Imposible. Hindi sila makapaniwala sa swerte ni James. Nagsalita si Maxine nang may naiinggit na ekspresyon sa mukha niya, "Ang swerte mo talaga, James. Pero nagawa mo lang kayanin ang potent True Energy dahil maaga mong binuksan ang meridians mo." Nagtanong si James, "Siya nga pala, bakit hindi nagpakita si Tobias? Anong nangyari?" Nanahimik si Maxine nang narinig niya ito. Pinabayaan siya sa kapalaran niya. Sa pagitan niya at ng ikabubuti ng mga Caden, pinili ni Tobias ang huli. "Walang magawa si Lolo." Bumuntong-hininga siya. "Bilang patriarch ng pamilya, hindi niya pwedeng ipahamak ang pamilya dahil lang sa iisang tao. Kung ako ang nasa posisyon niya, ganun rin ang gagawin ko." Kahit na inabandona siya ni Tobias, pinili niyang kampihan siya. Sa umpisa, nagpunta siya sa Western Border nang handang mamatay. Isa na ngang milagro ang katotohanang nakaligtas siya. "Kung ganun, anong susunod mong gagawin?" tanong ni James. Umiling si Maxine. Wala siyang ideya
Maikling pinakilala ni Maxine ang konsepto ng True Energy Materialization kay James. Ang True Energy Materialization ay ang proseso ng paglabas, pagkontrol, at paghugis ng True Energy sa kahit na anong anyo. "Subukan mo, James." Hindi alam ni Maxine kung anong ranggo ni James sa kasalukuyan at hindi rin ito alam ni James. Iyon ay dahil walang nagpaliwanag sa kanya kung anong pagkakaiba ng mga ranggo. Ang alam niya lang ay sa pamamagitan ng pagbukas ng meridians niya, nakarating siya sa fifth rank. Pinagana ni James ang True Energy. Dumaloy ang enerhiya sa meridians na nasa braso niya at naipon sa palad niya. Pagkatapos, umilaw ang isang puting ilaw mula rito, ngunit kaagad itong naglaho. "Ano?" Nagtaka si James. Nagpaliwanag si Maxine, "James, kasalukuyan kang nasa fifth rank. Isang hakbang ka na lang bago makarating sa sixth rank. Pero, base sa lakas ng True Energy mo, naniniwala ako na sandali na lang ito. Samantala, sa laban mo kay Donovan, nagawa mo lang siyang
Nagtanong si James, "Ayos ka lang ba? Tignan ko ba ang pulso mo?" Kumaway si Maxine at nagsabing, "Hindi na kailangan, ayos lang ako. Kailangan ko lang ng ilang araw para magpahinga." Tumingin siya kay James at nagsalita nang may marahang tono, "James, balak kong bumalik sa Capital." "Sa Capital?" kumunot ang noo ni James. "Sinukuan ka na ni Tobias. Maswerte ka at nakaligtas ka. Kung hindi ko natanggap ang pamana ng Grand Patriarch ng mga Blithe, namatay ka na sa Mount Littleroot. At ikaw…" Lumingon siya kay Thea at pinagalitan siya, "Bakit nagpadalos-dalos ka? Ang patriarch ng mga Blithe as ng pinag-uusapan natin! Isa siyang sixth-rank martial artist. Madali ka niyang mapapatay." "N-Nag-alala ako sa'yo. Kasalanan mo rin to dahil hindi mo sinabing nakatakas ka. Sobra akong nag-alala, alam mo ba yun?!" "Gusto kong makita kung ililigtas ako ni Tobias. Gusto ko ring makita kung anong binabalak ng mga Blithe." "Kayong dalawa, tumigil kayo." Pinutol ni Maxine ang usapan ni
"Kasalanan ko to." Nagmadaling nagsabi si Thea, "Kung hindi kita minaltrato sa umpisa pa lang, hindi sana kukunin ni Quincy ang pagkakataon at hindi ka niya susundan sa Southern Plains para alagaan ka noong may sakit ka. Hindi sana siya makakapasok sa puso mo. Kasalanan ko to. Pumalpak ako bilang asawa." Sinisi ni Thea ang sarili niya. Hindi niya makita ang pagpapahalaga at pag-aalala ni James para sa kanya. Minsan, hindi malalaman ng kung sino ang kung anong mayroon siya hangga't hindi ito nawawala. "Darling, hindi kita sinusubukang sisihin. Sa panahong iyon, inalagaan ka niya nang hindi nanghihingi ng kapalit. Kung ako yun, mahuhulog din ako para sa kanya. Gayunpaman, tinanggihan mo siya dahil ako pa rin ang laman ng puso mo. Kaya patuloy kitang tinulungan sa pag-asang babalik ka sa'kin." Nagiging emosyonal na si Thea. Mahinang nagsalita si James, "Sa ibang araw na natin pag-usapan to. Lumalalim na ang gabi at dapat matulog na tayo. Bukas ng umaga, babalik ako sa Cap
Bumuhos ang mga luha ni Quincy. Gayunpaman, binaon niya ang sarili niya sa ilalim ng kumot para hindi siya marinig ng iba. Sa balkonahe sa kabilang kwarto… Nang may manipis na pares ng pantulog, nakatingin si Maxine sa madilim na langit habang nag-iisip. Kahit na may isa pang kwarto sa pagitan ng kanya at ng kay James, naririnig niya ang ingay mula sa kwarto niya. Lalo na't ang isang martial artist na kagaya niya ay may matalas na pandinig. Kalmado ang ekspresyon niya. Sa katotohanan, mayroon pa ngang kaunting bakas ng kaginhawaan rito. Habang nag-iisip nang malalim, nakatayo siya sa balkonahe at nakatitig sa langit. Tahimik na lumipas ang gabi. Maraming naganap sa gabing ito para sa marami. Sa kabilang banda, malalim ang tulog ni James. Sa oras na nagising siya, umaga na. Natutulog pa rin si Thea. Habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa tabi niya, lumitaw ang isang ngiti sa mukha ni James. Kahit na maingat niyang sinubukang tumayo, nagising pa rin niya si Thea
Sa Capital Airport… Isang lalaki at isang babae ang naglakad palabas. "James, dito na tayo maghiwalay. Babalik ako sa mansyon ng mga Caden sa pinakamabilis na paraan at sasabihin ko kay Lolo ang nangyari sa Mount Littleroot." Huminto si Maxine at tumingin kay James. Nagpatuloy siya pagkatapos ng isang sandali, "Wag kang mag-alala. Wala akong sasabihin tungkol sa lakas na meron ka ngayon." "Sige." Tumango si James, pinag-isipan ito, pagkatapos ay nagdagdag, "Pagkatapos ko sa mga gagawin ko, bibisita rin ako sa Mansyon ng mga Caden." Ang pagbisita ni James sa mansyon ng mga Caden ngayon ay para imbestigahan si Tobias. Interesado siya tungkol sa ugali niya at sa detalye ng insidente na nangyari tatlompung taong ang nakaraan. Kahit na nakarinig siya ng ilang kwento mula kay Thea, ang alam niya lang ay ang sinabi niya. Para malaman kung totoo ang mga ito, kailangan niyang kumpirmahin ito kay Tobias. "Bye." Kumaway si Maxine, tumalikod, at naglakad palayo. Simple siyang tumawag
Tinignan siya ni Tiara nang may mga luha sa mga mata niya at nagtanong, "Totoo… Totoo ba yun?" "Oo." Nang may kayabangan sa mukha niya, tumango ang lalaki at nagsabing, "Gamit ng kapangyarihan at impluwensiya ng Henderson family sa Capital, simple lang makakuha ng ilang eksperto mula sa ibang bansa. Wag kang mag-alala, magiging ayos lang ang lola mo. Maliit lang na operasyon to. Matatapos ito sa loob lang ng ilang minuto pagdating ng mga eksperto." "S-Salamat." Na para bang kumakapit sa kanyang huling pag-asa, patuloy na nagpasalamat si Tiara. "Maraming salamat, Mr. Henderson. Hindi namin alam ang gagawin kung wala ka. Hindi ka lang gumawa ng kakailanganing paghahanda sa Healthstone Hospital, ang pinakamagaling na ospital sa Capital, tumawag ka pa ng mga dayuhang eksperto." "Ang swerte talaga ni Tiara." "Pagkatapos niyang ikasal sa Henderson family, makakaranas siya ng matinding karangyaan at mataas na karangalan." "Talagang itinadhana sina Matthew at Tiara." Pinagkakag
””Anong tinitingnan mo?” Singhal ni Matthew. “Sino ka ba sa tingin mo para ligawan si Tiara kung ganyan ang itsura mo?”“James, ikaw…pakiusap huwag mo sanang masamain,” mahinhin na sinabi ni Tiara, habang nakayuko. Ang marriage arrangement ay gawa lang ng nanay niya.Noon, ang kanyang nanay ay sinubukan siyang pabalikin para ma-engage kay Matthew, pero lagi siyang nasa Cansington. Ngayon lang siya nakabalik ng malubha na ang sakit ng kanyang lola. Siya lang at ang kanyang ama ang nakakaalam kung ano ang nangyari sa Cansington. Ang iba pa sa Youngblood family ay walang kaalam-alam.Kumaway lang si James at sinabi, “Nandito lang ako para tingnan ang pasyente. Nasa loob siya ng ward, tama? Titingnan ko lang siya.”“Oo. Nasa loob siya.” May ngiti sa mukha ni Tiara. “Sasamahan na kita sa loob.”Ang katauhan ni James ay hindi alam ng iba, ngunit alam ito ni Tiara. Hindi lang siya isang magaling na ancient martial artist; isa din siyang magaling na doktor. Baka makaligtas pa ang lola