Sa pagsali ni Bennett Caden, Mayroon ng apat na Eight-rank Martial Artists na lumalaban sa Spirit Turtle–Thomas Caden, Simon Cabral, Winston Blithe at si Bennett.Lahat sila ay pumwesto sa apat na sulok at ginamit ang kanilang mga Signature Martial Art Skill. Apat na sinag ng True energy ang tumama sa Spirit Turtle.Ngunit napakatibay ng shell ng Spirit Turtle. Kahit Eight-Rank Martial artists ay walang magawa. Rumble!Malalakas na agos ng True Energy ang tumama sa paligid at ang mga kalapit na bundok ay nabura.Sa baba, marami ang namatay, ang ilang mahihinang Martial Artists ay patay na, at ang ibang medyo malakas na Martial Artists ay sugatan. Lahat ng Martial Artists na mas mababa sa Third Rank ay tumatakbo para iligtas ang kanilang sarili.Pinapanood ni James ang matinding laban sa ere ng nakasimangot.Marami siyang pinagdaanan para puksain ang Gu Sect, pero hindi niya inakala na ang kanyang lolo na si Thomas, ang nasa dulo ng lahat ng ito. Tinipon niya lahat Martial Artis
Lahat sila ay sugatan, habang ang iba naman ay nakalatay sa Stretchers.Tinignan ni James si Jackson Cabral na nasa unahan at tinanong, “Anong nangyari, Sect Leader Cabral?”Sabi ni Jackson habang hindi maipinta ang kanyang muka, “Hindi na tayo makakaalis, mayroong Hukbo na may artilleries, Tanks at Armored cars pati na rin combat aircraft sa labas ng Mount Thunder Sect. Inatake nila kami habang lumilikas, marami ang namatay.”“Hukbo?!” Hiyaw ni James at Maxine.“Oo” Sabi ni Jackson na may seryosong ekspresyon.“Kaninong Hukbo?” Tanong ni James.“Hindi ko alam” pailing na sagot ni Jackson.“Hindi ba halata na plano ito ng King, gusto niyang ubusin lahat ng Martial Artists sa loob ng Mount Thunder Sect.”“Buwisit! Mga ninuno ko ay nakipaglaban kasama ang dating King at nagbigay ng malaking kontribusyon, pero ngayon na ang bansa ay nasa gitna ng katahimikan, gusto niya tayong ubusin dahil natatakot siya sa ating Martial Prowess!”Maraming tao ang nagalit.Napasimangot si James,
Ang pagnanasa ng tao ay walang katapusan, lalo na ang kagustuhang mabuhay ng walang hanggan. Walang sino man ang hindi takot mamatay, Mas matagal kang nabubuhay, mas takot kang mamatay.Kung ang dugo ng Spirit Turtle ay tunay ngang nakapagbibigay ng Imortalidad, magkakaroon ng matinding laban ang kapwa Martial Artists pagkatapos nila itong paslangin.Sino ang matitira sa kanila?Walang ideya si James kung sino, at nagpatuloy siya sa pagmamasid ng laban sa malayo.Sa langit, lahat ng Martial Artists ay ginagawa ang kani-kanilang signature martial art skills. Sunod-sunod na agos ng True Energy ang tumama sa Spirit Turtle.“Roar!”Sa galit, Inihampas ng Spirit Turtle ang buntot nito, Sa lakas ng pwersa ay pinatalsik nito ang tatlong Martial Artists, Sumuka sila ng dugo at humilata sa lupa. Habang pinapanood ang matinding laban, Lumukso ng tibok ang puso ni James.Mukhang walang makakatalo sa Spirit Turtle, Wala pa rin itong kagalos-galos kahit inaatake ito ng napakaraming Marit
Sa sandaling napatakan siya nito, sumigaw sa sakit si Thea. Pagkatapos, bumagsak siya sa lapag at namilipit sa sakit. Tumulo ang mas maraming dugo. Sa isang iglap, nabalot ng dugo si Thea. Nawalan siya ng malay habang nakahiga sa lapag. Habang tumakas ang Spirit Turtle, hinabol ito ng iba. Sa galit, inipon ng Spirit Turtle ang lakas nito at lumingon muli sa mga humahabol dito. Nagpatuloy ang laban nang maraming oras. Napagod ang Spirit Turtle habang nasugatan ang mga martial artist. Nang nakita niyang dumating na ang oras, ginamit ni Thomas ang pinakamalakas niyang atake at pinutol ang ulo ng Spirit Turtle. Sa sandaling iyon, nalaglag ang isang core. Kuminang ang pulang core na kasing laki ng basketball. "Isang core?" Nang nakita nila ang core, nagkagulo ang lahat. Sa sandaling iyon, nakalimutan nila ang pagkuha sa dugo ng pagong. Alam nilang sobra silang mapapalakas ng core. Hindi lang iyon, ito ang core ng thousand-year-old Spirit Turtle. Mas mahalaga
Balot na balot si Thea ng dugo ng Spirit Turtle. Kumukulo ang dugo at nakaramdam siya nang matinding sakit sa buo niyang katawan. Kasabay nito, nalusaw ng dugo ang damit niya at pumasok ito sa katawan niya mula sa balat niya. Nakaramdam siya ng kapangyarihang bumubugso sa katawan niya at dumaloy papunta sa utak niya. Pagkatapos, nawalan siya ng malay. Pagkatapos ng ilang oras, nagkaroon siya ng malay. “Argh…” Sa sandaling nagising siya, napakasakit ng ulo niya. Hindi niya napigilang mapaungol sa sakit. Boom! Sa sandaling iyon, yumanig sa kabundukan ang tunog ng pagsabog at lumindol ang lupa. Kaagad siyang tumayo sa gulat. Pagkatapos, mas marami pang pagsabog ang dumating. Boom! Boom! Boom! Nataranta si Thea. Samantala, kasama ni James si Jackson. Napatay na ang Spirit Turtle at ang core nito ay nagkapirapiraso. Maraming martial artists ang naglalaban para sa core. Binabalak nilang dalawa na pumunta sa labanan para tignan ang sitwasyon nang nangyari ang
Sa isang iglap, lumitaw siya sa harapan ni Thea. Pagkatapos, nang ikinaway niya ang braso niya, isang malakas na enerhiya ang nagpunta sa palad niya na humila kay Thea papunta sa kanya. Hinawakan niya si Thea at nagtanong, "Bakit nandito ka pa, Thea? Akala ko umalis ka na kagabi." “Sir Caden…” Nang nakita ni Thea si Thomas, naluha siya. Nang nakita ni Thomas ang dugo sa buong katawan niya, kumunot ang noo ni Thomas at nagtanong, "May sugat ka ba?" Pagkatapos, hinila niya ang braso ni Thea at pinulsuhan siya. Dumilim ang mukha ni Thomas. "Anong klaseng lakas ito…" Sa sandaling iyon, isang missile ang lumipad papunta sa kanila. "Tara na." Bilang isang eighth-rank martial artist, nararamdaman ni Thomas ang panganib. Hinila niya si Thea sa braso at mabilis silang tumakas. Pagkatapos, umulan ang mga missile sa rehiyon kung nasaan sila kanina. Boom! Kaagad na napatag ang buong rehiyon at kumalat sa ere ang alikabok at bato. Daan-daang combat aircraft ang umiko
Nakatakas sina James at Jackson sa Mount Thunder Sect. May militar na nakabantay sa malayo. Nagtitipon roon ang mga tangke, artillery, at maraming sundalong armado ng malalaking baril. Nang makita ito ni James, kumunot ang noo niya. Samantala, nakilala ng militar si James mula sa drones. Kung kaya't hindi sila nagtangkang magpadalos-dalos, sa halip ay naghintay sila ng utos mula sa higher-ups. Naglakad si James papunta sa militar at huminto isandaang metro mula sa kanila. Pagkatapos, pinagana niya ang True Energy niya at sumigaw siya, "Gusto kong makita ang taong may hawak sa inyo!" Gayunpaman, walang sumagot. Pinapasabog pa rin ng combat aircraft ang lugar. Hindi na makatakas ang mga martial artist na malubhang nasugatan. "Bw*sit!" narinig ang isang galit na sigaw. Pagkatapos, lumipad sa langit ang isang anyo. Habang hawak ang Frost Sword, humiwa siya. Tumusok sa isang combat aircraft ang Sword Energy na kaagad na nasira at bumagsak sa lapag. Iyon ay si Si
"Anong ginagawa mo, James?" Dumilim ang mukha ni Gloom. Gayunpaman, kahit gaano pa siya manlaban, hindi siya makawala. Lalo na't pinatamaan ang acupuncture points niya. "Atras," utos ni James. Nagkatinginan ang mga sundalo na para bang di nila alam ang gagawin. Alam nilang si James ang Dragon King at ang commander-in-chief ng Black Dragon Army ng Southern Plains at ng Red Flame Army ng Capital. "Anong army group ito?" Malamig na tanong ni James habang tinignan niya ang hile-hilerang mga sundalo sa formation. Isang sundalo ang humakbang paharap at maingat na nagsabing, "S-Sir, parte kami ng special forces at hindi kami kanilang sa kahit na anong army group. Direkta kaming tumutugon sa Hari." "Uulitin ko ang sinabi ko. Umatras na kayo ngayon din," utos ni James. "Kami…" "Gusto niyo bang mamatay? Kilala ba kung sino ang nilalabanan niyo? Masaya lang kayong pasabugan sila dahil sugatan sila. Kapag inipit niyo sila sa isang sulok, kaya bilang pabagsakin ang combat ai