Matatalo siya kung ang laban ay nagpatuloy.Gayunpaman, nawala ang lahat ng fighting spirit ni Donovan. Nang makita niya na pasugod sa kanya si James, namutla ang mukha niya, at napaatras siya, ‘Iligtas niyo ako, Grand Patriarch!”Tumunog ang sigaw ni Donovan sa buong Mount Littleroot habang humingi siya ng tulong.Nang makita ito ni James, bumilis ang tibok ng puso ni James.Alam niya na humihingi ng tulong si Donovan, kaya kailangan niya itong patayin sa madaling panahon. Mabuti na lang at nagpapanggap siya na ibang tao, kung hindi ay matatanggap niya ang galit ng mga Blithe ng paulit ulit kapag natapos na ito. Kahit na patayin niya si Donovan, hindi malalaman ng mga Blithe kung sino ang may sala.Habang iniisip ang mga ito, mabilis siyang sumugod kay Donovan. Tinaas niya ang kamay niya, naipon ang malakas na True Energy sa kanyang palad.“Ang lakas ng loob mo para kumilos ng mayabang sa Mount Littleroot… Ano ba sa tingin mo ang mga Blithe?”Nang tatama na ang kamao ni James k
Creak… Bumukas ang pinto.May payat na matandang lalaki na lumabas. Ang mukha niya ay matanda at puro wrinkles, at tila wala siyang lakas na para bang epekto ito ng pagiging matanda niya.Ang lalaki ay lumapit kay Thomas at umupo.“Thomas…”Ang mga mata niyang walang kaluluwa ay lumiwanag.Habang pinapanood ang matanda, ngumiti si Thomas. “Winston, sino ang mag aakala na kaya mong magkaroon ng breakthrough sa eighth rank bago ang kamatayan mo. Congratulations, mabubuhay ka pa ng ilang dekada.”Nagbuntong hininga si Winston. “Sa wakas… Matagal na akong nasa meditation. Pero, hindi pa ako isang eighth rank martial artist. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng proseso. Pero, kaya ko pang mabuhay ng dalawampung taon. Samantala, ikaw…”Tumingin siya kay Thomas.“Ano ang plano mong gawin? Sa nakalipas na tatlumpung taon, binisita mo ang Mount Littleroot ng tatlong beses. Binasa mo ang lahat ng mga martial art manual ng mga Blithe sa library.”Sa nakalipas na tatlumpung taon, tatlong bes
Si Thea, na nagpapanggap bilang si Tobias, ay nagtanong, “Si James ba ang tumawag?”“Oo.”Tumango si Maxine at sinabi niya, “Sinabi ni James na bumalik agad tayo sa Cansington. Parating na rin siya. Nag aalala siguro siya na makita tayo ng mga Blithe, at mas magiging komplikado ang mga bagay kapag nangyari ito.”“Kung ganun, dapat na tayong umalis.” Tumango si Thea.“Sige.”Dumirecho sila sa airport.Samantala, dumirecho si James sa labas ng lungsod.Pagkatapos makahanap ng lugar na walang tao, tinanggal niya ang maskara sa kanyang mukha. Pagkatapos, tinanggal niya ang jacket niya at nagsuot siya ng vest bago siya bumalik sa lungsod. Bumili siya ng plane ticket patungo sa Cansington.Kasabay nito…Sa mansyon ng mga Caden sa Capital…Nakaupo si Tobias sa lotus position sa cultivation room sa courtyard.May boses na tumunog mula sa labas.“Patriarch, may balita mula sa Mount Littleroot ng Western Border.”“Magsalita ka.” Habang nakaupo sa lotus position, dumilat si Tobias.
Pumasok si Tobias. Tumingin siya sa matandang lalaki na nakaupo sa lotus position sa sahig at binati niya ito ng magalang, “Lolo.”Dumilat ang matandang lalaki. Tumango siya, tinanong niya, “May problema ba?” “Lolo, nakatanggap ako ng balita na ang pamilya Blithe ay may eighth rank martial artist na ngayon.” Habang kaharap si Bennett, ang pinakamataas na katayuan sa pamilya, nagsalita ng may magalang na tono si Tobias kahit na isa siyang patriarch. “Oh?” Naintriga si Bennett. “Eighth rank?”Nagpatuloy si Tobias, “Opo, mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ko ng impormasyon. Mas nagiging masama ang sitwasyon para sa atin. Inakusahan ako ng tatlong pamilya ng Ancient Four na ninakaw ko ang mga painting nila. Sa Mount Thunder conference, ang mga Johnston, Sullivan, at mga Lee ay siguradong haharapin ang mga Caden. Hindi lang ‘yun, may away tayo sa mga Blithe. Kung ang eighth rank martial artist ng mga Blithe ay nagpakita sa Mount Thunder…”Tumahimik si Tobias.Hindi na kailangan tapu
“Hindi talaga ako ‘yun, lolo. Bukod pa dito, kahit na ang sikreto ng painting ay nalutas na, hindi pa rin alam kung paano ko ito icultivate.”Tumango ng konti si Bennett. “Oo, tiningnan ko na rin ito. Totoo nga, imposible para mag cultivate. ‘Wag na nating pag isipan ang paglutas sa painting. Baka sinusubukan lang tayong lokohin ng Prince of Orchid Mountain. Marami ang iba't ibang mga martial arts sa pamilya Caden, ang bawat isa sa kanila, kapag namaster, ay napakalakas—lalo na ang Thirteen Heavenly Swords. Kapag namaster mo ang Thirteenth Sword, hindi ka na matatalo ng kahit sino.”“Naiintindihan ko po.” Tumango si Tobias.“Makakaalis ka na.”Kumaway si Bennett at bumalik siya sa bamboo house, sinara niya ang pinto.Nakatayo si Tobias sa tabi ng pinto, malalim ang kanyang iniisip.“Nagawa ba ni lolo na maabot ang eighth rank?” Ang bulong niya.Alam niya na naabot na ni Bennett ang seventh rank noong ilang dekada na ang nakalipas. Dahil matagal na siyang nagmemeditate sa loob ng
Umiling ng mahina si Maxine. “Hindi ko rin sigurado. ‘Yun ang opinyon ko pagkatapos ko mapanood ang laban niya kay Donovan. Siya lang ang may sagot.”Ngumiti si Thea. “Malalaman natin kapag bumalik na siya.”Nagtipon ang tatlo at pinag usapan nila ang mga pangyayari sa Western Border.Hindi nagtagal, bumalik na si Quincy.Kahit na may sariling tuluyan si Quincy, naiinip siya ng mag isa. Kaya naman, karaniwan siyang pumupunta sa lugar ni Cynthia pagkatapos ng trabaho. Tutal, ang villa niya ang malaki.Pagod na pagod si Quincy pagkatapos ng isang buong araw ng trabaho.“Nakabalik na kayo. Pero nasaan si James?” Lumapit si Quincy sa kanila. Pagkatapos, hinagis niya sa tabi ang kanyang handbag, umupo siya sa sofa.Tumango si Thea. “Ligtas ka na ngayon. Pabalik na rin siya.”“Mabuti naman.”Nakahinga na ng maluwag si Quincy. Pagkatapos, sinabi niya, “Sasabihin ko sa kanya na ilibre niya ako sa pagkain. Para sa kumpanya niya, buong araw at gabi akong nagtatrabaho. Wala man akong ora
Imposible. Hindi sila makapaniwala sa swerte ni James. Nagsalita si Maxine nang may naiinggit na ekspresyon sa mukha niya, "Ang swerte mo talaga, James. Pero nagawa mo lang kayanin ang potent True Energy dahil maaga mong binuksan ang meridians mo." Nagtanong si James, "Siya nga pala, bakit hindi nagpakita si Tobias? Anong nangyari?" Nanahimik si Maxine nang narinig niya ito. Pinabayaan siya sa kapalaran niya. Sa pagitan niya at ng ikabubuti ng mga Caden, pinili ni Tobias ang huli. "Walang magawa si Lolo." Bumuntong-hininga siya. "Bilang patriarch ng pamilya, hindi niya pwedeng ipahamak ang pamilya dahil lang sa iisang tao. Kung ako ang nasa posisyon niya, ganun rin ang gagawin ko." Kahit na inabandona siya ni Tobias, pinili niyang kampihan siya. Sa umpisa, nagpunta siya sa Western Border nang handang mamatay. Isa na ngang milagro ang katotohanang nakaligtas siya. "Kung ganun, anong susunod mong gagawin?" tanong ni James. Umiling si Maxine. Wala siyang ideya
Maikling pinakilala ni Maxine ang konsepto ng True Energy Materialization kay James. Ang True Energy Materialization ay ang proseso ng paglabas, pagkontrol, at paghugis ng True Energy sa kahit na anong anyo. "Subukan mo, James." Hindi alam ni Maxine kung anong ranggo ni James sa kasalukuyan at hindi rin ito alam ni James. Iyon ay dahil walang nagpaliwanag sa kanya kung anong pagkakaiba ng mga ranggo. Ang alam niya lang ay sa pamamagitan ng pagbukas ng meridians niya, nakarating siya sa fifth rank. Pinagana ni James ang True Energy. Dumaloy ang enerhiya sa meridians na nasa braso niya at naipon sa palad niya. Pagkatapos, umilaw ang isang puting ilaw mula rito, ngunit kaagad itong naglaho. "Ano?" Nagtaka si James. Nagpaliwanag si Maxine, "James, kasalukuyan kang nasa fifth rank. Isang hakbang ka na lang bago makarating sa sixth rank. Pero, base sa lakas ng True Energy mo, naniniwala ako na sandali na lang ito. Samantala, sa laban mo kay Donovan, nagawa mo lang siyang