Balot na balot si Thea ng dugo ng Spirit Turtle. Kumukulo ang dugo at nakaramdam siya nang matinding sakit sa buo niyang katawan. Kasabay nito, nalusaw ng dugo ang damit niya at pumasok ito sa katawan niya mula sa balat niya. Nakaramdam siya ng kapangyarihang bumubugso sa katawan niya at dumaloy papunta sa utak niya. Pagkatapos, nawalan siya ng malay. Pagkatapos ng ilang oras, nagkaroon siya ng malay. “Argh…” Sa sandaling nagising siya, napakasakit ng ulo niya. Hindi niya napigilang mapaungol sa sakit. Boom! Sa sandaling iyon, yumanig sa kabundukan ang tunog ng pagsabog at lumindol ang lupa. Kaagad siyang tumayo sa gulat. Pagkatapos, mas marami pang pagsabog ang dumating. Boom! Boom! Boom! Nataranta si Thea. Samantala, kasama ni James si Jackson. Napatay na ang Spirit Turtle at ang core nito ay nagkapirapiraso. Maraming martial artists ang naglalaban para sa core. Binabalak nilang dalawa na pumunta sa labanan para tignan ang sitwasyon nang nangyari ang
Sa isang iglap, lumitaw siya sa harapan ni Thea. Pagkatapos, nang ikinaway niya ang braso niya, isang malakas na enerhiya ang nagpunta sa palad niya na humila kay Thea papunta sa kanya. Hinawakan niya si Thea at nagtanong, "Bakit nandito ka pa, Thea? Akala ko umalis ka na kagabi." “Sir Caden…” Nang nakita ni Thea si Thomas, naluha siya. Nang nakita ni Thomas ang dugo sa buong katawan niya, kumunot ang noo ni Thomas at nagtanong, "May sugat ka ba?" Pagkatapos, hinila niya ang braso ni Thea at pinulsuhan siya. Dumilim ang mukha ni Thomas. "Anong klaseng lakas ito…" Sa sandaling iyon, isang missile ang lumipad papunta sa kanila. "Tara na." Bilang isang eighth-rank martial artist, nararamdaman ni Thomas ang panganib. Hinila niya si Thea sa braso at mabilis silang tumakas. Pagkatapos, umulan ang mga missile sa rehiyon kung nasaan sila kanina. Boom! Kaagad na napatag ang buong rehiyon at kumalat sa ere ang alikabok at bato. Daan-daang combat aircraft ang umiko
Nakatakas sina James at Jackson sa Mount Thunder Sect. May militar na nakabantay sa malayo. Nagtitipon roon ang mga tangke, artillery, at maraming sundalong armado ng malalaking baril. Nang makita ito ni James, kumunot ang noo niya. Samantala, nakilala ng militar si James mula sa drones. Kung kaya't hindi sila nagtangkang magpadalos-dalos, sa halip ay naghintay sila ng utos mula sa higher-ups. Naglakad si James papunta sa militar at huminto isandaang metro mula sa kanila. Pagkatapos, pinagana niya ang True Energy niya at sumigaw siya, "Gusto kong makita ang taong may hawak sa inyo!" Gayunpaman, walang sumagot. Pinapasabog pa rin ng combat aircraft ang lugar. Hindi na makatakas ang mga martial artist na malubhang nasugatan. "Bw*sit!" narinig ang isang galit na sigaw. Pagkatapos, lumipad sa langit ang isang anyo. Habang hawak ang Frost Sword, humiwa siya. Tumusok sa isang combat aircraft ang Sword Energy na kaagad na nasira at bumagsak sa lapag. Iyon ay si Si
"Anong ginagawa mo, James?" Dumilim ang mukha ni Gloom. Gayunpaman, kahit gaano pa siya manlaban, hindi siya makawala. Lalo na't pinatamaan ang acupuncture points niya. "Atras," utos ni James. Nagkatinginan ang mga sundalo na para bang di nila alam ang gagawin. Alam nilang si James ang Dragon King at ang commander-in-chief ng Black Dragon Army ng Southern Plains at ng Red Flame Army ng Capital. "Anong army group ito?" Malamig na tanong ni James habang tinignan niya ang hile-hilerang mga sundalo sa formation. Isang sundalo ang humakbang paharap at maingat na nagsabing, "S-Sir, parte kami ng special forces at hindi kami kanilang sa kahit na anong army group. Direkta kaming tumutugon sa Hari." "Uulitin ko ang sinabi ko. Umatras na kayo ngayon din," utos ni James. "Kami…" "Gusto niyo bang mamatay? Kilala ba kung sino ang nilalabanan niyo? Masaya lang kayong pasabugan sila dahil sugatan sila. Kapag inipit niyo sila sa isang sulok, kaya bilang pabagsakin ang combat ai
Hindi nagmamataas si James. Nakarating na siya sa seventh rank. Hindi lang iyon, ang martial technique na sinasanay niya ay ang Invincible Body Siddhi. Gamit ng martial technique na ito, malakas ang depensa niya. Kampante siya na hindi siya matatalo laban sa eighth rank. Maliban roon, na-master na niya ang Thirteen Heavenly Swords kaya may kakayahan siya. Tahimik ang Hari. Matagal na niyang hinihintay ang araw na ito. Ngayon, kaya na niya silang atakihin nang sabay-sabay. Hindi niya gustong pakawalan ang pagkakataong ito. "James, ikaw ang Dragon King ng Southern Plains at general ng dalawang army. Naiintindihan mo ba ang naaabot ng pangingialam ng mga ancient martial artist na'to pagdating sa usapin ng bansa natin? Wala silang pakialam sa batas. Kailangan nilang mamatay at maglaho. Isa tong pagkakataon. Wala nang susunod kapag hindi natin to tinuloy." "Alam ko yun, pero alam mo ba kung gaano karaming malalakas na tao ang naroon? Iniisip mo ba talaga na mapapatay mo sila?"
"Sige. Maghahanda ako kaagad." Sa sandaling natanggap ni Henry ang utos, umalis siya para gawin ang kakailanganing paghahanda. Sinabihan niya ang Red Flame Army at ang Black Dragon Army. Tinawagan niya rin ang Blithe King at sinabihan siya na magpadala ng hukbo bilang suporta. Sa tatlong pinakamalaking military regions, nagsimulang lumipad ang mga helicopter. Sa labas ng Mount Thunder Sect… "Pumunta tayo roon at tignan natin kung gaano karaming eighth-rank powerhouses ang nakaligtas, Mr. Cabrall. Pwedeng mabuhay ang iba, pero kailangang mamatay ng mga miyembro ng Gu Sect," sabi ni James. Ang layunin ni James ay burahin ang Gu Sect. Isa itong magandang pagkakataon at hindi niya ito gustong palampasin. "Sige." Tumango si Jackson. Pareho silang tumalon sa ere at lumipad papunta sa Mount Thunder Sect. Hindi nagtagal, lumitaw sila sa langit sa ibabaw ng ilang gumuhong lugar. Nakatayo sila sa ere ilang metro mula sa lupa habang sinusuyod ng tingin ang lugar. Lumalabas ang
”Hindi pa ba?” Sagot ni Harvey. “Marami ka ng itinayong mga research laboratories para sa cultivation ng Decimation of Immortality. Nagturok ka ng mga virus sa maraming tao, at ginawa silang mga halimaw na mukhang hindi tao o multo. Hindi ka ba dapat patayin?”“Ako nga ba?” Tanong ni Callan. “Kailan ko ginawa ang ganung research laboratory? At ano naman ang tungkol sa isang virus? Ano naman ang kinalaman ng mga ito sa aking Decimation of Immortality cultivation?”“Ano? Sa puntong ito, may gana ka pang makipagtalo at ibaling ang sisi sa iba?”Nang marinig ito, tumigil sa pagsasalita si Callan. Alam niya na wala nang saysay na makipagtalo pa. “Ihahatid na kita sa huli mong hantungan.”Binunot ni James ang Blade of Justice at tinutok ito kay Callan. Ipinikit ni Callan ang kanyang mga mata. At nung aatake na si James, naglabas siya ng isang globo, na may tumutulong dugo, mula sa kanyang likuran. Kasing laki ito ng kanyang kamao. Inihandog niya ito kay James at sinabi, “Ito ang
”Bakit mo ko pinaniwalaan?”“Ang core ay isang magandang bagay. Gusto kitang patayin, ngunit binigay mo ito sa akin dahil mamamatay ka na. Masasabi ko dito pa lang na hindi ka isang masamang tao.”Pinagkatiwalaan ni James ang kanyang kutob. Naniniwala siya na hindi naman talaga isang masamang tao si Callan. Kahit na siya ang Supreme Leader ng Gu Sect, wala naman ginawang masama si Callan sa bansa sa loob ng mga nagdaang mga dekada ng kanyang pamumuno sa Gu Sect.Bukod dito, gustong patayin ni Lucjan si Callan dahil wala na itong kagustuhan na lumaban para sa kapangyarihan. Ang tanging kagustuhan na lang nito ay ang mag-cultivate at magnilay-nilay ng mag-isa.Sumandal si Callan sa bato at tiningnan si James ng may ekspresyon ng pasasalamat.“Ikaw nga talaga ang Dragon King, ang Commander ng dalawang hukbo. Ang kalawakan ng iyong pag-iisip ay walang kapantay. Utang ko sayo ang aking buhay. Kung may kailangan ka sa hinaharap, sabihin mo lang sa akin at malugod kitang tutulungan.”Tu