paglakas ng True Energy ni Thea sa mga lumilipas na araw.Nakarating na siya sa ika-apat na baitang ng Skyward Stairway.Natutunan na niyang gamitin ng buo halos ang kapangyarihan ng dugo ng Spirit Turtle.Ngunit, hindi pa niya naaabot ang rurok ng lakas niya.May natitira pa na energhiya mula sa dugo ng Spirit Turtle.Nasa closed-door meditation si Thea.Sa oras na ito, isang balita ang kumalat sa ancient martial world.“Ang balita na kumalat ay ang pinuno ng Celestial Sect ay si Thea.”“Ano?! Si Thea?”“Sino si Thea?”“Siya ang asawa ni James. Kilala siya noon bilang pinakapangit na babae sa Cansington. Ang babae na nagligtas kay James mula sa apoy na umubos sa pamilya niya.”“Hindi ako makapaniwala. Paanong ito rin ang Thea na sinasabi mo? Anong klaseng biro ito?”Walang nakakaalam kung sino ang nagpakalat ng balita.Ngunit, alam na ngayon ng lahat ng mga martial artist sa Sol na si Thea ang Sect Leader ng Celestial Sect.Samantala, naka
Swoosh!Bigla, isang pigura ang umakyat mula sa bangin.Ang taong ito ay tumayo sa harap ni Tapio.“Master,”Agad na tumayo si Tapio at magalang siya na binati.Ang taong ito na umakyat mula sa bangin ay nakababatang tignan, mukhang nasa tatlumpu ang edad.Mahaba ang buhok niya at nakasuot ng puti na robe. Kalmado ang dating ng lalake habang nasa likod ang mga kamay niya.“Ano ang sitwasyon?” tanong niya.“Master, hinamon ng pinuno ng Celestial Sect si Tobias sa isang duwelo sa Mount Thunder Pass. Sa loob ng ilang araw, kumalat ang balita na ang tunay na pagkakakilanlan ng pinuno ng Celestial Sect ay ang asawa ni James, si Thea.”“Ang pinuno ng Celestial Sect ay si Thea?”Matapos marinig ang balitang ito, nagulat ang lalake.Sa mga oras na lumipas, sinubukan niyang imbestigahan ang pagkakakilanlan ng pinuno ng Celestial Sect pero hindi nagbunga ang mga ginawa niya.Matapos ayusin ang sarili niya, nagtanong siya, “Sino ang nagpakalat ng balita?”Sumagot si Tapio, “Hindi ko alam. Oo nga
Hindi pa nakikita ni James noon ang taong ito at hindi rin niya narinig ang pangalan niya kahit kailan.Ngunit, mukhang matagal na siyang kilala ng taong nagngangalang Tyrus.Tinignan ni James ng mabuti ang taong ito habang singkit ang mga mata niya.Napakalakas ng taong ito at kapantay siya pagdating sa cultivation base.Nakarating na siya sa rurok ng ika-limang hakbang ng Skyward Stairway at malapit na maabot ang ika-anim. Ang akala niya siya na ang pinakamalakas sa buong mundo, pero bigla nagpakita ang taong ito, at ipinakita kung gaano siya kalakas.Puno nga talaga ang mundo na ito ng mga tagong mga master.Patunay ito na sa tuwing lalakas ang isang tao, may makikilala siyang mga kapantay niya na mga tao.“Sino ka ba talaga, Tyrus?” tanong ni James.Ngunit, hindi sinagot ni Tyrus ang tanong na ito. Tinitigan lang niya si James, habang bigla sa lakas na taglay niya.Masasabing binantayan niya ng husto ang paglaki ni James.Simula ng makuha si James sa Southern Plains bilang sundalo,
Walang masabi si James para kontrahin ang argumento niya.Hindi dahil sa kulang ang kaalaman niya sa martial arts, kung hindi dahil sa masyadong malakas ang kalaban niya.Anong klaseng martial arts ang ginagamit niya?Hindi pa niya nakikita o naririnig ang tungkol dito kahit kailan.“Anong… Anong klaseng martial art technique iyan?” nakatitig si James kay Tyrus.“Hindi ito advanced martial art technique. Pinitik ko lang ang daliri ko. Magagawa mo lang ito kapag naintindihan mo na ng husto ang martial arts. Ang True Energy mo ang pinagmumulan ng lakas mo, at para masulit ang lakas ng True Energy mo, kailangan mo maintindihan ng husto ang martial arts,” paliwanag ni Tyrus.Ang dating niya ay tila nagyayabang lang ng lakas pero parang aral din ito kay James.Nagsalita siya ng simple at literal para maintindihan agad.Ngunit, mahirap ito intindihin mula sa mata ng isang martial artist.“Magkikita tayo muli.”Nilisan ni Tyrus ang kinatatayuan niya at nagsimula na lumayo.“Tanggapin mo ito!!
Noong nabubuhay pa siya, inabot lang siya ng sampung taon para umabot sa mataas na rank at kalabanin ang mga tao ng Prince of Orchid Mountain. Dahil dito, nagawa niyang makuha ang lakas na pumapangalawa lamang sa Prince of Orchid Mountain.Kahit na nasira na ang cultivation base niya, masasabi pa din na alamat siya sapagkat nagawa niya ang Nine Scriptures of Ordeals.Ang mga martial arts na iniwan niya ay mga first-rate techniques simula pa noong unang panahon.Balak ni James na mag-aral at mag-ensayo.Ngunit, wala siyang oras ngayon para gawin ito.Aabutin siya ng ilang taon, o kaya mga dekada, para maintindihan at mamaster ang bawat isa.Pero hindi ganito katagal ang aabutin ng mga henyo.Ngunit, hindi henyo ang tingin ni James sa sarili niya. Habang abala sa maraming iniisip, nagpatuloy siya sa pagpunta sa Mount Thunder Pass.Naupo si James ng lotus position at naghintay.Maghihintay siya hanggang sa magpakita si Thea.Samantala, may lalake na nakaupo ng lotus posistion sa isang si
“Gaano katagal pa bago ang duwelo?”“Isang linggo.”“Sige.”Kumaway si Tobias at sinabi, “Mauna ka na bumalik. Pupunta ako ng Mount Thunder Pass at kakalabanin siya. Sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ko na mapapatay ko siya.”“Oo nga pala, narefine mo na ba ang ikalawang core ng Spirit Turtle?”“Hindi pa. Balak ko itabi ang ikalawa kapag nakaabot na ako ng mas mataas na realm.”Malagim na nagsalita si Sky, “Tobias, binabalaan kita na huwag mo maliitin si Thea. Kahit na umabot ka na sa ikatlong baitang ng Skyward Stairway at naabot na ang rurok nito, posible na wala ka pa din laban sa kanya. Kung ako sa iyo at may isang linggo na lang ako bago ang duwelo, lilibutin ko ang Sol at hihigupin ang True Energy ng iba’t ibang mga martial artist at mabilis na palalakasin ang sarili ko hanggang sa kaya ko. Sapat na ang isang linggo para maabot mo ang ika-limang baitang.”“Ikaw na ang magiging pinakamalakas na martial artist kapag naabot mo ang ika-limang baitang ng Skyward Stairway.”“Kapag dum
Sol, ang Western Border.Mount Littleroot, sa headquarters ng Blithe family.Ang Blithe family ay kilala sa pagiging malakas simula pa ng unang panahon at marami na silang napatunayan.Pero natigil din ang mga panahon na tinitingala sila ng lahat.Sa nakalipas na daang mga taon, hindi pa umaangat muli ang Blithe family.Kailan lang, nagimbita sila ng maraming mga martial artist para ipakita na malakas ang impact ng pagbabalik nila sa ancient martial world. Mataas ang mga pangarap nila para sa kanilang pagbabalik para maging pinakamagaling sa buong ancient martial world.Ngunit, nasira ang mga plano nila dahil kay James.Si Winston mismo ang kumilos laban sa kanya.Matanda na siya at walang napala ng sumali siya sa laban. Ang True Energy niya ay humina ng unti-unti matapos niya ipamalas ang lakas niya simula noon.Malapit na siyang mamatay.Sa mga oras na ito, nakaupo ng lotus position si Winston sa sahig sa kanyang closed-door meditation sanctuary sa tabi ng Mount Littleroot.Nakasuot
"Sa lalim ng isang kweba sa ilalim ng lupa sa Mount Littleroot, mayroong isang mapa na naiwan ng ating ninuno. Naglalaman ito ng layout ng mga booby traps sa loob ng King Quavon's Mausoleum.“Dati, ang ating mga ninuno ay may kamay din sa pagtatayo ng Mausoleum ni King Quavon. Sa kasamaang palad, ang ating ninuno ay nauwing nalibing sa loob nito. Ngunit, alam niya ang kanyang kapalaran at lihim na ipinadala ang layout ng mausoleum matapos itong matagumpay na maitayo.“Kung ang ating ninuno ay nagsasabi ng totoo, ang Primordial Sword at First Sword Art manual ay nakabaon sa loob ng King Quavon's Mausoleum.“Ito ang pinakamalaking lihim ng aming pamilya, at isang miyembro lamang ng pamilya sa bawat henerasyon ang makakaalam ng impormasyong ito.“Malapit nang matapos ang oras ko sa mundo, kaya gusto kong ipasa ito sa iyo. Kung may pagkakataon ka, dapat kang pumunta sa underground cavern sa Mount Littleroot at hanapin ang floor plan ng King Quavon's Mausoleum na iniwan ng ating ninuno.