Kabanata 1337
Hindi nagtagal, nakarating na sila sa Red Flame Army military region.

Sa loob ng opisina…

‘Ayon sa imbestigasyon, Mr. Caden dalawang buwan na ang nakalipas, nung umalis kayo ng Capital para sa Mount Thunder Sect, may taong nanggulo sa kanila Delilah at sa kanyang ina. Subalit, si Delilah ay matalino at mukhang napansin ito. Umalis siya kasama ng kanyang ina bago sila nadiskubre,” sabi ni Henry.

Tanong ni James, “Nasaan na sila ngayon?”

“Ayon sa impormasyon na nakalap ng intelligence network ng Red Flame Army, pumunta siya sa Eyrothia at nanatili sa isang maliit na nayon sa isa sa mga bansa ng Eyrothia. Ngunit pagkatapos nun, nahuli siya. Kung sino ang dumakip sa kanya at kung nasaan siya ngayon ay kasalukuyan pa rin iniimbestigahan,” sabi ni Henry.

Seryoso ang ekspresyon ni James nung narinig niya ito. Nag-isip siya ng mga ilang sandali at nagtanong, “May balita na ba sa stepfather ni Quincy, si Xavion?”

“Hindi pa. Naglaho siya matapos magdeklara ng bankruptcy ang kumpanya at
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP