Ang kumilos laban sa mga Tuckson ay magkakaroon ng mas malaking problema kaysa sa pagpatay kay Mr. Gabriel.Ang nakapilang mga convoy ay hindi mapigilan na kumuha ng atensyon mula sa mga tao sa paligid. “Saan papunta ang lahat ng convoy na ito?”“Ano ang binabalak ng bagong Emperor?”“Mukhang papunta sila sa direksyon ng Hop Villa District. Ang mga nakatira lang doon ay impluwensyal at makapangyarihang mga tao.” “Panoorin na lang natin.”Nagkagulo ang mga madla.Hindi nagtagal, dumating ang mga convoy sa Hope Villa District. May mga armadong sundalo na bumaba dito at pumunta sa pormasyon.Bumaba si James sa convoy at sumunod si Henry sa likod niya.Kasabay nito, sa mga Tuckson…“Ano?”Pagkatapos makatanggap ng phone call, nagalit si Halvor. Hinawakan niya ang buhok ni Delilah at sinampal niya ito sa mukha. “Ang lakas ng loob mong magsinungaling sa akin, p*ta ka! Papatayin kita!”Namamaga ang mukha ni Delilah, tumulo ang dugo sa kanyang mga labi.Naglabas ng baril si Hal
Nang marinig na makikipag laban sila sa Red Flame Army, nataranta ang mga Tuckson.“Ano pa ba ang magagawa ko?”Dumilim ang ekspresyon ni Halvor.Ang army ni James ay nasa labas na ng district. Matatapos na ang mga Tuckson kung hindi siya kikilos ng desidido.“Dapat tayong kumalma, tatay. Pambihira si James kumpara sa ibang mga heneral. Siya ang commander-in-chief ng Black Dragon Army at siya ang Dragon King. Umakyat siya ng ranggo sa pagpatay sa kanyang mga kaaway. Bakit siya matatakot sa mga mercenary?”“Tama.”Sinubukan ng mga Tuckson na kumbinsihin si Halvor.Kumalma si Halvor. Agad niyang nilabas ang phone niya at tinawag niya ang Secretary-General. “Secretary-General, bakit nandito si James sa labas ng bahay ko ngayon? Humingi ka ng permiso para kausapin ang King at sabihin mo sa kanya na paatrasin si James.”May namamaos na boses na tumunog mula sa phone at sinabi niya, “Halvor, hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sitwasyon? Bakit binigay ng King kay James na posisyon b
Kaagad siyang tumawag sa isang numero. "Marion Wagner, napapalibutan ng Red Flame Army ang Tucksons' residence. Magdala ka kaagad ng ilang libong tao rito at pilitin mo si James na sumuko. Kapag ligtas na akong nakatakas, ibibigay ko sa'yo ang isang katlo ng assets ng mga Tuckson." Narinig ang isang boses, "Mr. Halvor, paano mo naisip na tutulungan ko ang mga Tuckson? Kapag namatay ka, kukumpiskahin ang lahat ng assets ng mga Tuckson." Nagmadaling nagsabi si Halvor, "May ilan akong bank accounts sa ibang bansa na may ilang bilyon sa bawat isa nito. Tulungan mo ko at ibibigay ko sa'yo ang isang katlo nun." "Gusto ko yan. Pero mas mahal ko ang buhay ko." "Tama na ang kalokohan mo! Akala ko ba gagawin ng mga mersenaryong kagaya niyo ang kahit na ano para sa pera kahit na kapalit ng buhay niyo?! Hindi mo kailangang pumunta roon nang personal. Ipadala mo lang ang mga tao mo rito. Imposibleng hahayaan ni James ang sitwasyon na lumaki sa Capital. Kakayanin niya ba ang kahihinatna
Ang isang asong nakulong sa sulok ay tiyak na mang-aatake. Nag-aalala si James na baka may gawin si Halvor. Dahil kasalukuyan siyang nasa Capital at hindi niya kayang hawakan ang nangyayari sa Cansington, tinawagan niya si Thea at inutusan siya na sabihan ang God-King Palace na pataasin ang seguridad nila sa pagpoprotekta sa mga Callahan, kay Quincy, at sa iba pang nasa Messiah Corporation. "Ang lakas ng loob mong arestuhin ako, James! Kilala mo ba kung sino ako? Alam mo ba kung anong kaya kong gawin?" Kahit na dinakip si Halvor, nagpatuloy siyang sumigaw. Gayunpaman, hindi siya pinansin ni James. Tumingin siya kay Delilah na duguan at humingi ng tawad, "Pasensya ka na at nahuli ako." "A-Ayos lang…" Habang hinahaplos ang duguan niyang noo, nagsalita si Delilah, "Salamat at dumating ka sa oras. Kundi, baka kami ng nanay ko…" Bahagyang kumaway si James. "Ito lang ang magagawa ko. Mag-uutos ako na ipadala muna kayo sa ospital. Kapag tapos na akong ayusin ito, bibisitahin kita
Namutla ang mukha ni Nathaniel nang narinig niya ito at nagtanong, "Bakit? May nangyari ba?" Nag-utos si James, "Pinalibutan ng tatlong libong mersenaryo ang Hope Villa District. Gusto kong pakilusin mo ang buong armed forces at suportahan ako. Ayaw kong manakit ng inosenteng tao, at ayaw ko ring hayaang makatakas ang kahit isang kalaban." "Diyos ko…" Nang marinig ito, nabigla si Nathaniel at kaagad siyang nagbigay ng utos. Narinig ang mga sirena sa buong headquarters ng Red Flame Army. Mabilis na nagtipon-tipon ang Red Flame Army at handa na silang kumilos. Pinakilos na ang mga convoy, armored car, at helicopter. Kasabay nito, sa Hope Villa District… Inagaw ng mga mersenaryo ang kontrol sa security room at pinatay ang lahat ng security guards. Isang lalaking puno ng peklat ang mukha ang nagsasalita gamit ang loudspeaker, "Makinig ka, James. Pakawalan mo si Halvor Tuckson ngayon din at maghanda ka ng helicopter para sa'kin, kundi ay papatagin ko ang Hope Villa District.
Sa labas ng Hope Villa District… Pinalibutan ng tatlong libong armadong mersenaryo ang buong district. Pinatay ang lahat ng security guards maliban sa tatlo. Nakaluhod sila sa lapag nang may mga baril na nakatutok sa ulo nila. Hindi malayo sa kanila, isang pila ng convoys ang huminto. Libo-libong armadong sundalo ang alertong-alerto. Nakatayo ang isang lalaking naka-itim na jacket na puno ng peklat ang mukha malapit sa security room. Sa likod nila ay isandosenang kalalakihan na nakatutok ng RPG sa mga convoy. Lumapit si James. Kaagad na inabot ng isang sundalo ang bulletproof vest niya sa kanya. Gayunpaman, bahagyang kumaway si James at magalang na tumanggi. Lumapit siya kay Nott. "Tigil." Sumigaw si Nott habang may hawak na loudspeaker, "Kapag humakbang ka pa, magpapaputok kami." Huminto si James. Ilang sundalong may shield ang lumapit kay James para abutan siya ng loudspeaker. Bahagyang kumaway si James. "Hindi ko kailangan to." Habang nakatingin si
Seryosong nagsabi si James, "Wala anong magagawa. Sa loob ng maikling oras, tinawagan ako ng maraming makapangyarihang tao para balaan ako laban sa pagpapalala ng sitwasyon at tanggapin ang hiling ng kalaban. Tulungan mo kong mag-isip, Maxine." Pinagtutuunan ng pansin ni Maxine ang insidenteng ito sa sandaling tinawagan ni James si Thea. Pagkatapos, dumating ang balita mula sa mga Caden. Pagkatapos itong marinig, nag-iisip siya ng paraan para tapusin ang tatlong libong mersenaryo nang kakaunti lang ang masasawi. Ngayon, may ideya na siya kung anong gagawin. "James, base sa pagkakaintindi ko, alam ng mga mersenaryo na'to na lalabanan nila ang Red Flame Army sa Capital. Ibig sabihin nito ay wala silang balak na makauwi nang buhay." "Malaking problema ito." "Tiyak na ibinubuwis nila ang buhay nila para sa pera. Bago magsimula ang labanan, subukan mong tanggalan ng motibasyon ang mga mersenaryo. Pangakuan mo sila na bibigyan mo sila ng pabuya basta't susuko sila. Kapag nan
Habang dala si Halvor, tumayo ulit si James dalawampung metro mula kay Nott. Tinignan niya si Nott at ang ilan sa mga armadong mersenaryo sa harapan niya, pagkatapos ay nagsabi nang may malakas na boses, "Dinala ko na ang taong hinahanap mo, pero matatagalang dumating ang helicopter. At saka kailangan pa nitong magpa-gas at mas matatagalan pa ito dahil dun." Habang sinabi niya iyon, tinanggal niya ang posas ni Halvor at bahagya siyang tinulak. Nang nakahinga nang maluwag si Halvor, tumakbo siya. Napatid siya nang ilang beses bago siya nakarating sa tabi ni Nott. "Nasaan si Marion?" tanong ni Halvor. "Umalis na ba siya ng Capital?" Tinignan siya ni Nott pero hindi siya nagsalita. Tinignan niya ang oras. Siyam na minuto na ang lumipas. "Isang minuto na lang ang natitira, James. Magkakamatayan tayo kapag di ko nakita ang helicopter sa loob ng isang minuto." Narinig ang boses ni Nott. "Dalhin niyo rito," utos ni James. Hindi nagtagal, isang helicopter ang dumating mula sa