Kwinento sa kanila ni Thomas ang ilang sikretong matagal na niyang alam. Bago niya patayin ang Spirit Turtle, narinig na niya ang tungkol sa mga dragon. Gayunpaman, hindi niya alam kung buhay pa rin ang dragon. May isang tao na makakakumpirma sa sa sinabi niya—ang First Blood Emperor ng Blood Race. Habang nakatingin sa First Blood Emperor, nagtanong siya, "Tama ba ako, Blood Emperor?" Mahinahong tumango ang First Blood Emperor. "Oo, tama ka. Gayunpaman, isa ito sa top secrets ng Blood Race. Ang Patriarch lang ang nakakaalam nito. Paano mo nagawang makuha ang impormasyong ito?" Nagtatakang tumingin ang First Blood Emperor kay Thomas na nagpapanggap bilang Ezekiel. Paanong nalaman ni Thomas ang top-secret na impormasyon tungkol sa Blood Race? Ngumiti si Thomas at nagsabing, "Natural ay may mga paraan ako. At saka alam ko rin ang ilang sikreto tungkol sa mga dragon." Nang marinig ito, nagkainteres din si Lucjan. "Anong klaseng sikreto?" "Imortalidad," binulong ni Thom
Mas tamang sabihing nagawa niya lang umiyak nang mahina sa halip na sabihing sinubukan nila ang lahat. Pagkatapos ng ilang minuto, initsa ni Tobias ang martial artist sa lapag. Buhay pa ang martial artist, ngunit mabilis siyang tumatanda. Sa loob lang ng ilang minuto, namuti ang buhok niya. Mukha siya noong nasa limampung taong gulang, ngunit ngayon, mukha na siyang nasa pitompu o walompung taong gulang. Maraming tao ang natulala nang nasaksihan nila ang eksena. Sa kabilang banda, may nakakatakot na ngisi si Tobias sa mukha niya. Mabilis siyang lumalakas. Nakakasabik at nakakamangha ang pakiramdam ng paglakas niya. Napansin ni Tobias si James na nakahiga sa lapag sa katabing selda. “James…”Dumilim ang ekspresyon niya. Hindi nagtagal ay lumabas siya ng selda at nilapitan si James. "Tobias, anong binabalak mong gawin?" seryosong sabi ni Bennett na nakaupo sa lapag. "Tatapusin kita pagkatapos kong higupin ang lakas ni James," walang pakialam na sabi ni Tobias haba
Isa-isa silang inatake ni Tobias at hinigop ang lahat ng lakas ng mga martial artist sa dungeon. Gayunpaman, pagkatapos kunin ang higit sa sampu sa kanila, kumapal ang True Energy niya. Pakiramdam niya ay punong-puno ang buong katawan niya. Isang bugso ng malakas na True Energy ang nagwawala sa loob ng katawan niya. Pakiramdam niya ay para itong sasabog. "Hindi. Isa tong natatanging pagkakataon. Hindi ko to pwedeng palampasin." Hindi gustong pakawalan ni Tobias ang magandang oportunidad na ito. Sinimulan niyang pigilan ang True Energy na hinigop niya. Habang sa'kin na nangunguha ng True Energy si Tobias, dumating si Thea. Nakasunod siya sa likuran niya. Gayunpaman, hindi nagmadaling nagpakita si Thea. Alam niyang may maraming patibong at surveillance cameras sa loob. Natagalan siya para lang malampasan Thousand-Machinery Formation nang tahimik. Pagkatapos pumasok sa underground palace, nagsimula siyang maghanap nang mabagal at maingat, at sa huli ay nahanap niya rin a
Ang malakas na enerhiya na ito ay nakaapekto sa dungeon.Ang ilan sa mga bakal na rehas sa loob ng dungeon ay kaagad na sumabog at nagpira-piraso.Biglang tumayo si Thea. nakasuot siya ng maskara. Nakatago ang kanyang mukha, pero may makikita na isang pares ng namumulang mga mata sa mga ito.Nakaramdam si Tobias ng isang nakakatakot na aura.Kaagad niyang tinigil ang paghigop ng True Energy ng martial artist, binato sa tabi ang hawak niya, at lumingon para umalis.Hinabol siya ni Thea ng habang hawak ang Malevolent Sword.Tumakbo si Lucjan nung narinig niya na tumunog ang alar,. Hindi pa man siya nakakarating sa pasukan ng dungeon nung may sumalisi sa kanya.“Tobias, huwag kang gagalaw!” Malakas na sigaw ni Lucjan at tumalon sa ere, saka sumuntok gamit ng kanyang palad.Sinalubong ni Tobias ang palad ni Lucjan gamit ng kanyang palad habang pasugod siya.Boom!Dalawang malakas na enerhiya ang nagsalpukan sa isa’t isa. Tumalsik paatras si Lucjan. Si Tobias, sa kabilang banda,
Ang kakayahan ni Thea na mag-isip ay wala na sa puntong ito.Patuloy niyang naiisip si James na nakahandusay ng duguan, paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang eksena.“Hinigop ang lakas niya…”“Inatake din niya si James at sinugatan ito…”Ang mga salitang ito ay patuloy na umalingawngaw sa kanyang isipan, na gumalit sa kanya. Tuluyan na siyang nilamon ng kanyang galit.“Mamatay ka na.”Isang bagay lang ang nasa kanyang isipan: ipaghiganti si James sa pamamagitan ng pagpatay sa taong nasa harapan niya.Ginamit niya ng husto ang kanyang bilis. Tanging anino na lamang ang makikita sa kanya habang tumatakbo siya, at lumitaw sa uluhan ni Tobias. Gamit ang Malevolent Sword na hawak niya, inatake niya ito.Napasigaw sa takot si Tobias. Kaagad niyang binunot ang longsword mula sa kaluban sa kanyang likuran.Habang hawak ang longsword, ginawa niya ang Thirteen Heavenly Swords. Isang nakakatakot na Sword Energy ang bumulusok.Boom!Nagbanggaan ang Sword Energy at Sword Lig
Kaagad nagbago ang ekspresyon ni Tobias. Mabilis siyang umilag sa isang iglap. At nung matakasan niya ito, bumagsak naman ang Sword Light.Tumama ito sa lupa.Boom!Sa isang iglap ay napuno ng ulap ng alikabok ang buong paligid.Isang uka na may isang daang metro ang haba ang lumitaw sa lupa.“Ang lakas.“Ang lakas ng pinuno ng Celestial Sect ay mukhang lumalakas pa habang tumatagal.”“Oo nga.”Nung nakita nilang tatlo ang nangyari, nagulantang sila, pati na rin si Thomas.Nagulat si Thomas sa lakas na ipinamalas ni Thea. Ang kanyang ekspresyon ay kalituhan. Nabulong niya sa kanyang sarili, “Anong nangyayari dito? Paano lumakas ng ganito si Thea sa loob ng isang segundo?” Kahit na may karanasan siya at kaalaman, hindi pa rin ito nagawang hulaan ni Thomas. Si Tobias, sa kabilang banda naman, ay hinigop ang lahat ng True Energy ni James, pati na rin ang True Energy mula sa isang dosenang malalakas na martial artists.Ang kanyang katawan ay malapit nang sumabog.Subalit
”Ezekiel, anong sinisigaw mo?”Nang makaalis si Thea, nilingon ni Lucjan si Thomas, na nagpapanggap na Ezekiel, at tinanong ito, “Ano ang ibig mong sabihin dun? Bakit umalis ang Sect Leader ng Celestial Sect nung binanggit mo si James?”Nagkibit-balikat si Thomas at sinasabi, “Ang hula ko ay ang pinuno ng Celestial Sect ay si Thomas, pero hindi ko inaasahan na totoo ito.”“Talaga ba?”Hindi makapaniwala si Lucjan.“Isa lang itong espekulasyon, kung kaya ko ito sinubukan,” sabi ni Thomas. “Isipin mo muna sandali: Bukod kay Thomas, sino pa ba sa mundong ito ang may ganitong lakas?”Hindi pinagdudahan ni Lucjan ang sinabi ni Thomas, dahil may katwiran naman ito.Ang taong makikinabang ng husto mula sa Spirit Turtle ay si Thomas. Ang kanyang lakas ay walang kapantay sa mundo.Sa ngayon, gustong patayin ni Lucjan si Tobias. Sugatan si Tobias at nawalan pa ng isang braso. Naisip niya siguradong patay na ito.Subalit, ang Sect Leader ng Celestial Sect ay hindi inaasahan na umalis s
Nagising si James. Habang unti-unti niyang minumulat ang kanyang mga mata, nahanap niya ang kanyang sarili na nakatingin sa puting kisame."Ako—Nasaan ako?"Nung sinubukan niyang magsalita ay mahina lang ang boses na lumabas. Gusto niya sanang bumangon, pero nung gumalaw siya, isang matinding sakit ang kumalat sa buong katawan niya."Ah…" napasigaw siya sa sakit.Si Thea, na natutulog, ay kaagad na nagising at hinawakan ang kamay ni James "Mahal, nandito ako. Nandito ako. Ayos lang lahat. Huwag kang matakot."Huminahon si James nang marinig ang boses ni Thea. Ginalaw niya ang kanyang ulo para tingnan si Thea, na nakaupo sa tabi niya, at nanghihinang tinanong, "Thea, ikaw… bakit ka nandito? Ah, at ano, nasaan ako?"Labis na naguguluhan si James ngayon. Hindi niya masyadong maalala ang nangyari. Pinikit niya ang kanyang mga mata at sinubukan na alalahanin ang mga nangyari.At saka doon niya naalala ang lahat…Pumunta siya ng Malgudi.Nadakip siya doon, at di kalaunan ay hini