Nais niyang maging pinakamalakas sa buong mundo.“Argh!!! Bakit?!”Sumigaw sa galit si James.Malubha na ang mga sugat niya.Dahil sa kasuklam-suklam na rebelasyong ito, mabilis na naglaho ang buhay sa kanyang katawan.Naramdaman ni Thomas na may mali at agad niyang inudyukan si James, “James, hindi ka maaaring sumuko. Hindi ka dapat mamatay dito.“Marami ka pang kailangang gawin.“Maraming bagay ka pang kailangang ayusin!“Kung patay ka na, wala nang lalaban kay Thea.“Alam mo ba kung ano pa ang sinanay ni Thea maliban sa Demonic Sword Art?“Nagsanay din siya ng Demonic Breath at nagcultivate siya ng True Demonic Energy. Higit pa dito, nagsanay din siya ng Murderous Energy na kayang sirain ang Invincible Body Siddhi.”Pagkatapos niyang malaman ang pagkatao ni Thea, nagtaka si Thomas kung bakit pabago-bago ang lakas ng Demonic Sword Art ni Thea.Kaya naman, inimbestigahan niya kung saan nagpunta si Thea.Nadiskubre niya na bumisita si Thea sa Medical Valley bago siya pumun
Lumakas ng husto ang enerhiya ni James.Kapag hinigop palabas sa katawan ng isang tao ang True Energy na pinaghirapan niyang icultivate, hindi lahat ito ay mahihigop at may kaunting bakas ito na maiiwan.Hinigop ni Tobias ang True Energy ni James.Subalit, mayroon pa ring kaunting bakas ng True Energy na natira sa kanyang laman at mga buto.Ang natitirang mga bakas ng True Energy na ito ay pwersahang pinalabas sa katawan ni James.Agad na nagtipon ang siyam na magkakaibang True Energy at bumuo ito ng isang pambihirang pwersa.Mabilis na nagpatuloy sa paglakas ang kanyang enerhiya.“Gamitin mo ang sarili mo bilang medium, gamitin mo ang mundo bilang haligi, tibay at lakas ang susi…”Lalong lumalim ang pag-unawa ni James sa Nine Scriptures of Ordeals.Noong sandaling iyon, nabuksan ang lahat ng mga pore sa kanyang buong katawan at dumaloy papasok sa kanyang katawan ang enerhiya mula sa kalangitan at sa lupa, at naging True Energy niya ito.Palakas ng palakas ang siyam na True E
”Lolo, ano bang binabalak mong gawin?”Hindi ito maintindihan ni James.Hindi niya mahulaan kung ano bang gustong mangyari ni Thomas.Noon pa man ay malihim na si Thomas.Maraming bagay siyang hindi pinaalam kay James.Nasaan ba talaga ang kanyang pamilya?Bakit hindi sila nagpakita sa paglipas ng mahabang panahon?“Mag-usap tayo habang nakaupo.”Kinumpas ni Thomas ang kanyang kamay, at agad na nahawi ang alikabok na bumabalot sa isang malaking bato sa lupa.Umupo siya, naglabas ng isang sigarilyo, at sinindihan niya ito. Pagkatapos, hinagis niya ito papunta kay James.Sinalo ito ni James at umupo siya sa harap ni Thomas.Nagsindi ng isa pang sigarilyo si Thomas at sinabing, “Ginagawa ko ang lahat ng ito upang maging masagana ang pamilya natin habambuhay.”Tumingin si James kay Thomas habang naghihintay siya ng paliwanag.Nagpatuloy si Thomas. “Apo, narinig mo na ba ang tungkol sa mga dragon?”Bahagyang tumango si James at sinabing, “Oo. Hindi ba ang dragon ang tagapagban
Umalis si Thomas.Nakatulala si James sa direksyon kung saan umalis si Thomas.Lalong nagging mahirap para sa kanya na alamin ang intensyon ng kanyang lolo.Kakaiba ang mga kinikilos niya nitong mga nakaraan.“Haah.”Paglipas ng ilang oras, bumuntong-hininga si James.Wala siyang lakas upang asikasuhin ang mga bagay na may kinalaman kay Thomas.Marami pa siyang bagay na kailangang tapusin sa kanyang listahan.Ang una niyang kailangang gawin ay ang hanapin si Thea sa lalong madaling panahon.Dinukot siya ni Thomas at nag-iwan si Thomas ng kasuklam-suklam na eksena upang pilitin si Thea na pakawalan ang kapangyarihan ng dugo ng Spirit Turtle sa kanyang katawan.Alam niya na sa oras na nakita ni Thea ang nangyari, siguradong magagalit si Thea at magwawala.Kalahating buwan na ang lumipas, kaya hindi siya sigurado kung ano ang nangyari kay Thea.Kailangan niya siyang mahanap agad.“Gaano kalakas na ba ako?”Hindi pa umalis si James.Sa nakalipas na kalahating buwan, patuloy
Narating ni James ang unang baitang ng Skyward Stairway ng walang kahirap-hirap.Subalit, nagsimula siyang mahirapan nung nakarating siya sa ikaapat na baitang.Pakiramdam niya ay isang bundok ang nakatali sa kanyang mga binti.“Kilos!!!” Sigaw ni James bilang pagsalungat.Bigla niyang tinaas ang kanyang binti at nipagpasan ang ikaapat na baitang.Matapos makarating sa Fourth Stair, pinagpapawisan na siya ng husto.Basang basa ng pawis ag buong katawan niya pati ang suot niyang damit. Matapos makarating sa ikaapat na baitang, nag-ingat na siya. Inayos niya ang kanyang sarili at hinayaan ang kanyang True Energy na dumaloy sa buong katawan niya para labanan ng pwersa na dala ng ikaapat na baitang. Habang inaakyat ni James ang Skyward Stairway, ang sinumang mapadaan sa kanya ay iipin lang na nakaupo lang siya ng pa-lotus posisyon sa lapag na parang isang estatwa. Ang Skyward Stairway ay isang imahinasyon at hindi talaga totoo. Ang pag-akyat sa Skyward Stairway ay nangyayar
Makalipas ang isang araw…Isang lalaki ang dahan-dahan na naglakad palabas ng Capital Airport. Nakasuot siya ng ordinaryo at simpleng damit, at mukha lang siyang isang tipikal na magsasaka. Ang itsura ng lalaki ay talagang iba mula sa mga tao sa kanyang paligid. Ng lalaking ito ay si James. Kaagad nagtungo si James sa Capital matapos ma-master ang True Nine Ordeals Energy.Kalahating buwan na ang nakalipas simula nung laban sa Malgudi.Kahit na nagkita sila ng kanyang lolo, si Thomas ay hindi nabanggit ang kahit na ano tungkol sa kinalabasan sa Malgudi. Matapos niyang mawalan ng malay, wala siyang alam kung ano ang nangyari sa lugar na iyon habang wala siya. Wala siyang alam tungkol sa kasalukuyang sitwasyon sa Capital. Dahil sa aligaaga siya, nagmadali siyang bumalik nbg Capital ng hindi nag-aksaya ng oras matapos maibalik ang kanyang lakas. Nagtawag siya ng taksi sa labas ng paliparan.“Sa may Sun Dragon District.”Tiningnan ng driver si James ng isang beses at nap
“Sinayang mo ang oras ko, p*ta ka. Hindi kita hahayaan na makaalis ng hindi muna ako binabayaran ng three hundred dollars.”Naiinip na ang driver.Sa puntong ito, napagod na siya makipagtalo kay James at natukso na pakawalan na hayaan na lang siya.Pero, ang maisip na nasayang ang oras niya dahil kay James at wala siyang mapapala ang gumalit sa kanya.Kaya, napagdesisyunan niya na turuan ng leksyon si James.Inilabas niya ang phone niya at may tinawagan.Matapos ang ilang minuto, dose-dosenang mga taxi ang dumating at pinalibutan ang sasakyan. Dose-dosenang mga tao ang lumabas sa mga sasakyan nila.“Hoy, pare. Bibigyan kita ng huling pagkakataon. Ibigay mo na ang p*tang inang pera ko, kung hindi…”Hindi sineryoso ni James ang pananakot ng driver.Tinignan niya ang orasan. Parating na si Henry.At tulad ng inaasahan niya, sa puntong ito, palapit na sa kanila ang mga sasakyan ng militar sa hindi kalayuan.Dumating sila sa entrance. Isang lalake na nakasuot ng Red Flame robe na may tatlon
Dumating si James sa gate ng mansion ng mga Caden.Nakita ng mga guwardiya ang palapit na mga sasakyan ng militar at agad na lumapit sa kanila.Habang naglalakad sila palapit, nakababa na si James.“J-James…”Kinakabahan siyang kinausap ng guwardiya.Nawala ang pagiging kalmado ng mga guwardiya sa harap ni James.Nagtanong si James, “Nandito ba si Maxine?”“O-Oo, nandito siya…”Bago pa matapos magsalita ang mga guwardiya, pumasok na agad si James sa mansion ng mga Caden.Sa oras na ito, kausap ni Maxine si Zaiden, pinuno ng mga Sullivan, sa living room.“Mr. Sullivan, naipaliwanag ko na ito. Pag-isipan mo ng mabuti.”Pagkasabi ni Maxine dito, pumasok si James sa living room.Nagulat si Maxine at agad na napatayo ng makita niya bigla si James, “J-James.”Sinulyapan ni James si Zaiden, na nakaupo sa sofa at malamig na sinabi. “Wala itong kinalaman sa iyo. Maaari ka ng umalis sa ngayon.”Tahimik na tinignan ni Zaiden si James. Pagkatapos, tumayo at umalis na siya.“J-James. Nakabalik ka n