Hindi nagmamataas si James. Nakarating na siya sa seventh rank. Hindi lang iyon, ang martial technique na sinasanay niya ay ang Invincible Body Siddhi. Gamit ng martial technique na ito, malakas ang depensa niya. Kampante siya na hindi siya matatalo laban sa eighth rank. Maliban roon, na-master na niya ang Thirteen Heavenly Swords kaya may kakayahan siya. Tahimik ang Hari. Matagal na niyang hinihintay ang araw na ito. Ngayon, kaya na niya silang atakihin nang sabay-sabay. Hindi niya gustong pakawalan ang pagkakataong ito. "James, ikaw ang Dragon King ng Southern Plains at general ng dalawang army. Naiintindihan mo ba ang naaabot ng pangingialam ng mga ancient martial artist na'to pagdating sa usapin ng bansa natin? Wala silang pakialam sa batas. Kailangan nilang mamatay at maglaho. Isa tong pagkakataon. Wala nang susunod kapag hindi natin to tinuloy." "Alam ko yun, pero alam mo ba kung gaano karaming malalakas na tao ang naroon? Iniisip mo ba talaga na mapapatay mo sila?"
"Sige. Maghahanda ako kaagad." Sa sandaling natanggap ni Henry ang utos, umalis siya para gawin ang kakailanganing paghahanda. Sinabihan niya ang Red Flame Army at ang Black Dragon Army. Tinawagan niya rin ang Blithe King at sinabihan siya na magpadala ng hukbo bilang suporta. Sa tatlong pinakamalaking military regions, nagsimulang lumipad ang mga helicopter. Sa labas ng Mount Thunder Sect… "Pumunta tayo roon at tignan natin kung gaano karaming eighth-rank powerhouses ang nakaligtas, Mr. Cabrall. Pwedeng mabuhay ang iba, pero kailangang mamatay ng mga miyembro ng Gu Sect," sabi ni James. Ang layunin ni James ay burahin ang Gu Sect. Isa itong magandang pagkakataon at hindi niya ito gustong palampasin. "Sige." Tumango si Jackson. Pareho silang tumalon sa ere at lumipad papunta sa Mount Thunder Sect. Hindi nagtagal, lumitaw sila sa langit sa ibabaw ng ilang gumuhong lugar. Nakatayo sila sa ere ilang metro mula sa lupa habang sinusuyod ng tingin ang lugar. Lumalabas ang
”Hindi pa ba?” Sagot ni Harvey. “Marami ka ng itinayong mga research laboratories para sa cultivation ng Decimation of Immortality. Nagturok ka ng mga virus sa maraming tao, at ginawa silang mga halimaw na mukhang hindi tao o multo. Hindi ka ba dapat patayin?”“Ako nga ba?” Tanong ni Callan. “Kailan ko ginawa ang ganung research laboratory? At ano naman ang tungkol sa isang virus? Ano naman ang kinalaman ng mga ito sa aking Decimation of Immortality cultivation?”“Ano? Sa puntong ito, may gana ka pang makipagtalo at ibaling ang sisi sa iba?”Nang marinig ito, tumigil sa pagsasalita si Callan. Alam niya na wala nang saysay na makipagtalo pa. “Ihahatid na kita sa huli mong hantungan.”Binunot ni James ang Blade of Justice at tinutok ito kay Callan. Ipinikit ni Callan ang kanyang mga mata. At nung aatake na si James, naglabas siya ng isang globo, na may tumutulong dugo, mula sa kanyang likuran. Kasing laki ito ng kanyang kamao. Inihandog niya ito kay James at sinabi, “Ito ang
”Bakit mo ko pinaniwalaan?”“Ang core ay isang magandang bagay. Gusto kitang patayin, ngunit binigay mo ito sa akin dahil mamamatay ka na. Masasabi ko dito pa lang na hindi ka isang masamang tao.”Pinagkatiwalaan ni James ang kanyang kutob. Naniniwala siya na hindi naman talaga isang masamang tao si Callan. Kahit na siya ang Supreme Leader ng Gu Sect, wala naman ginawang masama si Callan sa bansa sa loob ng mga nagdaang mga dekada ng kanyang pamumuno sa Gu Sect.Bukod dito, gustong patayin ni Lucjan si Callan dahil wala na itong kagustuhan na lumaban para sa kapangyarihan. Ang tanging kagustuhan na lang nito ay ang mag-cultivate at magnilay-nilay ng mag-isa.Sumandal si Callan sa bato at tiningnan si James ng may ekspresyon ng pasasalamat.“Ikaw nga talaga ang Dragon King, ang Commander ng dalawang hukbo. Ang kalawakan ng iyong pag-iisip ay walang kapantay. Utang ko sayo ang aking buhay. Kung may kailangan ka sa hinaharap, sabihin mo lang sa akin at malugod kitang tutulungan.”Tu
”Sir Caden, ano to?”Sinusuri ni Thomas ang kanyang paligid ng may intensyon na hanapin ang daan paalis nung narinig niya ang boses ni Thea. Lumingon siya at tinanong, “Ano?”Tinuro ni Thea ang itim na espada na nasa lapag.Ang lugar na ito ay nasa ilalim ng lupa. Ang lugar ay napapalibutan ng kadiliman at walang ilaw.Subalit, si Thea at nasa third rank. Ang kanyang paningin ay maganda. Kaya niyang makakita kahit na ang lahat ng nasa paligid nila ay napakadilim.Ang kadiliman ay lalong hindi problema ni Thomas. “Ito…”Paliwanag ni Thomas, “Yan ang Malevolent. Iyan ang espada ng isang super elite na naglingkod sa ilalim ng Prince of Orchid Mountain. Ang Prince of Orchid Mountain at nagsama ng maraming elites dito isang libong taon na ang nakakaraan para patayin ang Spirit Turtle, ngunit nabigo sila. Ang may-ari ng Malevolent ay sinaksak ang Spirit Turtle at nabahiran ng dugo nito. At ang naging resulta, bumaliktad ang kanyang enerhiya at nawala siya sa sarili. Ang Prince of Orc
Nang marinig niya ito, huminto si Thomas at sinabi, “Oo, ang lihim ng Four Ancient Paintings ay para i-dokumento ang lihim ng Spirit Turtle. Ang kung kaya nitong bigyan ng walang hanggang buhay ang isang tao, hindi ko rin alam. Iyon ang impormasyon na iniwan ng Prince of Orchid Mountain. Isang bagay lang ang malinaw: ang Core ng Spirit Turtle ay kayang palakasin ng husto ang kapangyarihan ng isang tao.”“Kung ganun, Sir Caden, ninakaw mo ang mga painting mula sa tatlo pang mga pamilya. Ikaw din ang nag-udyok na mag-away ang apat na pamilya. Kanina, sinabi ni Yaroslav na nakipagsabwatan ka sa Gu Sect Supreme Leader, na si Callan. Totoo ba ang lahat ng mga ito? Anong klaseng tao ka ba talaga?”Tinanong ni Thea ang mga katanungan na nasa kanyang isipan. Hindi lang sa kanya ang katanungan na ito; ito rin ang katanungan ni James. Nagkataon lang na laging wala soi Thomas, kaya walang pagkakataon si James na itanong ang bagay na ito.Nagtataka si Thea kung anong klase bang tao talaga si
Nang malapit nang mamatay ang Malevolent King, malinaw ang kanyang pag-iisip.Ayaw niyang maglaho ang evil sword technique na ilang dekada niyang nilinang. Kaya, bago siya namatay, inukit niya ito sa may pader at iniwan ang huli niyang mga salita.“Ang mga taong walang sapat na kakayahan ay hindi ito dapat sanayin.”Hindi mapigilan ni Thomas na mapa-buntong hininga ng mabasa niya ito. Siya ay nasa eighth rank.Gamit ang kanyang lakas, maituturing pa din siya na isa sa mga top elites isang liong taon na ang nakakaraan, ngunit hindi niya kayang sanayin ang cultivation method na ito at ang evil sword technique na nakasaad sa batong pader..“Isa lang siya sa mga minalas, nakulong dito ng isang siglo. Higit pa doon, nag-aagaw ang kanyang katinuan sa buong panahon na iyon.”Sinilip ni Thea ang mga nakasulat at larawan sa may batong pader ng lutang. Kahit na hindi kaya ni Thomas na sanayin ito, tiyak na hindi niya rin ito kakayanin. “Sir Caden, humanap tayo ng daan palabas dito sa lal
Nanatili lang na nakatayo si Thomas, tinaas ang kanyang kanang kamay, at may lumabas na malakas na enerhiya sa kanyang palad. Ang enerhiya ay umikot at hinarangan ang malakas na Sword Energy na papunta sa kanya. Sa isang kisapmata, bigla siyang lumitaw sa likuran ni Thea at tinapik ang ilan sa major meridians sa likuran nito. Ang kasing pula ng dugo na liwanag sa mga mata ni thea ay kaagad na naglaho. Bumulagta siya sa lupa at nawalan ng malay. Tumayo si Thomas sa tabi at tiningnan si Thea, na nakahandusay at walang malay sa lupa. Meron siyang malungkot na ekspresyon sa kanyang matandang mukha.Ang dugo ng Spirit Turtle ay Beast Blood. Kahit ang isang elite kagaya ng Malevolent King ay hindi kayang labanan ang Devilish Energy na meron ang dugo nito. Hindi maikakaila na masama na si Thea ay nabahiran ng Beast Blood.Isang malakas na True Energy ang namuo sa kanyang palad ng itinaas niya ang kanyang kamay. Sto niya sanang patayin si Thea habang wala pa itong malay ng sa gayon ay