”Ezekiel, anong sinisigaw mo?”Nang makaalis si Thea, nilingon ni Lucjan si Thomas, na nagpapanggap na Ezekiel, at tinanong ito, “Ano ang ibig mong sabihin dun? Bakit umalis ang Sect Leader ng Celestial Sect nung binanggit mo si James?”Nagkibit-balikat si Thomas at sinasabi, “Ang hula ko ay ang pinuno ng Celestial Sect ay si Thomas, pero hindi ko inaasahan na totoo ito.”“Talaga ba?”Hindi makapaniwala si Lucjan.“Isa lang itong espekulasyon, kung kaya ko ito sinubukan,” sabi ni Thomas. “Isipin mo muna sandali: Bukod kay Thomas, sino pa ba sa mundong ito ang may ganitong lakas?”Hindi pinagdudahan ni Lucjan ang sinabi ni Thomas, dahil may katwiran naman ito.Ang taong makikinabang ng husto mula sa Spirit Turtle ay si Thomas. Ang kanyang lakas ay walang kapantay sa mundo.Sa ngayon, gustong patayin ni Lucjan si Tobias. Sugatan si Tobias at nawalan pa ng isang braso. Naisip niya siguradong patay na ito.Subalit, ang Sect Leader ng Celestial Sect ay hindi inaasahan na umalis s
Nagising si James. Habang unti-unti niyang minumulat ang kanyang mga mata, nahanap niya ang kanyang sarili na nakatingin sa puting kisame."Ako—Nasaan ako?"Nung sinubukan niyang magsalita ay mahina lang ang boses na lumabas. Gusto niya sanang bumangon, pero nung gumalaw siya, isang matinding sakit ang kumalat sa buong katawan niya."Ah…" napasigaw siya sa sakit.Si Thea, na natutulog, ay kaagad na nagising at hinawakan ang kamay ni James "Mahal, nandito ako. Nandito ako. Ayos lang lahat. Huwag kang matakot."Huminahon si James nang marinig ang boses ni Thea. Ginalaw niya ang kanyang ulo para tingnan si Thea, na nakaupo sa tabi niya, at nanghihinang tinanong, "Thea, ikaw… bakit ka nandito? Ah, at ano, nasaan ako?"Labis na naguguluhan si James ngayon. Hindi niya masyadong maalala ang nangyari. Pinikit niya ang kanyang mga mata at sinubukan na alalahanin ang mga nangyari.At saka doon niya naalala ang lahat…Pumunta siya ng Malgudi.Nadakip siya doon, at di kalaunan ay hini
Si James ang tagapagligtas ng nga Callahan.Sa panahon na ito, ang Callahan family ay umaasenso sa Cansington sa pamamagitan ng pananamantala sa katayuan ni James.Sa ngayon, walang sinuman sa Cansington ang may lakas ng loob na kalabanin ang mga Callahan. Kahit ang mga pinakamakapangyarihan na mga pamilya ay obligadong pakisamahan sila.Sa loob lamang ng ilang buwan, ang kinikita ng negosyo ng Callahan family ay sampung ulit na ang laki. Ngayon ay malapit nang isapubliko ang kumpanya ng Callahan family.Kapag naisapubliko na ito, ang Eternality ay kikita ng malaki. Ito ang dahilan kung bakit may malaking ngiti sa mukha si David nung nakita niyang nagising na si James.Lumapit siya sa kanila."Sa wakas ay gising ka na, James. Mabuti naman.""Kailangan ni James ng pahinga. Pwede ka nang bumalik kung tapos ka na." Gusto ni Thea na umalis na siya. "Sige, sige." Ng walang pagpapanggap, umikot si David at naglakad paalis.Pagkatapos niyang umalis, saka nagtanong si Thea, "Mahal, k
Ang loob ng bahay ay mukhang bago pa. Ang lahat, pati na ang mga muwebles, ay pinalitan.“Mahal, ano ang gusto mong kainin? Pagluluto kita.”“Ayos lang kahit na ano.”Walang ganang kumain si James. Matagal na niyang kahilingan ang magretiro at mamuhay ng malayo sa kabihasnan.Ngayon ay retirado na siya at namumuhay ng malayo sa kabihasnan, ngunit nanghihinayang siya.Ayaw ni James na gugulin ang natitirang sandali ng kanyang buhay ng nagsisisi dito, sa isang lugar na walang nakakaalam. Subalit, wala siyang magawa sa ngayon. Si Thea, sa kabilang banda naman, ay pumunta ng kusina pagkatapos niyang magsalita. Tahimik lang na nakaupo si James sa kanyang wheelchair, hindi makagalaw gustuhin man niya. Dahil sa naparoon si tobias para pumatay, nung inatake niya si James gamit ng kanyang nakakatakot na True Energy, kaagad niyang inatake at pinaralisa ang mga binti ni James. Dinala si James sa ospital at pagkatapos na suriin doon, nalaman nila na ang kanyang mga braso’t binti ay
Inikot ni James ang kanyang wheelchair.Sa mga sandaling iyon, siya ay nasa gitna ng nayon, sa loob ng isang nakabukod na manor. Ang manor na ito ay binuo gamit ng mga ladrilyo. Isa itong isang palapag na bahay.Mula sa bakuran, nakita niya ang usok na lumalabas mula sa kusina. Sa may bintana, nakikita niya si Thea. abal ito sa kusina. Nung nakita niya ito, hindi naging komportable si James. Talagang hindi komportable. Hindi niya ito gusto.‘Ahh…!’Malakas na sumigaw si James sa loob ng kanyang puso, pero hindi siya nangahas na pakawalan ito. Natatakot siya na kapag sumigaw talaga siya, mataranta si Thea. ‘Hindi ako pwedeng maging ganito. Hindi ko pwedeng gugulin ang natitirang bahagi ng buhay ng nakaupo sa isang wheelchair.’Biglang napuno ng matinding determinasyon ang puso ni James. ‘Kailangan kong gumaling.‘Wala nang iba pang pagpipilian kung hindi ang gumaling.’Dahil sa kasalukuyan niyang kondisyon, alam niya na kahit gusto niyang magretiro ng payapa ngayon, ang
Lumapit si Thea kay James at hinalikan niya siya sa noo. Hinawakan niya ang kanyang mukha at nakangiting sinabi na, “Magpahinga kang maigi, Mahal. Babalik ako mamayang madaling araw kung magiging maayos ang lahat.”Nakaramdam ng iba’t ibang emosyon si James habang hawak ni Thea ang kanyang mukha.Naalala niya ang pag-aalaga niya kay Thea noong muli silang magkita isang taon na ang nakakaraan.Sa di inaasahan, si Thea naman ngayon ang nag-aalaga sa kanya.Pinikit niya ang kanyang mga mata at nanatili siyang tahimik.Samantala, umalis si Thea.Dinampot niya ang hoe sa labas at naglakad siya palabas ng nayon.Hindi makakilos si James, kaya nanatili siya sa kasama habang nakatulala siya sa kisame.Mabagal na lumipas ang oras.Paglipas ng ilang oras, unti-unting nakatulog si James.Biglang may sumulpot na tao sa kanyang kwarto.Mukhang nasa kwarenta na ang lalaki. Maikli ang kanyang buhok at nakasuot siya ng maluwag na kulay puting damit.Tumayo siya sa tabi ng kama at mayroong
Tahimik na nakahiga si James sa isang kama sa isang bahay sa Sol.Sinara na ni Thomas ang kanyang mga acupoint upang hindi siya magising hangga’t hindi muling nabubuksan ang kanyang mga acupoint.Umupo si Thomas sa tabi ng kama at tumingin siya kay James, na payapang natutulog.Tumingin siya kay James ng may pag-aalinlangan.Mula noong umalis si James sa Southern Plains noong nakaraang taon at nagtungo siya sa Cansington, hindi niya inalis ang mga mata niya kay James. Kapag hindi niya kayang personal na bantayan si James, may inuutusan siyang ibang tao upang bantayan si James para sa kanya.Kaya naman, alam niya kung saan nagpunta si James sa kabuuan ng nakaraang taon.Ito ang dahilan kung paano niya nalaman na nagpunta si James sa Polaris Sect.Sa nakalipas na ilang dekada, naglakbay si Thomas sa iba’t ibang lupalop ng mundo.Basta’t kilala ang isang sect, binisita niya ang halos lahat ng mga ito at lihim niyang pinag-aralan ang kanilang mga signature martial art technique.
"Maganda 'yun."Puno ng tuwa at pasasalamat ang mukha ni James. Nais niyang manumbalik ang kanyang lakas. Malawak ang saklaw ng Nine Scriptures of Ordeals at lubhabng napaka komplikado ito. Mahihirapan siyang unawain ito ng bup sa loob ng maikling panahon.Nilalaman ng Nine Scriptures of Ordeals ang pinakamalakas na mga martial art technique sa buong mundo.Pumuslit si Thomas papasok sa Polaris Sect sampung taon na ang nakakaraan.Sa nakalipas na mga taon, marami siyang natutunan na mga martial art technique na nagmula sa iba’t ibang sulok ng mundo.Ginawa niya ito upang pag-aralan ang tungkol sa iba't ibang uri ng mga martial arts na makikita sa iba't ibang lupalop ng mundo at para magamit niya ang kaalaman na ito upang makagawa ng isang napakalakas na martial art technique. Kahit na hindi niya magamit ang Nine Scriptures of Ordeals, naunawaan na ni Thomas ang mga teorya sa likod nito. Detalyado niyang binahagi kay James ang mga kaalaman niya tungkol sa Nine Scriptures of