Inikot ni James ang kanyang wheelchair.Sa mga sandaling iyon, siya ay nasa gitna ng nayon, sa loob ng isang nakabukod na manor. Ang manor na ito ay binuo gamit ng mga ladrilyo. Isa itong isang palapag na bahay.Mula sa bakuran, nakita niya ang usok na lumalabas mula sa kusina. Sa may bintana, nakikita niya si Thea. abal ito sa kusina. Nung nakita niya ito, hindi naging komportable si James. Talagang hindi komportable. Hindi niya ito gusto.‘Ahh…!’Malakas na sumigaw si James sa loob ng kanyang puso, pero hindi siya nangahas na pakawalan ito. Natatakot siya na kapag sumigaw talaga siya, mataranta si Thea. ‘Hindi ako pwedeng maging ganito. Hindi ko pwedeng gugulin ang natitirang bahagi ng buhay ng nakaupo sa isang wheelchair.’Biglang napuno ng matinding determinasyon ang puso ni James. ‘Kailangan kong gumaling.‘Wala nang iba pang pagpipilian kung hindi ang gumaling.’Dahil sa kasalukuyan niyang kondisyon, alam niya na kahit gusto niyang magretiro ng payapa ngayon, ang
Lumapit si Thea kay James at hinalikan niya siya sa noo. Hinawakan niya ang kanyang mukha at nakangiting sinabi na, “Magpahinga kang maigi, Mahal. Babalik ako mamayang madaling araw kung magiging maayos ang lahat.”Nakaramdam ng iba’t ibang emosyon si James habang hawak ni Thea ang kanyang mukha.Naalala niya ang pag-aalaga niya kay Thea noong muli silang magkita isang taon na ang nakakaraan.Sa di inaasahan, si Thea naman ngayon ang nag-aalaga sa kanya.Pinikit niya ang kanyang mga mata at nanatili siyang tahimik.Samantala, umalis si Thea.Dinampot niya ang hoe sa labas at naglakad siya palabas ng nayon.Hindi makakilos si James, kaya nanatili siya sa kasama habang nakatulala siya sa kisame.Mabagal na lumipas ang oras.Paglipas ng ilang oras, unti-unting nakatulog si James.Biglang may sumulpot na tao sa kanyang kwarto.Mukhang nasa kwarenta na ang lalaki. Maikli ang kanyang buhok at nakasuot siya ng maluwag na kulay puting damit.Tumayo siya sa tabi ng kama at mayroong
Tahimik na nakahiga si James sa isang kama sa isang bahay sa Sol.Sinara na ni Thomas ang kanyang mga acupoint upang hindi siya magising hangga’t hindi muling nabubuksan ang kanyang mga acupoint.Umupo si Thomas sa tabi ng kama at tumingin siya kay James, na payapang natutulog.Tumingin siya kay James ng may pag-aalinlangan.Mula noong umalis si James sa Southern Plains noong nakaraang taon at nagtungo siya sa Cansington, hindi niya inalis ang mga mata niya kay James. Kapag hindi niya kayang personal na bantayan si James, may inuutusan siyang ibang tao upang bantayan si James para sa kanya.Kaya naman, alam niya kung saan nagpunta si James sa kabuuan ng nakaraang taon.Ito ang dahilan kung paano niya nalaman na nagpunta si James sa Polaris Sect.Sa nakalipas na ilang dekada, naglakbay si Thomas sa iba’t ibang lupalop ng mundo.Basta’t kilala ang isang sect, binisita niya ang halos lahat ng mga ito at lihim niyang pinag-aralan ang kanilang mga signature martial art technique.
"Maganda 'yun."Puno ng tuwa at pasasalamat ang mukha ni James. Nais niyang manumbalik ang kanyang lakas. Malawak ang saklaw ng Nine Scriptures of Ordeals at lubhabng napaka komplikado ito. Mahihirapan siyang unawain ito ng bup sa loob ng maikling panahon.Nilalaman ng Nine Scriptures of Ordeals ang pinakamalakas na mga martial art technique sa buong mundo.Pumuslit si Thomas papasok sa Polaris Sect sampung taon na ang nakakaraan.Sa nakalipas na mga taon, marami siyang natutunan na mga martial art technique na nagmula sa iba’t ibang sulok ng mundo.Ginawa niya ito upang pag-aralan ang tungkol sa iba't ibang uri ng mga martial arts na makikita sa iba't ibang lupalop ng mundo at para magamit niya ang kaalaman na ito upang makagawa ng isang napakalakas na martial art technique. Kahit na hindi niya magamit ang Nine Scriptures of Ordeals, naunawaan na ni Thomas ang mga teorya sa likod nito. Detalyado niyang binahagi kay James ang mga kaalaman niya tungkol sa Nine Scriptures of
Nakatayo si Thomas sa tabi ng kama, habang nakatingin siya kay James, na namimilipit sa sakit. Noong sandaling iyon, naging seryoso ang kanyang ekspresyon. Binantayan niyang maigi si James upang agad niya siyang mailigtas sa kapahamakan kung sakaling may mangyaring hindi maganda. Gamit ang kahusayan niya sa medisina, magagawa pa niyang iligtas si James kapag kumilos siya agad. Subalit, malulumpo si James dahil dito kahit na mailigtas pa siya ni Thomas. Hindi dapat ganito ang tadhana ni James. Napaisip ng malalim si Thomas. "Oo nga pala, kailangan pa niya ng kaunting tulong para maitulak siya sa sukdulan."Biglang may naalala si Thomas. Ginawa ng founder ng Polaris Sect ang Nine Scriptures of Ordeals ng dahil sa desperasyon. Bukod sa desperasyon, mayroon siyang pangarap. Nais niyang maging pinakamahusay na martial artist sa mundo. Pangarap niya na talunin ang Prince of Orchid Mountain, na tumalo sa kanya at sumira sa kanyang cultivation base.May isa pang kailangan
Nais niyang maging pinakamalakas sa buong mundo.“Argh!!! Bakit?!”Sumigaw sa galit si James.Malubha na ang mga sugat niya.Dahil sa kasuklam-suklam na rebelasyong ito, mabilis na naglaho ang buhay sa kanyang katawan.Naramdaman ni Thomas na may mali at agad niyang inudyukan si James, “James, hindi ka maaaring sumuko. Hindi ka dapat mamatay dito.“Marami ka pang kailangang gawin.“Maraming bagay ka pang kailangang ayusin!“Kung patay ka na, wala nang lalaban kay Thea.“Alam mo ba kung ano pa ang sinanay ni Thea maliban sa Demonic Sword Art?“Nagsanay din siya ng Demonic Breath at nagcultivate siya ng True Demonic Energy. Higit pa dito, nagsanay din siya ng Murderous Energy na kayang sirain ang Invincible Body Siddhi.”Pagkatapos niyang malaman ang pagkatao ni Thea, nagtaka si Thomas kung bakit pabago-bago ang lakas ng Demonic Sword Art ni Thea.Kaya naman, inimbestigahan niya kung saan nagpunta si Thea.Nadiskubre niya na bumisita si Thea sa Medical Valley bago siya pumun
Lumakas ng husto ang enerhiya ni James.Kapag hinigop palabas sa katawan ng isang tao ang True Energy na pinaghirapan niyang icultivate, hindi lahat ito ay mahihigop at may kaunting bakas ito na maiiwan.Hinigop ni Tobias ang True Energy ni James.Subalit, mayroon pa ring kaunting bakas ng True Energy na natira sa kanyang laman at mga buto.Ang natitirang mga bakas ng True Energy na ito ay pwersahang pinalabas sa katawan ni James.Agad na nagtipon ang siyam na magkakaibang True Energy at bumuo ito ng isang pambihirang pwersa.Mabilis na nagpatuloy sa paglakas ang kanyang enerhiya.“Gamitin mo ang sarili mo bilang medium, gamitin mo ang mundo bilang haligi, tibay at lakas ang susi…”Lalong lumalim ang pag-unawa ni James sa Nine Scriptures of Ordeals.Noong sandaling iyon, nabuksan ang lahat ng mga pore sa kanyang buong katawan at dumaloy papasok sa kanyang katawan ang enerhiya mula sa kalangitan at sa lupa, at naging True Energy niya ito.Palakas ng palakas ang siyam na True E
”Lolo, ano bang binabalak mong gawin?”Hindi ito maintindihan ni James.Hindi niya mahulaan kung ano bang gustong mangyari ni Thomas.Noon pa man ay malihim na si Thomas.Maraming bagay siyang hindi pinaalam kay James.Nasaan ba talaga ang kanyang pamilya?Bakit hindi sila nagpakita sa paglipas ng mahabang panahon?“Mag-usap tayo habang nakaupo.”Kinumpas ni Thomas ang kanyang kamay, at agad na nahawi ang alikabok na bumabalot sa isang malaking bato sa lupa.Umupo siya, naglabas ng isang sigarilyo, at sinindihan niya ito. Pagkatapos, hinagis niya ito papunta kay James.Sinalo ito ni James at umupo siya sa harap ni Thomas.Nagsindi ng isa pang sigarilyo si Thomas at sinabing, “Ginagawa ko ang lahat ng ito upang maging masagana ang pamilya natin habambuhay.”Tumingin si James kay Thomas habang naghihintay siya ng paliwanag.Nagpatuloy si Thomas. “Apo, narinig mo na ba ang tungkol sa mga dragon?”Bahagyang tumango si James at sinabing, “Oo. Hindi ba ang dragon ang tagapagban